bc

The Royal Surrogate

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
opposites attract
playboy
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

"I chose you to bear my child" Parang natigalgal ako habang nanlalaking matang nakatingin sa kan'ya"What" "I saved you from that human traffickers, you should repay me" Kumunot ang noo ko. Gosh, pigilan nyo ako baka masapak ko tong lalaking ito. "Bakit sinabi ko bang tulungan mo 'ko? Sumama na nga ako dahil babayaran nila ako, oh asan na ang pera ko ngayon? Naglaho na. Tapos ngayon may repay-repay ka pang sinasabi r'yan, naku sir kung anak po ang gusto niyo wag ako, ba-bye" Hindi ko na siya hinintay na magsalita at mabilis ng tumakbo paalis. Abnormal na lalaking yon anong akala niya sa'kin paanakan. Napatigil ako sa pagtakbo ng may humila sa kamay ko. "I'll pay you 50 million" I gasped sabay nanlaki ang mata ko "Ano ka ba naman Sir, ba't ngayon mo lang sinabi madali naman po ako kausap." Then that's beginning of my struggles that I thought I'm going to be happy and wealthy.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"ANO BA!" "MAKAHILA KA D'YAN PARANG ANG LAKI NANG HINIHILA MO AHH!" Hiyaw ko sa lalaking pilit akong kinakaladkad papasok sa isang kwarto. Napapikit ako sabay napaartas nang itaas niya ang kan'yang palad at handa nang lumanding sa pagmumukha ko. "ANO TATAHIMIK KA O LALANDING TONG PALAD KO SA MUKHA MO! NARIRINDI AKO SAYO!" Sinamaan ko siya ng tingin. Tss Sarap sirain ang pagmumukha niyang sira na. Napaupo ako sa sahig nang itulak niya ako ng malakas, s**t sakit pa ng p'wet ko. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking may hawak sa'kin kanina pero nakangisi lang ang gago. "Ito na siya, Boss" Napalingon ako sa gilid, may lalaking nakaupo doon habang nakadekuwatro ang paa at may sigarilyo sa bibig. He looked at me like I'm just a cockroach that he should kill, I shuddered when I think of it. Hindi pa ako handang mamatay. "Please Sir don't kill me, may mga kapatid pa akong binubuhay, baka pag namatay ako maging pulubi na sila. Sir, ayoko pong mangyari iyon, siguro naman po ay may mga kapatid din kayo kaya naiintindihan niyo ang nararamdaman ko" May paluhaluha pa akong props para mas maawa talaga siya sa drama ko. Pasimple akong sumulyap sa lalaking mataba, nanubig na ang mata niya habang nakatingin sa'kin. Humahalakhak na ako sa kalooblooban ko pero sa labas pang-oscar award ang dramahan ko. "Bata pa po ang mga kapatid ko, si Totoy 2 taong gulang pa lang po siya, si Nene naman po, isang taong gulang pa po siya, ayoko po silang iwanan kawawa naman" Tinanggap ko ang puting panyo na ibinigay sa'kin ng lalaking tumulak sa'kin kanina, lahat sila sumisinghot na. Kunwaring nagpapahid ako ng luha pero hindi ko talaga siya pinahid baka hindi na ako maluha pag tinuyo ko ang pisngi ko, sayang yong props. "Oo nga kawawa naman, boss" "May mga kapatid din ako, ang lilit din nila" "Hinding-hindi ko kayang makita sila na nanlilimos sa mga kalye" Ang tatlong goons ay nagyayakapan na at nag-iiiyakan, pinipigilan kong wag matawa baka gilitan pa ako ng leeg nang wala sa oras. "Oh siya, siya, bibigyan kita ng pera pag nabenta ka na namin" Nagliwanag bigla ang mukha ko. "Talaga, Sir?" "Oo" "Maraming salamat ng sobra Sir, malaking tulong na iyon para sa mga kapatid ko" mas lalo pa akong naiyak para mas kapanipaniwala talaga. "Oh sige, dalhin niyo na 'yan" utos niya sa tatlong goons kusa naman akong tumayo at sumunod sa kanila. Hindi nila ginapos ang kamay ko. s**t madaliang pera to mga, pre at saka madali lang naman takasan ang bibili sa'kin. Duh ilang ulit na ako nabili pero natatakasan ko pa rin dala pa mga mamahalin nilang mga alahas. So far wala pa namang nagsumbong hindi naman siguro sila tanga na ilagay ang mga sarili nila sa alanganin, dahil alam nilang sa oras na mahuli ako ma-trace din kung saan ako galing. I mentally laugh, gosh I smell money! "Sa likod ng pintuang yan ang client na gusto kang mabili" sabi ni Goon 1 napatingin ako sa pintuang pula "Mag-iingat ka, pag nagustuhan ka bibigyan ka ni boss ng Pera for sure Yan" Ani pa ni Goon 2 binigyan ko siya ng isang ngiti "Sige gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako." "Kung ganoon ay tayo na't pumasok" "Sana lahat ng mga babae ay kagaya mo, ang dali mong kausap" Napahapo ako sa dibdib ko tapos ay lumungkot ang expresyon ko. "Para sa mga kapatid ko gagawin ko ang lahat," with matching pikit pa. "Tama 'yan" Binuksan ni Goon 2 ang pintuan tapos ay pumasok na kami. Nakita kong naka-dekuwatrong nakaupo ang isang lalaki, nakasuot siya ng kulay itim na jacket at may suot pang panama hat, nakayuko siya kaya hindi namin kita ang mukha niya. Dumagdag pa kulay blue ang lights mas lalong hindi namain aninag ang mukha niya pero sa south niya I think mayaman siya. "Is that her?" Woah ang ganda ng boses niya ah. "Yes sir" tugon ni Goon 1 "Wala na bang iba?" Wut? Nasa harapan na nga niya ako maghahanap pa siya ng iba, tang*na lungs bulag ba siya duh ganda ko kaya. Napasulyap ako sa tatlong lalaki tapos ay naalala kong kapag binili ako ng lalaking to bibigyan ako ng pera. So ibig sabihin kung hindi niya ako bibilhin, hindi nila ako bibigyan? No, my money!! Napatingin ako sa lalaki, it's time para mag-sales talk aba magaling ako d'yan. "Don't worry Sir, mataas ang kalidad ako, wala akong sakit, malinis ako. Ayaw niyo ba sa makinis, maganda, matangkad at may magandang katawan?" May aksyon talaga 'yan ah para mas feel ang pagma-marketing. Napatigil pa ang tatlong goons tapos ay napatingin sa'kin. I smile seductively to the guy. Makuha ka sa isang ngiti, maawa ka naman! Napasimangot ako dahil tahimik la rin siya. "Sige kayo din, pagsisisihan niyo to Sir" paninisi ko pa. Oh my, bye-bye money na ba this? "Isa pa fresh ako no, never been touch and never been kiss" I smirk. Hudyat na yon, 'yan lang naman ang kahinaan ng mga lalaki, yong mga birhen pa. Tsk pervert. The guy smiled. Oho, nakuha ko pa siya? "Then I'll buy her" Yes! Parang nakarinig ako ng mga nagkakantahang mga anghel. My smile is very wide habang nakatingin sa lalaki. "Hindi ka magsisisi sa'kin, Sir" I mentally laugh evilly. Hinding-hindi ka magsisisi dahil iiyak ka lang. "Then bibihisan lang namin siya Sir at dadalhin siya ulit sayo" sabi ng mga kidnapper. Tumango naman ang lalaki ng mahina. "Woah ang galing mo don ah" puri ni Goon 2 "Pa'no ba yan? May Pera na ako" "Hahaha, oo naman hindi sumisira ng salita si Boss" Ani pa ni Goon 3 Dinala nila ako sa isang kwarto, ako lang mag-isa ang pumasok dahil hindi daw sila p'wedeng pumasok sa kwartong ito. Pagpasok ko ay maraming damit agad ang tumambad sa'kin, tapos ay tumigil sa babaeng nakatayo at mataray na nakatingin sa'kin. Medyo may katandaan na siya at may suot na traditional Japanese dress, nakalugay lang ang maitim at makapal niyang buhok may bangs pa siya, pfft p*ta nakakatawa ang mukha niya. Buti na lang maganda suot niya. "Ano tinutunganga mo d'yan? Lapit na!" Hiyaw niya napaigtad naman ako tapos ay nagmamadaling lumapit sa kanya. P*ta halos bugahan na niya ako ng apoy. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo. s**t nakakatakot siya. "Pinakaayoko talaga sa lahat yong mga tanga-tanga," giit niya napakagat ako sa ibaba kong labi. "Opo pasensya na" mahinang usal ko. Napatingin siya sa'kin tapos ay inirapan ako may inabot siyang pulang tela sa ibabaw ng mesa tapos ay inihagis sa'kin, buti na lang at pinanganak akong catcher kaya agad ko ring nasalo yon. "Magbihis ka na at umalis tumataas ang dugo ko sa tuwing nakikita ang pagmumukha mo" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tang*na sa ganda kong to? Tsk, ayoko na lang mag-tell baka tuluyan na siyang atakihin sa puso. Pumasok ako sa isang kwarto tapos ay nagbihis. Halos manlaki ang mata ko dahil f**k kinulang sa tela ang binigay niya sa'kin, wala man lang sleeves. Sparkling red strapless dress with slit on the both side at may red evening gloves pa ito. Sa damit ko kitang kita ang makinis kong hita patio kaluluwa ko na rin siguro, s**t patayin niyo na lang ako please. Hindi naman Kasi ganito ka yong pinapasout sa'kin eh. This is the worst. Argh f**k! Tiis ganda muna Rian dahil tatakbuhan mo rin naman ang lalaking yon, wag kang mag-alala hinding-hindi tayo papayag na magagalaw niya tayo. Hindi na'tin isusuko ang Bataan!! Taas noo akong lumabas ng kwarto, napatitig pa sa'kin mula ulo hanggang paa ang ginang tapos ay inirapan ulit ako. "Umupo ka dito." Tukoy niya sa upuan na may malaking salamin sa harapan pinapaligiran pa ito ng mga ilaw at mga make-ups sa ibabaw ng table. Sinunod ko naman siya, pumwesto siya sa likuran ko tapos ay tinitigan muna ako sandali sa salamin. Natomboy na ba siya sa ganda ko? Naman! Ganda ko eh. Nagpipigil tawa ako sa isipan ko, parang ang hangin ko yata ngayong araw. Maya-maya lang ay tinalian niya ang buhok ko. "Pumikit ka at wag mong ibubuka ang mga mata mo hangga't hindi ko sinasabi dahil kapag pagbinuka mo tutusukin ko yang eye balls mo." Napangiwi ako sa banta kaya tapos ay mabilis na pumikit. Nagsimula na niyang lagyan ang mukha ko ng make-ups tapos ay sumusunod sa kung anong sinasabi niya. "Pwede mo nang ibuka ang mata mo" saad pa niya nagdadalawang isip pa akong ibuka ang mata ko baka bigla niyang tusukin ang mata ko. "Ano ibubuka mo yang mata mo o gusto mong habang buhay na yang nakapikit?" banta niya Mabilis pa sa isang segundo akong napabuka ng mata. s**t, is she mad? Sasamaan ko na sana ng tingin ang ginang nang natulala ako sa babaeng nasa salamin, tang*na ang ganda niya. Talaga bang ako yan? As in? Shocks mas lalo akong gumanda. "Now let's do your hair" bulong ng ginang, "But before that..." Napasinghap ako nang may naramdaman akong malamig na leeg ko nang tingnan ko iyon halos lumuwa ang mata ko, s**t it's a diamond necklace. Gosh sobrang kinang. "Kadarating lang niyan at ang sabi ay ipapasuot sa'yo ng kliyenteng gustong bumili sa'yo." mahinang wika niya habang sinimulang ayosin ang buhok ko. I have a natural wavy hair kaya siguro ay hindi niya masyadong ginalaw ang buhok ko at pinabangohan niya lang. Pinasuot niya rin ako ng singsing na gawa din sa diamond parang set siguro ito ng necklace na suot ko tapos ay pulang long strap high heels, ang ginang pa ang nagsuot sa paa ko dahil hindi ko rin naman alam kung pa'no isuot yon. "Okay you're done, you can leave" saad pa niya tumango naman ako saka tumayo at lumabas. Nakabantay sa labas ang tatlong goons kaya nang makita nila ako laglag panga sila. I grin Damn "Let's go" Aya ko tumango naman sila tapos ay naunang naglakad. Shit parang pupunta lang ako ng party tapos body guards ko ang tatlong mokong na to. Kumatok muna ang mga goons ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan at pumasok kami sa kwarto kung nasaan naghihintay ang bibili sa'kin kuno, naroon na rin ang boss at nasa kalagitnaan siguro sila ng pag-uusap pero napalingon sila sa direksyon namin lalo na sa'kin. "What can you say, Mr. Dark?" nakangiting tanong ng boss with a smug smile on his lips. Tsk makuha ko lang talaga ang pera takbo agad. "5 million" "No, 3 million lang ang napag-usapan na'tin" tugon ng lalaki "Edi ibebenta ko na lang siya sa iba" "Wanna die?" he coldly said kahit ang boss ay napaigtad tapos ay pumeke ng ubo. Woah that gives me goosebumps. "4 million then?" "3 million" pagmamatigas ng lalaki The boss laugh loudly tapos ay tumayo. "I'm sorry Sir, pero kung nagmamatigas ka sa eh sa iba ko na lang ibebenta ang babae ito, sa kalidad niya ay alam kong maraming magkaka-interes sa babaeng ito" Halos lumuwa ang mata ko sa sunod niyang ginawa, bumunot lang naman siya ng baril mula sa loob ng kanyang jacket tapos ay tinutok sa ulo ng boss. Nataranta naman ang tatlong goons kahit ang boss ay nanigas sa kanyang kinatatayuan. "Put your gun down" saad ni Goon 1 habang nakatutok ang kanilang baril sa lalaki, the boss Smirked devilishly. "You thought pag napatay mo ko makalabas ka ng buhay dito?" tanong ng boss pero ngumisi lang ang lalaki "And you thought I am alone, dumbass" Pagkatapos niyang sabihin yon ay biglang may lumitaw na mga pulang dots sa iba't-ibang bahagi ng mga katawan ng mga traffickers. Napatingin ako sa bintanang nakabukas sa likuran ng kliyente. Shit pulis ba siya? OMG lagot na! Dahan-dahan akong umatras. "WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" "As you can see, wrong move and BANG!" Cool na saad niya habang nakaform ng parang baril ang kamay niya tapos nag-aktong babarilin sa ulo ang boss sabay tawa na parang baliw. "Dakpin lahat" saad niya tapos ay biglang may mga nakaitim na mga lalaki ang pumasok mula sa bintana at sinugod ang boss at ang tatlong goons nito. Agad akong tumakbo palabas nang magsimulang magputukan. s**t kung makatakbo nga ako parang hindi ako naka-heels. Pagliko ko ay halos tumilapon ang katawan ko dahil may nakabanggaan akong babaeng umiiyak "So-" "Wah~ mommy!" Hiyaw ng babae tapos ay tumayo at tumakbo papasok sa pinanggalingan kong pasilyo pipigilan ko na sana siya pero sobrang bilis niyang tumakbo. Napailing na lang ako at tumakbo palabas ng building. Paglabas ko ay sobrang daming police tapos mga babaeng na-rescue na nag-iiyakan. "Hey, are you alright?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yon. Siya yong lalaking nagpapanggap na kliyente. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kan'ya tapos ay awkward na natawa. "Y-yes Sir, I'm alright" nag-aalinlangang tugon ko pa kumunot ang noo niya bago siya tumango. "Let's go" "Saan?" "I have an offer for you" "Trabaho ba yan?" usisa ko "Oo" Anong klase naman kaya? Wag naman sana yong kailangan kong pumatay. Napatingin ulit ako sa mukha ng lalaki. Hmp, pakinggan muna na'tin bago tayo magdesisyon. "Sige Sir, lead the way" Ay napa-english ako don ah. Syempre naman mukhang spokening pounds itong isang to hindi dollar ha dahil pounds na haha baliw na ata ako dahil kinakausap ko na sarili ko. He nod, tapos ay nagsimulang naglakad sa medyo tahimik na bahagi. Umupo kami sa isang bench na may light post sa tabi. "Ano bang trabaho 'yon, Sir? Naku Sir, kung gagawin mo kong spy aba'y magaling ako don!" hindi ko mapigilang saad habang nakangiti ng malaki. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito na makapasok sa spy organization at makikilala sila mareng Yor at paring Loid at sabay naming ililigtas ang mundo. Siguro pagnagkataon e, may mga magkukusa nang magbigay ng Pera sa'kin, hehe. Napalingon ako sa lalaking katabi ko dahil tahimik lang siya. Matagal pa siyang nakatitig sa harapan bago bumuntong-hininga at hinubad ang coat niya saka pinatong sa balikat ko. "Ay salamat Sir." Napatingin ako sa jacket, sana makalimutan din ito ni Sir, ibebenta ko to ng mahal paniguradong maraming bibili nito sa tela ba naman oh, naku jusko sobrang high class. Marami naman feeling mayaman sa'min, kung umalis ng bahay kulang na lang magrenta na rin sila ng sasakyan. Napaismid na lang ako. Napatingin ulit ako sa lalaking katabi ko tahimik pa rin siyang nakatingin sa harapan habang nakadekuwatro ang hita. May hinihintay pa ba kami? Kung ganon e, magpapa-impress na ako. I faked a cough tapos ay humarap sa kan'ya at ngumiti. "Wag ka mag-alala Sir, magaling ako umakting pang-Oscar award na nga level ko e!" pagmamayabang ko pa. "Dali na Sir, sabihin niyo na kung anong klaseng trabaho ang ibibigay niyo sa'kin. Kung katulong po. Aba! Mahusay po ako maglinis at masarap din magluto! Hindi rin problema ang ugali ko Sir, kasi mabait po ako, masipag, maalaga at mapagmahal o edi saan ka pa sir! Dito na!" Hayst halos ibenta ko na sarili ko pero wala pa ring kibo ang lalaking to. "May hinihintay pa ba tayo?" "Oo siya ang magbibigay sa'yo ng trabaho" "Ay anak ng limampung wati. Nasayang lang pala laway ko e, hindi pala ikaw amo ko." bulong ko habang umayos ng upo. "What did you just say?" Nakangiting ko siyang nilingon. "Po? May sinabi ba ako? Parang wala naman. " Patay malisya kong sabi buti na lang may lahi siyang bingi dahil lagot talaga ako pagnarinig niya yon. Matagal niya akong tinitigan bago mahinang tumango. "Narito na pala siya" Sabay tayo niya mula sa bench at sinalubong ang lalaking papalapit din sa direksyon namin. "Pare, may napili na ako para sa'yo" nakangiting ani pa niya nang sabay silang lumingon sa'kin, agad akong napatayo ng matuwid. Nagthumbs-up 'yong lalaking nagpanggap na kliyente sa'kin na ikinalaki ko ng ngiti tapos ay bumaling ulit siya sa lalaking kararating lang, may pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkakaupo at pinanood sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook