CHAPTER SEVEN

1859 Words
ANALYN Pagdating ko sa bahay hindi pa ako nakapasok ng dumating din ang sasakyan ni Shawn. Kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at mabilis ang hakbang ko paakyat ng hagdan upang pumasok sa aking kwarto. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto. Kaagad akong napasandal sa pintuan. Narinig ko na tinatawag niya ako habang kumatok. Ngunit hindi ako sumasagot. Hanggang sa tumigil siya sa pag katok. Pumunta naman ako sa sofa upang umupo. Bakit ang sakit sakit pa rin ng puso ko sa tuwing nakikita ko si Shawn at Shen? Napansin ko din kanina na kamukha ni Shawn ang bata. Kung may anak sila, bakit nandito siya at hindi kasama ang kanyang mag-ina? Pinilig ko ang aking ulo para kalimutan ang pag-iisip sa kanila. Bukas simulan ko na ang maging professional sa kanya. Kakausapin ko, lang siya kapag tungkol na sa trabaho. Sisikapin ko rin na labanan ang naramdaman ko para sa kanya. May anak na siya kaya kailangan ko na rin siyang kalimutan. Isang akong oras nag muni-muni bago pumasok sa banyo. Naglinis ako ng katawan saka humiga na sa kama. Wala na akong plano pa na lumabas. Total busog naman ako sa kinain namin kanina ni Ben. Dahil hindi lang halo-halo ang kanyang binili kundi may kasama pang pizza. Pagkatapos kung manalangin, nag set ako ng alas kwatro ng umaga sa alarm ng aking cellphone. Maghahanda ako bukas ng babaunin kong almusal. Sobrang aga pa kasi ng alas singko para kumain. Pagkatapos kong mag alarm. Pumikit na ako para matulog. Ngunit kahit anong gawin ko hindi ako dalawin ng antok. Hanggang sa may kumatok sa pintuan. "Lyn, naka luto na ako ng hapunan. Lumabas ka muna upang kumain." Wika ni Shawn habang kumakatok sa pinto. Pero hindi ako nag aksaya na sagutin o pagbuksan siya. Patuloy pa rin siya sa pag katok hanggang sa wala na akong narinig. Pumikit ako ulit para pilitin makatulog. Nakita ko na alas dies na ng gabi bago ako nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Pag tunog ng alarm. Kaagad akong gumising saka nag unat-unat ng aking kamay bago bumangon. Dumiritso kaagad ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na rin ako ng kwarto bitbit ang uniform ko para sa pagpunta sa mga taniman ni Lolo. Pagbaba ko dumiretso ako ng kusina. Nagulat pa ako n'ong una dahil nasa kusina din si Shawn. Nang mapansin niya ako ngumiti siya sa akin. "Good morning! Gising ka na pala? Gusto mo uminum ng kape? Ipagtitimpla kita." Malumanay niyang sabi habang nakangiti. Nagtuloy-tuloy lang ako diretso sa ref para kumuha ng itlog na hindi manlang siya sinagot. Balak kong gumawa lang ng egg sandwich. Narinig kong guminhawa siya ng malakas. "Gumawa na ako ng almusal natin. Kaya hintayin mo nalang ako sa sala ilalagay ko lang sa tupper ware ang pagkain natin." Wika niya ulit ngunit parang bingi ako na parang walang narinig. Pinagpatuloy ko ang paggawa ng egg sandwich at nagtimpla na rin ako ng kape. Pagkatapos kong magawa ang egg sandwich lumabas na ako kaagad sa kusina. Bitbit ang ginawa kong egg sandwich at coffee mug dumiretso ako papunta sa aking sasakyan. Ngunit ganun nalang ang paglaki ng butas ng aking ilong na flat ang aking dalawang gulong. "Pumasok ka na, aalis na tayo." Narinig kong wika niya sa aking likuran. Nalanghap ko ang kanyang mainit na hininga malapit sa aking leeg. Kaya nag regunduhan na naman sa mabilis na pagtibok ang aking puso. Ayaw kong ma stress kaya bumaling ako sa kanyang sasakyan saka binuksan ang likurang upuan. Ayaw ko ng umupo pa sa harapan. Baka d'yan umu-upo si Shen. "Bakit d'yan ka uupo? Dito ka sa unahan." Saad niya, ngunit pabagsak ko'ng sinara ang pintuan ng pumasok na ako sa likuran. Nang makapasok siya sinamaan ko siya ng tingin dahil may duda ako na siya ang may gawa sa aking gulong. "Ihahatid ko lang mamaya sa talyer ang sasakyan mo." Malumanay na sabi niya sa akin. "Dapat lang, ikaw naman ang may gawa kung bakit flat ang gulong ko." Maldita kong sagot sa kanya. Kaya tumingin siya sa akin mula sa salamin sa kanyang harapan. "Ganyan na ba ang tingin mo sa akin? Hindi mo ba talaga ako hahayaan na mag explain? Ayaw mo ba talaga akong pakinggan?" Nalulungkot niyang tanong sa akin "Kung ayaw mo pang umalis magsabi ka lang. Marami naman akong masasakyan." Sungit-sungitan kong sabi sa kanya. Kaya kaagad niyang binuhay ang sasakyan. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Ngunit napansin ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sa akin. Hanggang sa dumating kami sa taniman na wala kaming kibuan. "Good morning ma'am, sir." Bati ng mga tauhan sa amin. Kaya binati din namin sila pabalik hanggang sa pumunta na kami sa taniman ng mga papaya. Katulad kanina binati din kami ng mga tauhan ni Lolo. Ganun din kami sa kanila. "Ma'am, Sir! Birthday pala nang anak ko mag pitongtaong gulang na. May kunti kaming salo-salo para sa tanghalian. Gusto sana namin kayong imbitahan para sa tanghalian. Wika ni Aling Pasit. Gusto ko din makilala pa ang mga tauhan ni Lolo kaya umuo ako kay Aling Pasit. Umuo din si Shawn. "Aling Pasit bakit hindi mo po sinabi sa akin kahapon. Sana kahit regalo manlang nakapag bigay ako." Saad ko sa kanya. "Okay lang ma'am. Ang importante pumunta kayo. Pagkatapos namin ma check ang bunga ng mga papaya na kung ito ma harvest sa tamang oras. Hinintay nalang namin si Aling Pasit. Wala pa rin kaming kibuan ni Shawn. Kinain ko kanina ang egg sandwich ko. Nang binigyan niya ako ng dala niyang pagkain ngunit hindi ko tinanggap. Pagkatapos nila Aling Pasit sumabay na kami para pumunta sa kanilang bahay. May service naman sila na traysikel kaya sumunod kami sa kanila. Pagdating namin sa bahay nila marami na ring bisita. Kinamayan kami ng mga bisita dahil kilala naman lala nila si Lolo. Pinaupo muna kami ni Aling Pasit sapagkat maghahain daw muna sila. Kaya magkatabi kami ni Shawn ngunit hindi pa rin nagkikibuan. Hanggang sa nagyaya na si Aling Pasit na kumain. Kinantahan muna namin ang birthday celebrant pagkatapos nagdasal para magpasalamat. Kanya-kanya na kuha ang mga bisita ng pagkain. Binigyan naman ako ni Aling Pasit ng plato na may laman ng pagkain para hindi na ako makipag sisikan sa iba pang mga bisita. Umupo na ako sa mesa kung saan ako dinala ni Aling Pasit. Sumunod din si Shawn sa akin. Habang nag-umpisa na kaming kumain nag-uusap ang katabi naming bisita na parang close din ni Shawn. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila habang kumakain ng lumpia. Hanggang sa nagtanong ang isang may edad na lalaki kay Shawn. "Shawn wala ka pa balak mag-asawa? Aba'y Ikaw nalang ang nakilala kong binata dito na walang shuta. Wala ka pa bang nakita na bumihag sa'yong puso." Tanong ng lalaki. Huminto naman sa pagsubo si Shawn saka tumingin sa akin. "Meron na Mang Kanor. Pero naghihintay pa ako ng tamang oras. Mahirap kasing suyuin. Wika ni Shawn habang sa akin nakatingin kaya yumuko ako na parang walang narinig. "Aba'y mabuti naman kung ganun. Dahil tumatanda ka na rin. Taga dito din ba siya sa atin o sa kabilang baranggay. Kilala ba namin siya? Para kung sakali eh! matulungan ka namin sa pagsuyo. Magharana pa tayo kung kinakailangan. Alam mo na, kapag sa probinsya harana lang sapat na. Wika naman ng isang lalaki. Kaya nag-apiran sila. "Actually Mang Kanor nandito siya. Nasa harapan ko. Siya ang bumihag ng puso ko mula n'ong una ko siyang nakita hanggang ngayon." Wika ni Shawn na nakatitig sa akin. Bigla naman na parang pakiramdam ko namula ang buo kong mukha. "Papa!" Narinig ko ang boses ng bata mula sa aking likuran. Kaya dahan-dahan akong humarap. Si Shen at ang bata na nakita ko kahapon na kasama ni Shawn sa mall. Bumitaw ang bata sa paghawak sa kamay ni Shen saka mabilis tumakbo papalapit kay Shawn. Nagulat naman si Shen makita ako. Tumingin naman si Shawn sa akin na parang may gustong sasabihin. Kinandong naman kaagad ni Shawn ang bata nang makalapit ang hata sa kanya. Saka hinalikan sa pisnge. Lumapit din si Shen na malawak ang pagka ngiti. Halos mawalan ako ng lakas sa aking kina uupuan. Pakiramdam ko, ang hina-hina ang buo kong katawan. Parang sinaksak ng kutsilyo ng pinong-pino ang aking dibdib. Napalunok ako nang mag tama ang aming mata ni Shen. Ngumiti siya sa akin na parang wala siyang nagawang kasalanan sa akin. "Best...." Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng tumunog ang aking cellphone. Mabuti nalang talaga may tumawag. Kaya mabilis akong tumayo upang lumayo sa kanila para sagutin ang tawag. Pumunta ako sa kalsada bago ko sinagot ang tawag. Si Ben pala ang tumawag sa akin. Sakto na may dumaan na traysikel kaya sumakay na ako para umuwi. Ayaw ko ng bumalik pa sa loob. Bukas ko nalang kausapin ni Aling Pasit kung bakit umalis ako ng walang paalam. Hindi ko kayang makita sila na masaya kasama ang kanilang anak. Habang nasa traysikel ako sinabi ko muna kay Ben na mamaya na kami mag-usap. Pagka off ko ng cellphone hindi ko mapigilan ang lumuha. Mabuti nalang alam at kilala ng driver kung saan ako uuwi. Pagdating ko sa labas ng bahay ni Lolo kaagad akong nagbayad. Mabuti nalang may 100 pesos ako sa aking bulsa. Hindi ko na kinuha ang sukli dahil nakita ko ang sasakyan ni Shawn na parating. Mabilis ang hakbang ko papasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng bahay sakto naman sa naabutan ako ni Shawn. Kaya hinawakan niya ako sa aking braso. "Get off your dirty hands of me." Malamig at matigas kong sabi. Ngunit hindi niya binitawan ang aking kamay. Kaya sa galit at selos ko. Malakas ko siyang sinampal at hindi mapigilan ang kanina ko pang pinipigilan na luha. "Sige sampalin mo pa ako. Kahit ilang ulit mo akong sampalin ayos lang. Kung ito lang ang tanging paraan upang mawala ang galit mo sa akin. Gusto ko naman kausapin at magpaliwanag sa'yo. Ngunit ayaw mo naman akong pakinggan. Oo aaminin ko may kasalanan ako nuon. Dahil 'yun lang ang tanging paraan ko, upang mapigilan ko ang damdamin ko sa'yo. Matanda ako at bata ka pa. Kaya sobra ang pag-pigil ko na huwag kang mahalin dahil iniisip ko na malayo ang agwat natin sa isa't-isa. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kaya pa na labanan ang naramdaman ko sa'yo. Maniwala ka sa hindi ikaw ang Babaeng minahal ko mula n'ong una Kitang makita hanggang ngayon. I love you Analyn since the first time I saw you."Anya saka pinahiran ang aking mga luha. Bumilis ang pagtibok ng aking puso. May kung anong saya ang puso ko sa kanyang sinabi. Ngunit ng maalala ko si Shen at ang bata. Biglang bumalik ang sakit na aking naramdaman. "Alisin mo ang kamay mo sa braso ko." Walang ka buhay-buhay kong sabi. Nang binitawan niya, mabilis ang hakbang ko paakyat ng hagdan. "I love you Analyn!" Narinig kong sigaw niya pa sa akin. Ngunit hindi ko siya hinarap, tuloy-tuloy ang hakbang ko papasok sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD