
“Kung naliliitan ka pa dito, baka ang girlfriend mo ay tumirik ang mata at biglaan kang iwanan kapag nakita itong sa akin,” mayabang at nakangising sambit ni Larwin Ross. Yumuko pa siya para ilapit ang mukha sa akin kaya agad na inilayo ko ang mukha ko sa kanya at pilit na binibigyan ng distansya ang mga mukha namin!
Hindi naman siguro ako hahalikan ng gagong ‘to dahil ang alam niya ay tomboy ako!
“You are the only woman who insulted me like this. ‘Wag mong sabihin na dahil pusong lalaki ka ay papalampasin ko na ang pang iinsulto mo sa akin,” mariin na babala niya at mas idinikit pa ang katawan sa akin.
Kung kanina ay nakaumbok lang ang pagkalālāke niya, ngayon ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagkabuhay nito!
BLURB:
Hindi gusto ni Maureen si Larwin Ross. Unang kita niya pa lang sa mayamang CEO ay alam na niyang isa ito sa mga taong hindi niya kakayaning pakisamahan. Pero isang pabor ang hiniling ng amo niyang si Lady Ross na hindi niya nagawang tanggihan. At iyon ay ang ilayo ang loob ng kuya nito sa babaeng matagal nang lihim na iniibig ni Larwin. Sukdulang magpaka babae siya sa harapan ni Larwin para lang mapansin at maakit ito ay gagawin niya!

