“Salamat, Tonyo,” nakangiting sabi ni Sahara sa binata.
“Sige na, pumasok ka na sa loob,” tugon nito sa kanya.
“Paano ka nga pala?” nag-aalalang tanong niya.
Hinatid siya ng binata sa kanyang tinutuluyan. Hindi ito pumayag ng mag-commute siya pabalik ng Maynila mula Mercedes.
“Doon ako kila Ali, nakausap ko siya bago tayo lumuwas,” tukoy nito sa dating kaklase.
“Tawagan mo ako kapag nandoon ka na. Kailan pala ang balik mo sa Mercedes?” tanong niya kay Tonyo.
“Baka sa makalawa, papasuri ko iyong video,” tugon nito.
“Tonyo, salamat sa lahat ha,” mahinang usal niya sa binata.
“Sahara, wala iyon! Alam mo naman na mahalaga ka sa akin, kayo ni Sel,” masuyong sabi nito sa kanya.
“I’m sorry,” malungkot niyang sabi rito.
“Tanggap ko na,” bumuntong-hininga ito at malungkot siyang nginitian, “Ang masakit lang ay hindi ko nasabi sa kanya ang lahat.”
Hinawakan niya ang kanang kamay nito, “Salamat pa rin, kasi alam ko na totoong mahal mo si Ate Selah. Salamat sa pagmamahal mo sa kanya,” naluluhang saad niya.
Natawa ito at pabirong ginulo ang kanyang buhok.
“Hindi bagay sa akin ang magdrama, nakakabawas ng gandang lalaki ko,” wika nito.
“Oo na, Mr. Macho Policeman,” naiiling na tugon niya sa binata.
“Sige, tatawagan kita pagdating ko kila Ali,” natatawang sabi nito sa kanya.
“Mag-iingat,” wika niya sa binata, kumaway siya rito bago sumakay si Tonyo sa sasakyan nito.
Napabuntong-hininga siya, binalot na naman ang puso niya ng kalungkutan. Patalikod na siya para pumasok sa kanyang unit nang mapalingon siya.
“Sahara!” kaway sa kanya ni Rina, isa sa mga tenant.
“Hi!” usal niya sa babae.
“Buti na lang dumating ka na,” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Bakit?” nagtatakang sabi niya.
Napakunot ang kanyang noo nang iabot nito sa kanya ang isang kahon.
“Dumating iyan pagka-alis mo, ni-received ko na para sa iyo,” tukoy nito sa package.
“Salamat, Rina,” tipid na nginitian niya ito.
“You’re welcome! Sige balik na ako sa unit ko, saka na tayo magkwentuhan may duty pa ako,” tugon nito sa kanya.
Nginitian niya ito. Isang nurse sa pribadong hospital si Rina. Sa mga tenant na nandoon ay ang babae ang masasabi niyang madalas niya nakakausap. Palakaibigan ito at madalas ay binibigyan siya ni Rina ng kung anu-anong niluluto nito.
Pumasok siya sa loob ng kanyang unit, pinatong niya sa sopa ang package at tumuloy siya sa kanyang silid. Ilang oras ang lumipas matapos niyang makapag-ayos ng kanyang sarili. Napahawak siya sa kanyang noo nang makita niya ang package na nasa sopa. Nakalimutan na niya ang tungkol doon.
Umupo siya sa sopa at binasa niya ang detalye ng package. Tinambol ang kanyang dibdib ng kaba. Galing ang package sa nagngangalang Sel Rodriguez, ang pangalang gamit ng Ate Selah niya kapag nagpapadala ito ng regalo at card sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay niyang maingat na binuksan ang kahon. Naglaglagan ang kanyang mga luha sa tumambad sa kanya.
Isang set ng baru-baruan na pang-baby na magkaiba ang kulay ang laman ng kahon. Inilabas niya ito at masuyong dinala sa kanyang dibdib. Napahagulgol siya sa damdaming nararamdaman niya ng sandaling iyon. Inabot niya ang kasama nitong card. Sumandal siya sa sopa, hindi niya binitawan ang mga baru-baruan habang binabasa niya ang nilalaman ng card na pinadala ng Ate Selah niya. Naka-date ang sulat tatlong araw bago ito natagpuang wala ng buhay.
“Hi, Baby Bunso,
I have a surprise for you... magiging Tita ka na! Galing ako sa doctor kahapon, I’m pregnant. Hindi ko pa nasasabi kina Mommy at Daddy. Natatakot ako na ma-disappoint sila sa akin. Baby Bunso, alam kong malapit na ang finals ninyo, then you will have a one week break. Puntahan mo naman ako, nasa Panganiban ako ngayon nakatira. Alam mo naman na kailangan kong umiwas sa mga reporter. Ikaw at si Carlyn pa lang ang nakakaalam ng kalagayan ko. Balak ko na rin na tumigil na sa pag-aartista. Kakausapin ko si Carlyn na tapusin na lang namin iyong huling movie ko. Tutal naman ay ilang eksena na lang ang hindi pa nakukuhanan.”
Napahawak siya sa kanyang dibdib, parang may mabigat na bagay na dumagan sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata upang mabasa niya ang sulat ng kapatid.
“Baby Bunso, napakasaya ko! Sobrang excited na ako. Hindi ako makapaniwala na may munting anghel na pumipintig sa tiyan ko. Sa pag-uwi mo, ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat. Baby Bunso, I really need you this time. Hindi ko alam kung kakayanin kong mag-isa na itaguyod ang magiging anak ko. Pero alam ko na may magandang plano si God sa akin, biniyayaan niya ako ng isang napakagandang regalo. Please... mangako ka na uuwi ka after ng final exam ninyo. Dalhan mo rin ako ng special hopia, iyong madalas mong ipasalubong sa akin. Gusto ko iyon, wala akong mabilhan dito.”
“Ate,” humihikbing usal niya.
“I miss you so much, Baby Bunso... I love you! Love na love ka ni Ate, lagi mong tatandaan iyan. Kahit na may baby na ako, ikaw pa rin ang Baby Bunso ko.”
Humahagulgol na niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Naninikip ang kanyang dibdib sa matinding pagdadalamhati para sa kanyang Ate Selah.
“Ate Selah ko! Ate Selah ko!” tumatangis na paulit-ulit niyang usal sa pangalan ng kanyang kapatid.
Isang bagay ang malinaw sa kanya nang mga sandaling iyon. Hinding-hindi tatapusin ng kanyang kapatid ang sarili nitong buhay. Bukod sa may takot ito sa Diyos, patunay ang liham nito kung gaano kasabik ang kanyang Ate Selah sa pinagbubuntis nito.
Maingat na bumangon si DJ, inayos niya ang pagkakatabing ng kumot sa hubad na katawan ni Natasha. Payapang nakatulog na ang babae matapos ang kanilang pagniniig. Isinuot niya ang kanyang boxer short at t-shirt, dinampot niya ang kanyang cellphone sa side table ng kama.
Napabuga siya ng hininga nang pagbukas niya ng cellphone ay sunud-sunod na pumasok ang mensahe ng kapatid na si Kyle. Sigurado siyang umuusok na sa galit ang nakakabatang kapatid. Importante ang meeting nila pero pinakansela niya para makasama si Natasha.
Bawat sandali na magkasama sila ni Natasha ay sinasamantala nila. Dalawang araw lang itong mananatili sa Maynila at kinakailangan na naman nitong bumalik sa Palawan.
Lumabas siya ng silid at isinara niya ang pintuan upang hindi magising si Natasha. Dinayal niya ang numero ni Kyle.
“¡Hola!” malamig na bungad nito sa kanya.
(Hello!)
"Le dije a Vanna que cancelara la reunión," walang paligoy-ligoy na sabi niya kay Kyle.
(I told Vanna to cancel the meeting.)
"Sí. Cancelas la reunión, pero déjame recordarte que eres tú quien insistió en esa reunión. El cliente estaba furioso. No obtuvimos el contrato," mariing sagot nito sa kanya.
(Yes. You cancel the meeting, but let me remind you that it’s you who insisted on that meeting. The client was furious. We didn’t get the contract.)
Napahawak siya sa kanyang batok, “Lo siento,” hinging paumanhin niya sa kapatid.
(Sorry about that.)
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito, "No es la primera vez, Kuya DJ,".
(This is not the first time.)
Hindi siya nakaimik sa tinuran nito.
"Espero que lo que sea que estés haciendo ahora sea mucho más importante que el contrato en el que hemos estado trabajando durante meses," wika nito sa kanya sa seryosong tinig.
(I hope whatever you're doing now is much more important than the contract we've been working on for months.)
"Conseguiré otro cliente," tanging tugon niya kay Kyle.
(I’ll get another client.)
Napabuntong-hininga ito, "¡Ese no es el punto! De todos modos, es tu vida. Necesito irme ahora. Estoy de camino a casa, los gemelos me están esperando," wika nito, bakas ang saya sa tinig nito pagkabanggit sa mga anak nito.
(That's not the point! Anyway, it's your life. I need to leave now. I'm on my way home, the twins are waiting for me.)
"Está bien, conduce seguro. Nos vemos este fin de semana,” tugon niya kay Kyle.
(Okay, drive safely. See you this weekend.)
“Tú también, Kuya DJ,” Kyle said.
(You too.)
Napasapo siya sa kanyang ulo matapos ang pakikipag-usap niya kay Kyle. Natitiyak niyang may alam ang kapatid kung nasaan siya nang mga oras na iyon.
“Babe,” malamyos na tinig ni Natasha.
Napa-angat ang tingin niya rito. Nakatapis na sa katawan nito ang kumot, naglakad ito palapit sa kanya at umupo sa kanyang kandungan. Ikinawit nito ang mga braso sa kanyang leeg.
“Problem?” Natasha asked.
“Nothing, just work,” He said.
“Babe, I need to leave in a few hours,” wika nito sa kanya habang naglalakbay ang hintuturo nito sa kanyang leeg.
“I thought you will stay here for two days?” kunot ang noong sabi niya.
“Got a text from Mamita,” malungkot nitong sagot sa kanya.
“Natasha, we talked about this! You promised me that you will stay here for two days,” tiim ang bagang na wika niya.
“I know, Babe,” malambing na yumakap ito sa kanya ng mahigpit, “Please understand, as much as I want to stay longer. I need to go back, she needs me,” mahinang bulong nito.
Hindi siya kumibo sa sinabi nito.
“DJ,” usal nito.
“When are you coming back?” malamig niyang sabi.
“I don’t know yet, Babe.”
“Ihahatid kita sa airport,” saad niya.
“Pero ~,” tutol nito, kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
“Natasha,”mariing bigkas niya sa pangalan nito.
Napabuntong-hininga ito at marahang tumango sa kanya, “Okay, Babe!
Muling ipinalupot nito ang mga braso sa kanyang leeg. Nilapit nito ang mukha sa kanya at naglapat ang kanilang mga labi. Isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nila. Umayos siya ng pagkakaupo at tuluyan siyang sumandal sa sopa habang nasa kandungan niya si Natasha.
Tinanggal nito ang kumot na nakatapis sa hubad nitong katawan. Matamis itong ngumiti sa kanya. Umayos ito sa kanyang ibabaw. Magkahinang ang kanilang mga titig nang paglakbayin nito ang palad papasok sa kanyang boxer short.
“Ooh! Babe...” ungol niya ng lumapat ang palad nito sa kanyang naghuhumindig na sandata.
“Ooh, DJ!” mahinang daing nito ng hawakan niya ang magkabilang dibdib nito.
Dahan-dahan na umalis ito sa kanyang kandungan. Nakangiting lumuhod ito at dahan-dahan na ibinaba nito ang kanyang boxer short.
Natasha gives him a naughty smile, “I can’t get enough of this,” wika nito habang hawak-hawak ang kanyang sandata. Unti-unting bumaba ang magandang mukha nito sa kanyang kandungan. Napaungol siya nang tuluyang lumapat ang mainit nitong bibig sa kanyang sandata.
“Sh*t!” nakapikit na usal niya.
Ang mga sumunod na sandali ay tanging daing at ungol nila ni Natasha ang maririnig sa apat na sulok ng cottage.
Kuyom ang palad ni Sahara habang titig na titig siya sa isang article na nakasulat sa isang online gossip site. Headline ang eskandalong kinakasangkutan ng kanyang Ate Selah. Maraming speculation kung sino ang ama ng pinagbubuntis ng kapatid niya. Ilang oras na siyang nakaharap sa kanyang laptop. Simula ng mabasa niya ang card na pinadala ng kapatid ay nagdesisyon siyang alamin kung sino ang ama ng pinagbubuntis nito.
Sinubukan niyang puntahan ang lahat ng website na may article tungkol sa mga naging leading man nito. Pero walang malinaw na sagot siyang nakita. Tunog ng kanyang cellphone ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip.
Sinagot niya ang tawag ng kaklaseng si Minerva. Tulad ni Gelai na isa rin sa mga kakalase niya, alam ni Minerva ang tungkol sa kaugnayan niya sa kanyang kapatid.
“Hello,” bungad niya sa kaibigan.
“Hello, Ara, nakakuha na ako ng ticket para sa event,” masayang balita nito sa kanya.
Ara ang tawag nito sa kanya. Gusto raw nitong maiba sa ibang kakaklase at professors nila.
“Minerva, iba na lang ang isama mo,” wika niya rito.
“Ara naman! Alam mo ba kung gaano kahirap makakuha ng ticket para sa Masquerade Ball ng Haven Hotel,” wika nito sa kanya.
“Oo, kaya lang, alam mo naman ang nangyari,” mahinang sabi niya.
“Alam ko,” lumungkot ang tinig nito, “Gusto ko lang naman din na malibang ka. Isa pa, kung hindi nangyari ang trahedya sa Ate Sel mo, pupunta naman talaga tayo di ba?”
Tama ito, sopresa niya sa kapatid ang pagdalo sa masquerade party na iyon. Alam niyang dadalo ito sa party. Kaya nagpatulong siya sa kaibigan na makakuha ng ticket ng hindi niya kailangang kausapin si Carlyn.
“Baka malay mo, may makuha tayong impormasyon doon. Di ba karamihan sa mga dadalo sa party ay naging katrabaho ng ate mo. Sigurado akong madali tayong makakapagtanong kasi di naman nila tayo makikilala,” suhesyon nito sa kanya.
Napaunat siya sa pagkaka-upo sa sinabi nito. May punto ang kaibigan niya, magagamit niya ang pagkakataon na iyon.
“Sige, kaya lang wala akong maisusuot. Hindi ko pwedeng tawagan si Ate Carlyn,” wika niya rito.
“Don’t worry, sis. Meron na, nakahiram na ako ng isusuot natin,” excited na sagot nito sa kanya.
“Okay, hintayin kita bukas,” tugon niya sa kaibigan.
“Oh my! Excited na akong makita ang De Silva brothers!” tumitiling sabi nito na nagpa-angat ng kilay niya.
“De Silva?” aniya.
“Oo, sis! Malalaman mo kung bakit gabi-gabi akong napupuyat,” tumatawang sabi nito sa kanya.
“Kaya kayo laging nag-aaway ni Rico,” tukoy niya sa nobyo nito.
“Sis, kapag nakita mo ang mga De Silva, baka sabihin mo sa akin na palitan ko na Rico. Kahit sino sa kanila ay talaga naman!” kilig na kilig na sabi nito.
“Sira ka talaga! Sige na, magkita na lang tayo bukas,” tugon niya sa kaibigan.
“Okay, sis, see yah!” sabi nito.
Pagkatapos ng tawag ay napapikit siya, ang tanging nasa isip niya ay ang makakuha ng sagot sa mga tanong niya. Maaaring sa pagdalo niya sa masquerade party na iyon ay makatulong sa kanya.
Binaling niya ang tingin sa kanyang laptop kung saan nakapaskil ang full photo ng CEO ng Haven Hotel International na si Daniel Justin De Silva.
“De Silva,” mahinang usal niya.