Nakatitig lang si Arthur sa asawa niya. Ngayon lang ulit niya ito nakita nang malapitan. Pero mahirap nang abutin ang mga kamay nito. Dahil may nagmamay ari ng iba sa kanya.
"Maupo ka" sumunod naman si Arthur at umupo sa pang isahan sopa habang si Cindy ay umupo sa katapat nitong pang isahan sopa. Ngayon na kaharap ni Arthur ang asawa niya. Pakiramdam niya napipi siya. Kanina ang tapang niyang hinarap si Ely. Ngayon bumabahag ang buntot ngayong katapat ang asawa niya.
"Anong gusto mong sabihin?" tanong ni Cindy. May kinuhang papel si Arthur mula sa bag niya. Tumayo siya at nakatitig na lumalapit kay Cindy. Nang makalapit ay inabot niya dito ang papel na hawak niya.
Sobrang pagpipigil sa sarili na kabigin ng yakap ang asawa. Gusto niya itong halikan pero hindi na puwede. Tiyak niyang hindi lang si Cindy ang magagalit sa kanya kapag ginawa niya iyon. Pati na din si Ely.
Nakita ni Arthur ang pagkabigla sa mukha ni Cindy. Umupo na siya sa malapit na sopa kay Cindy. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Alam niyang nabasa na nito kung ano ang papel na ibinigay niya.
"Annualment paper? Bakit hindi mo pa pinirmahan?" nagtatakang tanong ni Cindy.
"Nuong mga panahong nagpakalayo layo ako sayo. Nagsimula akong magsikap para sa muling paghaharap natin. Hindi na ako ang Arthur na kilala mong isang hamak na sekretarya lamang ng Daddy mo" sagot ni Arthur.
Matiim na nakikinig si Cindy.
"Hindi naman ako nabigo. Mula sa separation pay na natanggap ko sa kompanya niyo nuon ay nagsimula akong magtayo ng maliit na negosyo" dagdag pang sabi ni Arthur.
"Bakit nagpakita ka pa?"
"Dahil gusto kong kunin ang akin. Gusto kong makuha ka ulit. Ipinangako ko sa sarili ko na aayusin ko ang buhay ko para sayo. Para ipagmalaki mo ako sa lahat. Pati na sa mga magulang mo."
"Cindy, may sarili na akong bahay na binili para sa ating magiging pamilya."
"Alam mo, Arthur. Wala na ang sinasabi mong magiging pamilya mo! Dalawang taon, hindi ka nagpakita. Umalis ka, iniwan mo ako! Tapos ano? Ganoon lang tatanggapin kita! Napakadali naman niyon lahat para sayo!"
"Hindi naman ako nagmamadali, Love. Alam kong galit ka pa sa akin."
"Huwag mo akong tawaging Love! Dahil hindi na ako ang Cindy na minahal mo nuon!"
Napayuko ng ulo si Arthur. Expected naman niya na ganito anga mangyayari. Sumbat at galit ang makukuha niyang sagot mula kay Cindy. Tatanggapin pa din niya dahil sa mga pagkakamali niya.
"Mahal mo na ba si Ely?" tanong ni Arthur sa malumanay na boses.
"Sa tingin mo tatanggapin ko ba ang offer niyang kasal. Kung hindi ko siya mahal?" sagot ni Cindy. Ramdam ni Arthur ang sakit sa puso niya sa sagot ni Cindy na iyon. Sa talim ng salita niya parang punyal na tumarak sa kanya.
"Hindi mo na ba ako mahal?" pagsusumamo niyang tanong kay Cindy.
Biglang tumulo ang luha ni Cindy. Hindi pa din niya pala kaya. Ang tapang na ipinakita miya ay balat kayo lamang. Manghihina at manghihina siya kapag ganito na ang mukha ng lalaking una niyang minahal.
"Ayokong magsinungaling sayo, Arthur. Oo mahal pa kita. Hindi mawawala iyon sa akin. Dahil ikaw ang unang lalaking pinag alayan ko ng buhay ko, ng katawan ko at ng puso ko. Pero nakaraan na iyon. At hanggang ganoon na lamang iyon" amin ni Cindy habang patuloy na umiiyak. Pinunasan niya ang mga luha niya.
Napaiyak na din si Arthur. Sinayang niya ang pagmamahal ni Cindy sa kanya. Ang lahat sa kanya na ibinigay niya ay sinayang lang niya.
"At ayaw kong itago na may anak tayong dalawa" pag amin pa ni Cindy na ikinalaki ng mga mata ni Arthur.
"Huh? Anak?" nabibiglang tanong ni Arthur. Tumango ng ulo si Cindy.
"Kenken ang pangalan niya. At two years old na siya ngayon."
Mas lalong nanghinayang si Arthur. Hindi niya masisisi si Cindy kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa kanya. Napasabunot si Arthur sa ulo niya at napatayo. Tumalikod siya. Ayaw niyang ipakita ang pag bagsak ng emosyon niya. Ang anak na pinangarap niya. Ang makakabuo ng pamilyang pangarap niya ay iniwan lang niya.
Lumapit sa pader si Arthur at sinuntok iyon. Saka malakas na sumigaw. Doon na siya napahagulgol ng iyak.
Nakatingin lang si Cindy sa asawa niya. Awang awa na siya dito. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya. At pinipigilan na huwag lapitan ang asawa niya.
Humarap si Arthur sa asawa niya na hilam ng luha ang mga mata. Namumula ang kamao dahil sa pagsuntok kanina sa pader. Nilapitan niya si Cindy.
"Love, I'm sorry. Alam kong wala akong kwenta. Wala akong karapatan na humarap sayo. Napakadami mong pinagdaanan sa piling ko. Dapat pinapasaya kita at minamahal. Pero ako ang nagbigay ng mga pasakit mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Iniwan ko kayo ng anak natin" nakaluhod na sabi ni Arthur habang panay ang pagtulo ng luha niya.
Napatitig si Cindy kay Arthur. Pag aalala ang nararamdaman niya ngayon sa asawa niya. Gusto niya sanang aluin ito. Pero paano?
"Ayoko nang bigyan ka pa ng sakit ng kalooban. Ayoko ko nang masaktan ka ng dahil sa akin. Gusto kong makita kang masaya. Kahit hindi na sa akin. Kasi mahal na mahal na mahal kita, Cindy. I will give your freedom. And letting you go for your happiness. Just give me a chance to know my child. Iyon lang ang pakiusap ko" ani Arthur at kinuha ang papel na ibinaba ni Cindy kanina.
Habang si Cindy ay natitigilan pa din. Hindi niya maapuhap ang mga sasabihin niya sa asawa. Sinundan ng mga mata niya ang pagkuha ni Arthur sa annualment paper nila. At kinuha ang ballpen nito sa bag. Sa armchair ng inuupan niya ito ipinatong ang papel. Saka pinirmahan.
Napapikit si Cindy ng kanyang mga mata. Doon tuluyang bumagsak ang masagana niyang luha.
"Ayoko lang pahirapan ka pa, Love. Don't worry. I will be fine" mapait itong ngumiti kay Cindy at inabot ang annualment paper na pinirmahan niya. Kahit na wasak na wasak ang puso nito.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Cindy ang papel. Hinuli ni Arthur ang kamay ni Cindy at dinala iyon sa labi niya. Halik ng pamamaalam sa taong sobra niyang minahal. Saka umangat si Arthur konti. At dumukwang ng halik sa noo ni Cindy. Saka pinagdikit ang mga tungki ng ilong nila. Hawak pa din ni Arthur ang kamay ni Cindy.
"I love you so much, Love. And goodbye" mga katagang kay sakit pakinggan mula kay Arthur.
Inilayo ni Arthur ang mukha niya kay Cindy at tumayo. Binitawan na ni Arthur ang kamay ni Cindy at mabigat ang mga paa na niahakbang palayo sa babaeng mahal na mahal niya.
Hinabol ng kamay ni Cindy ang kamay ni Arthur pero nakaalis na ito. Humagulgol na siya ng iyak.
"I love you, Love. And I'm sorry" bulalas ni Cindy sa isip.
Pagkatapos ng pag uusap nila Cindy at Arthur ay nawalan ng gana si Cindy na makiharap sa ibang tao. Lagi itong nag iiyak at nagkukulong sa kuwarto niya. Kahit kay Ely ay hindi ito humaharap. Araw araw na binibisita nito ang fiance niya.
Pinakiusapan ni Cindy ang parents niya na hanapin si Arthur para sila na ang magpakilala kay Arthur sa anak nila. Hindi niya kayang pakiharapan si Arthur.
Hindi naman nahirapan na hanapin si Arthur. Dahil nakatira ito sa isang kilalang hotel dito sa Manila. Dinala nila si Kenken sa penthouse nito.
Nagdoorbell ang mag asawa sa pintuan ng penthouse ni Arthur. Naramdaman nilang may nagbubulas at bumungad si Arthur sa kanila.
"Mr. Chairman?" bulalas ni Arthur.
"Puwede ba kaming pumasok?" tanong ni Harold. Doon napansin ni Arthur ang batang kasama ng mag asawa. Niluwagan ni Arthur ang pinto at pumasok ang mag asawa kasama ang bata nilang kasama.
Kumalabog na ang puso ni Arthur nang makita ang mukha ng bata. Ramdam niya ang lukso ng dugo para sa bata.
"Please take a seat" alok ni Arthur. Nagpalinga linga naman ng mag asawa sa buong penthouse ni Arthur. Saka umupo sila at kinandong ni Harold ang apo niya.
Umupo si Arthur sa katapat na upuan at titig na titig sa batang nakakandong sa matandang Morales.
"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa, Arthur. Naparito kami dahil sa hiling ng anak ko. Alam mong hindi namin matitiis ang anak namin" panimulang sabi ni Harold.
"Naiintindihan ko po"
"Kenken, diba sabi ni Lolo sayo we will meet your real father" sabi ni Harold sa apo. Tumango naman ng ulo ang bata. Naintindihan nito ang sinasabi ng Lolo niya.
"Arthur, this is your son. Arth Kent Morales Vidal. Isinunod namin sa name mo dahil kasal pa naman kayo ni Cindy. At alam naming dadating ang pagkakataon na ganito na magkakaharap harap tayong lahat" pakilala ni Harold sa anak ni Arthur kay Cindy. Natigilan si Arthur. Hindi niya akalain na sa kanya pa din nakapangalan ang anak niya.
"Kenken, he is your real dad" pakilala din nito kay Arthur. Tumingin si Kenken sa ama. At bumaba sa pagkakakandong sa Lolo niya.
Nilapitan ni Kenken ang kanyang Ama. Hinawakan nito ang mukha ng kanyang tunay na ama. Kinabig naman ng mahigpit na yakap ni Arthur ang anak. At napaiyak.
"Anak ko" umiiyak na sabi ni Arthur.
Kamukhang kamukha niya ang anak niya nang maiharap niya ito sa kanya. Napapunas siya sa luha niya sa mga mata niya.
"Iiwanan na muna namin si Kenken sayo. Babalikan na lang namin siya mamaya" paalam ni Harold kay Arthur. Nilapitan pa ni Carmen ang apo at hinalikan sa pisngi. Gayon din ang ginawa ni Harold at hawak kamay na umalis ang mg asawa. Sinusundan na lamang ng tingin ni Arthur ang mg asawa na palabas.
Binalingan ni Arthur ang anak.
"Ken, do you want to eat?" nahihiyang tanong ni Arthur. Hindi siya talaga marunong pagdating sa mga bata kay napapakamot na lamang siya.
"Yes po" magalang na sagot nito sa kanya. Lumabas ang pantay pantay n ngipin ng bata. May isang maliit na biloy din ito sa pisngi.
Ang gwapo ng anak niya sa loob loob ni Arthur. Siyempre maganda ang ina at gwapo din siya. Hinawakan na ni Arthur sa isang kamay ang anak at iginiya papunta sa kitchen.
Inalalayan niya itong maupo sa stool. At tumawag sa reception.
"I need food for kids. And I want a toy also for a two year old boy. Order more food" utos nitong sabi sa receptionist.
"Okay, Sir" sagot naman nito sa kanya.
"Pakibilisan na lamang" sabi ni Arthur at ibinaba na ang tawag.
"Sorry anak. Walang food si Daddy dito sa bahay. Pero nagpaorder na ako. After nating kumain lalabas tayo. Pupunta tayo ng mall. Gusto mo ba yun?" sabi ni Arthur sa anak.
"Yes po. Punta po Toy Kingdom" sagot ni Kenken.
"Kung saan mo gusto. Pupuntahan natin" ani Arthur. Tuwang tuwa naman si Kenken at yumakap na kay Arthur.
Maya maya ay may narinig silang nagdodoorbell. Pinuntahan iyon ni Arthur at pinagbuksan ng pinto. Ang room attendant na dala ang pagkain na pinaorder niya at ang laruan na ni request niyang bilhin. Nagkusa na si Arthur na siya na ang magdadala sa kusina.
Masayang sinusubuan ni Arthur si Kenken ng pagkain. Panandaliang nakalimutan ang asawa niya dahil sa anak. At ang mga nangyari nuong nakaraan na pag uusap nila.
Hawak ni Arthur ang isang kamay ni Kenken habang naglalakad sila sa loob ng mall. Pinamili niya ng mga bagong damit at mga laruan si Kenken.asaya naman si Kenken na makatangvap ng regalo mula sa ama.
Pumunta din sila ng Toy Kingdom. At nang mapagod at magutom ay kumain sila sa fast food. Sobrang kasiyahan ang nararamdaman ng mag ama ngayon na magkasama na silang dalawa.
Pauwi na sila sa penthouse. Nag aalala siya na baka dumating na ang mag asawang Morales sa penthouse. Ginabi sila sa pamamasyal. At nakatulog na din si Ken sa passenger seat.
Karga niya ang natutulog na anak. Habang papalapit sa penthouse niya. Binuksan niya ang pinto at diretsong dinala ni Arthur ang anak sa kuwarto niya. Inayos niya muna ito at tinanggalan ng sapatos. Saka bumalik siya sa pintuan para ilock. Sumilip muna siya sa labas pero walang mga Morales ang nasa labas para sunduin ang anak niya.