“Ma, si Phillip...yong friend ko na sinasabi,” sabi ni Fara, halos mabali na ang leeg sa pagtungo, kala mo ay may hinahanap na karayom sa sahig. “Teka...ano ba kasing...saka anong friend? Kailan naman tayo naging magkaibigan?” nabibiglang tanong ni Phillip kay Fara. “Kanina...friends na tayo,” nakangusong sumbat ni Fara. “Ha?! Asa ka naman,” banat ni Phillip pabalik. “TUMIGIL KAYO!” sigaw ni Valerie at saka tumayo. “Anong nangyayari?” Nanlilisik ang mga mugtong mata ni Valerie kay Phillip, naghihintay ng sagot. Napahilamos sa mukha si Phillip bago nagsalita, “Di ko alam ang nangyayari. Kayo ang tinatanong ko kasi, nakita kong may mga lumabas na pulis rito.” “Fara...” baling ni Valerie sa anak pero yumuko lang ito. “Ah walang gustong magsalita. Fara, upo. Ikaw, Phillip, o kung sino

