NAKATULALA si Maki sa nakasabit sa dingding ng kuwarto niya na designer gown na suot niya noong opening ng La Reina Resort and Spa isang buwan na ang nakakaraan. Isang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magtalo ni Benedikt. Nakabihis na siya at handa nang pumasok ng paaralan pero di pa rin siya kumikilos dahil abala siya sa pagtitig sa dress. Iyon na lagi ang naging ritwal niya bago umalis patungong paaralan o kaya ay bago matulog sa gabi na parang sa ganoong paraan masasagot ang mga tanong niya. Hindi niya magawang itapon o sunugin ang mga regalo sa kanya. She couldn’t be that ungrateful. Hangga’t hindi niya nalalaman kung sino ang nagpadala sa kanya ay di pa rin niya gagalawin iyon. She was tempted to play the keyboard but she decided not to. Isang buwan na rin siyang wa

