CHAPTER SIX

1511 Words
Analyn 6 Pagdating ko sa bahay kaagad akong umakyat sa kwarto pa magbihis muna.. nagtaka ako na walang tao sa loob ng bahay. Sobrang tahimik kaya pagkatapos kong magbihis bumaba na ako kaagad dahil nagugutom na talaga Ako. Pagdating ko sa kusina wala akong nadatnan na na nagluluto. "Nasaan kaya sila?" Tanong ko na lamang sa aking sarili. Kahit mga katulong ni Lolo kahit isa wala akong nakita. Binuksan ko ang ref upang tingnan ko ano ang pwedi makain. Mabuti may natika akong pritong bangus na hindi ko alam kung kailan pa ito. Ito nalang ang kinuha ko saka ininit sa micro wave. May kanin din sa rice cooker kaya after 10 minutes kumain na ako. Habang kumakain ako may na receive akong message galing sa kaibigan kong baklita na classmate ko nuon. Nandito daw siya at kung may free time ako, baka pwedi kaming magkita. Dahil mag-isa lamang ako dito at gusto ko din makapag relax. Nag reply ako kay Ben na magkita kami sa mall. Biniro ko pa siya basta libre. Kaagad naman nag reply na walang problema. Kaya mabilis kong tinapos ang aking pagkain. Gusto ko sanang yayain si Khala ngunit magkasama naman sila ni Kennedy kaya ayaw kong maka isturbo sa kanila. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko muna ang ginamit kong plato saka bumalik sa aking kwarto. Also tres pa naman ang usapan namin ni bakla kaya may oras pa akong magpahinga. Nag set ako ng alas dos ng hapon sa cellphone. Ala una pa lang naman kaya humiga muna ako dahil nakaramdam ako ng antok. Nagising ako sa alarm ng cellphone kaya bumangon ako kaagad para maligo. Mabilis lang ang pagligo ko baka maghintay si bakla sa akin. Nagsuot ako ng crop na white at pinaresan ko ng short na lagpas tuhod at sneaker na white din ang suot ko sa paa. Ang init ng panahon kaya ganito ang sinuot ko. Nag apply din ako ng kunting make-up at liptent. Nang makuntinto na ako sa ayos ko bitbit ang sling bag na ka terno ng damit ko. Lumabas na ako saka dumiretso sa aking sasakyan. Nag message na si Ben na on the way na daw siya. Kaya nagmaneho na rin ako papunta ng mall. Mamaya ko nalang tatawagan si Lolo upang kamustahin. Ang matanda hindi manlang nagpaalam sa akin. Napangiti nalang ako sa aking isipan. Pa-kanta kanta pa ako habang nag da-drive. Ang ganda ng mood ko ngayon kaya wala muna akong gustong isipin ngayon kundi ang mag relax. Mag move on na talaga ako promise. Kausap ko sa aking sarili. Napa hampas pa ako ng mahina sa aking manibela sa awat bigkas ko ng lyrics. I recall when you said that you would never leave me You told me more So much more, like when the time you whispered in my ear There was heaven in my heart I remember when you said that you'd be here forever Then you left without even saying that you're leaving I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday And I pray that you would stay But then you're gone and, oh, so far away I was afraid this time would come I wasn't prepared to face this kind of hurting from within I have learned to live my life beside you Maybe I'll just dream of you tonight And if into my dream you come and touch me once again I'll just keep on dreaming 'Til my heartaches end. Feel na feel ko ang aking pagkanta. Parang akong tanga dahil ako lang naman ang magmahal. May pa move on, move on pa akong nalalaman kahit hindi naging kami. Nagpatuloy ako sa pagkanta. And then you left without even saying that you're leaving I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday And I pray that you would stay But then you're gone and, oh, so far away I was afraid this time would come I wasn't prepared to face this kind of hurting from within I have learned to live my life beside you Maybe I'll just dream of you tonight And if into my dream you come and touch me once again I'll just keep on dreaming 'Til my heartaches end Whoa, oh Oh, yeah I was afraid this time would come I wasn't prepared to face this kind of hurting from within I have learned to live my life beside you Maybe I'll just dream of you tonight And if into my dream you come and touch me once again I'll just keep on dreaming 'Til my heartaches end Keep on dreaming 'Til my heartaches end. Pagkatapos ng kanta sakto naman na nasa harapan na ako ng mall. Umilaw ang cellphone ko. Nang tiningnan ko, si Ben nag message nasa loob daw siya ng Chowking. Umorder daw siya ng halo-halo dahil sobrang init. Bet na bet ko ang halo-halo ng Chowking kaya pag labas ko ng sasakyan. Mabilis ang hakbang ko papasok ng mall. Sumakay ako sa escalator paakyat sa second floor. Nasa second floor kasi ang Chowking. Nakita ko kaagad si Ben na kumakaway sa akin kaya napangiti ako at pumunta kaagad sa kanya. Ngunit ang lahat na ngiti at excited ko biglang nawala ng makita ko si Shawn at Shen na nasa kabilang mesa at may naka upo na bata sa tabi ni Shawn na nasa tantiya ko limang taong gulang. Napahawak ako ng mahigpit sa aking sling bag. Sobrang sakit sa pakiramdam. "Analyn!" Tawag ni Ben sa akin. Kaagad na nag tama ang mga mata namin ni Shawn. Nanlaki ang kanyang mata na parang nagulat nang makita ako. Umiwas ako kaagad ng tingin sa kanya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, humakbang ako papalapit kay Ben. Dahil nasa unahan sila naka pwesto pagdaan ko tumayo si Shawn. "Analyn, best?" Mahinang usal ni Shen na tama lamang sa pandinig ko. "Lyn!" Bigkas din ni Shawn. Taas noo akong dumiretso papunta kay Ben. I'm not Analyn for nothing. Kausap ko sa aking sarili. Kahit sa loob-loob ko. Sobrang durog na durog ang puso ko. "Grabi ilang linggo lang tayong hindi nagkita mas lalo kang gumanda ah? Blooming na blooming. Pak na pak ang awra." Wika ni Ben ng makalapit na ako sa kanya. Kaagad kaming nagyakapan at nag beso. "Ikaw nga babaeng babae ah! Pero may lawit pa rin." Bulong ko sa kanya kaya malakas kaming tumawa. Ganito kami kapag magkasama. Walang pakialam sa mga tao sa paligid lalo na kapag kasama pa namin si Khala. Medyo nawala kaagad ang galit ko sa dalawang tao na hanggang ngayon naka tingin sa amin. Napansin ko din na sobrang talim ng tingin ni Shawn kay Ben. Umupo na kami sa mesa at inumpisahan kainin ang halo-halo. Nagkwentuhan at kamustahan kami sa aming mga buhay-buhay. Nandito pala siya dahil may kamag-anak silang may sakit kaya dinalaw nila ng kanyang Mommy at Daddy. Mayaman din si Ben at tanggap siya ng kanyang pamilya sa kanyang pagkatao. Pero hindi si Ben katulad ng mga bakla na nag me-make-up o nagsusuot ng pang babae. Kapag hindi mo siya kilala masasabi mong matigas na lalaki. Lalaking lalaki kasi ang kanyang porma. Matangkad at gwapo. Kaya Hmhindi mo masabi na bakla siya. Habang abala kami sa pag-uusap na nagka tuwaan hindi ko napansin na lumapit pala si amin si Shawn. Kaya ninguso ni Ben ang kanyang bibig sa aking likuran. Ngunit hindi ko pinansin. Tuloy lang ako sa pagkain. Dahil ayaw kong humarap baka makita ko naman ang dalawa. Masakit sa mata. Ngunit napahinto ako sa pagsubo ng may tumikhim sa aking likuran. "Ma'am, tumawag si Lolo mo. Gusto ka niyang kausapin." Sabay abot ni Shawn ng kanyang cellphone. Ngunit hindi ko kinuha. Nagsalita lang ako para kausapin si Lolo. "Lo tatawagan nalang kita lo." Sabi ko sa kabilang linya. Kaagad akong tumayo at kinuha ang aking cellphone. Nag senyas ako kay Ben sa sumunod sa akin. Pagtayo ko tinalikuran ko si Shawn na nakatayo pa rin sa aking gilid. Narinig ko pa ang malakas niyanh pag-buntong hininga. "Bruha! Sino yun? Bakit hindi mo kinausap at ma'am ang tawag sa'yo?" Tanong ni Ben nang matapos kong kausapin si Lolo. Isang linggo daw pala siya sa Manila at si Shawn daw muna ang kasama ko sa bahay dahil nagpaalam din daw ang mga kasambahay sa umuwi sa kanilang probinsya. Grabi si Lolo apat na kasambahay niya magkasabay talaga? At ano si Shawn ang kasama ko ng isang linggo? Himutok ko sa aking isipan. "Driver ni Lolo. Saka huwag mo ng isipin 'yun. Saan mo pa gusto? Mag ikot-ikot muna tayo. Akmang lalakad na kami ng tumunog ang cellphone ni Ben. Tinawagan siya ng kanyang Mommy na kailangan niya ng bumalik sa ospital dahil babalik na sila sa Manila. Sapagkat nagkaruon ng emergency sa kanilang opisina. Kaya sa halip na mag bonding kami dumiretso nalang kami palabas ng mall. Tinatamad na rin ako mamasyal dahil wala na akong kasama kaya balak ko nalang rin umuwi. Paglabas namin nagyakapan nalang kami ni Ben bago siya sumakay ng kanyang kotse. Pumunta na rin ako sa aking sasakyan upang umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD