AOI’S POV Pagdating ng hapon ay Isang yate ang nakadaong sa dalampasigan. Walang tao ang loob at kung paano ito nakarating doon ay hindi ko alam. Malamang ay si Eoghan, walang impossible taong katulad niyang mayaman. "Tara, let's island hopping," yaya nito sa akin. Ito na ang huling araw namin sa isla kaya susulitin ko na ang pagkakataon na makapaglibang. Walang pagdadalawang isip na sumama ako rito. Tanging kaming dalawa lamang ang laman ng nasabing yate, pinuntahan ang mga karatig-isla at kumuha ng mga larawan. Sinulit ang bawat pagkakataon na parang walang bukas at kumuha ng mga larawan na magkasama. Hindi ko na napansin na nagiging mas malapit kami sa isa't isa, masayang nagtatawanan habang dinadama ang kagandahan ng kapaligiran. "Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko nang makasakay ka

