Iminulat ni Cindy ang kanyang mga mata. At nakita ang kulay puting kurtina. Nasa private room na siya. Napangiti siya nang maalala na nakita niya ang anak niya sa unang pagkakataon.
Napatingin si Cindy sa babaeng nakatalungko ang ulo at mukhang tulog. Hinaplos niya ang buhok nito dahilan para magising ang Mommy niya.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Anak? May gusto ka bang kainin?" sunod sunod na tanong ng Mommy niya.
Napailing ng ulo si Cindy. At ngumiti.
"Mommy, I'm okay. Nanganak lang ako" sagot ni Cindy sa kanyang ina. Ngumiti naman si Carmen. Hanga na siya sa katatagan ng anak niya. Mahirap na magkasabay na ipinagbubuntis niya ang kanyang anak at ang pagdadalamhati sa pag alis ng asawa niya. Kung siya lang baka mabilis siyang sumuko.
Bumukas ang pinto at buhat ng Daddy niya ang baby niyang si KenKen. Napaluha na agad si Cindy makita palang ang anak niya.
"Kenken is here" masayang sabi ng Daddy niya. Kahit ang magulang niya ay lubos ang ligaya ng makita si Kenken, ang anak niya. Pilit na ikinukubli ng Mommy niya ang luha nito sa kanyang mga mata.
Niyakap ni Cindy ang ina.
"Thank you, Mommy. Sa inyo ni Daddy. Hindi ko mahaharap ang pagsubok na ito kung wala kayo sa tabi ko" umiiyak na sabi ni Cindy.
Niyakap naman siya ng kanyang Mommy at Daddy. Karga ni Harold ang apo niya sa bisig. Nang biglang umiyak si Kenken.
"Anak, si Kenken umiyak na. Naamoy kana niya" natatawang sabi ni Harold sa anak. Pinupunasan nito ang luha sa mga mata niya. Kahit ang Mommy niya ay natawa na din. Maingat na kinuha ni Cindy ang anak sa bisig ng Daddy niya.
Nakangiting pinagmamasdan ni Cindy ang anak na karga niya sa bisig niya. Ang gaan gaan pa ni Kenken. At ang lambot ng balat nito. May konti pang tuklap na balat sa braso nito. Ang tangos ng ilong nito at ang nipis ng labi. Hinagkan ni Cindy ang anak sa pisngi nito at idinikit ang anak sa pisngi niya.
"Anak, final na ba ang name na ibibigay mo sa apo ko?" tanong ni Carmen sa anak. Tumango ng ulo si Cindy.
"Arth Kent Morales Vidal" bigkas ulit ni Cindy sa buong pangalan ni Kenken.
Kinabukasan ay nakalabas na din ng ospital ang mag ina. Healthy naman si Baby KenKen kaya na iuwi na kaagad nila.
Pinagmamasdan ni Cindy ang anak na natutulog sa crib nito. Sa ngayon sa kuwarto na muna ni Cindy matutulog ang anak.
"Kenken ko, patawarin mo si Mommy kung hindi ko maibibigay sayo ang isang kompletong pamilya. Siguro hinahanap pa ng Daddy mo ang sarili niya. Pero huwag kang mag alala dahil andito si Mommy, si Lolo at si Lola para para sayo. I love you, Anak" kinakausap niya ito habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. Saka kinintalan ng isang halik sa pisngi.
Ngumiti ito. Nakakawala ng pagod at sakit ng kalooban ang ngiti na iyon ng anak niya. Ngayon si Kenken na ang pinakaimportante sa buhay niya. Ibubuhos niya ang oras at pagmamahal dito.
Pagkalipas ng limang buwan. Five months na si Baby Kenken. Nagpasya si Cindy na pabinyagan na ang anak. Isang maliit na salo salo lamang ang naganap sa binyag ni Baby Kenken.
"Nakakatampo ka talaga. Ako na kaibigan mo huli ko pang nalaman na kasal ka na. Tapos ito na lumabas na si Inaanak ko" medyo may tampong sabi ni Ilona.
"Sorry. Mali nga siguro na inilihim ko ang relasyon namin ni Arthur. Nawala na kaagad sa amin ni Kenken ang Tatay niya" malungkot na sagot ni Cindy.
"Okay lang iyon. Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ginawa iyon. Siguro talaga lang hindi na nakatiis ang asawa mo. Saka huwag mong akuin ang sisi sa sarili mo. Dalawa kayo na gumawa niyan. Ang problema lang hindi natin hawak ang isip ng bawat isa" saad ni Ilona.
Bumuntong hininga si Cindy.
"Sa tingin mo, dadating pa din ang araw na magkikita kami?" tanong ni Cindy.
"Umaasa kapa ba na babalik ang asawa mo sayo?"
"Sa totoo lang oo. Kasi mahal ko pa din si Arthur hanggang ngayon" ang sagot ni Cindy sa kaibigan. Isang taon na halos na hindi sila nagkikita. Pero hindi nawawala ang pagmamahal niya sa asawa niya. Mahirap na ngang alisin iyon dahil si Arthur ang naging buhay niya nuon.
"Eh di ba maghihiwalay na kayo?"
"Gusto ko lang ibigay ang gusto niya, Ilona. Wala naman akong gusto kundi ang maging masaya siya" sagot ni Cindy. Kung nuon sinabi ni Arthur na hindi niya iniisip ang asawa niya. Mali siya. Dahil si Arthur na lamang ang laging nasa isip niya. Mas inuuna niya ang sa kanilang dalawa kesa sa kanya.
"Si Baby Kenken. Ipapaalam mo bang may anak kayong dalawa?"
"Oo. Pero hindi pa sa ngayon. Siguro kapag kaya ko ng harapin si Arthur" sa ngayon gusto niyang kay Kenken na muna ang oras niya at panahon. Ayaw niyang masaktan na naman nang dahil kay Arthur. Lalo at kapapanganak lang niya.
Kung dumating ang araw na magkikita silang muli. Gusto niyang tingnan niya sa mga mata nito si Arthur. Yung wala nang sakit ang makikita niya.
"Hija, anong balak mo kay Ely?" tanong ni Carmen sa anak. Pinagmamasdan nilang mag ina ang anak ni Cindy na si Kenken habang nakikipaglaro kay Ely. Naging malapit ang dalawa. Simula ng ipinanganak ni Cindy si Kenken ay lagi itong dumadalaw kay Kenken. Kung ituring niya ito ay parang tunay na anak. Hindi din tumigil si Ely ng panunuyo sa kanya. Kahit na tinapat na niya ito.
Nasa Zambales sila ngayon at ang ibang empleyado sa kompanya ay kasama din nila. Treat niya ito sa lahat ng empleyado nila sa HMG. Naging maganda kasi ang takbo ng kompanya kaya reward niya ito sa kanilang mga empleyado.
"Sa totoo lang po Mommy ilang beses ko na pong sinabi kay Ely na hindi ako ang tamang babae para sa kanya. Dahil kasal na ako at may anak. Pero ang sabi niya ay maghihintay daw po siya" sagot ni Cindy sa ina. Hindi niya napiligilan si Ely sa gusto nitong mangyari na patunayan sa kanya ang hangarin nito.
"Pero hindi mo ba nakikita na masyado ng napapalapit si Kenken kay Ely?" tanong ni Carmen sa anak.
"Alam ko po iyon Mommy. Pero ano pong magagawa ko si Kenken na po ang mismong gustong makasama si Ely" sagot ni Cindy. Palagi itong dumadalaw at may dalang laruan para sa anak. They spend time together playing. At kahit na busy si Ely ay palagi pa din itong binibigyan ng oras ang anak niya.
"Naghahanap ng kalinga ng isang ama ang anak mo, Cindy. Napakabata pa niya pero marunong ng maghanap si Kenken kahit hindi nito sabihin. Mahirap din sa kanya ang walang amang nakagisnan simula nuong ipinanganak siya" ani ni Carmen.
"Mommy, nahihiya po talaga ako para kay Kenken. Dahil hindi ko kayang ibigay sa kanya ang kompletong pamilya para sa kanya. Gusto ko pong ibigay sa anak ko ang lahat pero ang pagkakaroon ng Ama sa buhay niya ay hindi ko kayang ibigay" tuluyan nang tumalulo ang mga luha niya.
Kung sana nasave niya ang pagsasama nila ni Arthur. Sana masaya sila ngayon. Mas masaya sila dahil dumating si Kenken sa buhay nilang mag asawa.
Niyakap ni Carmen ang anak.
"May mga bagay talaga sa mundo na mahirap makuha. Minsan ang mga gusto hindi mo madaling makukuha. Pero atleast lumaban ka at nagpursige ka na makuha mo ang lalaking mahal mo, Anak. Ipaubaya mo na lang sa tadhana ang lahat. Baka malay mo kayo pa din ni Arthur sa huli" payo ng Mommy ni Cindy habang hinahaplos ang likod niya. Humarap si Cindy sa Mommy niya at tumango ng ulo.
Nasa ganoong tagpo ang mag ina nang humahangos na lumalapit ang Yaya ni Kenken sa kanilang mag ina.
"Ma'am si Kenken po" naiiyak na sabi ni Yaya Sita nang makalapit ito sa kanila. Nagkatinginan sina Carmen at Cindy.
"Anong ibig mong sabihin, Yaya?" naguguluhang sabi ko.
Lumalapit naman ang mga sa kanila kasama si Ely habang karga si Kenken. Nanlaki ang mga mata ni Cindy. At nilapitan kaagad siya ng Mommy niya.
"What happen, Ely?!" naghihysterical na tanong ni Cindy. Inihiga na ni Ely ang anak ni Cindy at binigyan ng hangin.
"Kenken!" umiiyak na tawag ni Cindy sa pangalan ng anak niya.
"I'm sorry po Ma'am. Nalingat po ako. Pumunta po pala sa tubig si Kenken" umiiyak na sabi ni Yaya Sita.
Mayamaya ay may ambulance na dumadating habang si Ely ay walang hinto sa pagrivave kay Kenken. Nakayakap na si Carmen kay Cindy. Takot na takot silang makita sa ganoon si Kenken. Halos panawan ng ulirat si Cindy.
Biglang umubo si Kenken at kaagad na dinaluhan ni Cindy ang anak. Niyakap nito ang anak niya at si Ely ay yumakap na din sa kanilang mag ina.
"Thank you, Ely" umiiyak na sabi ni Cindy. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cindy. Lumapit ang paramedics sa kanila.
"Ma'am, dalhin na po natin ang anak niyo sa ospital" sabi ng isa sa mga paramedics. Tumango ng ulo si Cindy at si Ely na mismo ng nagbuhat kay Kenken papasok sa ambulance. Nakasunod si Cindy sa kanila.
Nang maisakay na si Kenken at hawak ni Cindy ang kamay ng anak. Habang binibigyan tinitingnan ng isang doktor na nasa loob ng ambulance.
"Mommy, tatawagan ko na lang po kayo. At sumunod kayo sa ospital" sabi ni Cindy sa ina habang umiiyak. Tumango naman ng ulo si Carmen at isinara na ang pinto. At umalis na para dalhin si Kenken sa ospital.
Hawak ni Ely ang isang kamay ni Cindy habang hawak ni Cindy ang isang kamay ng anak niya.
"Don't worry he will be okay" pag alo ni Ely kay Cindy.
"Paano kung wala ka doon? Ano nang nangyari sa anak ko? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Kenken" umiiyak na sabi ni Cindy.
"Nothing happen. I'm here" alo ni Ey at niyakap si Cindy.