Kinaumagahan, nakita ko si Mae na nag e-exercise. Ang bata ay naka pasan na ngayon sa kanyang balikat, pawis na pawis si Mae. Malamang ay nararamdaman niya ang bigat ng bata sakaniyang balikat.
Ate Mae, bakit mo ako pinatay?
Paulit ulit ang sinabi ng bata sa aking isipan. Kailangan ko mag tanong ng kaunti kung mahilig ba s'ya sa mga bata.
Baka sakali ay mabanggit niya ang bata na ito. Kilala siya ng bata, maari na kilala niya rin ang bata na halos edad ay eight.
"Mae, may kapatid ka ba?" tanong ko, tuloy pa din siya sa pag exercise.
"Meron, si kuya Ram. Remember?" minsan ko na pala na kita si sir Ram, teacher 'yun dito sa school pero minsan ko lang makita.
"Ahh, Oo. Batang kapatid, meron?" tanong ko ulit. Napa hinto s'ya sa ginagawa n'ya at nag punas ng pawis. "Malapit na mag birth day si Ceasar, gusto ko sana malaman kung ano puwede iregalo sa mga bata," paliwanag ko, si Ceasar ang anak ni ate Karen na dating ka-room mate namin dito, huminto na siya para alagaan ang anak niya.
Gulat siyang napa tingin sakin, "Bakit ko nakalimutan?!"
"Ano sa tingin mo ang magandang iregalo?" tanong ko.
"Laruan, 'yun naman lagi."
"Bukod sa laruan" sabi ko, nag hahanap ako ng butas para malaman ang nais ko malaman. "Masyado pang baby ang anak ni Karen"
napa isip siya, "Puwede na siguro ang damit, yun din kasi ang niregalo ko ka-"
"Kay?" napa angat ako ng kilay at tinignan siya sa mata, umiwas siya. Malamang ay may alam nga siya. "Mahilig ka pala sa mga bata" ngumiti ako sa kanya. Ngunit parang may mali sa kanyang reaksyon kaya binaling ko nalang sa iba ang atensyon ko.
"Amara," tawag niya sa akin kaya hinarap ko siya "may trabho ka pa, hindi ba?"
"Day off ko."
Napa tango tango siya, may nais siyang sabihin at nakikita ko agad 'yun sa mukha niya.
"May problema ba?" tanong ko sakaniya.
Nag bihis sya agad at nag ayos "Labas lang ako saglit" at saka ko sya sinundan ng tingin sa pag labas nya.
Kinabukasan naglalakad na ako papuntang room, at pag tapos na ang class ko pwede na ako dumiretso sa trabaho ko. Sa ngayon waitress ako, pangarap ko maging interior designer para sa mga studios lang pag nakapag tapos ako.
"Oy Amara, sama ka? Punta daw sa bahay nila Lexie." Salubong sakin ni Jared at nilagay ko na ang bag ko sa aking upuan at naupo na rin. "Pass muna, may trabaho ako eh." Nasimangot s'ya dahil hindi ako sasama.
"Saan ba trabaho mo?" Tanong nya ulit, medyo naiinis ako dahil araw araw siyang maingay. "Baka kilala ko, kausapin ko. Alam mo naman kilala ako dito." Mayabang n'yang sagot.
Napa irap nalang ako sa kapal ng mukha nitong tao na'to. "Jared, di ako interesado sa mga ganyan."
"Bakit? Wala pa naman akong sinasabi."
"Meron, yayayain mo ako at isasama para painumin? Baka naman patayin mo ako." Seryoso kong sabi sa kanya. "Joke, pass talaga ako. Next time nalang."
Nag buntong hinga s'ya at bumalik na sa upuan nya sa harapan habang ako naman ay nasa likod. At mag isa.
"Pina-inom n'ya din ako, nilasing at hinubaran,"
"-sa harap ng mga kaibigan nya" hagulgol ng boses mula sa aking likuran.
"Pinaglaruan at pinag samantalahan ang pagka babae ko."
"Mga demonyo kayo!"
Sabay sabay na nag hiyawan ang mga kaklase kong babae nang mamatay ang ilaw at kumidlat.
Nang mapansin ko ang gawi ng babaeng naka puting damit na mahaba at putikan ang katawan 'dun mismo sa harap ni Jared ay napa takip na lamang ako ng bibig.
"Pre, cr lang ako," Rinig kong sabi n'ya sa kanyang katabi wala pang teacher kaya lumabas na s'ya agad, at napa hagod s'ya sa kanyang ulo.
Binalik ko ang aking tingin sa babaeng pinatay n'ya at nandoon parin s'ya. Sinundan niya lamang ng tingin si Jared palabas at saka siya ngumiti na parang nag wagi.
"Oh my god!" Sigaw ng katabi kong si Yasmin, nabaling din ang atensyon ng mga classmate namin sa pag sigaw niya. Kinalabit n'ya ako at may ipina kita sa'kin sa kanyang cellphone. "May nakita daw silang bata sa bridge side, na aagnas na."
"Diba malapit lang 'yon dito? Dun sa haunted house!" Sagot naman ng isa naming classmate sa harap namin. "Natatakot na ako, andilim pa naman ngayon."
Halos hindi ako makapag salita dahil nag aalala ako kay Mae, ano ang ginawa niya bakit ang batang lalaki sa likod n'ya ay naka handusay sa bridge side.
"Tangina ano nanaman 'yun!" Sigaw ni Yasmin dahil nagulat kami sa mga lakas ng sigaw ng mga nasa 8th floor, kasabay ng isang malakas na kidlat, nasa 7th floor kami kaya kitang kita namin ang kidlat mula sa langit.
Sabay sabay nanaman na sumigaw at nag hihiyawan sa takot ang mga kaklase ko nang may mahulog na kung ano mula sa 8th floor, ang last floor. At kita namin mula sa bintana ang pag bagsak nito.
Lumabas na ang iba upang tignan ang nahulog dahil masyado itong malaki, mabilis ang pangyayari.
"JARED!!"
Isang malakas na boses ni Sandro ang umalulong sa labas ng classroom namin, ang kaibigan ni Jared. Kasama na rin sina Rika at Stephany na laging kasama sa inuman.
"Go back to your room right now! This is an emergency! Pack your things! Hurry up." Sigaw ng teacher namin at umiiyak na ang mga kasama ko at bumalik sila sa loob, umalis na ang teacher kaya naman lumapit ako at sinilip ang ground floor.
Napa takip ako ng aking bibig nang makita kong naka handusay at tanggal ang kaliwang kamay ni Jared. Napa iyak ako sa aking mga nakikita.
Nais ko na sana bumalik sa loob ng classroom, ngunit nasa harap ko na ang babaeng putikan kanina. Walang kaliwang mata at putikan ang katawan ang bumungad sa harap ko.
"Patawarin mo ako, Amara." Banggit n'ya.
Nagitgit ako sa siksikan na mga kaklase ko kasabay ng pagka wala ng babae, at may humawak sa aking braso upang hatakin ako paalis sa mga nag sisiksikan na estudyante.
"Bag mo," hinagod n'ya ang aking buhok pilikod sa aking tainga at pinunasan ang tuloy tuloy na daloy ng aking luha. "Hindi pa siya tapos, alis na tayo."
Tumango ako at nagpa tangay sa hatak ni Marki pababa at paalis ng school. Nadaanan namin ang bangkay ni Jared ng makababa na kami at ngayon may taklob na ito. Ang mga kaklase namin ay umiiyak habang dinadaanan ang bangkay nya, at pinipikturan para sa investigation.
Nasisilaw ako sa mga papalit palit na ikaw at nakakabinging wang wang ng mga pulis at sigaw ng mga teacher namin na pinabinilis ang aming lakad.
"Asan na si Rika?"
Nang maka labas kami ay marami nang mga magulang ang sumundo sa mga school mates ko, napabilis ang pag kalat ng insidente dahil isang nakakatrauma ito para sa aming lahat.
Nang marinig ko ang kung sino sa aming likuran na hinahanap si Rika, napa pikit nalang ako.
"Wala ata, pati si Sandro at Stephany wala na rin. Baka magkakasama sila" Tugon ng isa "sila ang laging mag kakasama, kasama na rin yan si Jared."
Malungkot niyang sabi, hinagod ni Marki ang aking balikat. Ang mga tao dito sa labas ay unti unti nang nababawasan dahil sa mga iyak ng mga istudyante.
Ang iba naman ay nandito parin na sumisilip mula sa labas kung ano ang nangyayari, ako naman ay nandito at si Marki ay hindi alam bakit kami nananatili.
"Gago! S-si Rika, pre!" Sigaw ng isang lalaki, kaunti na lamang kami dito kaya hindi na kami nag siksikan sa dulo ng labas upang matanaw ang roof top.
Napa hawak ako sa aking dibdib nang matanaw si Rika sa roof top, madilim at kumikidlat nanaman ng malakas.
"Amara!" Nagulat ako sa pag tawag ni Mae, "Ano nangyayari?!" Pawis na pawis siya kahit ang lamig na, napa hawak ako ng mahigpit sa aking bag.
Tumingin ako sa taas, sa direksyon ni Rika.
"Rika!!!" Sigaw ng mga kalalakihan mula dito sa ibaba, kumidlat ng malakas
"Rika!!"