Pinaghila si Cindy ng upuan ni Ely. Napilitan na lamang siya na maupo. Habang ang Daddy niya ay nakipagkamay kay Ely.
"Thank you, Sir" nakangiting sabi ni Ely.
"Tito, call me Tito" saad ng Daddy ni Cindy. Cindy rolled her eyes.
"Dad, umupo ka na" singit na sabat ni ni Cindy. Napatingin si Harold sa anak.
"I need to go home, Hija. Si Ely na ang bahala sayo" sagot ng Daddy niya.
Nagulat si Cindy. Naset up yata siya.
Nagpaalam lang ang Daddy niya kay Ely pagkatapos ay umalis na ito.
"Ano 'to, Ely?" tanong ni Cindy.
"I just want to spend my lunch with you. Masama ba iyon?"
"Ely, I'm sorry kung nagiging rude ako sayo. Pero wala kang aasahan sa akin. Hindi ako ang babae na para sayo. Kaya ituon mo na lang sa iba ang atensyon mo" diretsong pagtatapat ni Cindy kay Ely.
"Bakit naman, Cindy?" tanong ni Ely.
"Huwag kang mag isip na may mali sayo. Ako ang problema. Hindi talaga tayo puwede" sagot ni Cindy. Bigla tumayo si Cindy at umalis.
Napatingin na lang si Ely kay Cindy na palabas ng restaurant.
Bumalik ng opisina si Cindy. At kaagad na nilapitan ang asawa.
"Love" tawag ni Cindy sa asawa. Hahalik sana ito sa pisngi ni Art pero iniwas nito ang mukha niya.
"Baka may makakita sa atin" pagrarason ni Art. Natigilan si Cindy.
"Galit ka ba?"
"Bakit ako magagalit? May ginawa ka na naman bang kasalanan?" balik na tanong ni Art. At patuloy pa din ito sa ginagawa.
"Ramdam kong galit ka sa akin, Love. Sabihin mo kung galit ka, Please. Huwag lang ganito" pakiusap ni Cindy.
"Cindy, bumalik ka na sa loob ng opisina mo. Marami akong inilagay na dokumento sa lamesa mo na pipirmahan mo. Oras ng trabaho ngayon at nasa kompanya niyo tayong dalawa. Ituring mo akong empleyado mo. At ilabas mo dito ang relasyon nating dalawa!"
Natigilan si Cindy sa sinabi ng asawa niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ang asawa niya? Maybe nagseselos ito kay Ely.
"Love kung nagseselos ka kay Ely. Huwag mong isipin iyong sa amin ni Ely. Dahil tinapat ko na siya kanina. Kaya bumalik kaagad ako dito" sabi ni Cindy.
Napatiim ng bagang si Art.
"Cindy, please. Let's not talk about that here. Puwede tayong mag usap mamaya. At hindi ako nagseselos kay Ely!" galit na saad ni Art sa asawa niya.
"A-Art, maglunch ka muna" nauutal na tawag ni Cindy sa pangalan ng asawa niya. Nag aalala lang siya dito dahil alas dose na ay hindi pa din ito bumababa sa cafeteria para kumain.
"Busog pa ako. At saka may dala akong baon" mariing tanggi ni Art na nakakunot ang noo. Ipinakita nito ang hawak na lunch box.
"Okay" maikling sagot ni Cindy at tinitingnan lang niya ang asawa niya na nagtatrabaho.
Walang nagawa si Cindy kundi ang pumasok sa loob ng opisina niya. Naupo siya sa kanyang swivel chair at tiningnan ang nakatambak na pipirmahan niya. Isa isa niya iyong binabasa bago pirmahan.
Maya maya ay napahinto siya dahil sa naririnig na usapan sa labas ng opisina niya.
"Art, let's go. Mamaya mo na ituloy iyan. Nagugutom na din kasi ako" aya ni Rebecca kay Arthur.
"Rebecca, madami pa akong ginagawa" tanggi ni Arthur na nakangiti kay Rebecca.
Kitang kita ni Cindy ang ngitian ng asawa niya at ang babae na iyon. Sa kanya halos ayaw siya tapunan ng tingin. At pagdating sa babae na iyon ay nakangiti pa siya.
Nanlilisik na pinagmamasdan ni Cindy ang asawa niya at ang babae. Nagtatawanan pa ang mga ito. At nakaupo na ang babae na iyon sa lamesa ng asawa niya.
"Flirt b*tch!" galit na nasabi ni Cindy sa isip. Pagkatapos ay nilapitan niya ang dalawa na nag uusap.
"A-Arthur, puwede mo bang kunin ang mga natapos ko ng pirmahan na mga dokumento. Masyado na kasing sumiksikip ang mesa ko" may diing utos ni Cindy pero ang mata ay nasa babaeng nakaupo sa lamesa ng asawa niya. Hindi pa din siya nasasanay na tawagin ang asawa sa pangalan nito.
