Chapter 8

1709 Words
Kinabukasan ay pumasok na si Cindy. Umayos naman na ang pakiramdam niya. Pero wala siyang ganang pumasok. Sinabi ng Mommy niya na magpatingin sa doktor ay tumanggi siya. Pahinga lang ang kailangan niya at tulog. Dahil nitong mga nagdaan mga linggo ay wala siyang maayos na tulog. Maaga siya pumasok ng opisina niya pero nauna pa ding pumasok sa kanya ang asawa niya. "Good morning, Ma'am" bati ni Cindy. Tiningnan ni Cindy ang asawa niya. Walang nagbago. Ganoon pa din ang trato nito sa kanya. "Good morning din" ganting bati niya. "Do you want coffee?" tanong ni Arthur. "No" maikling sagot niya at pumasok na sa loob ng opisina niya. Inilapag ni Cindy ang kanyang bag sa gilid at naupo sa swivel chair niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa asawa niya. Tinawagan ni Cindy si Arthur sa intercom. "Come inside my office" utos niya sa asawa niya. Saka ibinaba na ang tawag. Pumasok naman si Arthur sa loob ng opisina ni Cindy. "Mau iuutos ka ba, Ma'am?" tanong ni Arthur sa asawa. "Hindi na ba natin maayos ang relasyon natin?" tanong ni Cindy at nilapitan ang asawa. Kinabig ng yakap ni Cindy ang asawa niya. Sobrang namiss niya si Arthur. Halos hindi na niya ito nahahawakan o nahahalikan. Puro pag iwas lang ang ginagawa ni Arthur sa kanya. "I missed you, Love" bulong ni Cindy. Walang reaksiyon siyang natanggap mula kay Arthur. Kaya bumitaw na si Cindy. "Please, sabihin mo naman sa akin. Kung anong nangyayari? Makikinig ako. Pipilitin kong unawain ang bawat sabihin mo, Arthur" pakiusap ni Cindy. "I want to file a resignation" sagot ni Arthur. "What?! Why?" "Change of career" tipid na sagot ni Arthur sa asawa. "Paano ako?" "Ikaw pa din ang Chairwoman ng HMG" sagot ni Arthur. "That is not what I mean, Arthur! Sabihin mong anong mangyayari sa relasyon natin dalawa? I need an answer, please" pagmamakaawa ni na Cindy sa asawa niya. Bakit ba napakatigas na ng puso ni Arthur pagdating sa kanya. "If you want to annual our marriage. Hindi ako tututol" diretsong sagot ni Arthur. Nilapitan ni Cindy ag asawa niya at binigyan niya ng isang sampal. Hindi iyon ininda ni Cindy. "Paano mo nasasabi iyan?! Annual? Gusto mong iannual ang kasal nating dalawa. Ano bang nagawa kong mali sayo, ha? Minahal naman kita. Sobra sobra pa nga. Pati buhay ko ibinigay ko sayo. Pagkatapos ganoon mo lang itatapon ang kasal nating dalawa!" "Di ba ikaw naman ang may gusto na makasal tayo?! Ikaw ang may gusto na itali ako sayo, Cindy. Pero napapagod na ako. Ang hirap nang itinatago mo ako sa harap ng maraming tao. Nagpapanggap tayong dalawa. Alam mo kung gaano ako nasasaktan! Napakasakit sa akin! May asawa ako, pero ano! Hanggang apartment ko lang siya. Ni hindi kami makapagdate sa labas. Gusto kong ipagmalaki ka sa lahat. Pero hindi puwede! Dahil mayaman ka mahirap lang ako! At hindi ko tanggap niyo. Hindi mo tanggap ang pagkatao ko. Kung sino ako!" Natulala si Cindy sa mga sinabi ng asawa niya. Hindi niya alam na ganoon na pala ang nararamdaman ni Arthur. Akala niya kasi okay pang ang lahat sa kanila. Dahil nakikita niya itong masaya kasama niya. "Lagi na lang ba akong susunod sayo, Cindy? Gusto mo ba ng ganitong buhay para sa ating dalawa. Puwes, ako hindi. Kasi may pangarap ako para sa atin. I want a happy family with you. Pero hindi mangyayari iyon hanggat hindi mo ako kayang iharap sa maraming tao. Lalo na sa mga magulang mo. Hindi mo kayang isakripisyo ang lahat ng yaman mo para sa akin. I love you, Cindy. Kaya kong gawin ang lahat para sayo. Kaya pumayag ako na ganito ang set up natin. Pero nakakapagod na. Uuwi ako na walang asawang naghihintay sa akin. Walang nagluluto ng pagkain ko. Tatanungin niya kung ka musta na ako. Hindi mo iyon kayang gawin para sa akin!" dagdag pa na sabi ni Arthur. "Pero puwede naman naging pag usapan ang lahat ng ito. Mag asawa tayo. Dapat pinag uusapan natin ang lahat" saad ni Cindy. "Naisip mo ba ako? Sarili mo lamang ang iniisip mo. Kung anong magpapasaya sayo. Ako naisip mo ba kung anong makakapagpasaya sa akin? Ikaw lang naman, Cindy. Ikaw lang!" "Mahal din kita, Love. Pero huwag ka namang magresign, please. At iwan ako" pakiusap ni Cindy. Napiiling iling ng ulo si Cindy. "Hindi mo pa din talaga nakukuha ang gusto kong mangyari kung bakit ako magreresign. Makinig ka! I want you as my wife! Are you willing to show to your parents that you are married to me? Kaya mo bang gawin iyon para sa akin, Cindy?" tanong ni Arthur. Napayuko si Cindy ng ulo. Tumulo na ang luha ni Cindy. Alam niyang tapos na ang lahat sa kanila ng asawa niya. "See. Hindi mo kayang gawin. Dahil hindi mo ako kayang piliin. Bakit ka pa nagpakasal sa akin?! Naglolokohan lamang tayong dalawa" sabi ni Arthur at umalis sa harapan ni Cindy at bumalik sa desk niya. Maya maya ay bumalik ito sa loob ng opisina ni Cindy. Pinahid ni Cindy ang luha, niya sa kanyang mga mata at hinarap si Arthur. "Here, my resignation letter. Effective today" inilapag ni Arthur iyon sa table ni Cindy at tumalikod na sa asawa. Walang nagawa si Cindy kundi ang umiyak. Napaupo siya sa upuan habang patuloy na umaagos ang mga luha niya. Nanghihina ang mga tuhod ni Cindy. At nanlalambot na siya sa sobrang sakit na nararamdaman ng kalooban niya. Iniwan na siya ni Arthur. Iniwan na siya ng asawa niya. Hindi na niya kaya. Kaya kahit na nanghihina ay pilit na tinawagan niya ang Mommy niya. "Mom, please I need help" namamaos ang boses na pakiusap ni Cindy sa ina. Nag alala naman kaagad si Carmen sa hininging tulong ng anak niya. Bakas sa boses nito ang hirap. "Cindy, what happen?!" bulalas na tanong ni Carmen. "Mommy, please come in my office. Please take me out in my office" umiiyak na pagmamakaawa ni Cindy. Nahabag si Carmen sa anak. At napaiyak na din. "Alright, Baby. Mommy is coming. Please hold on. And calm down" sagot ng umiiyak na si Carmen. Dali dali na ibinaba ang telepono at pinuntahan ang asawa. "Hon, si Cindy. Something happen to her" kinakabahan na sabi ni Carmen sa asawa. "What?! Where is Arthur?" tanong ni Harold. "I don't know. Let's go to your office please. And call the ambulance" sagot ni Carmen sa asawa. Tumango ng ulo si Harold at may tinawagan nsa telepono niya. Maya maya ay dali dali silang umalis ng asawa niya para pumunta ng kompanya. "Please hurry up, Harold" natatakot na sabi ni Carmen. "Hon, calm down. Malapit na tayo" alo ni Harold sa asawa niya. "Nag aalala ako para sa anak natin, Harold. Kung narinig mo lang ang boses niya kanina. Kinakabahan na ako. Natatakot ako na baka may masamang nangyari na sa anak nagin" hinawakan ni Harold ang kamay ng asawa para kumalma. "Nothing will happen to her" pagpapalakas ng loob na sabi ni Harold sa asawa. Pagkadating nila sa kompanya ay andoon na ang ambulance. Dali dali silang umakyat sa opisina ng anak. Pagkapasok nila sa opisina ni Cindy ay nakita nila ang anak na nakahandusay sa sahig. "Cindy!" malakas na sigaw ni Carmen. Napaiyak na siya sa nakikita sa anak. Umupo si Carmen at niyakap ang anak. "Mommy, ikaw ba iyan?" tanong ni Cindy na panay ang iyak. Kinuha ni Carmen ang kamay ng anak. "Yes. Andito na si Mommy. Tell me what happen." "Mommy, wala na po siya. Iniwan na niya ako" umiiyak na sabi ni Cindy. Napakuyom ng kamao si Harold sa nakikita sa nag iisang anak. "Sino?" "Ang asawa ko po" sagot ni Cindy. "Asawa?" sabay na tanong ng mag asawa. "Mom, ialis niyo na ako dito. Please po Mommy" pagmamakaawa ni Cindy habang umiiyak. Saka nawalan ng malay. Ginigising naman ni Carmen ang anak. "Harold si Cindy" umiiyak na sabi ni Carmen sa asawa. Tinakbo ni Harold ang paramedics sa labas. Nagising si Cindy na nasa kama na niya. Bumangon siya at naalala ang nangyari kaninang umaga. Umupo siya at umiyak nang umiyak habang yakap ang mga tuhod niya. Pumasok ang mga magulang niya at nilapitan siya. Niyakap siya ng Mommy niya at ang Daddy niya ay nakatayo lamang. "Cindy, sino ang sinasabi mong asawa mo?" usisang tanong ng Mommy niya. "Si Arthur po" pag amin at umiyak na naman ito ulit. Nagulat ang Mommy at Daddy niya. Napatiim ng bagang si Harold at napakuyom ng kamao. "Why did you lie, Cindy? Nagpakasal ka ng hindi namin alam. At kay Arthur pa. Bakit?" tanong ni Harold sa anak. "I'm sorry Daddy. Mahal ko po si Arthur kaya nagawa ko iyon" nakayukong sagot ni Cindy. "Pero Cindy, we are your parents. Dapat nagsabi ka pa din. Hindi ka naman namin hinihigpitan sa gusto mong gawin" sabi ng Mommy niya. Napatingin si Cindy sa, Mommy niya Nagtatanong ang mga tingin. "Hija, kahit sinong magustuhan mo na lalaki hindi kami tututol. Dahil buhay mo iyan at nasa edad ka na din. May tiwala kami ng Daddy mo sa kahit na anong magiging desisyon mo" dagdag na sabi ng Mommy niya. "Si Arthur ba ang ama ng dinadala mo, Cindy?" may diing tanong ng Daddy niya. Nanlaki ang mata niya. Totoo nabuntis siya? Napahawak siya sa impis niyang tiyan. At umiyak. "Mommy, magkakababy na po kami ni Art. Hindi ko man lang nasabi sa kanya. Baka sakali hindi niya ako iniwan" umiiyak na sabi ni Cindy. Niyakap ni Carmen ang anak. Nahahabag siya sa sinapit ng kanilang anak. "Don't worry, Cindy. We are here for you and for your baby. Hindi ka namin iiwan ng Daddy mo. Palalakihin natin siya at bubusugin natin siya sa pagmamahal. Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa mga nangyari" alo ni Carmen sa anak. Lumapit na ding si Harold at niyakap ang kanyang mag ina. Umiyak si Cindy sa mga magulang niya. Hindi niya akalaing tatanggapin nila ang kapalaran niya. Mali siya ng akala na hindi nila matatanggap ang lalaking mahal niya. Sana pala ay naging tapat siya sa kanyang mga magulang na aminin ang lahat. Pero huli na ang lahat. Wala na si Art. Iniwan na siya ng tuluyan ng asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD