“Simula ngayon ay dito ka na titira,” hayag sa kanya ni Mrs. Alonzo. Sinamahan siya nito sa condo unit na binili nito para maging pansamantalang bahay niya. Malayo ang DS Towers sa university na pinapasukan niya. Pero kumuha ang ginang ng maghahatid at susundo sa kanya. Isa iyon sa bagay na pinagpasalamat niya rito, tatapusin niya ang nalalabing mahigit isang buwan sa pag-aaral. Iyon ang tanging kondisyon na hiniling niya sa ginang. “Salamat po,” wika niya. “Gusto mo ba na magpadala ako ng makakasama mo?” wika nito sa kanya. “Hindi na po kailangan. Hindi ko po magagawa ang mga plano natin kapag ganoon,” sagot niya. Nilibot niya ang tingin sa kabuuhan ng condo unit. Elegante at medyo may kalakihan ito kompara sa unit ng Ate Selah niya noong nabubuhay pa ito. Kasalukuyang pinapasok ni