Napaayos naman ng upo ang babae.
"Ms. Morales, I'm Rebecca Agoncillo the daughter of President Agoncillo" pakilala nito sa sarili.
"Bakit hindi kita nakita sa meeting kanina?" nakataas ang kilay na tanong ni Cindy.
"Sorry Miss Morales kung hindi ako nakapunta sa meeting kanina. Besides andoon naman na si Papa kanina" sagot ni Rebecca.
"Kahit na. You're my employee so you should be there" saad ni Cindy.
"Excuse me Miss Morales. I am not an employee here. We are one of the shareholder of your company" pagtatama ni Rebecca.
Napatikhim si Arthur
"Ma'am Chairwoman, puwede niyo po ba akong samahan sa loob ng opisina niyo?" pakiusap ni Arthur. Alam niyang may tensyon sa pagitan ng asawa niya at kay Rebecca. Tumango ng ulo si Cindy dito at papasok na sana sa loob ng opisina nang marinig na nagsalita ang asawa niya.
"Becca, mauna ka na sa baba. Susunod na lang ako" utos ni Arthur kay Rebecca.
"Okay, make sure na baba ka. Maghihintay ako sayo sa baba" sagot ni Rebecca. Napilitang tumango ng ulo si Arthur. Habang si Cindy ay lalo namang nagalit.
Umalis na din si Rebecca at si Arthur ay pumasok na sa loob ng opisina ng asawa niya. Nilapitan niya agad ito.
"What is that, Cindy?" hindi siya makapaniwala na Cindy na lamang ang tawag ng asawa niya sa kanya.
"Why?" balik na tanong niya.
"Alam ko na kung anong tumatakbo sa utak mo. Magkaibigan lang kami ni Rebecca. Kaya stop being so jealous!"
Napabuga ng hangin si Cindy. Pinipigilan niya ang galit niya sa dibdib niya.
"Kung ayaw mo akong magselos e, di umakto ka na may asawa. Hindi ka ba nahihiyang makita at marinig ko ang pinag uusapan niyo?"
"Wala kaming ginagawang masama ni Rebecca, Cindy. Masyado lang madumi ang utak mo!"
Nagpanting ang tenga ni Cindy ng marinig iyon mula sa asawa niya. Ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit galit na galit si Arthur sa kanya.
"Ako pa ngayon ang madumi ang utak. Ako pa ngayon ang nag iisip ng hindi maganda sa inyo, ganoon ba? Alam mo, Love I really didn't expect this. Ang akala ko kasi matutuwa ka na makikita mo ako dito sa kompanya. Akala ko matutuwa kana ako na Chairwoman sa HMG. Pero hindi pala" saad ni Cindy.
"Sa babae na iyon napakadali sayo ang ngumiti. Sa akin napakahirap mong gawin ang gumanti ng ngiti! Ramdam ko ang pag iwas mo sa akin, kanina pa. Pero hindi ko na lang pinansin. Ayaw ko talaga na nag aaway tayo" dagdag nasabi ni Cindy na napaiyak sa harapan ni Art. Hindi na niya napigilan ang sarili. Ibuhos ang sama ng loob.
Lumambot ang puso ni Art sa nakikitang pag iyak ng asawa niya. Lumabas na lamang siya ng opisina ni Cindy. Maaga pa ang nagising na si Cindy. Excited na siyang makita ang asawa niya ngayon araw. Tiyak na magugulat ito na makikita siya sa opisina mamaya.
Isang buwan na ang nagdaan. Hindi pa din naayos ang gusot nina Art at Cindy. Si Cindy ang kusa na gustong maayos nila ang problema nila. Pero si Art ang tumanggi. Iniiwasan na din siya ni Art.
Araw araw naman silang nagkikita sa kompanya. Pero hindi na sila nagkikita pa sa apartment ni Art. Ang turing na ni Art kay Cindy ay amo at hindi na asawa.
"Mom, can I take leave sa kompanya. Para pong masama ang pakiramdam ko. Magpapahinga lang po ako" sabi ni Cindy sa ina. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ni Cindy. Hindi niya alam kung bakit.
"Sige, Hija. Andoon naman si Arthur. Patatawagan ko na lamang sa Daddy mo mamaya" sagot ni Carmen.
"Thank you" nakangiting sabi ni Cindy sa ina.
Habang si Arthur ay maagang nasa opisina na. Iniisip niya ang asawa niya. Iniiwasan niya ito at hindi kinakausap ng maayos. Nag uusap man sila pero dahil sa trabaho lang. Hindi papasok si Cindy ngayon dahil masama daw ang pakiramdam nito. Naitawag na ito sa kanya ni Mr. Harold.
Pakiramdam niya naapakan ang pride niya. Dahil si Cindy na ang Chairwoman. Mas lalo tuloy niyang nakikita ang malaking agwat nila sa buhay. Mahal niya si Cindy pero ang pagiging mayaman nito ang nakakapaghina ng loob niya. Lalo na kasal na sila pero wala pa ding nakakaalam kahit na ang mga magulang ni Cindy.
Matagal na niyang sinabi sa Nanay niya na may asawa na siya dito sa Maynila. Hindi naman sila tutol. Dahil kahit na may asawa na siya ay hindi napuputol ang pagtulong niya sa kanila.
"Good morning, Art" nakangiting bati ni Rebecca.
"Good morning din. Maaga ka ata ngayon?"
"Yeah. Alam ko kasing maaga ka. Kaya maaga ako ngayong pumasok" sagot ni Rebecca.
"Wanna join me? Breakfast muna tayo" aya ni Rebecca.
"Sige" pagsang ayon na din ni Arthur. Tumayo na si Arthur at sabay sila na umalis ng opisina.
Pumunta sila sa isang coffee shop sa labas ng kompanya.
"What do you want?" tanong ni Rebecca. Magkatabi silang nakaupo.
"Ako na ang bahala mag order. Sagot ko" nakangiting prisinta ni Arthur.
"Okay, sinabi mo" matamis din na ngumiti si Rebecca kay Arthur.
Pumunta na ng counter si Arthur at nag order ng pagkain para sa kanila ni Rebecca. Pinagmamasdan naman ni Rebecca si Arthur na nasa counter.
Para kay Rebecca mabait si Arthur. At gusto niya si Arthur. Wala pa siyang nabalitaan na naging girlfriend nito sa kompanya. At wala din itong dinadalang babae sa kompanya.
Maya maya ay lumalapit na si Arthur sa kanya. Inilapag nito ang pagkain na nasa tray. Pagkatapos ay umupo si Arthur sa tabi ni Rebecca. Uminom si Rebecca sa cappucino na inorder ni Arthur para sa kanya.
"Alam na alam mo ang gusto kong kape" sabi ni Rebecca.
"Cappucino lang naman ang inoorder mo kapag nasa cafeteria tayo" ani Arthur. Palagi kasi silang sabay na kumakain sa cafeteria. Minsan doon na din sila nag aalmusal. Pero ngayon napili ni Rebecca sa katabing building sila kumain.
"Natatandaan mo talaga. Try this carrot cake nila. Ang sarap" inilapat nito ang tinodor niya na may carrot cake. At susubuan si Arthur. Tinanggap iyon ni Arthur.
"Masarap nga. Try mo din itong inorder kong chocolate moist nila" sabi din ni Arthur. Sinibuan din ni Arthur si Rebecca ng kinakain niyang cake.
Tinititigan ni Rebecca si Arthur na kumakain. Naisipang hawakan niuang hawakan ang kamay ni Arthur. Hindi naman ito pumalag.
Nagkapalagayan na ng loob sina Arthur at Rebecca. Halos hindi naiisip ni Arthur ang asawa. Ni hindi ito nag alala nang malaman na may sakit si Cindy.
Eight thirty ng bumalik sina Arthur at Rebecca sa kompanya. Nakakapit na si Rebecca sa braso ni Arthur. Habang si Arthur ay ngiting ngiti.
"Sabay tayo maglunch mamaya" sabi ni Rebecca. Tumango lang ng ulo si Arthur. Pero biglang dumukwang si Rebecca at kinintalan ng halik sa labi si Arthur.
Natigilan si Arthur. At halos hindi nakagalaw. Hinayaan niyang sakupin ng labi ni Rebecca ang labi niya. At pagkatapos ay pinagdikit nila ang mga noo nila.
"I like you, Arthur" amin ni Rebecca.
Hindi naman malaman ni Arthur ang magiging reaksiyon niya sa pag amin ni Rebecca sa kanya. May asawa pa din siya at si Cindy iyon. Nagkakasala na siya kay Cindy sa mga ginagawa niya ngayon. At alam niyang masasaktan niya ang asawa niya.
"Becca, it's wrong. Ayokong mainvolved sa kahit na kaninong babae na katrabaho ko" iwas na sabi ni Arthur.
"Why?" nagtatakang tanong ni Rebecca.
"Basta ayoko. At kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo" sagot ni Arthur. Malungkot na tumango ng ulo si Rebecca.
"Alam mo you're a good guy na nakilala ko. Napaseryoso mo sa buhay mo. Nakapaswerte ng babaeng mamahalin mo, Arthur. At tatanggapin ko ang offer mo bilang maging kaibigan ka" saad ni Rebecca. Sobra siyang humanga sa dedikasyon ni Arthur sa trabaho.