Nakauwi na si Cindy sa bahay nila. At nadatnan ang parents niya na naghihintay sa sa kanya sa sala. Galit na mukha ang nakikita niya sa Daddy niya.
"Cindy, saan ka nanggaling? Halos dalawang araw kang hindi umuwi, ah. Hindi porke't pinapayagan ka namin ng Mommy mo na maglabas labas ng bahay ay aabusuhin mo na!" galit na tanong ng Daddy niya.
"Sa mga friends ko lamang po" magalang pa ding sagot ni Cindy. Ayaw niyang tumingin sa mga mata ng Daddy niya dahil baka makita nitong nagsisinungaling siya.
"Bakit hindi ka nagpaalam? Akala mo hindi ko napapansin ang minsang hindi mo pag uwi sa gabi, Cindy! Saan ka ba mga nagpupunta?" tumaas na ang boses ni Harold.
"Sa mga kaibigan ko lang po" pareho pa ding sagot ni Cindy.
"Friends? Are you sure sa mga kaibigan mo lang o may iba ka pang pinupuntahan?" may pag uusisa na tanong ni Harold.
"I'm with my friends, Dad" hindi patitinag na sagot ni Cindy.
"You're graduating from the University and I want you to behave like a decent woman!"
"Hon, stop that. And can you please be calm" awat ni Carmen sa asawa.
"Hija, saan ka ba talaga pumupunta? Nag aalala lang kami sayo. And hindi tama sa isang dalaga na katulad mo ang palabas labas sa gabi" balimg na sabi ng Mommy niya sa kanya.
"Don't worry, Mom. Hindi naman po ako kung kani kanino lang pumupunta. And alam kong safe ako" sagot ni Cindy. Safe siya dahil sa asawa niya siya pumupunta.
"Ayoko nang mauulit pa ito. Kaya whether you like it or not. Hindi ka na lalabas sa gabi. You will stay in this house. Do you understand?" pinal na utos ni Harold kay Cindy.
"Dad."
"Do you understand?" tanong ulit ni Harold sa anak. Napilitan tumango ng ulo si Cindy. Napilitang tumango ng ulo si Cindy. Paano pa sila ngayon magkikita ng asawa niya? Hindi siya makakalabas ng bahay. Siguro may iba pa namang paraan para magkita sila ni Art. Pero paano?
Nasa kuwarto na niya si Cindy at iniisip pa din kung paano siya makakalabas ng bahay nila mamayang gabi. Anong idadahilan niy para makaalis?
Kumakain sila ng tanghalian ng Mommy niya. Nasa opisina na ang Daddy niya. At bihira ito makasabay nila sa tanghalian.
"Mom, can I go tonight?" subok na paalam ni Cindy. Pikit mata na hinintay ni Cindy ang sagot ng Mommy niya.
"No, Cindy. Magagalit lalo ang Daddy mo sayo. Konting tiis lang. Mapapayagan ka din niyon gawin ang gusto mo."
Nanlulumong itinuloy ni Cindy ang pagkain.
"Bakit hindi mo palitan ang Daddy mo sa kompanya? Tiyak ako mapapayagan ka 'nun lumabas nang bahay" mungkahi ng Mommy niya. Napatingin si Cindy sa Mommy niya, at napangiti.
"Yeah. Thanks, Mom. You're really the best" saka tumayo ito at nilapitan ang ina, para mahalikan sa pisngi. Ngayon lang naisip iyon. Kahit na ayaw niya ay gagawin niya para lamang sila magkita ng asawa niya. Baka nga bigyan siya ng kalayaan ng Daddy niya kapag nagkataon na tinanggap niya ang posisyon.
Later tonight ay kakausapin niya ang Daddy niya. At sasabihin na niyang gusto niyang hawakan ang kompanya na ipinipilit ng Daddy niya.
"Sigurado ka na ba, Cindy? Baka napipilitan ka lang?" kilala talaga dyiang ng Mommy niya. Pero wala siyang choice kundi ang gawin ito.
"Don't worry, Mommy. Sigurado din naman ako na mag eenjoy ako sa opisina ni Daddy kahit na mababagot ako" pilit itong ngumiti para maniwala ang Mommy niya sa pasya niya.
"And I want to do it para maging po masaya si Daddy at maging proud po siya sa akin" dagdag ni Cindy.
Hinawakan naman ng Mommy niya ang kamay niya.
It was already eight p.m. at naghihintay si Cindy sa Daddy niya na dumating. Ilang sandali pa ang hinintay niya ay dumating na nga ang Daddy niya.
"O, Cindy. Bakit gising ka pa?" tanong ng Daddy niya. Lumapit si Cindy sa ama at binigyan ng halik sa pisngi.
"I want to suggest something, Dad. Kaya po hinihintay kita" sagot ni Cindy. Ibinababa naman ni Harold ang dalang attache case ay niluwagan tie niya.
Huminga ng malalim si Cindy.
"I want to work as a Chairwoman of HM Group" sagot ni Cindy. Umaliwalas ang mukha ng Daddy niya. Kita ang saya sa mukha nito.
"Really, Cindy?" tumango ng ulo si Cindy at iniisip ilang sagot. Biglang niyakap ni Harold ang anak.
"Thank you, Anak. I'm happy that you're having interest sa kompanya natin. And may tiwala ako sa kakayahan mo" masayang sabi ni Harold.
"Bukas na bukas din. I will talk to Arthur. He will guide you tomorrow in everything. The two of you will work together" dagdag na sabi ni Harold.
Kumislap ang mga mata ni Cindy at ang asawa niya pa ang magtuturo sa kanya. May kagandahan din pala ang ginawa niya. At excited siya para bukas.
Maaga pa ang nagising na si Cindy. Excited na siyang makita ang asawa niya ngayon araw. Hindi nila napag usapan ang pagtatrabaho niya sa kompanya. Hindi naman kasi tinatanong ni Arthur ang tungkol doon. Tiyak na magugulat ito na makikita siya sa opisina mamaya.
"Aee you ready, Cindy?" tanong ni Harold sa anak. Tumango ng ulo si Cindy. Saka ngumiti.
"Okay, lets go. Hon, we're going" paalam ni Harold sa asawa at humalik sa pisngi nito. Habang si Cindy ay ngumiti sa ina at humalik din ito sa pisngi ng ina.
Sakay ng sasakyan ng Daddy niya sila. Papunta na sila ngayon sa kompanya. Ang HM Group. Alam niyang masusurpresa ang asawa niya kapag nakita siya ngayon na papasok sa kompanya bilang Chairwoman.
Pagkapasok nila ng Daddy niya sa loob ng building, lahat ang makasalubong nila ay yumuyuko sa Daddy niya at bumabati. Ningingitian at binabati din niya ang lahat ng empleyado ng Daddy niya.
"Good morning, Sir" bati ng nakatayong si Arthur sa amo. Hindi nito napansin ang asawa na nsa likuran amo.
"Good morning, Arthur" bati din ni Harold. Mataman lang nakatingin si Arthur sa among lalaki.
"Ah Arthur, my daughter is here to be the new Chairwoman of my company" doon lang lumitaw si Cindy at nakangiti ito sa asawa. Nagulat si Arthur na ang asawa na niya ang magiging Chairwoman ng kompanyang HMG.
"Good morning, Ma'am" bati ni Arthur at nagyuko pa ng ulo bilang paggalang. Napataas ang kilay ni Cindy sa inakto ng asawa niya.
"Prepare the conference room. I will make an announcement that my daughter Cindy Morales will be the new Chairwoman of this company" utos nito kay Arthur. Napatingin si Cindy sa asawa niya. Wala itong reaksiyon sa mukha.
"May ipag uutos pa po ba kayo?" tanong ni Arthur. At hindi na pinansin si Cindy.
"Make black coffee for me. Ah, Cindy Hija, what would you like?" sagot at baling na tanong sa anak.
"Nothing, Dad" sagot niya. Pinauna siya ng Daddy niya na pumasok sa loob ng opisina nito. Kasunod din niya ang Daddy niya.
Pagkapasok ng mag ama sa opisina ni Mr. Harold ay mabilis na nagpunta ng pantry si Arthur. Nagmamadali na ginawa ang inuutos ng amo niyang lalaki. Nang ilagay sa table ni Mr. Harold ang kape ay tinapunan ng tingin ni Arthur si Cindy. Malawak pa din ang ngiti nito sa kanya. Samantalang si Arthur ay halos walang reaksiyon.
Lumabas ng opisina ni Mr. Harold si Arthur at bumalik sa desk niya. Isa isang tinawagan nito ang lahat ng shareholder ng kompanya at mga opisyales ng kompanya. Pagkatapos masigurong natawagan ang lahat ay nagpunta naman ito ng conference room para ihanda ang lahat ng kailangan sa meeting.
Bumalik ng opisina ni Mr. Harold si Arthur. Pumasok siya sa loob at hindi na muling sinulyapan ang asawa niya. Nakakahiyang ang asawa niya ang superior niya sa trabaho. Paano pa niya haharapin at kakausapin si Cindy bilang amo niya?
"Sir, the meeting will start at ten o'clock. Do you want me to prepare all the documents that you need to sign to transfer to the name of Miss Cindy all the authority and right in HMG?" saad ni Arthur.
"Yes, please Arthur. And before I will forget, arrange a lunch meeting to Mr. Eliseo Andrew. Call the restaurant to reserved sit for me and my daughter" utos pa ni Harold.
"Dad, puwede po bang dito na lang po ako sa opisina?" sabi ni Cindy.
"No, Hija. Alam kong iniiwasan mo si Ely. Gusto ko lang kayong magkasundo" sagot ni Mr. Harold. Nagulat naman si Cindy dahil sa sinabi ng Daddy niya. Paano nalaman ng Daddy niya ang tungkol kay Ely?
"Sir, I'm going" paalam ni Arthur. Naalala ni Cindy na narinig ng asawa niya nag tungkol kay Ely. Nakita na lamang niya na nakalabas na ang asawa niya ng opisina niya.
Matapos ang meeting ay niyaya na si Cindy ng Daddy niya na pumunta ng lunch meeting kay Ely. Tiningnan ni Cindy ang asawa niya kung anong reaksiyon nitong makikita niya.
"Cindy, Halika na at ihahatid kita sa meeting niyo ni Ely" aya ng Daddy niya sa kanya. Hinahabol pa din ng tingin ni Cindy ang asawa. Pero umijwas lang ito sa kanya.
Muling umupo si Arthur sa desk niya at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho. Habang si Cindy naman ay hinila na, ng Daddy niya para umalis na.
Nang makaalis na ang mag ama ay saka hinabol ng tingin ni Arthur ang asawa. Napakuyom siya ng kamao. Gusto niyang magselos. Gusto niyang magalit. Pero paano? Ni hindi nila alam na may karapatan siya sa asawa niya.
Boss na din niya si Cincy. Paano pa niya kahaharapin ang asawa niya ngayon na mas mataas na ang posisyon nito sa kanya? Utusan na lang siya nito. At siya na ang laging tagasunod sa asawa niya.