Chapter 5

1926 Words
Umuwi nang mag isa si Cindy. Masama ang loob niya at nag iiyak. Kasalanan niya ang lahat. Bakit hindi niya iniwasan si Ely. Mahal niya ang asawa niya. Mahal na mahal niya si Art. Siya ang nagkulong sa asawa niya sa sitwasyon na ito. Pinilit niya itong pakasalan siya. Kahit pabag sa loob niya. Pagkatapos siya ang gumawa ng ikasasama ng loob ng asawa niya. Pakiramdam niya nagtaksil siya sa asawa niya. Sa apartment ni Art ay nakakalimang bote na ang naiinom ni Art. Hindi pa naman siya lasing. Sa galit ay na ibato niya ang bote ng beer na iniinom niya. Umaga na halos ayaw pa ni Cindy na bumangon. Maga ang mga mata niya dahil sa mga pag iyak niya magdamag. Nangingitim din ang gilid ng mga mata niya dahil sa wala siyang halos na tulog kakaiyak. "Cindy, bumangon ka na. Hindi kaba papasok sa University?" katok na tanong ng Mommy niya "Hindi po. Pagod po ako saka puyat" pagdadahilan ni Cindy. At muling ipipikit na sana ang mga mata. Narinig niya ang yabag ng paa Mommy niya na papalayo sa kanya. Kinuha niya ang phone niya. Hindi niya naisip na tingnan ang cellphone niya ng makauwi siya. 50 missed calls at 20 messages ang nakita niyang ginawa ng asawa niya kagabi. Bakit ba nawala sa isip niya ang phone niya? Hindi nga siya tumawag sa asawa niya. Wala siyang mukha ang maihaharap sa asawa niya dahil sa mga ginawa niya. Pinilit niya ang sarili na tawagan ang asawa. Idinial niya ang numero ng asawa at itinapat ang telepono niya sa tenga niya. Nagriring naman agad. Nakadalawang ring na hindi pa din kinukuha ni Art ang phone niya. Hanggang sa ang narinig niya ay operator. Laglag ang balikat na binitawan niya ang kanyang telepono. Tinanghali ng gising si Art. Masakit ang ulo niya sa sobrang kalasingan kagabi. Bumangon siya mula sa kama niya at pumunta sa sala. Nakita niya ang mga basag na bote sa sahig. Kumuha si Art ng dust pan at walis tingting saka winalis ang mga nabasag na bote. Pinulot niya ang ilang bubog na nasa sahig. "Ouch" mahinang daing niya nang masugatan siya matalim na bubog. Nagdugo iyon. Wala nang mas sasakit pa sa ginawa ng asawa niya sa kanya. Maya maya ay may kumatok sa pintuan ng apartment niya. Hindi na niya ginawang takpan ang daliri niyang mag dugong umaagos. At pinuntahan ang taong kumakatok doon. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya nang mabugaran ang asawa doon. "Love, I'm sorry. Please mag usap naman tayo" pakiusap ni Cindy. Hindi ito pinansin ni Art at pumasok na lang sa loob ng bahay. Pero iniwan nitong bukas ang pintuan. Pumasok na lang si Cindy sa loob at nakita ang tumutulong dugo sa sahig. Sinundan niya iyon at nakita ang asawang nakaupo na tinanggal pa din ang mga basag na bote. Nag aalalang nilapitan ni Cindy ang asawa. At hinawakan ang kamay nito at tiningnan. "Love, nagdudugo ang daliri mo! Halika lilinisan natin ang sugat mo at gagamutin ko" halata ang pag aalala kay Cindy at hindi binibitawan ang kamay ng asawa. "Malayo sa bituka 'yan" saka tinanggal ang kamay ng asawa niya. At itinuloy ang ginagawang paglilinis ng sahig. Nasaktan si Cindy sa pangbabalewala ni Art sa kanya. Ganito din siguro ang naramdaman ng asawa niya sa dalawang araw na hindi niya ito tinawagan. "Love, please kausapin mo naman ako ng maayos, oh" pagmamakaawa ni Cindy. Tiningnan lang ito ni Art na walang gana. "Sinabi ko na sayo lahat ang gusto kong sabihin kagabi" may diing sagot ni Art. "Love, hindi na ba natin maayos ito?" "Sana tinanong mo sa sarili mo iyan. Bago mo ako lokohin!" hindi niya hinihigpitan si Cindy. Ayaw niya ding masakal ito sa relasyon nila kahit na patago lang sila. Pero sana nirespeto niya man lang na kasal na sila. Sana naisip ni Cindy iyon. "Alam ko naman ang mali ko. Hindi ko ipipilit ang ano mang dahilan ko sa mga nakita mo sa amin ni Ely. Hindi ko ginusto iyon" sabi ni Cindy. "Hindi mo ginusto? Pero pinayagan mo! Inisip mo ba ang asawa mo?" "Iniisip kita ng mga oras na iyon! Sumagi ang mukha ng asawa ko sa isip ko" umiiyak na sagot ni Cindy. "Mahal na mahal kita, Love. Pero kung hindi mo ako mapapatawad. Tatanggapin ko kung makikipaghiwalay ka sa akin. Kahit na masakit" panay ang iyak na dagdag ni Cindy. Wala naman kasi siyang magagawa kung ayaw siyang patawaron ng asawa niya. Dahil may nagawa siyang kasalanan. Tumalikod na si Cindy at aalis na. Nang hawakan ni Art ang isang kamay niya. "No, hindi di ko kaya. Galit ako pero hindi kita hihiwalayan. Hindi kita isusuko kasi mahal na mahal din kita, Love" naiiyak na sabi ni Art. Hindi na napigilan ni Cindy na kabigin ng yakap ang asawa. Pagkatapos ay hinalikan niya ang asawa sa labi. Gagawin niya ang lahat para makalimutan nito ang ginawa niya. At mawala na sa isip niya ang ginawa niyang panloloko kay Art. Babawi siya sa asawa niya. Panibagong umaga. Ngmulat si Cindy ng kanyang mga mata. At nabugaran ang mukha ng asawang natutulog sa tabi niya. Nakayakap ang dalawang kamay nito sa beywang niya na parang ayaw siyang pakawalan. Kumot lang ang tumatakip sa kanilang hubad na katawan. Salamat at naayos nilang dalawa ni Art ang gusto sa relasyon nilang dalawa. Masarap gumising sa umaga na makikita mo ang mukha ng lalaking mahal na mahal mo. At taong nagkompleto sayo. Inalayan niya ng sarili mo at ng buhay mo. Isiniksik ni Cindy ang ulo niya sa leeg ni Art. At nakangiting pumikit ng kanyang mga mata. Naramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Art sa kanyang buhok. Naalimpungatan si Cindy at kinapa ang asawa niya na katabi niyang natulog. Napabangon siya nang makapang wala ito. Kaya tumayo na siya at kumuha ng t-shirt ni Art. Saka dumiretso sa banyo. Sinusuklay na niya ang kanyang buhok nang makita ang oras. Alas diyes na ng umaga. Tinanghali siya ng gising. Kaya agad na lumabas siya ng kuwarto at pumunta ng kusina. Nakita niya ang asawa na sumayaw pa at kumakanta habang nagluluto. Suot na naman nito ang pink na apron. "Wow! Ang yummy ng puwet" sabi ni Cindy at hinampas ang asawa sa puwet. Art stiffed. Hindi siya nakagalaw. At humarap sa asawa. "Bakit mo ginawa yun?" may marang nanlilisik na tanong ni Art. Pagkatapos ay ngumiti ito. "Ang sarap mo kasing tingnan. Nagutom tuloy ako" sagot ni Cindy na umaatras. "Hmm. My wife is staving. Ako din kanina pa. Kaya halika na at kumain na tayo" aya ni Art sa asawa. Nakangiting lumapit si Cindy sa asawa. Pero bigla nitong kinabig ng yakap si Cindy. "Love, ano ba?" saway nito sa asawa. "Nagugutom na kasi ako. Kaya kakain muna ako" sagot nito. "Eh di bitawan mo na ako para makakain na tayo" sabi ni Cindy sa asawa. "No. Dahil ikaw ang pagkain ko" at sinimulang halika ni Art ang asawa sa leeg nito. "Aahh, Love. Kagabi pa tayo. Hindi ka pa napapagod?" tanong ni Cindy at pilit na iniiwas ang katawan sa kanyang asawa. "Never I will get tired of you, Love" saak kinintalan ng halik si Cindy sa labi. Napangiti si Cindy. Sana ganito sila palagi. Wala ng away at walang ng tampuhan. Pero sabi nila kapag may saya may lungkot. Napatigil sila ng magring ang phone ni Art. Nakabusangot ang mukha na kinuha nito ang phone niya. Natatawa naman si Cindy dahil nabitin ang asawa. "Daddy mo" sabi ni Art sa asawa na ikinagulat ni Cindy. "Sagutin mo" utos niya. "Hello, Sir Morales" bati ni Art at nailoid speaker ang phone niya para marinig ni Cindy. "Arthur, I want you in my