Chapter 6

2444 Words
“Kinakabahan ako,” bulong ni Sahara kay Minerva habang nasa taxi sila papunta sa Haven Hotel. “Sis, huwag kang kabahan. Hindi naman nalalayo ang beauty natin sa mga nandoon,” humahagikgik na sabi nito sa kanya. “Minerva naman! Seryoso ako, sobrang lakas ng t***k ng puso ko,” sabi niya sa kaibigan. “Sis, relax ka lang, walang makakakilala sa atin,” nakangiting sabi nito. Napabuntong-hininga siya, hindi iyo ang kinakabahala niya. Hindi niya masabi rito kung ano iyon dahil siguradong mahabang paliwanagan ang mangyayari. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. “Nandito na tayo!” excited na hayag nito. Nauna na itong lumabas ng taxi, humugot muna siya ng malalim na hininga. Inayos niya ang maskara na nakatakip sa kanyang mga mata at lumabas siya ng sasakyan. Mahigpit niyang hawak ang ang small clutch bag na regalo sa kanya ng Ate Selah niya noong nakaraang kaarawan niya. “Minerva, pakiramdam ko magkakapulmonya ako sa pinasuot mo sa akin,” reklamong sabi niya sa kaibigan. “Sis, keri lang ‘yan,” nakangiting wika nito sa kanya. Ang suot niyang gown ay isang navy blue one-shoulder floor-length evening dress. Kalahati ng likod niya ay hindi natatakpan. Bahagya siyang ngumiti sa kaibigan bago sila naglakad papasok sa loob ng hotel. Inabot nila sa reception ang ticket at invitation card na dala nila. Napakunot-noo siya ng iabot sa kanila ang manipis na metal wrist band. “Para saan ito?” nagtatakang tanong niya kay Minerva. “Ay! Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin na bawat guest ay binibigyan nila nito,” tinaas nito ang kanang kamay. “Bakit?” “For security reasons, Ma’am,” wika ng receptionist na siyang sumagot sa tanong niya. “And to monitor any intruder or stalker,” wika ng baritonong tinig sa kanyang likuran. Dinig niya ang pagsinghap ni Minerva at ng receptionist. Nanigas ang kanyang balikat, dama niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Pumihit siya paharap sa lalaki, wala itong suot na mask. Dahan-dahang inilapit nito ang mukha sa kanya at mahinang bumulong, “You look gorgeous, Sahara?” “Race,” usal niya sa pangalan ng lalaki. “Glad you still remember,” nakangising wika nito at bahagyang lumayo sa kanya. “Yes, Mr. Sanderstorm. I’ll remember,” tugon niya sa binata. “You are hurting me with your coldness,” wika nito habang ang kamay nito ay nakatapat sa dibdib. Subalit masasalamin sa mga mata ng binata ang mumunting kapilyuhan na tinatago nito. Nilingon niya ang kaibigang nakatulala at titig na titig sa binata. “Minerva, this is Mr. Race Sanderstorm,” wika niya sa kaibigan. Bumaling siya sa binata, “Mr. Sanderstorm, meet my friend, Minerva Cornejo.” Yumuko ang binata at inabot ang kamay ng kaibigan niya at hinagkan ito. “Lovely to meet you, Ms. Cornejo,” masuyong wika nito kay Minerva na kinasinghap ni nito. Ngumisi sa kanya ang binata, nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. “Sis, namamalikmata ba ako?” bulong ni Minerva sa kanya. “Ha?” “K-kilala mo ang isang Race Sanderstorm,” nauutal na mahinang sabi nito sa kanya. Tumikhim si Race, “Hindi ba sinabi sa iyo ni Sahara na boyfriend niya ako?” “What?” bulalas niya sa sinabi nito. “N-nagtatagalog ka?” hindi makapaniwalang bulalas naman ng kaibigan niya. “Oo naman! Magaling ang nagturo sa akin,” nakangising sagot nito kay Minerva, nandoon pa rin ang accent nito kahit tuwid na itong magtagalog. Biglang napabaling si Minerva sa kanya, “Teka! Boyfriend!” nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya. Umiling siya sa kaibigan, “Hindi ko siya boyfriend!” “Strike two,” mahinang bulong ni Race na umabot naman sa pandinig niya. Sinamaan niya ito ng tingin na kinangisi lang ng binata. “Ladies, let’s go,” yaya nito sa kanila ni Minerva. Masuyong hinawakan nito ang kanyang braso. Naglakad sila papasok sa elevator. May ilang guest silang nakasabay. Huminto ang elevator sa ika-sampung palapag. Isinuoot ng binata ang maskara nito bago sila lumabas. Bumungad sa kanila ang malawak na bulwagan na puno ng mga guest. Inakay sila ni Race sa isa sa mga couch. “Wait here, I’ll get us something to drink,” paalam nito sa kanila. Marahan siyang tumango sa binata. Nang makaalis ito ay napaaray siya sa mahinang pagkurot sa braso niya ni Minerva. “Bakit?” nagtatakang sabi niya sa kaibigan. “Nakakiinis ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala si Race,” hinampong saad nito sa kanya. “Minerva, siya iyong kinikwento ko sa iyo,” tugon niya sa kaibigan na kinalaki ng mga mata nito. “Talaga! Oh my!” gulat na wika nito. Marahan siyang tumango rito. Napahawak siya sa kanyang batok, pakiramdam niya ay may mga matang nagmamasid sa kanya. Inikot niya ang kanyang tingin sa buong bulwagan. Wala naman siyang napansin na kakaiba. “Grabe, sis, sigurado akong maiinggit si Gelai nito!” kinikilig na wika nito sa kanya. “Si Gelai? Bakit?” “Hindi mo ba alam na matagal na niyang pinapantasya si Race. Kapag nalaman niyang kilala mo ng personal si Race, sigurado akong magtatampo iyon!” tugon nito sa kanya. “Hindi naman big deal kung magkakilala kami,” aniya. “Sa iyo, hindi. Pero kay Gelai sobrang big deal iyon,” seryosong sabi nito sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa paglapit ng binata, “Here,” inabot sa kanya ni Race ang isang glass ng champagne. Ganoon din kay Minerva. Umupo ang binata sa tabi niya. “I’m glad you came! Two weeks kitang hinintay. Saan ka ba galing?” tanong nito sa kanya. Nagkatinginan sila ni Minerva. “Ah, galing akong Bicol. May inayos lang ako,” tugon niya sa binata, dumaan ang matinding kirot sa puso niya. “Sis, maiwan ko muna kayo. Mukha kasing nakakaistorbo ako sa inyo,” tukso ni Minerva sa kanila ni Race. “I’m sorry, matagal lang kaming hindi nagkita ni Sahara,” wika ng binata sa kaibigan niya. “Okay lang iyon, balak ko talagang mag-iikot,’ sagot nito. “Bumalik ka agad,” bilin niya kay Minerva. “Oo, ako na muna ang magtatanong-tanong,” mahinang bulong nito sa kanya. “Salamat,” mahinang usal niya sa kaibigan na nginitian nito. Tumayo na ito, naiwan sila ni Race. Tinawag ng binata ang waiter, nagpadala ito ng isang boteng wine sa pwesto nila. “Baka malasing ako nito,” wika niya kay Race. “I will get you and Minerva a hotel room so don’t worry,” nakangiting sagot nito. “Hindi na kailangan, uuwi rin naman kama kaagad,” sabi niya sa binata. “Come on, let me be.” Naiiling na tumango siya kay Race, “Pero kakausapin ko muna si Minerva kung papayag siya.” “Fair enough,” nakangising wika nito. “Kailan pala ang alis mo?” tanong niya rito. “Next week na. Too bad, di ka makakasama this year,” bakas ang lungkot sa mata ni Race. “Ayaw mo iyon, sure win ka na,” tipid niyang nginitian ito. “Iba pa rin kung ikaw,” tugon nito sa mahinang tinig. “Nakakahalata na ako sa iyo, mukhang ikaw ang stalker sa ating dalawa?” aniya. “Of course not!” nakangising sagot nito. Napangiti siya, madalas siyang sabihan nito na stalker. Simula noong unang beses silang nagtagpo sa isang tournament ay nagkapalagayan sila ng loob. Hindi naman masasabing malapit sila sa isa’t isa. Pero tuwing nagkikita sila ay kampante siyang kausap ito. Nakwento niya sa Ate Selah niya at kay Minerva ang tungkol sa binata. Madalas siyang tuksuhin ng mga ito dahil kay Race. Siguro raw ay kaya siya nananalo ay sadyang nagpapatalo ito sa kanya. “Mr. Sanderstorm, I will go to the restroom,” paalam niya rito. “Say my name first,” nakangising sabi nito. “Race,” naiiling na usal niya rito. Lumawak ang pagkakangiti sa kanya. Tumayo siya at binaybay niya ang daan papuntang restroom. Nang makapasok siya sa loob ng isa mga cubicle ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Kanina pa niya pinipigilang umiyak. Nakita niya ang isa sa lalaking kasama ng Ate Selah niya sa video. Noong una ay nag-aalinlangan siya na kung tama ang hula niya. Pero noong tumagilid ito ay nakita niya ang tattoo nito sa leeg. Hindi siya nagkakamali, isa ang lalaki na kasama sa video. Nagpapahid siya ng luha nang marinig ang tawanan ng mga kakapasok lang na guest. Lalabas na sana siya nang mapahinto siya sa narinig, para siyang itinulos sa pagkakatayo. “I’m glad that b**ch is dead!” puno ng galit ang tinig na wika ng isa sa mga babae. “Ang akala siguro ni Selah ay makukuha niya ang isang De Silva! Imagine, from what I heard, pinapaako niya sa isang De Silva ang pinagbubuntis niya,” wika ng isa pa. “Ambisyosa ang babaeng iyon! Gosh! Akala mo kung sinong mahinhin, nasa loob ang kulo. Anyway, buti na lang din. Natitiyak ko na ako ang kukunin ng DSMA para sa big project next month,” tumatawang wika nito sa mga kasama. “Dapat naman talaga sa iyo ang project na iyon. Masyado lang mapapel si Selah.” Halos mabingi siya sa tawanan ng mga ito. Gusto niyang lumabas para ipagtanggol ang kapatid. Pero hindi siya sa makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha. Lumipas ang ilang saglit ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng cubicle. Nanghihinang naglakad siya palapit sa lababo. Pinagpasalamat niyang walang ibang tao na naroon. Agad niyang tinanggal ang kanyang maskara. Binasa niya ng tubig ang kanyang mukha. “Are you okay?” napa-angat siya ng tingin sa salamin. Nagsalubong ang tingin nila ng babae. Gold side feather mask ang suot nito. “Take this,” inabot nito sa kanya ang tissue. “Thank you,” mahinang usal niya. Tinanggap niya ito at pinahiran niya ang kanyang mukha. Huminga siya ng malalim, halata ang pamumula ng mga mata niya. “Whatever you are going through right now will not last. Be strong, dear.” Sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito bago ito tumalikod palabas ng restroom. Sinundan niya ito ng tingin. Huminga siya ng malalim at muling minasdan ang kanyang sarili sa salamin. Hindi na siya nagpahid pa ng make-up o ng lipstick. Inayos lang niya ang ilang hibla ng kanyang buhok na kumalas sa pagkakatali niya bago siya lumabas ng restroom. Napakunot-noo si Race pagkakita sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. Nandoon na rin sa pwesto nila si Minerva. “Sis,” usal nito. “Are you okay?” tanong naman ni Race, hinawakan siya nito sa braso. “Ayos lang ako, pasensya na natagalan ako. Madami kasing tao sa loob,” wika niya rito. Marahan itong tumango sa kanya. Lumingon siya kay Minerva at nginitian ito upang ipabatid na okay lang siya. “Would you like to dance?” biglang tanong ni Race sa kanya. “Race,” usal niya rito. “Shall we?” inilahad nito ang palad sa kanya. Tumango siya at inabot ito. Nilingon niya si Minerva. “Go ahead, sis,” nakangiting sabi nito. Ngumiti siya sa kaibigan. Inakay siya ng binata sa gitna ng dance floor. May mangilan-ngilan na nagsasayaw. Ipinalupot ni Race ang mga bisig nito sa kanyang beywang. Napahawak siya sa balikat nito. “Don’t be sad, Sahara. Kung ano man ang problema, you can always tell me,” nag-aalalang sabi nito. “Okay lang talaga ako,” medyo nanginig ang kanyang tinig, batid niyang nahalata ito ni Race. “You’re not a good liar, Sahara,” seryosong wika nito sa kanya. Kinabig siya ni Race palapit sa dibdib nito. Dinig niya ang t***k ng puso ng binata. “You can cry now, silently. Walang makakahalata, everyone is busy drinking and minding their own business. I got you covered,” masuyong bulong nito sa kanya. Napahikbi siya sa sinabi nito, “R-race,” usal niya. “You owe me a match, and one day you have to tell me what really happened?” Marahan siyang tumango rito habang mahina siyang humihikbi. Masuyong isinasayaw siya nito, nagpapasunod sa agos ang kanyang mga paa sa pagsayaw kasabay ng patak ng kanyang mga luha. Titig na titig si DJ sa babaeng kasayaw ng pinsan niyang si Race. Ang bunsong anak ng Tita Amelie niya na kapatid ng kanyang Papa. Bagamat nakamaskara ang babae ay hindi maikakaila ang angkin nitong ganda. Simula nang dumating ito kasama ng pinsan niya ay di niya maiwasang titigan ito. "Hhhmm, parece el nuevo sabor del mes," dinig niyang wika ng pinsan na si Raul. (Hhhmm, looks like the new flavor of the month.) “Creo que no,” Juan Miguel said. (I don’t think so.) Nilingon niya ang kapatid at si Raul kapwa nakatutok din sa kanilang pinsan at sa babaeng kasayaw nito ang tingin. "Estoy de acuerdo," nakangising wika ni Nico, ang kapatid ni Race. (I agree.) “¿La conoces?” tanong niya rito. (Do you know her?) "Si no me equivoco, Race pierde ante ella en el ajedrez” tugon nito. (If I am not mistaken, Race loses to her in chess.) "¡Vaya! ¿En serio?" di makapaniwalang sabi ni Raul. (Wow! Really?) Tumango si Nico, "¡Tres partidos de Gran Maestro!" (Three Grandmaster matches) “D*mn!” natatawang wika ng kapatid niyang si Miggy. “Eso es extraño! Knowing Race, he will not just let it go,” tugon niya. (That strange!) Sinaid niya ang iniinom niyang wine habang muling sinulyapan niya ang pinsan at ang babae. "Bueno, parece que esta vez, él está ansioso por dar jaque mate a la reina misma," sagot ni Nico. (Well, it seems this time, he is eager to checkmate the queen herself.) Napatango siya sa sinabi ni Nico. Iyon din ang nakikita niya habang pinagmamasdan niya ang dalawa. Sa di kalayuan ay isang pares ng mga mata ang kanina pa nagmamasid sa bawat galaw ni DJ De Silva. Kitang-kita nito ang pagtitig na ginagawa ni DJ sa babaeng kasayaw ng pinsan nito. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata nito na simula pa lang na pumasok ang babae ay nakasunod na ang tingin ni DJ rito. Kumuha ito ng isa pang glass ng champagne sa dumaan na waiter. Mabilis nitong sinaid ang laman niyon. Napangiti ito ng makahulugan at bumaling ang tingin sa babaeng kasayaw ni Race Sanderstorm. Sa isip nito ay mukhang magiging maganda ang mga susunod na eksena. Kailangang maihanda na niya ang entablado para sa isang magandang palabas na ilalaan niya para lang sa isang DJ De Silva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD