Ilang araw nang iniiwasan ni Cindy si Ely. Hindi na din matiis ni Ely na hindi kausapin ang fiance niya. Gusto niyang maliwanagan sa lahat.
"Babe, what's wrong? Bakit ka nagkukulong sa kuwarto mo?" mga tanong ni Ely. Nasa garden sila ngayon nag uusap.
"I'm sorry, Ely. Maybe I'm just tired" pagsisinungaling ni Cindy.
"Tired? Halos isang linggo ka nang nagkakaganyan simula nuong makausap mo ang dati mong asawa. Cindy, tell me the truth. I want to know what's bothering you! I'm your fiance. At karapatan kong malaman kung, ako pa ba?"
Napayuko si Cindy at napatakip ito ng kanyang mukha. Hindi niya dapat sinasaktan ng ganito si Ely. Napakabait na tao ni Ely. At nakukunsensiya siya kung dapat ba niyang aminin sa kanya ang nararamdaman niya.
Hindi pa din sumagot si Cindy. Patuloy lamang itong umiiyak. Tumabi na ng upo si Ely kay Cindy.
"Hindi mo na kailangan na sumagot, Cindy. I understand. Nuon pa man alam ko na. Wala namang iba na andiyan sa puso mo kundi si Arthur. Wala talaga akong laban sa kanya. Kasi siya mas mahal mo siya kesa sa akin"
Tinanggal ni Cindy ang kamay niya sa mukha at humarap kay Ely. Nakita niya ang pagdurusa sa mga mata nito.
"I dont know what exact words I will tell you to lessen your pain. I dont want you to suffer because of me, Ely. Pero hindi ko na kaya pang magsinungaling sa nararamdaman ko. Alam ko na ang katotohanang ito ang magpapalaya sa akin. Pero masasaktan kita. Ayoko na mangyari iyon. Dahil hindi pa din nagbabago ang una kong sinabi sayo nuon. That you have a special part in my heart"
Tumango tango ng ulo si Ely. Tanggap niya na natalo siya sa puso ni Cindy.
"Palagi mo pa ding aalagaan ang sarili mo, Cindy. Dont worry everything will be alright" saad ni Ely. Aakma na sanang tatayo si Ely nang yakapin siya ni Cindy sa beywang niya.
"Sana mapatawad mo ako. I'm really really sorry for hurting you" sabi ng umiiyak na si Cindy. Kinalas ni Ely ang kamay ni Cindy at hinawakan niya sa baba si Cindy. Saka iniangat para magtama ang mga tingin nila.
"Alam kong mahirap ang magpatawad. Pero mahal kita, Cindy. Kahit na sinaktan mo ako, patatawarin pa din kita. Basta ang gusto ko maging masaya ka sa piling ni Arthur. Dahil mabubuo na ang pamilya niyo. Ang kaligayahan mo pa din ang gusto ko para sayo" sambit ni Ely kay Cindy saka hinalikan sa noo ito. Tumalikod na siya kay Cindy. Doon niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa pinipigilang kumawala sa mga mata niya.
Panay ang tulo ng luha ni Cindy habang nakatingin sa labas. Papunta sila ngayon ng airport. Ihahatid siya ng parents niya sa airport. Ngayon din ang araw na aalis siya ng Pilipinas. Iniwan niya si Kenken kay Arthur. Alam niyang aalagaan nito ang kanilang anak. At hindi pababayaan si Kenken.
Simula nuong gabi na tinapos na nila ni Ely ang lahat ay nagdesisyon siyang umalis na muna. Gusto niyang magkaroon ng katahimikan. Walang galit sa puso at para makalimutan ang lahat.
"Cindy, sigurado kana ba sa pasya mo? Alam kong may paraan pa naman ang mga problema mo. Huwg ka na lamang umalis dito. Kailangan kapa ng anak mo" umiiyak na pigil ni Carmen sa desisyon ng anak na magpakalayo layo. Nilapitan ni Cindy ang ina at niyakap.
"Please let me go, Mommy. And I'm sure uuwi din po ako. I just want to find myself and peace na nawala sa akin" pakiusap ni Cindy sa ina. Habang hinahagod ang likod nito. Pilit na pinapatapang anyo para pumayag ang Mommy niya na umalis siya pansamantala. Ayaw din niyang ipakita na umiiyak siya. Ilang araw na din siyang halos walang tigil sa pag iyak.
"Carmen, hayaan mo muna ang anak natin. Desisyon niya iyan. Saka hindi mo ba nakikita ang anak mo ngayon. Kung gaano kalungkot ang mga mata niya" pangungumbinsi ni Harold sa asawa.
"Ang hirap tumingin sa mata ng anak natin. Punong puno ng lungkot at sakit. Hindi ko matagalan na nakikita ko iyon sa nag iisa nating anak" dagdag na sabi ni Harold at lihim na pinunasan ang luha sa mga mata niya.
Nag Iisang anak nila si Cindy. Ang lahat ng karangyaan sa buhay ang ibinigay nila. Pero ang hindi nila kayang ibinigay sa anak ay kung paano papawiin ang sakit sa kalooban nito.
'Oh siya. Basta mag iingat ka doon, Anak. Huwag mo kaming iisipin ng Daddy mo. Si Kenken dadalaw dalawin namin kay Arthur" pagpayag na din ni Carmen sa kagustuhan ng anak niya.
Tumamgo ng ulo si Cindy.
"Thank you Dad and Mommy" sabi ng nakangiting si Cindy. Niyakap ng mag asawa ang anak nila at ilang minuto din silang magkayakap. At si Harold na ang kumalas. Hinawakan nito ang kamay ng asawa niya.
Isang ngiti pa ang ibinigay ni Cindy sa kanyang mga magulang bago tumalikod sa kanila. At pumasok na sa loob ng airport.
*****
"Sir, pinabibigay po ni Ma'am Cindy" inabot nito ang isang sulat sa kanya. Saka umalis. Nagtatakang pumasok ulit sa loob ng bahay si Arthur. Isang linggo nang nasa kanya si Kenken.
Binuksan nito ang sobre at binasa ang sulat.
To My Dearest Secret Husband,
Sana mapatawad mo ako sa lahat ng maling nagawa ko sayo. Hindi ko intensyon na itago ka sa lahat. Ang relasyon nating dalawa. Ang pagmamahalan natin. Natakot lang ako na baka mawala ka sa akin. Pero ang mga ginawa ko ang nagpatotoo sa takot ko.
Nawala ka sa akin.
Sobrang namiss kita. I miss your face, your smile, your kiss and everything about you. Sobrang namimiss ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kayong dalawa ni Kenken.
Nagkamali ako. Nasaktan kita. Pero ikaw pa din ang nasa puso ko. Walang nagbabago. Mahal pa din kita. Mahal na mahal.
Kung mabasa mo man ito. Siguro ay nakaalis na ako. Alagaan mo ang anak natin at ang sarili mo. Tell to Kenken, I love him so much. Pati na ikaw, mahal ko.
Love, hintayin mo ako. Babalik ako sayo. Gusto ko lang hanapin ang sarili ko at ng katahimikan ng kalooban ko.
I love you so much, Love.
Love,
Your Wife Cindy
After One Year
Cindy's POV
Ang tahimik ng dagat. Ang naririnig ko lang ang hampas ng alon nito sa buhangin o sa mga malalaking bato sa gilid. Sana naging ganito katahimik ang buhay ko. Walang problema iniisip. At hindi nasasaktan ng ganito sa mga maling naging desisyon ko sa buhay ko.
Andito ako ngayon sa pag aaring private resort ni Tita Grace. Pinsan ni Daddy ang asawa niya. Mas gusto ni Mommy na huwag na lang daw akong lumabas ng Pilipinas. Sa halip ay sa Palawan na lang ako ipinadala ni Daddy.
Isang taon na ang lumipas na malayo ako sa pamilya ko. Isang taon ko ding iniwasan ang lahat ng makapag papaalala sa akin kina Arthur at Ely. Gusto ko muna maghilom ang mga sugat namin ni Arthur. Kapag nakaharap ko ulit siya ay kaya ko na siya tingnan ng diretso sa mga mata niya. Wala ng galit at walang halong pagsisisi. At sana napatawad na niya ako. Nagpakalayo layo ako para na din mapatawad ko ang sarili ko sa lahat.
Sa lahat ng sakit na naidulot ko sa dalawang lalaking naging parte ng buhay ko. Pareho ko silang minahal. Pareho ko din silang sinaktan. Mas matimbang pa din sa puso ko ang asawa ko. Si Arthur.
Namimiss ko na ang anak ko. Tatlong taon na siya ngayon. Hindi naman ako nababahala na may masamang mangyayari sa anak ko. Dahil alam kong pakakamahalin at iingatan ni Arthur ang anak naming dalawa.
Ang asawa ko. Ang mahal kong asawa. Hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Hindi ko na siguro maiaalis ang pagmamahal ko kay Arthur. Palagi lang siyang andito sa puso ko.
Nagbalik ako sa ulirat ko nang may tumawag mula sa aking likuran. Nilingon ako kung sino.
"Ma'am Cindy, pumasok na po kayo. Mukha pong uulan!" malakas na sigaw ni Shaza. Ang anak nina Manang Sharon at Samuel. Ang pamilya nila ang kasama ko dito.
Nilingon ko si Shaza. At ngumiti dito. Nilapitan ko na siya. Inilahad naman nito ang isang kamay niya sa akin. Kinuha ko iyon at hawak kamay kaming naglakad papunta sa rest house na tinitirhan ko sa lob ng isang taon.
Itinuturing nila akong miyembro ng pamilya. Magaan naman ang loob ko sa kanila. Kaya kung ituring ko din sila ay parte na ng pamilya ko.
"Hija, kailan kaba luluwas pa Maynila?" tanong ni Manang Sharon sa akin. Iniimpake ko na ang mga damit ko. Nagdesisyon na akong bumalik sa pamilya ko. Sa asawa at sa anak ko. Hindi ko na patatagalin pa na malayo sa kanila.
"Sa makalawa po. Panay panay pa po ang ulan. Kaya hindi po magandang bumiyahe" sagot ko. Buo na talaga ang desisyon ko.
"Eh sige. Baka gusto mong samahan ka ni Shaza pumuntang Maynila. May mga ipadadala kasi akong pasalubong para sa magulang mo. Alam mo eh matagal ng hindi pumasyal dito sa Palawan iyang si Harold" sabi ni Manang.
"Kung papayag po si Manong, eh di sige po. Alam kung mag eenjoy po sa Manila iyang si Shaza" ani ko.
"Maiwan na kita dito. Kapag tapos kana eh wala bumaba ka kaagad sa kusina. Nagluto ako ng masarap na hapunan" nakangiting sabi ni Manang sa akin. Tumango ako ng ulo dito. At lumabas na ng kuwarto ko. Itinuloy ko naman ang ginagawa ko.
Excited na akong makita ang parents ko. Pati na din ang asawa ko at ang anak ko.
Sana lang ay naghihintay pa din si Arthur sa aking pagbabalik. Kung andiyan pa din siya para sa akin. Itinadhana kami para sa isat isa. Pero kung hindi. Hindi ako susuko. Hindi ako bibitaw sa pagmamahal ko para sa asawa ko.
Sa loob ng isang taon. Ang dami kong narealised. Hindi ko pala dapat tinalikuran kaagad si Arthur. Dapat lumaban ako sa tukso. Kasal kami at ang sabi nga palagi ng Pari sa sermonyas ng kasal ay —
"Ang pinagbuklod ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao" —
Mateo 19:6
Love unconditionally. And no boundaries. Dapat lahat tanggap mo sa kanya. Kasi mahal mo. When two hearts are meant for each other. No distance is too far. No time too long and no other love can break them apart. Kaya siguro ang dali kong sumuko nuon. Dahil hindi ko pa talaga alam ang true meaning ng love.
Nareliased ko din sa lahat ng pinagdaanan ko. Natuto ako. Yung sakit at paghihirap ng kalooban ko, makes me strong. To be a better person. Matatag na ako para ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Arthur sa lahat ng tao. Kahit na sa parents ko. And this time I will never left his side. Magiging kasama niya ako sa hirap man o sa ginhawa.
Now, I already made a decision. Wala ng distance at paghihintay pa. At wala ng makapaghihiwalay pa sa amin ni Arthur.
Sa pamilya ko lang ako uuwi. Dahil ang pamilya ko ang tahanan ko at ang buhay ko.