Nakatulala lang si Maki habang pinagmamasdan ang pagsasayaw ng liwanag ng buwan sa malawak na karagatan. Alas diyes na ng gabi. Dapat ay kanina pa siya natulog at nagpapahinga. Pero nakailang biling na siya sa higaan ay hindi pa rin siya natatahimik. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya si Benedikt. Kaya naman nagtungo siya sa tabing-dagat para magpahangin. Napakakalmado ng dagat ngunit malamig ang simoy ng hangin. Kabalintunaan ng kaligaligan na nararamdaman niya. Mistula siyang tubig sa dagat na hinihigop ng buhawi. Paikot-ikot hanggang dalhin sa kawalan. At hindi na magiging gaya ng dati ang lahat. Dati kapag umiiyak siya dahil naaalala niya si Benedikt at hindi siya matahimik ay tumutugtog siya sa keyboard at nagsusulat siya ng kanta. Noong di pa niya nabibili ang keyboard niya ay

