"Dad, akala ko po ba ibinigay niyo ang sulat ko para kay Arthur nuong umalis ako. Pero bakit po ganon? Wala sila sa Penthouse" nagtatakang tanong ni Cindy. Nasa tabi niya si Shaza. Nakabalik na siya pero hindi niya nadatnan ang kanyang mag ama sa Penthouse ni Arthur. Sa Penthouse ni Arthur siya dumiretso. Kaba at lungkot ang nararamdaman ni Cindy ngayong wala ang mag ama niya.
"Paano kung tuluyan ng umalis si Arthur? Tapos dala pa niya si Kenken ko" napasabunot si Cindy sa tanong niya sa isip.
"This can't be, Dad. Ayokong mawala ang mag ama ko!" hinagpis ni Cindy. Tahimik lang si Harold. Habang si Cindy ay pabagsak na naupo sa sopa.
Lumabas naman mula sa kusina ang Mommy niya. Kita sa mukha nito ang pag aalala para sa kanya.
"What happen, Cindy?" tanong ni Carmen habang inilalapag ang dala nitong tray laman ng meryenda ng kanyang mag ama.
"Kasama mo pala si Shaza. Halika hija. Ilapag mo muna ang mga dala dala mo" utos ni Carmen kay Shaza. Sumunod naman ang dalagitang si Shaza. Pagkalapag ng mga dala niya ay inakbayan siya ni Carmen. Ngumiti lang ito kay Carmen.
"Mom, wala po si Arthur sa Penthouse. Akala ko po naman naghihintay siya sa akin. Akala ko dadatnan ko ang mag ama ko" umiiyak na sagot ni Cindy. Napahawak siya sa kanyang noo. Nilapitan ni Carmen ang anak.
"Anak, patawarin mo kami ng Daddy mo. Hindi kasi namin alam kung paano ipapaliwanag sayo ang lahat—" hindi natapos ni Carmen ang sasabihin nang tuluyan ng humagulgol ng iyak si Cindy.
"Dad, please do something. I want my husband and my child, please! I will die if I know that it's too late" hindi na niya mababawi pa ang asawa niya at ang anak niy. Huli na para sa kanya. Kaya nagmakaawa na siya sa Daddy niya. Napaiyak na din si Carmen sa nakikita sa anak niya. Labis na namang nasasaktan ito.
Nilapitan ni Harold ang anak at niyakap. Saka niya iniharap ito sa kanya.
"Huwag ka namang ganyan, Anak. Kararating mo pa lang dito sa bahay" alo ni Harold sa anak.
"Daddy, please! Gusto kong makita ang pamilya ko" umiiyak pa din na pakiusap ni Cindy.
Hinawakan ni Harold ng kamay ng anak niya. Hinila niya ito palabas ng bahay nila. Nakasunod lamang si Carmen at si Shaza sa mag ama. Pagkalabas ng bahay ay isinakay ni Harold ang anak sa passenger seat sa loob ng kotse niya. At si Shaza ay tumabi ng upo kay Cindy. Nakasunod si Carmen na sumakay sa shotgun seat.
"Saan po tayo pupunta, Daddy?" nagtatakang tanong ni Cindy na pinupunasan ang mga luha niya. Niyakap na ni Shaza ang amo niya
Nagtinginan ang mag asawa at ngumiti sa isat isa. Hinawakan pa ni Harold ang kamay ng asawa.
"Ngayon pa talaga sila Mommy at Daddy naglambingan" mahinang bulalas ni Cindy. Hindi ito nakaligtas sa pandinig ng mag asawa. Kaya sabay silang napatawa ng malakas.
"Mommy, Daddy! Huwag nga kayong ganyan" naiinis na sita ni Cindy sa parents niya. At napaayos ng upo si Cindy.
"Cindy, shut up! Mga magulang mo pa din kami" galit na sigaw ni Carmen. Tumahimik si Cindy. Nahiya siya sa inasal niya.
"Sorry, Mommy" hingi ng tawad ni Cindy.
"It's alright. Alam namin ng Daddy mo na depress ka. Kaya pupunta tayo sa amusement park!" sabi ni Carmen na parang bata na sumigaw. Tumawa naman ng malakas si Harold habang tutok ang mga mata sa daan.
Nanlalaki ang mga mata ni Cindy sa mga ikinikilos ng kanyang magulang niya. Nanahimik na lamang na nakaupo si Cindy. Hindi naman siya mananalo kung makikipagtalo pa siya sa parents niya.
Bigla na naman nahulog ang mga luha niya. Dismayado siyang hindi naabutan ang mag ama niya sa Penthouse. Handa na siyang humarap kay Arthur, para mabuo na ang pamilya nila. Kahit pa saan siya dalhin ng asawa niya ay sasama siya. Hindi na sila maghihiwalay pa.
Nagtaka naman si Cindy sa dinadaanan nila.
"Daddy, diba sa Laguna ang amusement park. Bakit papunta tayong HMG?" tanong ni Cindy.
"May kukunin lang ang Daddy mo. Kaya dadaan muna tayo sa kompanya" nakangiting sabat na sagot ni Car. Ngumiti si Harold sa asawa. Tumahimik na lamang si Cindy.
Inihinto ni Harold ang sasakyan sa tapat ng building ng HMG. Saka naunang bumaba ng kotse. Pinagbuksan niya ang asawa ng pinto at inalalayang lumabas ng sasakyan.
Napapangiti si Cindy. Naisip niya na maigi pa ang parents niya nagmamahalan ng wagas. Hindi niya ito nakitang nag away man lamang. At walang pinagtatalunan. May tampuhan pero naayos nila kaagad. Ganyan sana ang gusto niya para sa kanila ni Arthur.
Nagbalik sa ulirat si Cindy nang pagbuksan siya ng pinto ng Daddy niya. Nakangiti itong nakalahad ang isang kamay niya sa kanya. Kinuha iyon ni Cindy at inilagay ang braso nito sa braso niya. Gayong din ang asawang si Carmen.
"Shaza, sumunod kana lang sa amin" sabi ni Carmen sa dalagita. Tumango naman ito ng ulo.
Binati sila ng guard at pinagbuksan sila ng pinto. Pagpasok sa loob ng building ay walang tao. Tahimik sa buong paligid. Napatingin si Cindy sa Daddy niya na may pagtataka. Binitawan ni Harold ang kamay ng anak.
Doon lumabas ang isang empleyado nila na may dala red roses. Habang papalapit ito sa kanya ay narinig niya ang kanta ni John Legend na "All of Me". Napatakip si Cindy sa sobrang pagkabigla. Nang lumapit ang isang empleyado ay isa isa nang lumabas ang ibang mga empleyado para ibigay ang red roses sa kanya.
My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
'Cause all...
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Napaiyak na si Cindy. Lalo na nang mabasa ang nakalagay doon na "Welcome Back" isang malaking screen ang bumukas. At andoon si Arthur na nakaupo.
"Hi, Love. Kamusta kana? One year na din nuong umalis ka. Dito tayo sa kompanya niyo unang nagkakilala. Do you remember nuong unang niyaya kita na mag coffee? Sobrang hiyang hiya ako. Kasi coffee lang ang kaya kong ioffer sayo nuon. I'm just a plain man, na sekretarya ng Daddy mo. Ngayon kaya ko ng ibigay ang lahat ng gusto mo. Maipagmamalaki mo na din ako sa lahat"
"Love, masaya ako kasi bumalik kana. Sobrang masayang masaya ako kasi babalik kana sa akin. Alam ko na napatawad mo na ako. At napatawad na din kita. Sa lahat ng pinagdaanan naging dalawa. Isa lang talaga ang hiling ko para sa ating tatlo. Kasama ang pamilya mo at ng pamilya ko. Pati din ang lahat ng taong nakakikilala sa ating dalawa at ibang mahal sa buhay. Kasama ang mga kaibigan natin"
"I love you so much, Love" umiiyak na sabi ni Arthur.
"I love you too" sagot ni Cindy. Ngumiti na si Arthur. At pinunasan ang mga luha niya.
"I'm sorry, para akong crying baby" natatawang biro pa ni Arthur na nagpatawa sa lahat.
Bigla naman na tumatakbo palapit si Kenken sa kanya. Naiiyak na nakita ni Cindy ang anak.
"Mommy, I missed you" sabi ni Kenken sa kanya na umiiyak na din.
"Don't cry, Baby. Mommy is here now. Hindi na aalis si Mommy" alo ni Cindy sa anak. Ngumiti naman ang anak niya sa kanya. At may kinuhang isang maliit na box.
Napaawang ang labi ni Cindy. Nang ilahad ni Kenken sa kanya ang maliit na box.
"Love, ikaw ang nag aya ng kasal sa akin. Ngayon ako naman. The engagement ring na iyan symbolize my love for you. Siyempre, hindi na ako magpapapaligoy ligoy pa. Marry me, Love. This time sa simbahan na. Witness ang lahat ng malalapit sa atin" sabi ni Arthur. He is not asking. Ang gusto niya ay makasal sa babaeng pinakamamahal niya.
"Yes, my love. Pero nasaan kaba?" tanong ni Cindy kay Arthur.
Umiiyak ang Mommy ni Cindy habang nasa tabi ng Daddy niya. Andoon ang Nanay ni Arthur at ang kapatid niya, kasama ang asawa nito at anak.
Lumabas sa isang kuwarto si Arthur. Naglalakad ito papalapit kay Cindy habang hawak ang isang dosenang red roses.
Hindi na nakapaghintay pa si Cindy at hawak ang kamay ng anak na tinakbo nila ang Padre ng pamilya nila. Niyakap nito ng mahigpit si Arthur at hinalikan sa labi. Nang kumalas silang dalawa sa halik ay nangungusap ang mga mata nila pareho.
"Namiss kita sobra, Love" matamis ang ngiti na sabi ni Cindy.
"Ako din. Ready kana ba sa kasal natin?" tanong ni Arthur. Tumango ng ulo si Cindy. Yumakap na nakangiti ang anak nila sa kanilang mag asawa.
Epilouged
Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala
Pagkabukas ng pintuan ng simbahan ay nakatingin na kaagad ako sa malayo. Hinahanap ng mata ko si Arthur. Napangiti ako ng makita siyang nakatayo katabi si Vitto. Ang Best Man niya.
Habang dahan dahan kung inihahakbang ang aking mga paa palapit kay Arthur ay pinipigilan kung umiiyak. Dahil masisira ang make up ko. I want to be the most beautiful bride to my groom. Kaya kahit na bagsak na bagsak na ang mga luha ko ay nagagawa ko pa ding pigilan ang sarili ko. Habang si Arthur ay nakikita kong panay na ang iyak na nakatayo malapit sa altar.
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at ako
At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi
Wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi ni Father. Lutang ang isip ko. Hindi pa din ako makapaniwala. At masyadong na overwhelm sa lahat ng mga nangyayari ngayon.
Nagbalik lang ako sa diwa ko ng hawakan ni Arthur ang pisngi ko.
"Love, wala ka sa sarili mo" komentong sabi ng asawa ko sa akin.
Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya.
"Arthur, you may now kiss your bride" ulit pa ni Father. Napansin siguro nito na parang nagtitinginan lang kami ng asawa ko. Nagkaroon pa ng eksena sa araw ng kasal namin.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. At naramdaman ang labi ng mahal kong asawa sa labi ko. Pagkatapos ng aming halik ay niyakap ko si Arthur ng mahigpit.
"Let us give a warm of applaused our newly wed, Mr Arthur and Mrs. Cindy Vidal" pakilala sa amin ni Father sa lahat ng nakasaksi sa aming pag iisang dibdib. We faced them with a smile. At magkahawak ang aming mga kamay.
Cindy's POV
Masaya akong pinagmamasdan ang asawa ko na nagbibigay ng kanyang talumpati sa harap ng maraming tao. Siya ang napiling guest speaker sa isang pagtitipon ng mga successful businessman.
"I may not be a successful entrepreneur now without my inspiration. My loving wife and my adorable kids. Sila ang naging daan kung bakit ako andito sa harapan ninyong lahat. Sabi nga nila behind every successful man is a strong woman, behind is his wife. Kaya sa mga husband diyan love your wife. Kung gusto ninyong maging successful sa larangang gusto ninyong maabot dahil ibibigay niya ang full support sayo ng buong pagmamahal. I love you, Love" mahabang talumpati ng asawa ko na may pagmamalaki sa aming mag ina niya. Kinilig naman ako ng sobra sa mga sinabi niya. Kaya nga mahal na mahal ko ang asawa ko. At hindi ko pinagsisihan ang araw na pinilit ko siyang pakasalan ako nuon.
"I love you, too" bigkas ng bibig ko na sagot ko sa kanya. Habang nasa tabi ko ang dalawa naming anak. Si Kenken na fifteen years old na ngayon at ang bunso namin si Kendrick na ten years old na ngayon.
Isa masigabong palakpakan ang ibinigay ng lahat ng tao na naroon. Habang bumababa ng hagdan ang asawa ko ay marami ang gustong kumuha ng litrato sa kanya. Pinagbigyan naman niya ang mga iyon. Saka nakangiting lumapit sa aming mag iina.
Pagkalapit sa amin ay hinalikan kaagad ako sa labi ng asawa. Walang pakialam ito na marami ang nakakakita.
"Dad, Mom masyado kayong PDA" sita ng anak kong ipinaglihi ko ata sa sama ng loob nuon, si Kenken.
"Son, when you grow up and you will meet the woman that you love. Baka mas grabe ka pa sa amin ng Mommy mo" sagot ng asawa ko. Nakakunot na ang noo ng anak kong panganay. Si Kenken ang nagmana ng ugali ng asawa ko. Masyadong seryoso sa buhay. At tahimik. While Kendrick is very frank. Sasabihin niya ng diretso ang kahit na anong hindi niya gusto.
"Not now, Dad. I'm only fifteen" tanggi naman ng panganay ko.
"Tama na 'yan. Umuwi na tayo at mukhang pagod na itong si Rick. Kanina pa ito hikab ng hikab sa tabi ko" saway ko sa mag ama ko. Habang nakatingin sa bunsong anak namin ni Arthur.
"Ang dami po kasing sinabi ni Daddy. Ayaw ko naman po talagang sumama sa mga ganito" naiinis na sabi ng bunso namin. Mainipin talaga ang dapat bunso namin.
"Rick, hindi ka ba proud sa Daddy mo?" tanong ko kay Rick.
"Proud po siyempre. Kaya lang po napakahaba na ng oras na nakaupo tayo" bagot na sagot ni Rick sa akin.
"Oh siya, let's go na lang sa paborito nating restaurant. Gutom na siguro itong mga anak natin, Love" aya ko na sa mag ama ko. Dahil mukhang nabore sila sa panonood sa Daddy nila. Hindi mahilig ang mga anak ko sa mga gathering. Pakiramdam ko naimpluwensiyahan ng asawa ko sa sobrang seryoso sa buhay. Parang kailan lang. Malalaki na ngayon ang dalawang anak namin ni Arthur.
Tumayo na kaming mag iina. Ipinulupot naman ng asawa ko ang braso niya sa beywang ko at naglakad na kami papunta sa sasakyan.
Our road in our journey being married is not easy. But we choose to love each other deeply. Kaya alam kong magiging madali ang daan para sa amin tungo sa isang masayang pagsasama.