bc

Forty and Naughty

book_age18+
1.1K
FOLLOW
8.6K
READ
one-night stand
HE
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

“Oh, unholy night...”

Natigilan si Valerie sa pag-inom nang marinig na may kumakanta at naggigitara sa labas ng bahay. Lumakad siya sa may gate, “Wala akong piso eh.”

Natigil ang lalaki sa paggigitara. “Ano ba meron ka diyan?”

“Umalis ka na!” sabi na lang ni Valerie.

Naglakad na si Valerie pabalik ng bahay pero akma pa lang na magsasara ng pinto nang kumanta ulit iyong lalaki. Di sana niya papansinin kaso umulan na.

“AHH! BWISIT!” ungot ni Valerie.

Tumatawa-tawa pa iyong lalaki habang tinatanaw si Valerie na naglalakad pabalik, “Mahirap ka ba?” diretsahang tanong ni Valerie.

Parehas na basa na ang dalawa. Di naman sumagot iyong lalaki at diretso lang sa pagngiti. “Ang saya mo. Paano ba maging masaya?” banat na nman ni Valerie.

“It’s up to you. What makes you happy? May nakapagsabi kasi na the happiest days are the naughty days. You care less of what people would think, malaya ka lang. Tanging kasayahan lang ang nagmamatter,” sagot ng lalaki saka iniikot ang gitara sa likuran sabay namulsa.

Sinipat ni Valerie ang mukha ng lalaki. Malabo man dahil sa ulan at kalasingan ay naaninag niya ang bulky na katawan ng lalaki sa suot nitong sando, matangos rin ang ilong nito. Mahaba ang buhok nito gang balikat pero ang mas nakaagaw ng pansin ni Valerie ay ang tingin nito sa kaniya habang lubog na lubog ang dimple sa pagngiti.

“Do you believe everyone deserves to be happy?” tanong ni Valerie.

Tumitig itong lalaki sa katawan ni Valerie na bakat na sa basa nitong pantulog na suot. Napakagat ito sa labi saka lalong ngumiti ng malaki. “It’s a choice.”

Napabuntong-hininga na lang si Valerie. “Di ka pa aalis?”

“Bayad,”

“Cellphone ka ba? E-money, meron ako.”

“Wala eh,” diretsahang sagot ng lalaki.

“Wala kasi talaga ako kahit piso, do you accept s*x? It’s a national currency anyway.”

Kinabukasan, nagising si Valerie at magiliw pang nag-inat bago bumangon. Ini-stretch niya ang ulo pakaliwa at nanlaki ang mga mata nang makita ang lalaking nakangiti ng pakaganda. “Good morning, Valerie. Happy birthday. Long time no s*x!”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Manong para! Punyeta!” malakas na sigaw ni Valerie habang hinahabol ang last trip ng tricycle papuntang crossing. Malayo ang lugar nina Valerie sa sakayan patungo sa kaniyang pinapasukang kolehiyo. Mula sa kanilang barangay ay kailangan pang sumakay ng tricycle para makarating sa crossing kung saan doon naman sasakay ng jeep para makapunta sa school. “Magbabayad naman!” sigaw na naman ni Valerie na dumampot na ng bato at akmang babatuhin ang tricycle para lang siya hintuan. “Kahit sabit na lang! Peste kung di lang ako naka heels ngayon!” Buti na lang at may bumusina sa likuran niya kaya hindi natuloy ang balak na pamamato o sa barangay na naman siya matutulog. “Sakay na,” sabi ng isang lalaki na kahit nakahelmet ay bakas ang kagwapuhan dahil sa ngumingiti nitong mga mata at malulubog na mga dimple. “Sevan,” biglang himoy ni Valerie at pasimpleng itinapon ang hawak na bato sa likuran. “Good morning, Val. Ang aga nagsisisigaw ka,” sabi nito na halos mamimikit na ang maliliit na mata sa pagsipat sa kaniya. “Bingi eh,” bulong ni Valerie. “Ano?” “A wala. Sabi ko, late na kasi ako,” “Siya sakay na,” sabi ni Sevan at inilahad ang kamay nito kay Valerie. Abot-tenga ang ngiti ni Valerie nang tanggapin ang kamay ni Sevan. “Sige na, mahirap naman tumanggi sa grasya.” “Oo, malaking karangalan na sumakay ka sakin,” biro nito. Inalalayan ni Sevan si Valerie na sumakay. Bakas sa mga tagong ngiti ang nag-uumapaw na kilig ni Valerie. Pagkasakay niya ay si Sevan naman ang bumaba, “Ahaha ako na pala ang magdadrive,” biro ni Valerie. “Wag ka pong malikot. Ilalagay ko lang ang helmet,” sabi ni Sevan. “Sa school mo na lang ayusin ang buhok mo, mahalaga ay ligtas. Kawawa naman magmamahal sayo.” Parang titigil na si Valerie sa paghinga sa sinabi ni Sevan. Ibang usapan pa ang ilang dipa na lang na pagitan ng mga mukha nila habang nilalagay ni Sevan ang helmet sa kaniya. “Ok game!” sabi ni Sevan saka sumakay sa motor. Ini-start nito ang makina at pinatakbo na ang motor. “Pwede mo namang hawakan ang abs ko ha.” “Umayos ka Sevan at baka madisgrasya tayo sinasabi ko sayo, magde-defend pa ako ngayon!” sigaw ni Valerie nang paugtol-ugtulin ni Sevan ang takbo ng motor sa kabila ng mga nagsasalimbayang mga sasakyan sa kalsada para lang asarin siya. “Hawak na kasi sa abs!” “Bwisit! Oo na!” “Wow napilitan pa ha,” sigaw ni Sevan at pinaharurot na ang motor nang yumakap si Valerie. Pagkarating sa school, parang sinilihan si Valerie na dali-daling bumaba ng motor nang makita sa malaking orasan sa main building ng campus na five minutes na siyang late. “Pakshet! Late na ako. Salamat! Bawi na lang ako mamaya bilang pamasahe. Sagot ko ang tanghalian at meryenda mo!” Habol-hiningang sabi ni Valerie habang inaalis ang helmet gamit lang ang isang kamay at halos ibato na sa pagmamadali. Nalimutan na niya ang pahinhin effect kanina. “Teka lang,” sigaw ni Sevan habang nagpaparada pero tumakbo na si Valerie ng mabilis papunta sa engineering building. “Tabi-tabi! Late na ako!” sigaw ni Valerie nang hubarin ang suot na heels pagdating sa hagdanan. Tatlong palapag pa ang aakyatin niya kaya mas mabilis kung nakapaa na lang. “Peste! Pauso ni Mam Mendoza na naka heels pagka nagde-denfend!” Sa likuran niya ay di mapigilan ni Sevan mapatawa sa mga reklamo ni Valerie. “Tulungan na kita,” natatawang sabi ni Sevan nang biglang sumulpot sa tabi ni Valerie at inagaw ang bitbit niyang laptop at mga libro saka bag. Mabilis na itinakbo ni Sevan ang mga bitbit ni Valerie sa room kung saan ito mag di-defend. “Good morning po,” humahangos na sabi ni Sevan pagpasok sa defense room. Ang mga professor na nakakakunot na ang mga noo at panay na ang paypay kahit may aircon naman ay agad na nagbago ang mood dahil kay Sevan. “Mr. Trevilla, nasaan na si Ms. Kli?” tanong ng professor nila sa Hydraulics na si Mrs. Mendoza. “Mam sorry ho, naflatan po kasi kami. Andiyan na siya, nauna lang po ako para i-set-up ang projector. Di naman po kayo galit di ba?” malumanay na sumamo ni Sevan sa mga professor. “Of course, Mr. Trevilla. Sana lang ay inagahan niyo.” “Ako ho ang mali, di ho ako naging maingat sa pagda-drive.” “Good m—morning, sorry ho...” humahangos na bati ni Valerie. “Start your presentation, Ms. Kli. At hindi manlang nag-ayos ng buhok at naglagay kahit lipstick. Napaka-unprofessional!” Pilit ang ngiti na sabi ni Mrs. Ravi, ang head ng panels. “Good luck,” bulong ni Sevan kay Valerie pagtapos na ayusin ang projector at marahang isinara ang pinto ng defense room. Thirty minutes lang ang ibinigay kay Valerie para magpresent kaya di nagtagal at lumabas na rin siya sa defense room na maluha-luha. Agad namang sumalubong si Sevan na kalmadong-kalmadong nakasandal sa column ng corridor. “How was it?” sabik na usisa nito. Bumuntong-hininga naman si Valerie tapos ngumiti ng maganda, “SUCCESS!!!” “Talaga?! Yes!” sigaw ni Sevan at wala sa sariling niyakap si Valerie, naiangat pa siya sa sobrang saya. “Uy, baba mo ako. Kakahiya,” “Gagraduate na tayo. Ok lang yon,” sabi ni Sevan. “Mr. Trevilla, Ms. Kli, your actions please!” paalala ni Mrs. Mendoza paglabas ng defense room. “Regardless, congratulations to the both of you.” “Sorry po, Mam.” Sabay nilang sabi. “Thank you po.” Binaba na ni Sevan si Valerie at hinawakan ang kamay. “Tara, celebrate tayo.” “Game!” Naghinabulan na sila sa corridor at pababa sa open ground. Mula first year college ay ginagawa na nila yon kaya naman di na bago iyon sa mga nakakakita sa kanila. Lulan ng motor ni Sevan, nagbiyahe sila papunta sa malapit na convenience store at bumili ng samu’t-saring mga makakain at maiinom. Pagtapos ay nagtungo sila sa isang lugar kung saan silang dalawa lang ang tanging tumatambay simula noong mga highschool pa lang sila. “Ah, walang kakupas-kupas!” sigaw ni Valerie. Isang simpleng tree house ang ginawa nila roon sa isang mababang puno na dati-rati ay umuupo lang sila sa mga sanga nito habang nakatanaw sa banayad na daloy ng tubig ng ilog. Sa liit ng puno ay pwedeng-pwedeng tumalon sa ilog mula sa mga sanga nito. “Ingat,” sabi ni Sevan habang ilang na ilang na umakyat si Valerie sa tree house nila dahil sa nakapalda lang. Pagkarating sa papag ng tree house ay agad na humiga si Valerie at masayang ninamnam ang pahinga. “Sa wakas, tapos na!” “Bumangon ka muna at pagod, malalamigan ang likod,” saway ni Sevan. Tumamuso pa si Valerie pero agad namang bumangon. “Tara kain na. Di pa ako nag-uumagahan, sobrang kaba at aligaga ko, dumiretso na lang ako sa pagpasok.” “Hay nako, ikaw Val ha, umayos ka ng kain,” sabi ni Sevan at inayos ang mga pagkain pagkaupo sa tapat ni Valerie. “Sorry na, alam mo naman ang tiyan ko. Pag ninerbyos, parang inaakit ng kubeta minu-minuto.” “Oh kain na,” sabi ni Sevan at sinubuan si Valerie. Napayuko si Valerie habang nginunguya ang pagkain na sinubo ni Sevan. Halos hirap pa sa paglunok si Valerie dahil may salita siyang gustong-gustong sabihin na mahigit limang taon na rin niyang pinipigilang sabihin. Kaya naman binilisan niya na lang ng kain sabay nagbukas ng lata ng gin at uminom. “AHHH! Pait!” ungot ni Valerie an masama ang mukha. “Oy dahan-dahan,” awat ni Sevan. “Maaga pa! Mamaya pa yan eh.” Binaba ni Valerie ang lata ng alak at nagsalita, “Oy ikaw ha, wag ka masyadong sweet at baka mamaya ay iba na isipin ko.” Wika niya saka sumubo na ulit ng pagkain. Tumigil sa pagkain si Sevan at tumitig kay Valerie at nagsalita, “Hindi ka pa ba nag-iisip ng iba?” Napatalsik ang kinakain ni Valerie sa gulat. “Hoy—” “JOKE!” sigaw ni Sevan at binato ng gulay sa mukha si Valerie. Mabilis na tumayo si Sevan at naghubad ng suot na polo at dark blue na pantalon saka sabik na tumalon sa ilog. “WOOOH! Ang lamig!” Ganon na lang ang kaba na nararamdaman ni Valerie habang nakatitig kay Sevan na enjoy na enjoy sa paglangoy. Marami na ang nagbago para kay Valerie. Di na sila mga bata. “Malamig?” kabadong tanong ni Valerie, nag-aalangan na sumunod dahil ngayon ay may pag-aalinlangan na sa kaniya kung maliligo ng naka bra lang at panty lang. “Secret. Talon na! Akong bahala sayo, kagaya ng dati!” nakangiting sabi ni Sevan, lubog na lubog pa ang dimple. Makailang buntong-hininga si Valerie bago tuluyang naghubad ng suot na polo at palda saka tumalon sa tubig. “BWISIT! Ang lamig ng tubiggg!!” palahaw niya. Agad na umahon si Valerie pero hinapit siya sa baywang ni Sevan at pinigil na umahon. “San kana agad? Ligo pa tayo!” “B—Bitaw Sevan, ang lamig!” nanginginig na sabi ni Valerie. “Ang hina naman—” tumatawang sabi ni Sevan at kiniliti pa siya pero masyadong nilalamig na si Valerie para makapag-react. “Ang l...lamig...” “Ay potek, nilalamig ka nga!” aligagang sabi ni Sevan nang makitang mangitim ang labi niya. Mabilis siyang binuhat ni Sevan at pinasan paakyat sa kubo. May nakatabi na silang towel roon kaya agad siyang binalot nito at kiniskis ang mga braso para mainitan. Mabilis na hinawi ni Sevan ang mga kahoy na may hinabing dahon ng niyog na pwedeng maging pader kung sakaling umulan. Malakas ang hangin kaya ganon na lang ang lamig na nararamdaman ni Valerie. Nang masarhan ang buong tree house ay bumalik si Sevan kay Valerie. “Ano, ok ka na?” “Ang ll-lamig pa rin..” “Bakit ang hina mo ngayon?” “Gag..o ka ba? Malamang sa malamang ilang panahon akong walang tulog dahil sa thesis? B...Bwisit. Tinanong kung malamig eh,” “Sorry na,” sumamo ni Sevan at niyakap siya. “Kaya mo ba umuwi?” Dahil nilalamon ng kakaibang lamig ay di na malabanan ni Valerie ang nararamdaman. Kahit naglalaban ang katawan at isipan, gusto na niyang sumugal. “Painitin mo ako.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook