ANALYN
Kahit naiinis ako kay Shawn kailangan pa rin akong maging professional sa tarabaho. Kaya pumunta na ako sa sasakyan dahil nakaramdam na ako ng gutom pagkakita ko ng pagkain biglang nag-laway ako sa tuyo at kamatis. May nakita akong hotdog at tucino pero mas natakam ako sa tuyo. Kaya mamaya na ulit ang emote emote. Lamon is life muna ako ngayon. Kaagad akong naghugas ng aking kamay at kumuha ng plato. Napansin ko na, nasa likuran ko siya na nakatayo. Kahit siya pa kanina ang naghanda ng pagkain hindi ko siya niyaya kumain. Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niyang kumain basta ako lalamon. Pagkuha ko ng tuyo at kamatis . Kumuha rin ako ng hotdog. Chess hotdog pala kaya kumuha ako ng isa. Sarap na sarap ako sa pagsubo ng hotdog habang nakapikit pa. Ang sarap kasi ng chess. Habang nakapikit ako at dinilaan ang chess nakarinig ako na may umubo sa aking harapan kaya minulat ko ang aking mga mata. Si Shawn na seryusong nakatingin sa akin. May hawak na rin na plato at may kanin din. Hindi din pala nakatiis kumain din. Sa isip isip ko. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng aking kilay. Panay parin ang dila ko sa chess na lumabas sa hotdog.
"Ganyan ka ba kumain?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. Na pa uhm! pa ako mong kinagat ko ang hotdog.
"Analyn ano ang ginagawa mo?" Medyo napalakas ang kanyang boses sa tanong niya sa akin. Kaya tinigil ko muna ang pagsubo ng hotdog. Naningkit ang aking mata na tumingin sa kanya.
"Bakit ano ba ang problema mo sa pagkain ko? Ay oo nga pala! Ikaw pala ang nagdala nito. Pasensya na po Tay kung kinain ko ang pagkain mo. Nagutom na kasi ang anak mo. Pero ibang klasing Tatay ka din anuh? Ang ibang Tatay lahat gustong ibigay sa anak .Ikaw ayaw mo akong pakainin? Kung 'yun ang gusto mo edi 'wag. Nasa sa'yo na 'yang pagkain mo." Nilapag ko ang plato na hawak ko. Akmang aalis na ako ng magsalita siya.
"I'm sorry hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Sorry kung napataas ang boses ko . Sige na kumain ka na. Para talaga sa'yo ang dala kong pagkain." Malumanay niyang sabi sa akin. Nawalan ako ng gana kaya uminum nalang ako ng tubig at padabog na umalis papunta sa taniman ng papaya. Malapit lang naman kung saan naka park ang kanyang sasakyan. Hindi pa ako nakarating sa taniman ng papaya ng maramdaman ko na nakasunod siya sa aking likuran. Kaya pasimple akong humarap sa kanya. Nakita ko na bit-bit niya ang bang na may laman ng dala niya kanina na pagkain. Nagtama ang aming paningin kaya mabilis akong tumalikod at nagpatuloy sa paglakad upang makarating sa taniman ng papaya.
"Wow, ang ganda. Ang lalaki niyo." Mangha kong sabi sa mga bunga ng papaya. Ang ganda ng bunga at ang linis linis. Ang nakita ko kasi sa tindahan maraming gasgas minsan may mga itim-itim pa. Pero ang bunga ng papaya Dmdito ang kinis-kinis. Mas makinis pa yata sa fislak ko.
"Ito kapag kalahati na Amang yellow pwedi na siyang pitasin. Kapag dito palang sa dulo mga yellow two days pa pwedingn pitasin. Ang may mga nakabalot na papel mga next pa ito pweding i-harvest. Kapag umuulan hindi dapat i-harvest kasi mamadaling mabubulok. Kaya kailangan tag init ang harvest ng papaya." Paliwanag ni Shawn sa akin. Ganun pa rin ako, tango lang ang sagot ko sa kanya. Hanggang sa matapos niya isa-isahin sa akin paliwanag ang dapat at hindi dapat. N'ong nasa tabi ko ang malaking bunga ng papaya wala sa sarili na tinabi ko ang aking papaya sa bunga ng papaya. Hindi ko napansin na nakatingin pala si Shawn sa akin.
"Grabi nahiya naman ang papaya ko sa mga bunga niyo. Sana all malaki." Mahinang bigkas ko ngunit narinig lala ni Shawn kaya tumikhim siya. Bigla naman akong nahiya sa kalokuhan ko. Kaya kahit nahuli niya ako inirapan ko siya at nilagpasan.
"Huli pero hindi kulong." Sa isip-isip ko at bigla nalang napangiti mag-isa. Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa sasakyan habang nakasunod naman siya sa akin. Ilang ulit niya kanina sinabi sa akin na kumain ulit ngunit hindi ako kumain kaya bit-bit niya pa rin pabalik ang dala niyang bag. Alas onse y medya na ng umaga kaya medyo mainit na. Kailangan oala talaga mga alas kwatro ng umaga mag umpisa na sa pag check ng mga prutas. Nakaramdam na ako ulit ng gutom dahil hindi ako kanina nabusog sa kinain ko. Kaya pagpasok ko sa sasakyan sumandal ako at pumikit. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto sa kabila. Pero nanatili akong nakapikit. Nagtaka ako na matagal na siyang nakapasok ngunit hindi niya pa rin binuhay ang makina ng sasakyan kaya napamulat ako ng aking mata. Ganun nalang ang pagbilis ng t***k ng aking puso na malapit lang ang kanyang mukha sa aking mukha kaagad niya naman nilayo ang kanyang mukha ng makita akong nakatingin sa kanya. Umiwas ako ng tingin at tinuon sa labas. Hindi ko ako kaagad naka react sa pagka gulat. Napalunok naman siya at tumingin ng deritso sa kalsada.
"Are you tired?" Tanong niya sa akin. Ngunit hindi ko siya sinagot.
"Pwedi bang mag-usap muna tayo?" Malumanay niyang sabi. Ngunit nanatili akong walang kibo.
"Tungkol na nakita mo nuon sa bahay. N'ong naabutan mo si Shen...." Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
"Wala akong pakialam kung ano ang tungkol sa inyo ni Shen. I don't f**king care kung ano ang ginawa niyo sa mga buhay niyo. Huwag na huwag mong babanggitin sa akin ang pangalan na 'yun. Kung ayaw mo pang umalis. Pwes ako, gustong-gusto ko ng umuwi." Sigaw ko sa kanya dahil bumalik na naman ang sakit na aking naramdaman. Sa ex best friend ko pa talaga siya. Alam niya naman na may feelings ako sa kanya dati at best friend ko si Shen. Ngunit niloko nila akong dalawa. Hindi ko mapigilan ang mapa iyak. Kung hindi lang talaga kay Lolo hinding-hindi ako sasama sa kanya.
"I'm sorry, pero wala kaming relasyun ni Shen." Naningkit ang aking mata sa kanyang sinabi.
"So? friends with benefits? Ganun? Ayaw mo lala sa bata. Gusto mo pala sa mas bata. Kaloka." Kaswal kong tanog sabay tawa. Pagkatapos lumabas ako sa loob ng sasakyan dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga. Ang lintik kasing puso kahit anong pilit na kalimutan siya. Mas lalo ko pa siyang minahal. Ang akala ko kaya ko na. Ang akala ko nakalimutan ko na siya. Pero akala lang pala. Hindi ko napansin na lumabas din pala siya at nakatayo sa aking likuran.
"Let's go. Mainit na. Baka nanibago ka sa init. Ihatid na kita para makapag pahinga ka na." Pagkasabi niya pinahiran ko ang aking mga luha at bumalik sa loob ng sasakyan. Kaagad niya naman binuhay ang sasakyan. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa bahay ni Lolo. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Kaagad akong lumabas at dumiretso pasok ko sa bahay. Naabutan kong nakaupo si Lolo sa sofa habang nanunuod ng tv.
"Apo! Kamusta ang unang araw mo sa taniman natin?" Masayang tanong ni Lolo sa akin. Nag mano muna ako sa kanya at humalik sa pisnge.
"Okay naman Lo. Nanibago lang pero kapag masanay na makuha ko rin lahat ang dapat at hindi dapat gawin." Pagkatapos kong sumagot jay Lolo nagpaalam na akong umakyat sa aking kwarto. Nakaramdam ako ng pagod at puyat kaya gusto ko munang humiga. Dalawang hakbang pa lang ako sa hagdan ng magsalita si Shawn.
"Ma'am huwag ka munang maligo o humiga. Nanggaling sa initan kaya masama kapag humiga ka kaagad o maligo." Pero hindi ko siya sinagot o pinansin. Nagtuloy ako paakyat sa hagdan. Pagpasok ko sa akin kwarto kahit gusto ko na talaga humiga umupo nalang muna ako sa aking sofa. Baka nga masama ang humiga at maligo. Naghintay ako ng kalahating oras bago naligo. Mabilis lang ang pagligo ko dahil gusto ko na talagang humiga. Paglabas ko ng banyo kaagad akong humiga sa kama. Dahil sa pagod at puyat pagka higa ko, kaagad akong naka tulog.