Chapter 28

1958 Words

NAYANIG ang mundo ni Maki habang nakatulala sa dating nobyo. Nandito si Benedikt. Nandito siya sa La Reina. Nandito siya sa harap ko. Ito ang kahulugan ng panaginip ko kanina. Nandito siya. Sinundan niya ako. Sinusundo niya ako. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ito. He looked gorgeous and regal in his light blue polo and black trouser up to his black leather shoes. Animo’y di ito bagay sa gitna ng maputik at masukal na lugar na iyon. Halos walang nagbago dito sa loob ng walong taong nagdaan. Only his eyes were colder, indifferent even. Parang hindi ito nasisiyahan na makita siya. Hindi niya maintindihan. Di ba dapat ay masaya itong makita siya? “Maki, may problema ba?” narinig niyang tanong ni Robert na may kasamang pag-aalala. Ipinilig niya ang ulo nang makabawi. “W-Wala.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD