Chapter 35

3849 Words

Kagat ni Maki ang labi habang pinagmamasdan ang paggalaw ng kamay ng relong pambisig niya. Nasa open cottage siya na gawa sa nipa at kawaya sa Serenata Cove, isang pribadong beach na pag-aari ng isang kaibigan ng nanay niya bagamat pwedeng puntahan ng publiko. Walang tao doon kapag weekdays kaya perpekto ang lugar na iyon para sa pag-uusap nila ni Benedikt. Walang ibang mang-aabala sa kanila. Nag-practice siya sa choir hanggang alas kuwatro ng hapon. Dati ay hanggang alas singko siya kung mag-practice pero sinabi niyang may importante siyang aasikasuhin. Ngayon lang niya mas inuna ang ibang bagay kaysa sa choir dahil kay Benedikt. Ayaw niyang ma-late sa usapan nila dahil ayaw niyang bigyan ito ng rason para hindi matuloy ang pag-uusap nila. Sa tulong ng nanay niya ay inayos nito ang kub

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD