One

1057 Words
"Kamusta?" biglang sulpot ng isang babae sa harap ko, "Nakikita mo ba ako?" tanong niya, diretso ako ng tingin sa daan at nag panggap na hindi siya nakikita. Lumutang siya pataas at iniwan ako, naka hinga ako ng maayos dahil wala na siya. Laging may nagtatanong sakin kung nakikita ko ba sila, ngunit hindi ko sila pinapansin dahil ayaw ko malagay sa panganib ang buhay ko lalo na mag isa na lang ako. Bata pa lang ako nakakakita na ako ng mga gaya nila, hindi naman sila nakakatakot pero nakakairita. Nag lalakad ako pauwi sa dormitoryo namin matapos ako makauwi galing sa trabaho, madami akong nakakasalubong na multo sa daan lalo na't mag gagabi na, lahat sila naka tingin sa'kin dahil iyon sa reaksyon ng enerhiya nila. Hindi ko sila maari mapansin dahil mas lalo silang magaganahan na saniban ang katawan ko, kapag ang isang tao ay nakakakita ng kaluluwa ay may malaking posibilidad na madali silang saniban. Napapansin nila ako dahil sa enerhiya na meron ako, masasabi ko na hindi normal ang enerhiya ko kumpara sa ordinaryong tao. Lumaki ako na walang kinikilalang ama, kaya ng mamatay ang aking ina ay mag isa nalang ako na binubuhay sarili ko dahil wala din akong nakilala na kamag anak nang kami pa ni mama ang mag kasama, dalawa lang kami nag tutulungan. Nang mamatay si mama ay nakita ko ang kanyang kaluluwa sa harap ko at randam ko sa hangin na hinahawi niya ang aking buhok, hindi na ako nag dalawang isip at tinignan ko siya ng diresto sa kanyang mga mata at kinausap siya. Hindi ko siya hinayaan na manatili sa kabila ng kanyang buhay sa aking tabi, dahil nais ko siyang makapag pahinga sa paraiso na sinasabi nila. Nag paalam si mama sa harap ko at naging isang maliit at puting bilog s'yang lumulutang, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, ngunit ang sumunod na nangyari ay may nag lahad ng kamay sa aking harap. Kamay lamang ang aking nakikita dahil nakakasilaw ang puting ilaw sa kanyang katawan. Ang puting bilog na nakalutang sa aking harapan ay bigla na lamang lumapit sa kanyang palad at isinama iyon sa liwanag. Nawalan ako ng malay at nagising nalang ako na wala na ang katawan ng aking ina, ang tanging alam ko lang ay ang pag alis ng aking ina papunta sa liwanag, hindi mismo ang kanyang katawan. Isang palaisipan parin sa akin ang pagka wala ng katawan ng aking ina. "Hindi ka naman dumalo" malungkot na saad ni Mae, room mate ko. "Pasensya na, tinapos ko pa ang trabaho k-" napa hinto ako sa aking sasabihin nang makita ko siyang tumayo papunta sa cr. "Mae? Bakit ganyan ka mag lakad?" tanong ko, humarap siya sa akin na parang nakukuba na ang likod. "Para kasing may mabigat sa likod ko" napa hagod pa siya sa kan'yang likod. "Wala naman akong ibang ginawa para sumakit ng ganito ang likod ko." sabi niya at bumalik nalang ulit sa kanyang kama. Nang makahiga siya ay laking gulat ko dahil hindi umaalis ang batang lalaki na naka yakap sa kanyang likod. Biglang lumingon ang batang lalaki sa akin na naka ngiti, diresto ako ng tingin sa likod ni Mae pero iniiwasan ko ang mata ng bata upang hindi niya malaman na nakikita ko siya. "Baka may nakuha kang sakit, saan ka ba nag punta?" tanong ko, tumayo siya at kinuha ang phone niya. May pinakita siya sa akin na video, kasama niya ang mga kaibigan niya. "Bakit kayo nag punta sa ganyang lugar?" "Katuwaan lang, maalikabok at madalim d'yan kaya nag matapang kami." tumatawa-tawa n'ya pang saad, nag punta sila sa lumang bahay na kilalang kilala dito malapit sa school, katunayan ay nasa likod lang ito ng school namin at. Kahit sinong estudyante ay walang sumubok na pumasok doon, miski na ako. "Tinatakot n'yo lang ang sarili n'yo, wala naman kaming nakitang multo doon." Tumatawa tawang sabi niya pa sa akin. "Siguro pagod ka,mag exercise ka araw araw." saad ko, nakikita ko man ang mga kaluluwa gayang bata na naka kapit salikod ni Mae, wala akong kakayahan na mapaalis sila. Pero sigurado ako sa bagay na ito, na kapag ang isang kaluluwa ay nanatili sa tabi ng tao maaaring ikamatay niya ito dahil sa nararamdaman n'yang pagod. Marami sa mga tao ang na mamatay dahil sa pagod, hindi kina kaya ng mga tao ang prisensya ng isang kaluluwa kung mahina ang enerhiya ng tao kesa sa multo. Once na maka patay ang isang multo na ordinaryong tao magiging masamang ispiritu sila at may kakayahan na silang sumanib sa kahit na sino. Ngunit lahat ng kaluluwa ay hindi natatahimik dahil may sari-sarili silang ambisyon bago mawala ng tuluyan sa mundo. Bihira lang ang multo na suma sama sa tabi ng tao, maaaring ito ang ambisyon nila bago sila mamatay o nagambala sila at nais nilang pagurin hanggang mamatay. "Tama, hindi na kasi ako nakakapag exercise. Bukas sisimulan ko na." natuwa naman ako sa aking narinig, bata pa naman ang naka kapit sa kanya kaya kakayanin niya ng ilang buwan ito kung sakali na manatili ito sa likod niya, kapag lumakas na ang enerhiya ni Mae dahil sa pag e-ehersisyo maaring umalis na ang bata dahil hindi niya na kakayanin ang enerhiya nito. Naapektuhan din sila sa prisensya ng tao lalo na kapag hindi naman ito ang ambisyon nila. Nais ko din talaga na mawala na ang bata dahil ramdam ko na nakatingin ito sakin at naka ngiti, ayoko naman na lagi ko nakikita yun sa tuwing uuwi ako dito. Buti nalang ay hindi nakikita ni Mae ang bata, kun'di ay mapapahiyaw siya sa takot. Mukha lamang siyang normal na bata, pero maputla at walang damit pang itaas at idagdag mo pa ang ngiti niya na nakaka pangilabot. Nararamdaman ko ang prisensya ng bata mula sa aking kama, malapit na siya maging masamang ispiritu. Nananaig sa kanya ang pananatili sa likod ni Mae, ngunit bata pa siya at kayang kaya siya mapaalis agad. Hindi ko na lang pinansin at pinatay ko ang ilaw para makatulog na. "Sasamahan kita." "Mag lalaro tayo." "Aalagaan mo ako." Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa sinasabi ng bata kaya hinayaan ko nalang at hinintay na dalawin ako ng antok, ngunit kumalabog nang mabalis ang puso ko sa sunod na sinabi ng bata. "Ate Mae, bakit mo'ko pinatay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD