And with that said, nagsimula na nga ang mga palaro matapos ang tila di na matatapos na talumpati ng principal sa unahan pati na ang mga masyadong pinaghandaan na mga intermission numbers. “FARA! Catch!” sigaw ni Phillip habang hawak-hawak ang bola sa patamaang bata. “Hoy Phillip! Wag mong tatangkain, pag yan natamaan sa mukha, sinasabi ko sayo!” sigaw naman ni Valerie habang aligagang nakatayo sa gilid. Ngumisi lang naman si Phillip at ibinato na ang bola na nagawa namang masambot ni Fara at binato ang kaklase. “And we have a winner, Fara and her Daddy Phillip!” sigaw ng isang teacher na nagfa-facilitate ng laro. Ganon na lang ang saya ni Fara na tumakbo at nakipag-high five kay Phillip. “Next game, we have basketball!” announce naman ng ibang teacher. Nagkatinginan si Fara at Phil

