Chapter 4

1870 Words
“Ate Selah!” malakas na sigaw ni Sahara. Napabalikwas siya ng bangon, habol niya ang kanyang hininga. “Sahara!” mabilis na nilapitan siya ni Carlyn. “A-ate Carlyn!” humahagulgol na mahigpit siyang yumakap rito. “Oh, Sahara, I’m sorry!” mahinang bulong nito sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Carlyn, “Ate, s-sabihin mo sa akin, di ba hindi si Ate Selah iyon? Di ba?” nagmamakaawang sabi niya rito. “Sahara,” malungkot na usal nito sa kanya. Nanlulumong napahikbi siya, “Hindi si Ate Selah iyon! Hindi ako naniniwalang siya ang nasa video!” “Napanood ko na ang video bago pa kita tawagan. May nagpadala lang din sa akin. I’m sorry, Sahara, pero ang Ate Selah mo ang nasa video,” tugon ni Carlyn sa kanya. Muling napahagulgol siya sa sinabi nito. Maging sa kanyang sarili ay alam niya, sa unang tingin pa lang ay ang ate niya nga nasa video. “Sino ang lalaking kasama ni Ate Selah?” garalgal ang tinig na tanong niya. “Si Vice Mayor Wilson Dominguez. Siya rin ang kasama ng Daddy mo noong tambangan sila sa kabilang bayan,” si Tonyo ang sumagot sa tanong niya. Napa-angat ang tingin niya sa binata, “A-anong sabi mo?” “Sa opisina ni Vice Mayor nagtratrabaho ang Daddy mo,” sagot ni Tonyo sa kanya. “Sahara, si Mama ang tumawag sa akin habang papunta tayo rito. May mga reporter sa labas ng bahay ninyo. Pilit kinukuhanan ng statement ang Tiyang Amanda mo,” sabi ni Tonyo sa kanya. “Oh, Diyos ko! Ang Tiyang, sigurado akong natataranta na siya ngayon,” nababahalang sabi niya. Napatayo siya ngunit agad din na napaupo siyang muli. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. “Huwag kang mag-alala, nasa bahay na namin si Tita Amanda. Buti na lang at galing sa palengke ang Tiyang mo, may nagbalita sa kanya na madaming reporter ang nag-aabang sa kanya,” hayag ni Tonyo sa kanya. Nagpahid siya ng luha, “Salamat naman! Baka mapano ang Tiyang kung kinuyog siya ng mga reporter.” “Sahara, hindi pwedeng malaman ng mga reporter ang tungkol sa iyo. Alam mo naman di ba?” saad ni Carlyn sa kanya. Naluluhang tumango siya rito. Noong pasukin ng kanyang Ate Selah ang mundo ng pag-aartista ay inilihim nito at ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kanya. Tanging piling tao lang ang nakakaalam na magkapatid sila. Nais ng mga ito na maprotektahan pa rin ang pribadong buhay ng kanilang pamilya. Lumipas ang mahabang sandali na ni isa kanilang tatlo ay walang nagsasalita. “Ate Carlyn,” tumikhim siya, “Bakit may nakakaeskandalong video si Ate Selah?” “S-sahara,” nauutal na sambit nito. “Hindi ko maintindihan! Si Vice Mayor Dominguez ba ang ama ng nasa sinapupunan ni Ate Selah?” naguguluhang tanong niya kay Carlyn. “Ang totoo, Sahara, hindi ako sigurado. Maaaring si Wilson, pero malaki ang posibilididad na fabricated ang video,” tugon nito sa kanya na kina-angat ng kanyang kilay. “Fabricated?” aniya. “Sahara, totoong ang Ate Selah mo ang nasa video, hindi ko matandaan kung saan ko nakita ang video na iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay eksena iyon ng pelikula na ginawa ni Selah,” mahabang paliwanag nito. “Wait! Ibig mong sabihin ay duda ka kung nangyari nga ang nasa video?” kunot ang noong wika ni Tonyo. Marahang tumango si Carlyn. “Kung ganoon Ate Carlyn, alam mo ba kung sino ang may hawak ng original na video?” “Ang alam ko ay ang production company at ang DS Modeling Agency,” tugon ni Carlyn sa kanya. “Isa sa kanila ang maaaring naglabas ng video. Hihingi ako ng tulong sa kakilala ko, ipapasuri ko ang video, susubukan ko na rin na ipabura ang mga kopya sa online,” wika ni Tonyo. “Paanong nagawa nila ito! Wala na ang kapatid ko, hindi na niya maipagtatanggol ang sarili niya.” “Hindi ko alam kung ano ang motibo ng taong nagpakalat ng video. Ang magagawa na lang natin ngayon ay iwasan ang mga reporter,” wika ni Carlyn sa kanya. “Tama si Carlyn, Sahara. Wala pa rin ang resulta ng imbestigasyon ng pagtatangka sa buhay ni Vice Mayor Dominguez,” saad naman ni Tonyo. “Konektado kaya ang video at ang pag-ambushed kina Daddy at Vice Mayor?” biglang tanong niya kay Tonyo. Hindi ito umimik, subalit alam niya na may punto ang tanong niya. “Dumito ka muna, Sahara. Tawagan mo na lang si Tita Amanda, mas makakabuti na makapagpahinga ka na rin muna,” sabi sa kanya ni Carlyn. “Ate Carlyn, Tonyo, pwede bang tulungan ninyo akong alamin kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng malaswang video ni Ate Selah. Hindi ako makakapayag na dungisan nila ang dangal ng kapatid ko,” mariing wika niya sa dalawa. “Huwag kang mag-alala, aalamin ko,” sagot ni Carlyn. “Kahit hindi mo hilingin sa akin, Sahara, gagawa ako ng paraan. Hindi ganoong babae ang pagkakakilala ko kay Sel,” tugon naman ni Tonyo. “Maraming salamat, bukod kay Tiyang Amanda, malaking bagay sa akin na nandiyan kayo,” hayag niya kina Carlyn at Tonyo. “Nandito lang kami para sa iyo, kaya kailangan mong magpakatatag,” wika ni Carlyn sa kanya. Inabot at hinaplos nito ang kanyang dalawang kamay. Nakangiting tumango naman si Tonyo sa kanya. Akala ni Sahara ay huhupa ang balita tungkol sa video ng Ate Selah niya. Pero ilang araw pa lang ang lumipas ay tatlong magkakaibang video ang kumakalat ngayon sa internet. Tinakpan ang pagkakakilanlan ng kaperaha ng kanyang Ate Selah sa video maliban sa mukha nito. Kung anu-anong masasakit na salita na rin ang binabato sa kanyang kapatid. Nanginging ang mga kamay na ipinasok niya ang kanyang cellphone sa bag. Nagpahid siya ng luha at humugot siya ng malalim na hininga. “Hija,” pukaw sa kanya ng Tiyang Amanda niya. “Tiyang,” mahinang usal niya. “Naibaba na ang mga gamit, nandiyan na rin si Tonyo,” pagbibigay alam nito sa kanya. “Susunod na po ako, Tiyang,” tugon niya sa tiyahin. “Sige, hintayin kita sa labas,” wika nito sa kanya. Tumango siya sa tiyahin. Malungkot na hinaplos nito ang kanyang pisngi bago lumabas ng kanyang silid. Naipagbili na niya ang mga kasangkapan at ang mga gamit na hindi niya madadala sa bahay ng tiyahin. Muling pumatak ang kanyang mga luha, iyon na ang huling beses na makikita at makakatungtong siya sa loob ng kanilang bahay. Bumungtong hininga siya at dinampot ang kanyang bag. Minsan pa niyang inikot ang tingin sa bakanteng silid bago tuluyang lumabas. Nadatnan niya na naghihintay si Tonyo at ang Tiyang Amanda niya. Alas dos pa lang ng madaling araw. Minarapat nilang umalis nang ganoon kaaga upang walang gaanong tao ang makakakita sa kanila. Papasakay na siya ng sasakyan nang tumunog ang kanyang cellphone. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya sinagot ito. “Ate Carlyn,” bungad niya. “Sahara, ikinalulungkot ko, hindi ko nagawan ng paraan upang pigilan ang paglabas ng balita,” wika nito sa kanya. “Anong gagawin ko, Ate Carlyn,” tugon niya rito. “Ituloy mo ang usapan natin, bumalik ka ng Maynila na parang walang nangyari. Iyon lang ang magagawa mo sa ngayon,” saad nito sa kanya. “Ganoon na lang ba, Ate? Hahayaan ko na lang ba tuluyang siraan ng kung sinong demonyong iyon ang alaala ng kapatid ko?” puno ng hinanakit na wika niya kay Carlyn. “Sahara, wala tayong magagawa pa. Ang pwede ko na lang gawin ay ang huwag kang madamay pa sa eskandalo. Para sa ate mo at sa mga magulang mo, iyon man lang ay maibigay ko sa kanila,” malungkot nitong sagot sa kanya. “Tama ka, Ate Carlyn, sa ngayon ay wala akong magagawa. Pero hindi ako hihinto sa paghahanap ng sagot sa mga tanong ko. Hindi ako naniniwala sa binigay na report sa atin ng mga pulis,” kuyom ang palad na tugon niya. “Sahara,” tanging nausal nito sa kanya. Hindi niya matatanggap na patuloy na maruyakan ang pangalan ng Ate Selah niya at ng kanyang mga magulang. Ilang oras na lang ay lalabas na ang panibagong balita patungkol sa kanyang kapatid. Nalaman ni Carlyn mula sa kakilala nito na nagtratrabaho sa isang malaking tv network ang tungkol sa report ng pagdadalang tao ng Ate Selah niya. Maging ang kanyang Daddy ay hindi makakaligtas sa balita. Lumalabas sa imbestigasyon na sangkot ang kanyang ama sa katiwalian. Ayon sa imbestigasyon ay mga taong niloko ng kanyang Daddy ang nag-utos na tambangan ito, nadamay lang si Vice Mayor Wilson Dominguez. Lahat ng mga dahilan na binibigay sa kanya ng mga pulis ay hindi niya pinaniniwalaan. Maprinsipyong tao ang kanyang Daddy. Hindi ito gagawa ng katiwalian para magkamal ng salapi. Pinahid niya ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy. Pagod na pagod na siya sa sunud-sunod na mga pangyayari. Paano pa niya itutuloy ang buhay gaya ng sinasabi ni Carlyn at ng Tiyang Amanda niya sa kanya. Paano siya magpapatuloy kung unti-unting nawawalan na siya ng dahilan pa. “Naku! Idolo ko pa naman si Selah.” “Grabe! Akala mo kung sinong mahinhin kapag nagpupunta siya rito!” Nahagip ng pandinig ni DJ ang ilang usapan ng mga empleyadong nadadaanan niya. Napailing na lang siya, ilang araw na rin na laman ng balita ang tungkol kay Selah Marquez. Sigurado siyang problemado ang kapatid niyang si Kyle. Si Selah ay isa sa mga malaking talent ng DS Modeling Agency. “Good morning Sir DJ!” bati sa kanya ni Vanna, ang kanyang sekretarya. “Morning, Vanna! Dumating na ba si Eros?” sabi niya rito. Pumasok siya sa kanyang opisina, sumunod ito sa kanya. Ipinatong nito ang mga folder sa kanyang mesa. “Ang alam ko po ay nasa opisina na niya,” nakangiting sagot nito sa kanya. “Okay!” “Sir, here’s your schedule for today,” inabot nito sa kanya ang tablet. Pinasadahan niya ng tingin ang mga nakasulat doon at muling inabot niya kay Vanna. “Cancel my afternoon schedule,” wika niya sa sekretarya na kinabigla nito. “Sir,” usal nito. “What?” kunot-noong wika niya. “Sir, kabilin-bilinan po ni Sir Kyle na kailangan pong dumalo kayo sa meeting,” tugon nito sa kanya. “Just cancel it,” saad niya. “Noted Sir,” tugon nito bago lumabas ng kanyang opisina. Tumunog ang kanyang cellphone, napangiti siya at agad na sinagot ang tawag. “Hi!” “Hi Babe, where are you?” bungad na bati sa kanya ng tumawag. “Nasa hotel, why?” tugon niya. “Babe, I just landed,” malambing na sabi nito. “Really?” napatingin siya sa kanyang relo, “I thought you will arrive this afternoon?” “I’m so excited to see you, Babe. I took the first available flight,” tugon nito sa kanya. “Just give me a couple of hours,” wika niya sa babae. “Okay, I love you,” malambing na sabi nito. “I love you too, Natasha,” nakangiting tugon niya sa babaeng minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD