“Shut up, Quin!” tumayo na rin si Valerie at gigil na dinuro si Quin. “Umalis na kayo. Wala akong panahon para rito!” “I knew it! Ayaw ko sanang maniwala kay Fara, pero mas malala pa pala talaga ang ginagawa mo. Wake up, Vali, we’re forty! I am forty and you will be tomorrow,” sigaw ni Quin. “Nagpunta sayo si Fara? Kala ko ba malayo ang bahay ni Papa sa inyo?” pagalit nang tono ni Valerie. Nabulunan na iyong apat sa pagkain saka tumayo at takot na takot na nagpaalam na mauuna na sila. “Ay teka, baunin niyo na to. Pasensiya na naabala pa kayo!” biglang change character ni Quin habang binabalot ang pansit miki at palabok sa plastic. “Tira mo yong palabok!” mahinang sabi ni Valerie. Umirap naman iyong Quin na di pinansin ang sinabi ni Valerie. “Bahala ka sa buhay mo!” “Ititira mo o mal

