Chapter 22

1527 Words

AOI'S POV Pagkatapos namin magkausap ni Ivette ay binuksan ko ang aking social media account upang tingnan ang sinasabi nito. Hindi na ako nagtaka nang makita ang larawan nina Zyan at Louisa na may caption ng araw ng kanilang pag-iisang dibdib. May iba pa ngang larawan at videos ng kanilang pre-nuptial wedding na sa tingin ko ay sa ibang bansa pa ginawa base na rin sa itsura ng background. Hindi na rin ako nagtaka kung paano nila nagawa iyon sa kabila ng nasa relasyon pa rin kami ni Zyran at naitago nila ang bagay na iyon sa akin. Sa dalas ko ba naman sa hospital at sa dalang namin magkita ni Zyran dahil anito ay madalas itong magkaroon ng business trip. Habang nakatitig sa mga larawan ng dalawa ay ramdam ko pa rin ang kirot sa aking puso ngunit Hindi na ito katulad noong isang linggo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD