Chapter 4

1872 Words
Dalawang araw ay hindi nagkita ang mag asawa. Sobrang miss na miss na ni Cindy ang kanyang asawa. Mamayang gabi na din ang Grand Ball nila. Tinitingnan ni Cindy ang damit na ipinadala ni Ely kagabi. Dark blue evening gown na hapit sa beywang niya na bagsak ang tela. Backless at mababa ang cleavage. Sa gitna ang slits nito na hanggang hita niya. Ang seductive ng dress niya. Nag iisip tuloy siya kung pupunta siya. Makita pa lamang ang isusuot niya ay nagdadalawang isip na agad siya. "Cindy, andito na ang make up artist mo" sabi ng Mommy niya nakasilip sa pintuan ng kuwarto niya. "Okay, Mommy. Maliligi lamang po ako" sagot ni Cindy. Umalis na ang Mommy niya at bumaba na agad sa sala. Habang siya ay matamlay na pumasok sa banyo. Napahinga ng malalim si Cindy. Pagkatapos maligo ni Cindy ay nagrobe lang siya. Aayusan siya ngake up artist na inupahan ng Mommy niya. Nakaupo na si Cindy sa vanity mirror. At hinihintay ang make up artist niya. "Hi Ma'am" bati ng make up artist niya. Napalingon si Cindy dito. "Ay Ma'am, ang ganda mo naman. Mukhang hindi ako mahihirapan mag make up sayo. Ako nga po pala si Alice ang Diyosa ng mga Baklang Syokoy sa Pacific Ocean" kuwelang pakilala nito sa sarili. Natawa naman ng malakas si Cindy. "I like that Ma'am. Let's start na po" maarteng sabi nito na nakapilantik pa ang isang daliri. Tumango ng ulo si Cindy. Habang si Art ay naghihintay ng tawag at text mula sa asawa. Palakad lakad ito sa opisina ng Daddy ni Cindy. Miss na miss na ang kanyang asawa. Nagpaalam naman ito sa kanya nuong nakaraang araw pa. Pero ilang araw na silang hnd nagkakausap na dalawa. "Ma'am, tapos na. Open your eyes" utos ni Alice. Dahan dahang inimulat ni Cindy angata niya. Namangha siya sa nakita. "Wow! Really? Ako ba talaga ang nasa harap ng salamin" namamanghang tanong ni Cindy. "Wala na pong iba. Saka light make up lang naman po iyan. And naipony ko lang ang buhok niya tapos may laglag sa harap. Walang masyadong effort dahil maganda na talaga kayo, Ma'am" sagot ni Alice sa kanya. "Sige na po Ma'am. Magbihis na kayo o gusto niya samahan ko kayong magbihis" dagdag na sabi ni Alice. Napaisip si Cindy. Kahit naman binabae ito ay lalaki pa din siya. "Ako na. Kaya ko naman" tanggi ng sagot ni Cindy "I know Ma'am kung anong tumatakbo sa isipan ko. Pareho tayong babae kahit na may lawit ako. Pareho din tayong lalaki ang hanap" sabi ni Alice. "Oo na. Maiwan na muna kita diyan. Huwag ka munang umalis" natatawang sagot ni Cindy. Tumango lang ng ulo si Alice. Habang si Cindy ay kinuha ang kanyang damit at pumasok sa banyo paew doon magbihis. Maya maya ay lumalabas na si Cindy. "Wow! Ma'am ang bongga. Ang ganda niyo. Tinalo niyo ako sa ganda" may paghangang sabi ni Alice. Habang si Cindy ay tiningnan pa ang damit na suot. "Hindi ba masyadong asiwa. Kita kasi likod ko saka. Alam mo na" alangan na sabi ni Cindy. "Ang ganda niyo nga at ang sexy. Maraming makikipagkilala sa inyo sa party" ani Alice. "Cindy, Anak nasa baba na si Ely" sabi ng Mommy niya na sumilip lang sa may pintuan. Lumingon si Cindy sa Mommy niya at ngumiti. "Anak, you're so beautiful. Anak nga kita" pagbubuhat ng bangko na sabi ni Carmen sa anak. "It's true naman Ma'am Cindy. Maganda din si Mader parang bagets" bola pa ni Alice. Napatawa lang ang mag ina dahil sa sinabi ni Alice. "Let's go" aya na ni Carmen sa anak na si Cindy. Inalalayan ito ni Alice habang lumalabas ng kuwarto. Nang makarating sa baba ay napatayo si Ely. At matiim na tinititigan si Cindy. Tumikhim si Carmen. At nagbalik sa diwa si Ely. "Sorry po I just cant control myself to stare" paumanhin ni Ely. "Okay lang Hijo. Kahit ako natulala sa anak ko eh. Ang ganda niya diba?" sabi naman ni Carmen. "Mom" saway ni Cindy sa ina. "No. Actually very beautiful. And flowers to the most beautiful girl I've ever lay my eyes" sabi ni Ely at ibinigay ang bouqet of red roses. Tinanggap iyon ni Cindy. "Salamat" nahihiyang wika ni Cindy. "Sige na. Lumakad na kayo. And enjoy the party" sabi ni Carmen. At nagpaalam na nga sina Cindy at Ely. Jabang nagdadrive si Ely ay pasulyap sulyap siya kay Cindy. Sobra siyang humanga sa ganda ng dalagang katabi niya ngayon sa loob ng sasakyan niya. "Ely, eyes on the road. Baka mabangga pa tayo" sita ni Cindy. "Sorry" at tumingin na ito ulit sa daan. "I hope it will be not the last time na lalabas tayong magkasama, Cindy" dagdag na sabi ni Ely. Hindi nagsalita si Cindy. Ramdam naman niya naay gusto si Ely sa kanya. Pero may asawa na siya. Nakauwi na si Art sa apartment niya. Walang tawag siyang natanggap mula sa asawa or text na kanina pa niya hinihintay. Nakarating na sina Cindy at Ely sa party. Lahat ay napapalingon s babaeng kasama ni Ely. Nakakapit si Cindy sa braso ni Ely at nakangiting naglalakad ito. Proud na kasama ang pinakamagandang babae sa buong University. "Cindy, here!" malakas na tawag ni Ilona sa kaibigan na nakataas ang isang kamay. Nakita naman iyon ni Cindy at iginiya si Ely para doon na maupo. Panay ang ring ng phone ni Cindy sa ibabaw ng kanyang study table. Kanina pa ito nagriring at walang sumasagot. Ang hindi alam ni Art ay nakalimutan ng kanyang asawa ang phone nito sa kuwarto niya. Nanghihinayang na nahiga na lamang si Art sa kama niya para matulog. Nakahiga na siya pero hindi naman siya dalawin ng antok. Pabaling baling ng higa at hindi mapakali. Bumangon na lamang siya. At nagbihis. Pupunta siya sa Grand Ball Party ng asawa niya. "Cindy, ang ganda mo ngayon. At ang swerte mo dahil si Ely ang date mo. How I wished na sana ganyan kagwapo ang date ko ngayong gabi" masayang sabi ni Ilona. "Sira, ayaw ko na nga sana pumunta dito" sagot ni Cindy "Hala, sa ganda ng suot mo at may gwapo kang date, aba sayang naman. Pero buti na lang andito ka na" Ilang sandali ay inilahad ni Ely ang kamay kay Cindy. "Can i have this dance?" tanong ni Ely at tiningnan ni Cindy ang kamay ni Ely saka tumunghay sa mukha ng binata. "Go girl" bulong ni Ilona sa tenga ng kaibigan. Tinanggap nga iyon ni Cindy at nagpunta na sila sa gitna para sumayaw. Ang kamay ni Cindy na hawak niya ay inilagay niya sa leeg niya. At ang dalawang kamay niya, ay nasa beywang ni Cindy. Hinapit pa niya ang beywang nito palapit sa kanya. Nabigla si Cindy at tiningnan si Ely. Nakangiti ito sa kanya at inilingkis na ang kamay sa bewang niya. Naohilig na ni Cindy ang mukha sa dibdib ni Ely. At halos magkayakap na silang nagsasayaw na dalawa. Walang pakialam sa paligid at parang sila lang dalawa ang tao doon na nagsasayaw. "I like you, Cindy. If you will give me a chance. I will prove to you my words" mahinang sabi ni Ely kay Cindy. Napapikit na lamang si Cindy ng kanyang mga mata. At hindi sinagot ang sinabi ni Ely sa kanya. Nakalimot si Cindy na may asawa siyang nag aalala sa kanya. Ilang araw na silang hindi nag uusap. At hindi nagkikita. Halos maruliro na si Art sa kakaisip sa asawa Lulan ng taxi si Art papunta sa party na ginanap sa isang kilalang hotel sa Manila. Nagbabakasakali na makikita doon ang asawa. Alam naman niya na makikita doon sa part ang asawa dahil nagpaalam ito sa kanya. Pero bakit iba ang pakiramdam niya? Humarap si Cindy kay Ely at tumingin sa mga mata nito. Nakatitigan silang dalawa. At unti unti ay inilalapit ni Ely ang mukha sa mukha ni Cindy. Hindi na nakapalag si Cindy ng dumapo ang labi ni Ely sa labi niya. Hinalikan siya ni Ely at napapikit lamang siya. Nagmulat si Cindy ng kanyang mga mata at inilayo ni Cindy ang mukha kay Ely. Hindi si Art ang kasama niya at kahalikan niya. Bigla ay nag iwas si Cindy ng tingin kay Ely. "What's wrong?" nagtatakang tanong ni Ely. "I'm sorry pero hindi ito maari. Uuwi na ako" kumalas si Cindy sa pagkakahawak sa kanya ni Ely at humakbang na paalis. Pero naistatwa siya nang makita ang asawa niyang nakatayo sa di kalayuan. Nakakuyom ang kamao ni Art. Gusto niyang sumigaw at hatakin ang asawa niya palabas ng Ball. Pero wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. Tumalikod na lamang siya at nagpasyang umalis. "Art?" tanong ni Cindy sa isip. Hindi niya akalain na pupunta ang asawa niya sa party. Saka hinanap ang cellphone sa bag niya. Wala doon ang phone niya. Sinundan niya si Art na palabas nang hotel. "Art!" tawag ni Cindy sa asawa. Nakita niya itong nasa labas na ng pinto ng hotel. At hinabol. "Art, sandali lang" tawag na pigil sa asawa. Huminto si Art sa paglalakad. Nakayuko ang ulo at nagpupuyos sa galit. "Love, pupunta ka pala dito. Bakit hindi ka nagpasabi?" nag aalalang tanong ni Cindy. "Kanina pa ako tawag nang tawag sayo. Hindi mo pala dala ang phone mo! Paano ko pa sasabihin sayo?!" "I'm sorry hindi ko napansin na hindi ko pala dala" apologetic na sabi ni Cindy. Humarap si Art sa asawa. "Two days Cindy, ni hindi mo man lang akong naalalang tawagan. Ni wala kang text. Alam mo ba na naghihintay ako sayo? At alam mo na may asawa ka!" Hindi nakasagot si Cindy. "Kasalanan ko, nawala sa isip ko." "Nawala sa isip mo? Nawala sa isip mo na may asawa ka ganoon ba?" "No. I always thinking about you" sagot ni Cindy. "Totoo ba? Cindy, hindi ako tanga! Nakipaghalikan ka sa lalaking iyon. Pumayag na nga ako na may kadate kang iba. Kahit na ayaw ko! Kahit nasasasaktan ako. Alam mo gusto ko nang magwala doon pero pinipigilan ko! Ang hirap magpigil ng damdamin lalo na nasasaktan ako dito sa puso ko. Hindi ko naman magawang hindi ka payagan sa ganito dahil hindi naman nila alam na may asawa ka na. And the worst is nakakamatay na nakikita ka na hinahawakan ka ng iba at hinalikan ka pa sa labi mo. Dapat ako lang na asawa mo ang gumagawa niyon sayo! Dahil pag aari kita!" hindi na nakapagpigil si Art na sabihin ang nararamdamang sakit ng kalooban. Umagos ang luha ni Cindy sa kanyang mata. Wala man lang siyang nasabi para pakalmahin ang asawa niya. Wala siyang nagawa para alisin ang sakit na nararamdaman nito sa dibdib niya. Siya ang nagdulot ng sakit sa puso ng asawa. Kaya hindi niya ito masisisi sa lahat ng sinabi nito sa kanya. "Love, I'm sorry" pilit na hinahawakan ni Cindy ang asawa sa braso habang umiiyak. "Cindy, ayoko munang makausap ka. Gusto kong mag isip. Gusto kong mawala ang nararamdaman ko ngayong galit dito sa puso ko. Kailangan mo ding timbangin ang sarili mo. Kung anong gusto mong mangyari sa relasyon nating dalawa" at tumalikod na ito sa asawa paalis. Umiiyak si Cindy na pinagmamasdan ang likod ng asawa papaalis sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD