CHAPTER THREE

2144 Words
ANALYN "Analyn ikaw na ba 'yan? Dalagang-dalaga ka na. Ang ganda-ganda mo pa." Sabi sa akin ni Aling Diyosa na isa sa nagta-trabaho dito sa lupain ni Lolo. Sinang-ayunan naman ng iba pang mga tauhan ni Lolo. Alas singko pa lang kanina ng umaga ginising na akong ng lalaking kasama ko ngayon upang mag-umpisa na daw sa aking training. Ang aga-aga at ang lamig. Tapos gigisingin na para daw maaga kaming makatapos . Kaya kahit inaantok pa ako. Napipilitan akong bumangon upang sumama sa kanya. Kahit nakasimangot ako ningitian ko pa rin si Aling Diyosa. "Kamusta po Aling Diyosa. Akala ko ho sa langit lang may Diyosa. Pati dito pala may Diyosa din." Pagbibiro ko kay Aling Diyosa. Malakas naman siyang tumawa pati ang kanyang mga kasamahan. "Katulad ka rin pala Don Salvador palabiro." Sabi naman ng isang kasamahan ni Aling Diyosa. Kaya nagtawanan kami ulit. Pagkatapos kong makausap ang mga tauhan ni Lolo nag-umpisa na rin silang magtrabaho. Ako naman nilibot ni Shawn saka inisa-isa niyang tinuro sa akin ang lahat. Salita lang siya ng salita ngunit hindi ako sumasagot. Tanging tango lamang ako sa kanya. "Shawn, good morning!" Bati ng babae na maganda. Hindi ko alam kong kaedaran ko lang siya. Nandito na kami ngayon sa taniman ng mga pinya. Kailangan pala talaga magsuot ng jacket, gloves at boots. Ang akala ko madali lang magtanim. Ang hirap din pala. Napatingin ako sa babae na parang nagpapa cute pa jay Shawn kaya lihim akong napataas ng kilay. "Good morning, Darling!" Napakunot ang aking noo. Bakit darling ang tawag niya sa babae? Girlfriend niya ba ang babae? Sinabi ni Lolo kahapon wala pa siyang girlfriend. Ngayon may darling din pala. Bigla naman pumasok ang narinig ko nuon sa kanyang bahay kasama ang ex-bestfriend ko. Kaya lihim akong napa irap. "Darling ,this is Analyn. Apo ni Sir Salvador siya na ngayon ang mamahala dito. Kaya sinamahan ko siya upang turuan kung paano ang pamamalakad sa taniman." Ngumiti ang babae sa akin. "Good morning, ma'am. Pasensya po hindi kita nakilala. Bago lang po kasi ako dito. Ako pala si Darling." Magalang na sabi niya s akin. Ang akala ko girlfriend ni Shawn dahil darling ang tawag sa kanya. Darling lang pala ang pangalan. Mabait naman ang pinakita ng babae sa akin kaya nilahad ko ang aking kamay sa kanya. "Hi! Good morning too! Darling. Nice to meet you!" Balik bati ko sa kanya. "Hindi lang pala kayo maganda ma'am. Mabait din po! Bagay kayo ni Shawn." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Salamat! Tanging nasabi ko lamang dahil parang namula ang buo kong mukha ng mapansin kong nakatitig sa akin si Shawn. Nagpaalam na kami kay Darling dahil kailangan pa namin pumunta sa taniman ng papaya. Ang lawak lala ng lupain ni Lolo. Dati Kasi hindi ako nakarating dito. Hanggang sa taniman lang ako ng saging. Ang pagkakatanda ko n'ong nandito pa ako. Saging at pinya pa lang ang tanim ni Lolo. "Are you tired?" Tanong ni Shawn sa akin. Dahil mahina akong lumalakad na nakasunod lamang sa kanyang likuran . Kailangan pala talaga maaga pa, nandito ka na para pagsapit ng alas dies tapos ka na sa pag check ng mga prutas. Kaya pala maaga niya akong ginising. Masyadong mainit na kapag mag alas onse. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglakad. Ang totoo pagod at gutom na ako. May pagkain kaming dala ngunit nandun sa sasakyan. Nilagpasan ko siya para makarating na sa sasakyan. "Lyn, Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso sa kanyang sinabi. First niya akong tawagin na Lyn. Dati kasi hindi niya manlang binabanggit ang pangalan ko. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad at hindi pa rin siya pinansin hanggang sa naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking kamay. Nakaramdam ako na parang may bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Kinalma ko ang aking sarili saka hinarap siya. Masama ko siyang tiningnan at tinaasan ko siya ng aking kilay saka binawi ang kamay ko sa kanya "Sino ka ba para kausapin ko? Don't you ever try to touch every tip of my hands! You're just my driver. Do your job properly." Pagkasabi ko mabilis ang hakbang ko papunta sa sasakyan. Nakunsensya ako sa aking sinabi ngunit hindi ako sa kanya mag so-sorry. Tandang tanda ko pa kung anong ginawang pagbaliwala niya sa akin nuon at ilang beses na pag reject sa akin. Rinig na rinig ko pa ang mga ungol ng ex girlfriend ko, kung paano niya angkinin sa loob ng kanyang bahay. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha ng maalala ko ang sakit. Ano ang wala sa akin na meron sa ex-best friend ko? Ang sinabi niya ayaw niya sa bata. Ngunit mas bata pa nga ako ng isang taon sa ex- best friend ko na ahas. Simula nun pilit kong kinalimutan na may kilala akong Shawn at kaibigan na ahas. Dahil simula n'ong dumating si Shawn sa bahay ni Lolo. Si Shen ang una kong sinabihan na may crush ako kay Shawn. FLASH BACK "Super gwapo niya besty as in. Mas nagustuhan ko talaga ang pagiging matured niya besty. Pero may kasabihan nga wala naman sa edad kung gusto mo ang isang tao. "Wee di nga! As in gwapo? Gwapo pa kay Kervin?" Tanong ni Shen sa akin. Si Kervin ay isang hearthob dito sa school campus at nagpapansin din sa akin. Pero hindi ko talaga siya type. Lahat sila gwapong-gwapo kay Kervin maliban sa akin. Pero pagka kita ko kay Shawn parang nag twinkle+twinkle ang aking mata. Bumilis din ang pagtibok ng aking puso. Na first time kong naramdaman sa lalaki. "Yes, besty. Saka kayo lang naman ang na gwa-gwapuhan kay Kervin hindi ako. Hayaan mo bukas sasabihin ko kay Lolo na si Shawn ang maghatid sa akin para ipakilala kita sa kanya besty." Masaya kong sabi kay Shen. Excited din siyang makilala si Shawn para daw makilatis niya. Kaibigan ko si Shen simula grade one kami hanggang ngayon na highschool na kami kaya kami mag best friend. "Besty siya si Shawn." Sabi ko kay Shen n'ong hinatid ako ni Shawn sa school. Hindi ko siya na ipakilala dahil nagmamadali si Shawn sapagkat may pupuntahan pa sila ni Lolo. Kaya tinuro ko lamang si Shawn sa kanya. Namilog ang kanyang mata ng makita si Shawn. Sobrang gwapo daw at hot. Lumipas ang mga araw sinabi ko kay Shawn na may gusto ako sa kanya. Ngunit sinabi niyang bata pa ako at matanda na siya. Lalong lalo na hindi ang katulad ko ang magustahan niya. Pero hindi ako sumuko. Isang araw binigyan ko siya regalo dahil nalaman ko kay Lolo na birthday niya, pero hindi niya tinanggap. Ilang beses pa akong nagluto para ibigay sa kanya ngunit tinatapon niya lamang. Simula din nung nakilala ni Shen si Shawn palagi ng sumasabay si Shen sa akin pauwi kapag si Shawn ang magsusundo sa akin. Minsan palagi kong nakikita na may kausap si Shen sa kanyang cellphone na masaya at palaging naka ngiti. Sa tuwing tatanungin ko siya. Palagi niyang sinasagot na boyfriend niya. Kaya hindi ko nalang pinapansin kahit nagtampo ako sa kanya na may boyfriend na pala siya. Ngunit hindi niya sinabi sa akin. Hanggang sa nag graduate na kami. Isang hapon pinuntahan ko si Shawn sa kanyang bahay dahil sinabi ni Lolo na may sakit siya. Pagdating ko sa kanilang bahay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang maliit na balcony at umiinum ng kape. Hindi niya manlang ako pinansin pero lumapit pa rin ako sa kanya. "Shawn kamusta? Sinabi ni Lolo na may sakit ka raw. Kaya pinuntahan kita." Pero hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin. "Ma'am, pwedi bang umuwi ka na. Hindi kita kailangan dito. Tanging driver lang ang trabaho ko sa inyo. Kung pumunta ka naman dito para sabihan mong gusto mo ako pwes. Ang masasabi ko kahit kailanman hindi kita magugustahan. Kaya huwag ka ng mag-aksaya ng panahon para sa akin. Kapag kailangan mo ng driver at may iutos si Sir Salvador 'yun lang ang gawin ko wala ng iba. Masakit ang mga salita na binitawan niya sa akin. Pero lumapit pa rin ako sa kanya . Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya walang pagdalawang isip na hinalikan ko siya labi. N'ong una hindi siya nakagalaw sa aking ginawa kaya kahit hindi ako marunong humalik hindi ko parin binitawan ang kanyang labi. Ngunit ng mahimasmasan siya hinawakan niya ako sa aking balikat at tinulak. Napa upo ako sa sahig at nakaramdam ako ng sakit sa aking balakang. Duon na ako natauhan sa aking ginawa kaya biglang tumulo ang aking mga luha. "Ma'am, kung pinagti-tripan mo lang ako. Hindi mo ako madadala sa mga pahalik halik mo. Kaya ang mabuti pa umalis ka na." Pagkatapos niyang sabihin tumayo na siya at iniwan ako na nakaupo pa rin sa sahig na umiiyak. Kaya kahit sobrang sakit sa pakiramdam ko. Kaagad akong umalis sa kanyang bahay. Dumaan muna ako sa maliit na sapa na malapit sa bahay ni Lolo at duon binuhos ang aking mga luha at nagpalipas hanggang hapon. Kinabukasan tinawagan ko si Shen na samahan ako papunta ng mall dahil may bibilhin ako. Gusto ko rin sabihin sa kanya ang nangyari sa akin kahapon. Pagdating ko kahapon sa bahay ni Lolo dumiretso ako sa aking kwarto at buong gabi na umiyak. Kaya napag isipan kong gumala para mawala ang sakit sa aking puso. Ngunit n'ong sinagot ni Shane ang aking tawag sinabi niyang may pupuntahan sila ng kanyang mama sa kabilang baranggay sa kanilang kamag-anak. Kaya pumasok na lamang ako sa banyo upang maligo upang gumala mag-isa. Habang nagsusuklay ako napansin ko na wala ang isa kong hikaw. Kahit saan ko hanapin hindi ko makita. Napaka importante sa akin ang hikaw sapagkat regalo ni Lolo sa akin n'ong graduation ko. Kaya mabilis akong lumabas ng aking kwarto para pumunta sa sapa. Baka duon nawala ngunit kahit anong hanap ko hindi ko pa rin makita. Bumalik ako sa bahay na iniisip kong saan pa ako pumunta kahapon. "Iha, apo. Ang akala ko sumama ka kay Kuya mo Shawn sa mall. Tumawag kasi siya sa akin na may bibilhin lang siya sa mall kaya hindi siya makapunta dito. Nagpaalam ka din sa akin kanina na mag mo-mall ka. Ang akala ko sumabay ka nalang kay Shawn." N'ong narinig ko ang sinabi ni Lolo. Kaagad akong napaisip na baka sa bahay ni Shawn nawala ang aking hikaw. "Lo baka may kasama si Kuya Shawn lo. Mamaya pa naman ako aalis Lo." Sagot ko kay Lolo. Kapag kaharap ko si Lolo, kuya Shawn ang tawag ko kay Shawn sapagkat 'yun ang gusto ni Lolo. Dahil matanda Si Shawn sa akin. Pagkatapos kong sagutin si Lolo nagpaalam ako na may pupuntahan muna. Dahil wala naman si Shawn sa kanyang bahay. Pupunta ako sa kanyang bahay upang tingnan kung duon ko nawala ang aking hikaw. Habang papalapit ako sa kanyang bahay. Sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso sa kaba. Kahit alam ko naman na walang tao sa kanilang bahay. Habang papalapit ako sa pinto ng kanyang bahay. Parang may naririnig ako na boses ng babae at lalaki. Nagtaka ako kaya dinikit ko pa ang aking tainga sa pintuan. "I Love you Shen." Dinig na dinig ko na sabi ng lalaki. "I love you too babe!" Sagot naman ni Shen. Nanginginig ang aking mga tuhod dahil ang aking best friend at si Shawn ang nasa loob. Maya- maya narinig ko na umuungol na si Shen. Hindi naman ako tanga na hindi ko alam kung ano ang kanilang ginagawa. Hindi ko lubos akalain na ang best friend ko pa ang magustuhan ni Shawn. Kaya pala paulit-ulit niya akong ni-reject dahil kay Shen. Bakit hindi manlang sinabi sa akin ni Shen. Gustuhin ko man na umalis ngunit parang napako ang aking mga paa. Bumuhos ang mga luha ko habang naririnig ang kanilang ungol sa loob. Hanggang sa nawala na ang ingay. Ngunit hindi pa rin ako umalis sa pintuan at patuloy sa pag-iyak. Maya-maya bumukas ang pintuan at biglang lumaki ang mga mata ni Shen ng makita ako. "Besty?" Wika niya na kinakabahan. Hindi ko nakita si Shawn. Hahawakan na sana ako ni Shen, ng tinabig ko ang kanyang kamay. Gusto ko siyang sampalin at murahin ngunit naalala ko na hindi naman pala kami ni Shawn. N'ong matauhan ako kaagad kong tinalikuran si Shane kahit tinatawag niya ako hindi ko siya pinansin . Mabilis ang hakbang ko pabalik sa bahay ni Lolo. Ayaw tumigil ng luha ko sa pag labasan. Mabuti nalang pagdating ko sa bahay ni Lolo wala siya sa sala na madalas niyang tambayan. Simula nuon pinutol ko na ang pakipag kaibigan kay Shen. Paulit-ulit siyang pumunta sa bahay ngunit hindi ko siya hinarap. Kahit kay Shawn hindi ko na rin siya pinapansin. Hanggang sa nagpaalam ako kay Lolo na sa Manila na ako magpatuloy ng college. END OF FLASH BACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD