Chapter 9

1739 Words
Limang buwan na ang nakakaraan simula nang iniwan ni Arthur ang asawa niya. Umuwi si Arthur sa probinsiya nila at doon na lamang sumubok ng kanyang kapalaran. Nagtayo siya ng isang maliit na negosyo. Ang poultry at piggery. Nakuha niya ang pera na ginamit niya mula sa separation pay niya sa kompanya na pag aari ng pamilya ng asawa niya. "Anak, may dumating na dokumento para sayo" sabi ng Nanay ni Arthur. "Kanino po galing?" "Ewan ko. Ikaw na ang magbukas nitong brown envelope" ibinigay ng Nanay niya ang isang brown envelope. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang papel sa loob. "Kanino galing?" tanong ng Nanay niya. "Sa asawa ko po" malungkot na sagot ni Arthur. "Annualment paper?" nasabi ni Arthur sa sarili. "Oh e, bakit malungkot ka? Ano ba iyang papel na iyan?" "Annualment paper po namin ng asawa ko. Kailangan ko pong pirmahan" sagot ni Arthur. "Anak, hindi sa sinisisi kita. Pero sana pinakinggan mo ang asawa mo. Sana iniintindi mo na lang ang sitwasyon ninyong dalawa. Alam kong hindi madali para kay Cindy ang sitwasyon niyo. Pero gumagawa naman siya ng paraan para magkita kayong dalawa. At magkakausap. Ang pride mo at ang ego mo ang iniintindi mo. Sa pag aasawa dapat handa ka sa lahat. At dapat may tiwala ka sa asawa mo" mahabang litanya ni Aling Lourdes ang Nanay ni Arthur. Napag isip isip niya na tama ang Nanay niya. Pero huli na. Nakikipaghiwalay na si Cindy sa kanya. Nadala lang siya ng galit niya. At nang pride niya dahil sa posisyon nilang dalawa sa kompanya. Kasama pang rason ang pagiging mayaman ni Cindy. Mahal niya si Cindy. Walang ibang babaeng minahal niya na katulad ng pagmamahal niya kay Cindy. Kahit si Rebecca na hayagan ang pagpaparamdam ay hindi niya pinatulan. Dahil si Cindy lamang ang mahal niya. Hindi niya ito ipagpapalit sa kung sinong babae. "Pero wala na po akong magagawa, Nay. Alam niyo naman po ang buhay natin. Kesa sa kanila. Bakit po kasi may mahirap pa at mayaman? Bakit hindi pantay pantay ang estado ng mga tao sa mundo?" "Arthur, kahit na iba iba tayo. Pantay pantay pa din tayo sa mata ng Diyos. Isipin mo na kung bakit ka minahal ni Cindy. Bakit sa dinami rami ng lalaki sa mundo, ikaw ang napili niya?" itinuro ni Aling Lourdes sa puso ni Arthur. "Dahil diyan sa puso. Ibig sabihin mahal na mahal ka ng asawa mo. Kaya mong pagsumikapan ang buhay ninyong dalawa. Basta maniniwala ka lang sa sarili mo. Iyan ang kulang sayo, Anak" dagdag na sabi ni Aling Lourdes. Napaluha si Arthur dahil sa napagtanto na pagkukulang niya sa asawa niya. Niyakap siya ng Nanay niya. At hinahagod ang likod para kumalma. Tama ang Nanay niya. Nawalan siya ng tiwala sa sarili niya. Dahil sa ang nakikita niya ay ang agwat ng pamumuhay nila ng asawa niya. Minahal siya ni Cindy na walang yaman. Minahal siya ng asawa niya dahil iyon ang sinasabi ng puso niya. Hindi importante ang yaman o kung anong maibibigay niya sa kanya. Basta ang mahalaga ay kung ano ang nilalaman ng puso niya. Napag isip isip ni Arthur na hindi niya pipirmahan ang annualment nila. Kailangan niya munang makausap ang asawa niya bago niya pirmahan iyon. Pero bago siya humarap sa asawa niya ay isang bagong Arthur na ang makikita nito. Ang Arthur na my ipagmamalaki ng asawa niya. At may narating sa buhay. Ang Arthur na may paninindigan at may tiwala sa sarili. At magsisikap siya para sa magandang kinabukasan nilang dalawa. Kinabukasan ay binisita ni Arthur ang kanyang poultry at piggery. Natutuwa siya na malalaki na ang mga alaga niya. Ilang panahon na lamang ay maibebenta na niya ang mga iyon. Mag iipon siya para makabili ng medyo malaki lupa para doon magpatayo ng karagdagang poultry at piggery farm niya. May liwanag nang nakikita ang isang Arthur Ken Vidal. Ang inspirasyon niya ay ang kanyang asawa. Si Cindy. Pagkalipas ng dalawang buwan ay ang daming nangyari sa buhay ni Cindy na wala si Arthur. Sa susunod na buwan ay manganganak na si Cindy. Lalaki ang panganay na anak nila ni Arthur. At tuwang tuwa ang mga magulang niya dahil sa pagkakaroon ng apo na lalaki. Excited na nga din sila na makita ang apo nila. Wala na siyang naging balita pa sa asawa niya. At ang annualment paper na pinadala ng Daddy niya ay hindi niya alam kung napirmahan na ni Arthur. Ang Daddy naman niya ang nag aasikaso tungkol sa paghihiwalay nila ni Arthur. Pinagbigyan niya ang asawa niya sa gusto nitong mangyari. At kung ito ang ikasisiya ni Arthur kahit pa masasaktan siya ay ibibigay niya. Nakaupo siya ngayon sa rocky chair sa loob ng kuwarto ng Baby niya. Hawak niya ang tiyan niya at pinakikiramdan si Baby. Nang makita niyang ipinapasok ng katulong nila at tagamneho ang mga pinamili ng Daddy at Mommy niya para sa Baby niya. "Mom, namili na naman po kayo ng Daddy. Punong puno na po ng gamit at laruan ang kuwarto ni Baby" komento ni Cindy. Napasimangot naman ang Mommy niya. "Hayaan mo na ako, Anak. Saka para ito first apo namin ng Daddy mo, diba Hon?" hanap pa ng kakampi sa Daddy niya. "Oh yes, Hon. Para sa apo natin" nakangiting nakaakbay ito sa Mommy niya. Kahit na kompleto na ang mga gamit ni Baby ay hindi pa din sila natatapos sa kabibili ng kailangan ng apo nila. Hinahayaan na lamang ni Cindy ang mga magulang niya sa gusto nilang gawin. Para iyon sa pagdating ng kaniyang anak. Ang kanyang mahal na anak. "Mommy! Daddy!" Malakas na sigaw ni Cindy habang hawak ang tiyan nito. Namimilipit na ito sa sakit ng tiyan at mukhang manganganak na siya. Nasa garden siya para sa kanyang exercise. Araw araw itong naglalakad para hindi siya mahirapan manganak. Tumatakbo naman na lumalapit sa kanya ang kanyang mga magulang. "Anak, anong nangyayari?" nag aalalang tanong ni Carmen habang hawak nito sa bewang ang anak. Halos nakayuko na kasi ito dahil sa sakit ng tiyan. Dali dali naman na pumunta sa likod ni Cindy ang Daddy niya para alalayan ito na makatayo. Hindi na maipinta ang mukha nito sa sakit na nararamdaman. "Mommy, sumasakit na po ang tiyan ko. Humihilab na po si Baby ko sa loob ng tiyan ko! Aray! Ahh—" sagot ni Cindy at mga daing niya habang hawak pa din ang tiyan. "Hon, tawagin mo si Roger. Dali! Ako na ang bahala sa anak natin" utos nito sa asawang si Carmen habang hawak sa braso ng anak. Nakaalalay siya dahil baka matumba si Cindy. Agad na tumakbo si Carmen para sabihan ang driver nila. Dahan dahan namang inilalakad ni Harold ang anak niyang malapit nang manganak. Napakapit ng mahigpit si Cindy sa kamay ng ama. "Daddy!" sigaw ni Cindy. "Anak, relax lang. Hintayin lang natin ang driver" nag aalalang sabi ni Harold. Nasa garden kasi sila. At naglalakad lakad si Cindy nang makaramdam ng hilab ng tiyan. "Daddy, hindi ko na po kaya! Ahh! Arthur—" malakas na naisigaw ni Cindy ang pangalan ng asawa niya. Natabig ni Arthur ang baso sa desk niya at nabasag. Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari.ay kung ano sa dibdib niya ang hindi niya maintindihan. Nag aalalang tinawagan niya ang Nanay niya. Gusto niyang malam kung okay lang ang magulang at mga kapatid. "Nay, kamusta po kayong lahat diyan sa bahay?" bungad na tanong ni Arthur sa ina. "Okay lang kami dito, Anak. Balit may problema ba?" sagot at tanong ni Lourdes sa anak niya. "Ah wala naman po. Bigla lang po akong kinabahan nuong natabig ko ang baso ko at nabasag" sagot ni Arthur. "Anak, magdasal ka. Kung maari pumunta ka ng simbahan. Ipagdasal mo kung sino man iyon sa pamilya natin o sa iyo. Para makaluwag luwag sa dibdib mo" suhestiyon ng ina niya sa kanya. Napatango ng ulo si Arthur. "Sige po Nay. May iingat po kayo diyan" paalam na sabi ni Arthur sa anak. "Ikaw din" sabi din ni Lourdes sa anak at pinatay na ni Arthur ang tawag niya sa Nanay niya. Kinuha niya ang wallet niya. Pati na ang susi ng service nila at dali dali na siyang lumabas ng opisina niya. Napalago ni Arthur ang kanyang poultry at piggery business sa loob lamang ng limang buwan. Simula nuong umuwi siya ng probinsiya nila. Naghahatid sila ng mga karne ng baboy at manok sa ibat ibang palenge sa Tarlac. Kaya mabilis na nakabawi Arthur sa puhunan niya. Nakabili siya ng isa pang lupa para sa bagong poultry at piggery niya. Maghaharvest na din sila ng itlog. At may sarili na din siyang opisina. Hindi pa din kasing yaman ng asawa niya pero kahit paano ay mayroon na siyang maipagmamalaki kay Cindy na bunga ng kanyang pagod at pawis sa pagtatrabaho. Papunta ngayon si Arthur sa simbahan. Araw ng Miyerkules at walang misa ngayon. Magdadasal lang siya at ipapanalangin ang kung ano man ang masamang mangyayari. Nasa simbahan na si Arthur at nagtitirik ng kandila. Pagkatapos ay sandaling nagyuko ng ulo si Arthur at nagbigkas ng maliit na panalangin. Pumunta na siya sa upuan at lumuhod. Nag sign of a cross siya at ipinikit ang mga mata. Pagkatapos ay bumigkas ng panalangin para sa asawa niya. "Hindi po ako paladasal. At halos nakalimutan ko na po kayo. Pero ngayon gusto ko pong lumapit sa inyo. Gusto ko pong makuha ang pagpapalala niyo. Para sa aking pinakamamahal na asawa. Oh Diyos, kung ano man ang masamang pangitain niyo. Iligtas niyo po ang asawa ko. Mahal na mahal ko po si Cindy. Hindi ko po kaya kung may mangyari sa kanyang masama. Nakikiusap po ako sa inyo" mga dasal ni Arthur habang panay ang pag agos ng luha niya. Sa kabilang banda, ay nasa operating room na si Cindy. Isisilang na niya ang anak na lalaki nila ni Arthur. "Mommy, push!" sabi ng doktor niya. "Hmm—" isang mahabang pagtulak ni Cindy sa kanyang baby palabas. "Good Mommy, continue. Push!" sabi nito ulit sa kanya. Nakikita na nito ang paa ng bata. "Hmm. Ahhh. Arthur—" pagkatapos niyon ay lumabas na si Baby. Hinihingal na narinig ni Cindy ang palahaw na iyak ng sanggol. Pagkalinis konti ay inilapit ng doktora ang sanggol sa mukha ni Cindy. "Arth Kent Morales Vidal" nakangiting bigkas ni Cindy ang buong pangalan ng anak nila ni Arthur. Saka dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD