“Good morning, Ma! Merry Christmas! Happy, birthday!” masayang bati ni Fara kay Valerie. Sabik itong tumalon sa kama at makulit na sumiksik sa kaniyang tabi para yumakap. Napakunot ang noo ni Valerie pero agad na kinalma ang sarili dahil ayaw namang sirain ang araw ng anak, “Salamat, mahal ko. Go get your gifts na sa baba? May mga foods pa naman sa table from last night. Pagod pa si Mama eh.” “Ok Ma. Thank you for the gifts,” masayang hagikgik ni Fara saka hinalikan si Valerie. “Tulog ka na lang po Ma, gising naman na po si Lola Pa.” “Sige, anak. I love you.” Pag-alis ni Fara ay agad na napabuntong-hininga si Valerie at nasabunutan ang sarili bago sinubsob ang mukha sa unan. “VALERIEEE! MATULOG KA NA!!!” Sa totoo lang ay simula ng family day ni Fara sa school, nawala na sa katinuan s