office now!" galit na bulyaw ni Mr. Harold kay Art. "Okay Sir. Just give me five minutes" sagot niya at ibinaba na ang tawag. Binalingan nito ang asawa. "Love, okay lang ba na dito ka muna. Pupuntahan ko lang ang Daddy mo sa opisina" paalam ni Art sa asawa. "Saturday ngayon. Ano naman kaya ang kailangan ni Daddy sayo?" tanong ni Cindy. "I dont know. Kaya nga pupuntahan ko" sagot ni Art at hinalikan sa noo ang asawa. Saka nagmamadalimg pumunta ng kuwarto at nagbihis. Muli ay nagpaalam si Art sa kanyang asawa. Ngumiti lang si Cindy dahil ang Ama niya ang nagpapatawag sa asawa niya. Hindi pa man niya alam kung ano ang pag uusapan ng asawa niya at ang Daddy niya ay kinakabahan na siya. Kesa nerbiyusin ay inabala na lamang ang kanyang sarili sa paglilinis ng buong apartment ng asawa. Marunong naman sa gawing bahay ang asawa niya kaya kahit na wala itong kasamang babae ay malinis pa din ang apartment nito. Pagkatapos sa sala ay dumiretso siya ng kuwarto. Pinalitan niya ang bed sheet at punda. Inilagay niya iyon sa laundry basket na nakalagay doon sa lob ng kuwarto. First time niyang gawin ang lahat ng ito. Ramdam niya ang pagiging asawa kay Art sa mga ginagawa niya ngayon. Tapos na. Malinis na ang kuwarto. Lumabas na si Cindy at nakaramdam ng gutom. Kanina pa niya napapansin ang nakatakip sa ibabaw ng lamesa. Nacurious siya kaya tinanggal niya kaagad iyon. Nagulat siya na chocolate cake ang andoon. May nakasulat na "Happy First Week, My Wife!" "Aww. Ang sweet naman ng asawa ko" nasabi ni Cindy sa isip. Naka isang linggo na nga silang dalawa as husband and wife. At naisipan pa iyong paghandaan ng kanyang asawa. May naisip siya. Kaya para matuwa asawa niya ay ipagluluto niya ito. Kahit hindi siya marunong magluto ay susubukan pa din niya. Sumapit ang gabi. Alas siete na ng gabi ay wala pa si Art. Kanina pa siya naghihintay. Nagluto siya ng fried chicken, fried tilapia, at saka nagsaing din siya ng kanin sa rice cooker. Sinisilip niya sa bintana si Art. Pero wala pa din ito. Lalg ang balikat na umupo ulit siya sa sopa. Hihintayin na lang niya si Art. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa sopa. Mahinang tapik ang nagpagising sa kanya. Nabugaran ang mukha ng asawa. Parang pagod ang mga mata nito. Pero nakangiti sa kanya. "Anong oras na?" pupungas pungas ng mata na tanong ni Cindy. Napapahikab pa ito. "Eleven p.m" sagot ni Art. "Huh? Alas onse na? Bakit ngayon ka lang?" sunod sunod na tanong ni Cindy. "Maraming ipinagawa si Chairman kaya ngayon lang ako nakauwi" sagot ni Art at binubuksan ang suot nitong polo. Bumangon si Cindy sa pagkakahiga. "Kumain ka na ba?" tanong niya ulit sa asawa. "Hindi pa nga. Gusto ko sana kasabay ka kumain. Pero nalate ako" may nanghihinang na sagot ni Art. "Hindi pa din ako kumakain" nagulat naman si Art sa sinabi ng asawa. "Anong oras na hindi ka pa kumakain? Dapat nauna ka na. Hindi kita matawagan alam mo naman nasa malapit lang si Chairman" "Okay lang, Love. Halika may surprise ako sayo" hinawakan ni Cindy ang kamay ng asawa at iginiya sa lamesa. Doon lang napansin ni Art ang gayak sa kusina. "Happy First Week". Masaya na hinarap niya ang asawa at binigyan ng maagang halik sa labi. "I love you, Love" malambing na sabi ni Art. "I love you, too" sagot ni Cindy na nakangiti. "May isa pa" dagdag na sabi nito at mas lumawak pa ang ngiti nito kay Art. Binuksan ni Cindy isa isa ang nakatakip sa lamesa. Nagulat si Art na nag abala talaga ang asawa niya na ipagluto siya. Si Art ang laging nagluluto para sa kanila. Kaya ngayon espesyal ang gabi na ito para sa kanilang mag asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD