Chapter 13

1671 Words
"Naks, Pare! Married ka na pala. At sinong maswerteng babae naman iyon?" tanong ni Vitto. Dinala ni Arthur ang kaibigan niya sa Penthouse na tinutuluyan niya. "Cindy Morales." "You mean ang anak ng may ari ng HMG?" tumango ng ulo si Arthur. Hindi naman makapaniwala si Vitto sa nalaman. "Pero hiwalay na kami ngayon." "But, why? Successful naman na ang business mo. Saka hindi na ikaw ang dating si Arthur. Ang laki ng ipinagbago mo. Ang kilala ko kasing Arthur e, bully nuong high school. At bulakbol" "Nuon iyon, Pare. Nagtino ako nuong college." "Ah kaya pala. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit kayo naghiwalay ng asawa mo?" "Alam mo naman na mahirap lang kami. At isang hamak na sekretaryo lang ako ng Daddy ni Cindy. Walang nakakaalam ng relasyon naming dalawa. At walang plano si Cindy na ipaalam ang relasyon namin sa magulang niya" kuwento ni Arthur. Kapag muling binabalikan ang mga nangyari ay lalo lang naninikip ang dibdib niya. Palagi pang niyang sisisihin ang sarili niya. Ang mga maling naging desisyon niya nuon. Ang naging dahilan para matulak si Cindy sa ibang lalaki. "Arthur, kung mahal mo eh di balikan mo" "Paano ko pa babalikan kung mayroon nang iba? Ayokong maging sagabal sa kaligayahan niya ngayon. Hindi niya iyon naramdaman nuong nagsasama pa kami. Saka may bata nang involved sa kanila ni Ely" "Kasal pa kayo. At kahit saan tingnan may kasalanan sayo si Cindy. Puwede mo siyang kasuhan ng adultery at moral damages. Dahil maliwanag na may karelasyong iba ang asawa mo" may diing sabi ni Vitto. "No, I think that not good idea. Ayokomg madala pa sa korte ang usapin namin ni Cindy" tanggi ni Arthur. "Pare, I'm just giving you suggestion. Nasa iyo kung gagawin mo" at hinawakan ni Vitto sa balikat ang kaibigan niya. "Ano bang mas magandang gawin? Bukod diyan sa suggestion mo." "Better to talk to Cindy in person. Para masabi mo ang mga nasa loob mo. At tanungin mo na din kung, totoo bang may anak na sila 'nung Ely na 'yun" sagot ni Vitto. Napaisip si Arthur. "Thank you, Pare. Siguro kailangan ko nang makausap si Cindy. Kung ano ang magiging pasya niya ay tatanggapin ko na lamang" saad ni Arthur na may lungkot sa mga mata. Kung nais na ni Cindy na tuluyan siyang hiwalayan ay ibibigay niya. Kung saan siya magiging masaya. Pinabayaan niya ang asawa niya nuon. Iniwan at sinaktan. Ngayon na masaya na ito ay hindi niya gagawing maging hadlang pa sa pagmamahalan nila ni Ely. Isusuko na niya si Cindy at ipapaubaya na kay Ely. Dahil mahal na mahal niya si Cindy. "Ikaw ba, Vitto may asawa na?" pag iiba ni Arthur sa usapan nilang magkaibigan. "Wala pa akong nakikitang babae na katulad ng Mommy ko" natatawang sagot ni Vitto. Tumango na lamang ng ulo si Arthur. ****** "Babe, do you enjoy our dinner tonight?" tanong ni Ely kay Cindy. Inihatid siya ni Ely sa bahay nila. Galing sila sa dinner Date nilang dalawa. "Oo naman. Siyempre nag enjoy ako sa masasarap na food saka sa magandang ambiance ng restaurant" sagot ni Cindy. Hindi niya maintindihan ang ibang pakiramdam niya nitong natapos na birthday ng anak niya. May isang bahay ang bumabagabag sa kanya. Hindi nga lang niya maisip kung ano iyon. "I know it's too early para magpropose sayo. Pero hindi ko na kayang mawala kapa sa buhay ko, Cindy. Gusto kong ikaw ang maging ina ng magiging mga anak ko. Siyempre kasama natin ang ating panganay si Kenken. And I'm willing to give my name to Kenken" mahabang litanya ni Ely. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" "Will you marry me, Babe?" tanong ni Ely saka lumuhod ito sa harapan ni Cindy. At kinuha ang singsing sa kanya bulsa nito. Sabay abot sa kanya. Nabigla si Cindy. Hindi niya alam na ngayon magpoprose si Ely sa kanya. "Sigurado kana ba?" naiiyak na tanong ni Cindy. "I never been so sure in my life when I find you. Ikaw ang pinakamagandang desisyon na gagawin ko sa buhay ko. Ang pagpili ko sayo bilang maging asawa ko" sagot ni Ely. Habang nakaluhod pa din ito. "Babe, can you marry me?" hindi na iyon tanong kundi utos. Napatango ng ulo si Cindy. Masayang masaya si Ely at niyakap kaagad si Cindy. Nang iharap niya si Cindy sa kanya ay hinalikan niya ito sa noo. Saka isinuot ang enggagement ring at hinalikan ang mismong singsing na nasa kamay ni kamay ni Cindy. Tumunghay si Ely sa mukha ni Cindy at binigyan ng magaang halik sa labi nito. "Mahal na mahal kita, Cindy" sabi ni Ely sa fiancee niya. Masayang nakangiti naman si Cindy. "Hindi man ganoon kalalim ang nararamdaman kong pagmamahal ko sayo. But everyday you make me feel that I deserved to be happy again. Kasama ang anak ko. Kaya... I love you too, Babe" sinserong sabi ni Cindy. Napaiyak si Ely. Sobrang kaligayahan na para sa kanya ang tanggapin ang kasal na naioffer niya kay Cindy. Ang sabihin pang mahal siya niyo ay lubos na kaligayahan na ang nararamdaman niya sa puso niya. "I promise na hindi kita sasaktan pati na si Kenken" pangako ni Ely at niyakap ulit si Cindy ng mahigpit. Maagang bumisita si Ely sa bahay ng mga Morales dahil gusto niya na siya mismo ang magbalita sa parents ni Cindy ang plano nilang pagpapakasal. Hindi na niya pakakawalan pa si Cindy. Si Cindy lang ang babaeng pinapangarap niyang makasama habang buhay. They had their breakfast in the gazebo. Special ang araw na ito para kina Cindy at Ely. At nagpahanda si Carmen ng espesyal na almus. Todo ang asikaso ni Cindy sa fiance niya pati na din sa anak na si Kenken. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cindy na nakapatong sa lamesa. Ito na ang hudyat para sabihin ang magandang balita. "Tito and Tita, you both know that I love your daughter to so much. And she is the woman that I want to spend my life with" panimulang sabi ni Ely sa parents ni Cindy. Nagkatinginan naman sina Harold at Carmen. Ramdam nila ang ibig sabihin ng mga salita ni Ely. "Alam ko po na masyado pang maaga at mabilis ang lahat. Pero I just cant wait na po. Me and Cindy agree on getting married. At hiniling ko kay Cindy na ako po ang magsabi ng masayang balita tingkol sa aming relasyong dalawa" nakangiting dagdag na sabi ni Ely. At mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ni Cindy. Napaawang ng labi si Carmen. At tuwang tuwa sa magandang ibinalita ni Ely. While Harold feel uneasy. Kasal pa si Cindy kay Arthur at hindi ito ang oras para pag usapan ang kasal nilang dalawa. "Hon, are you not happy? Natahimik ka?" baling na mga tanong ni Carmen sa asawa. Napalingon si Harold sa asawa. "Of course I'm happy. At alam mo namang boto ako dito kay Ely para sa anak natin" pilit na pinapasigla na sagot ni Harold. Ngumiti ang asawa niya sa kanya. Tumayo si Carmen at niyakap ang anak saka hinalikan sa pisngi. "Congrats mga anak. And Ely I hope you will take care of my daughter and apo" masayang bilin ni Carmen. Napilitang tumayo na din si Harold at nakipagkamay kay Ely. "Congrats sa inyong dalawa" bati din ni Harold. Habang si Kenken ay sinusubuan ng pagkain ni Yaya Sita. Isang kasambahay nila ang papalapit sa kanila. "Ma'am Cindy, may naghahanap po sa inyo" imporma ng kasambahay. "Huh? Sino daw po?" nagtatakang tanong ni Cindy. Wala naman silang inaasahang bisita na dadating except kay Ely. "Ma'am lalaki po. Hindi po nagpasabi pero gusto daw po kayong makausap" sagot nito sa kanya. Napahawak si Cindy sa dibdib niya. Ito na ba ang kinakatakutan niya na mangyayari. "Babe, samahan na kita" sabi ni Ely. Tumango ng ulo si Cindy. Saka sabay na tumago sila. "Mom, kayo na po muna ang bahala kay Kenken" baling ma sabi ni Cindy sa ina. Tumango ng ulo si Carmen sa anak. "Sige na. Baka importante ng sadga nung tao" nasabi na lamang ni Carmen sa anak. Tumalikod na sila Cindy at Ely. Papunta na sila sa sala. Napansin ni Cindy ang lalaking nakatalikod na nakatayo sa kanila. Sa tindig ng katawan nito ay alam na alam na niya kung sino. Napahawak siya sa kamay ni Ely. "Babe, I'm here. Huwag kang matakot" bigkas na sabi ni Ely sa tenga ni Cindy. Doon humarap ang lalaking panauhin nila. "Arthur?" bulalas ni Cindy. "Yes, Love" sagot ni Arthur. Saka bumaling kay Ely at tumingin sa pagkakahawak nito sa kamay ng asawa niya. Medyo nailang si Cindy pero hindi binitawan ni Ely ang kamay niya. "Can I talk to my wife in private? Yung kami lang dalawa" may diing tanong ni Arthur kay Ely. "No. Kung may gusto kang sabihin sa fiance ko. Sabihin mo na, kaharap ako" nakatiim bagang sagot ni Ely. "I said me and my wife only" nagulat man pero hindi patitinag si Arthur. Dahil handa siyang ipaglaban ang kanyang karapatan sa asawa niya. "She is your wife before. And now she is my fiance" matalim itong tumingin kay Arthur at hindi din magpapatalo. "Babe, sige na. Let me handle this. And dont worry I will be okay" sabat na saad ni Cindy kay Ely. Tinititigan ni Ely si Cindy sa mga mata nito. Saka hinawakan ang mag kabilang pisngi nito. Saka binigyan ng halik si Cindy sa harap ni Arthur. Napakuyom ang kamao ni Arthur dahil sa harap harapang pagtataksil ng asawa niya. "I trust you, Babe. Pero kapag may ginawang masama ang lalaki na ito sayo. Tell me" ani Ely. Tumango ng ulo si Cindy. At tumalikod na si Ely kay Cindy. Gusto sana niyang malaman ang pag uusapan nila Arthur at Cindy. Pero nagmamatigas si Arthur. Paano kung bumalik si Cindy kay Arthur? Mag asawa pa din sila sa papel. At boyfriend lang siya ni Cindy. Ngayon pa lamang ay natatakot na si Ely. Hindi siya handa na ganito kabilis magkakaharap sina Cindy at ang dati nitong asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD