Chapter 33

2637 Words

Dali-dali niyang ibinalik ang tingin sa piano at kunyari ay tumipa. Pero ang totoo ay parang bloke ng semento na bumabagsak sa dibdib niya ang bawat bagsak ng tiklado ng piano. Hanggang marinig na lang niya ang papalayong yabag ni Hannah. Anong dapat niyang sabihin kay Benedikt? The silence was awkward. Mukhang hindi rin nito alam ang dapat sabihin sa kanya. Kukumustahin kaya niya ito? O dapat niyang hintayin na ito ang maunang kumausap sa kanya? Habang tumatagal ang sandali ay lalong pabigat nang pabigat ang pakiramdam niya. Ni hindi nga niya magawang tingnan man lang ang binata. Mabuti na lang dumating ang isa mga staff doon dala ang pasta at sandwiches at inilapag sa mesa sa di kalayuan. “Magmiryenda ka muna,” yaya ni Benedikt at inilahad ang kamay. “Hindi pa kasi kami kumakain mula ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD