CHAPTER FIVE

1705 Words
ANALYN Dahil sa pagod at antok, matapos ang limang minuto na pag pahinga sa sofa. Kaagad akong humiga sa kama. Pagkahiga ko kaagad akong nakatulog. Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog ng may kumakatok sa aking pintuan. Pagmulat ng aking mata madilim na sa labas. Bago ako kanina humiga sa kama. Hinawi ko muna ang kurtina sa aking bintana. Nanatili akong nakahiga sa kama dahil tumigil naman ang pagkatok. Ngunit maya-maya lamang kumatok naman ngunit hindi ko alam kong sino dahil hindi naman nagsalita. Kaya nag unat-unat muna ako bago bumaba ng kama. Nakasuot lamang ako ng manipis sa sando at walang bra. Dahil alam ko naman na walang papasok. Hindi din ako sumagot sa taong kumakatok. Tinali ko muna ang aking buhok dahil plano ko munang mag toothbrush. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya gusto ko ng kumain ng hapunan para makatulog ako ulit. Habang nakataas ang aking kamay na nakahawak sa akin buhok. Biglang bumukas ang aking pinto. Ganun nalang ang paglaki ng aking mata nang pumasok si Shawn. Napahinto siya sa pagtangka niyang pagpasok ng makita ako ngunit nasa dibdib ko siya nakatingin. Napalunok pa ito na walang kurap na nakatitig sa aking dibdib. Nang maalala ko kung bakit sa dibdib ko siya nakatingin. Kaagad kung niyakap ang aking sarili. "Bastos! Sino ang nagsabi sa'yo na pwedi kang pumasok dito? Anong karapatan mong pumasok sa kwarto ko?" Galit na galit kong sabi sa kanya. Napalunok naman siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "I'm so-sorry. Sinabi ni Sir Salvador na pumasok na ako sa kwarto mo para gisingin ka. Dahil alas nuebe na nga gabi hindi ka pa raw naka kain. Kanina pa ako kumakatok sa'yo pero hindi ka sumasagot. Kaya nag-alala ako kung bakit hindi ka pa nagising. Kaya pinuntahan ko ulit si Sir Salvador. Ang sabi niya buksan ko ang pinto para gisingin at tingnan ka." Wika niya na hindi makatingin sa akin. "Go out! At wala kang pake kung hindi ako magising. Sino ka ba? Ano ba kita para mag alaala ka sa akin? Talaga bang nag alala ka huh?" Sarkatisko kung tanong sabay tawa. Dahil ngayon lang siya nag alala sa akin. Nuon kahit anong gagawin ko wala siyang pakialam. Ngayon mag pi-feeling concern? Sabi ko sa aking isipan. Kaagad akong pumasok sa aking banyo at pabagsak na sinara ang pinto. Naghintay ako ng isang oras sa loob ng banyo bago lumabas s. Mabuti paglabas ko wala na siya. Kaya nakaginhawa ako ng maluwag. Nagsuot muna ako ng bra bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko kaagad akong dumiretso sa kusina. Nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa kusina. Pagpasok ko naabutan ko siyang naghahanda ng plato at kanin. Nang makita niya ako kaagad siyang tumayo ng maayos. "Hinanda ko na ang pagkain mo. Kumain ka na para makapag pahinga ka ulit. Maaga tayo bukas. Sorry ulit kanina." Malumanay niyang sabi habang hindi nakatingin sa akin. Dahil sa bigla akong natakam sa adobong baboy kaagad akong umupo at nagsandok ng kanin at ulam. Hindi ko siya pinansin o niyaya. Bahala siya sa buhay niya. Mabilis ang bawat subo ko dahil naiilang ako. Pakiramdam ko nakatingin siya sa akin. Kaya pasimple akong tumingin sa kanya. Tama nga ang hinala ko. Dahil nagtagpo ang aming mga mata. Kaya inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain. "Ang takaw mo pa rin sa adobong baboy. Kahit masungit ka, ang Ganda mo pa rin. I miss you." Wika niya ngunit mahina lamang. Okay na sana ang adobo. Ngunit sa sinabi niyang maganda at I miss you. Bumalik ang sakit sa aking puso. Kaya bigla akong nawalan ng gana. Kaagad akong tumigil sa pagkain at tumayo. Pasimple kong pinahiran ang aking luha na kusang lumabas sa aking mata. Akmang tatalikod na ako upang lumabas sa kusina ng niyakap niya ako mula sa aking likuran. "I'm sorry sa pagyakap ko sa'yo ngayon. Pero kailangan kong gawin para kausapin mo ako. I'm sorry sa nagawa ko sa'yo nuon. Sana pakinggan mo ako kung bakit ginawa ko sa'yo ang bagay na 'yun. Please let's talk." Pakiusap niya na mahigpit ang yakap niya sa akin. Magsasalita na sana ako ng may tumikhim sa aming harapan. Pagtingin ko lumaki ang aking mata. Si lolo na malawak ang pagka ngiti. Ang akala ko magagalit siya ng makita niyang nakayakap si Shawn sa akin. Pero nakangiti pa ito sa aming dalawa. Bigla naman akong binitawan ni Shawn kaya kaagad akong lumabas. Hindi ko nagawang batiin si Lolo dahil bigla akong kinabahan. Pagpasok ko sa aking silid sumandal ako sa pintuan at hinawakan ang aking dibdib sa sobrang malakas na pagkabog nito. Napaisip ako na kailangan ko ng mag move on sa nakaraan. Dahil hjndi naman naging kami ni Shawn. Masakit lang kasing isipin na sinabi niyang ayaw niya sa bata pero pumatol siya sa mas bata sa akin at sa best friend ko pa. Pinahiran ko muli ang aking mga mata na hindi tumigil sa pagluha. Pabaling-baling ako sa aking higaan dahil hindi ako makatulog sa eksina kanina sa kusina. Kahit anong gawin ko, hindi talaga ako dalawin ng antok kaya naglaro nalang ako sa aking cellphone hanggang sa mag ala una ng madaling araw at tuluyan akong nakatulog. Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Nag set ako kagabi ng alas kwatro y medya para maka gising ako ng maaga. Kahit nahihilo at inaantok pa ako. Pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo upang maligo. Mabilis lang ang pagligo ko dahil kailangan alas singko ng umaga nasa pinayahan na kami. Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako sa aking kwarto. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko kaagad si Shawn sa sala na naka upo. May nakapatong din na bag sa center table katulad kahapon kung saan nakalagay ang aming almusal. May dalawa din na coffee mug. Nang mapansin niyang papalapit ako sa kanya kaagad naman siyang tumayo upang batiin ako. Ngunit nilagpasan ko siya at dumiretso sa labas ng bahay. Sumunod naman siya sa akin at binuksan ang sasakyan. Pag pasok ko. Sumandal ako sa upuan saka pumikit. "Good morning! I make a coffee for you." Kaya nagmulat ako ng aking mata. Binigay niya sa akin ang isang coffee mug. Kinuha ko naman na hindi nagpasalamat. Dahil inaantok ako, kaagad ko itong hinipan at iniinum. Paandarin niya na sana ang sasakyan ng tumunog ang kanyang cellphone. Kaya sinagot niya muna kung sino ang tumatawag sa kanya. Hinayaan ko nalang at pinagpatuloy ang pag inum ng kape. Medyo nawala ang aking antok. "Hello Shen? Ano? Kamusta siya? Saan kayo? Sige, sige! pupuntahan ko kayo kaagad. Sige Shen hintayin mo ako." Biglang kumirot ang aking puso sa narinig. Hindi ko mapigilan na hawakan ng mahigpit ang coffee mug. Bumalik lahat ang sakit sa aking puso. Ang plano ko kagabi na mag move on biglang nakaramdam naman ulit galit sa puso ko sa kanilang dalawa. May payakap yakap pa siya sa akin kagabi. Sinabi niyang pakinggan siya at may maganda pa siyang sinabi sa akin pero pinaasa lang naman ako muli. "Ihahatid muna kita saka susunduin mamaya. May importante lang akong pupuntahan." Dahil sa galit ko, wala akong paalam na lumabas ng kanyang sasakyan at pabagsak ng malakas ang pagsara ng pinto. Mabilis ang hakbang ko papasok sa loob ng bahay upang kunin ang aking susi. Paglabas ko nakatayo siya sa labas ng kanyang sasakyan. Magkatabi lang ang sasakyan niya sa sasakyan ko kaya pagdating ko sa aking sasakyan kaagad niyang hinawakan ang aking kamay. Sinamaan ko siya ng tingin kaya binitawan niya ang aking braso. "Ihahatid na kita." Malumanay niyang sabi. Sa sobra kong inis at galit sinampal ko siya ng malakas at kaagad na pumasok sa aking sasakyan. Humarang pa siya sa aking unahan ngunit hindi ako tumigil. Bahala siya kung masagasaan siya wala akong pakialam. Ngunit ang gago ayaw talaga umalis. Mabuti nahawakan siya ni Mang Jun at kaagad na pina gilid. Bahala na kung malaman ni Lolo. Siya naman ang may kasalanan. Kausap ko sa aking sarili. Hindi ko ulit mapigilan na mapa luha kaya hanggang pagdating ko sa pinyahan na mugto ang aking mata. Hanggang ngayon pala sila pa rin si Shen. Ilang minuto pa ako nanatili sa loob ng aking sasakyan hanggang sa lumabas na ako upang e check ang mga bunga. Mabuti nalang nasa sasakyan ko ang shade kaya sinuot ko muna saka lumapit sa mga tauhan ni Lolo na nag-umpisa na sa trabaho. Binati ako ng mga tauhan ni Lolo. Kaya kahit masama ang aking loob. Binati ko pa rin sila na nakangiti. Hindi ko dapat dadalhin dito ang personal kong problema sa taniman ni Lolo. Pagkatapos kong mag libot sa pinyahan dinaanan ko din ang mga saging saka pumunta na sa mga tanim na papaya. Alas nuebe na ng umaga kaya medyo nakaramdam na ako ng gutom. Mabilis ang hakbang ko papunta sa mga papaya para makauwi na ako kaagad. Hahakbang na sana ako patawid sa kalsada ng dumating si Manong Jun na dala ang bag kanina na dadalhin sana ni Shawn hawak din ni Mang Jun ang coffee mug. "Analyn iha! Sinabi ni Shawn na mag almusal ka daw muna. Nagtimpla din siya ng kape para sa'yo. Siya nga pala wala pala si Don Salvador ngayon. Pumunta sa Manila dahil may kakausapin daw na kaibigan." Wika ni Mang Jun. "Salamat Manong Jun. Pero pauwi na ako Manong sa bahay nalang ako kakain. Kainin mo nalang 'yan Manong." Nakangiti kong sabi. Napakamot naman siya sa kanyang ulo. "Sinabi ni Shawn na ikaw lang dapat ang kumain nito iha." Nakangiti na sabi ni Mang Jun. "Manong Jun, sino ang amo mo? Ako o si Shawn." Sungit-sungitan kong tanong. "Sabi ko nga na aking nalang ito iha. Sige pupuntahan ko muna si Misis." Pilit na ngiti ni Manong Jun bago tumalikod sa akin. Kaya dumiretso na ako sa mga papaya. Binati ako ng mga tauhan ni Lolo. Binati ko din sila pabalik na nakangiti. Mabuti at mga mabait ang mga tauhan ni Lolo. Matapos kong ma check lahat nagpaalam na ako sa mga trabahador ni Lolo at kaagad na pumunta sa aking sasakyan dahil nakaramdam na talaga ako ng gutom pagpasok ko sa sasakyan alas dose na pala ng tanghali kaya pala sobra na akong nagugutom. Mabilis ang pag maneho ko pauwi ng bahay ni Lolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD