SHAWN
I'm sorry Kuya, Hindi ko alam na nandito din lala kayo. Kung alam ko lang sana hindi na kami pumunta ni Sheena." Wika ni Shen ng makita niyang sumakay ng traysikel si Analyn. Napabuntong hininga na lamang ako saka nagpaalam sa kanya pati na rin kay Aling Pasit. Mabilis akong pumasok sa sasakyan para sundan si Analyn. Matagal tagal na naman suyuan ito. Kausap ko sa aking sarili habang sinusundan ang traysikel. Pagdating ko sa bahay ni Sir Salvador naabutan ko siya harap ng pintuan kaya hindi ko na mapigilan ang aking sarili para sabihin sa kanya ang naramdaman ko. Alam kong may mali ako at sobra ko siyang na saktan dati. Pero 'yun lang ang tanging paraan upang hindi ko siya tuluyan maangkin. Gusto ko na talaga siya makausap para magpaliwanag. Pero ayaw niya talaga akong kausapin at pakinggan. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kanyang likuran papasok sa kanyang kwarto. Kinapa ko ang bracelet na binigay niya nuon at hinalikan. Kahit sinigawan ko siya ng I love you! Hindi manlang lumingon.
-FLASH BACK-
Pagdating ko sa Mindanao sa lugar ni Sir Salvador upang magtrabaho bilang personal body guard niya nakita ko kaagad ang maamo at magandang mukha ni Analyn. Siya talaga ang rason kung bakit pinili ko na magtrabaho may Sir Salvador. Graduate ako bilang PMA sa Baguio kung saan talaga ang Lugar ko. Una kong nakita nuon si Analyn n'ong sinama siya ni Sir Salvador sa Baguio. Bata pa siya nuon na sa tingin ko ay pitong taong gulang pa lamang. Namamasyal ako nuon n'ong nakita ko si Sir Salvador sa daan na parang may problema sa kanyang sasakyan. 22 years old ako sa mga panahon na iyun. Kaya lumapit ako at nagtanong kay Sir Salvador. Bigla nalang daw tumirik ang kanyang sasakyan at hindi na gumana. Hapon na at malayo sa kabahayan kaya nag alok ako ng tulong. May alam din ako tungkol sa sasakyan dahil may talyer ang ninong ko. Kapag wala akong pasok tumutulong ako para may pang baon. Medyo may kaya naman ang mga magulang ko pero hindi ko sinanay ang aking sarili na palaging nakaasa sa kanila. Nang tiningnan ko ang sasakyan ni Sir Salvador na over heat lang lala. Kaya inayos ko at kaagad naman na gumana. Habang nagpasalamat si Sir Salvador may dumukhang bata na super cute at ang ganda. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nagtagal ang pagtitig ko sa kanya. Kung hindi lang tumikhim si sir Salvador hindi ako umiwas ng tingin kay Analyn.
Iho si Analyn ka isa-isa kong apo. Nag request kasi siya na pumunta ng Baguio kaya pinasyal ko. Iha si Kuya mo Shawn. Mag hello ka sa kanya." Wika ni Sir Salvador. Kanina kasi n'ong inaayos ko ang sasakyan nagpakilala na siya sa akin. Ganun din ako sa kanya. Sinabi niyang may kasama siya. Ngunit hindi ko alam kong saan.
"Hello po Kuya Shawn. Magandang hapon po." Magalang na bati niya sa akin. Saka ngumiti. Biglang nagregunduhan ulit ang aking puso na hindi ko alam. Ang cute Ng kanyang boses na parang musika sa aking pandinig.
"Hello baby girl. Ang cute at ang ganda ganda mo naman." Wala sa sarili kong sabi. Kaya mas ngumiti siya lalo
"Yes po, ang ganda ko po talaga sabi ni Lolo." Sagot niya sa akin. Narinig ko ang pagtawa ni Sir Salvador.
"Bweno iho mag gabi na kailangan na namin umalis. Saan ba ang bahay niyo, ihahatid na kita." Kumuha siya ng pera at binigay sa akin. Tumanggi naman ako dahil kusa naman akong nag alok ng tulong.
"Kung may kailangan ka iho huwag kang mahiya na tumawag sa akin. Ito ang calling card ko. Baka gusto mong maging bodyguard ko at ng apo ko. Ano man oras pwedi ka sa bahay." Saad ni Sir Salvador. Tinanggap ko at nagpasalamat. Tumingin ako ulit kay Analyn na nakatingin din pala sa akin
"Ba-bye po kuya. Ito po sayo nalang po ito." Aniya, sabay abot ng bracelet sa akin na may maliit na papaya. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Habang ang puso mas lumakas pa lalo ng maglapat ang aming palad ng kinuha ko sa kanya ang bracelet. Pumasok na rin si sir Salvador sa loob ng Sasakyan. Kumaway pa ulit si Analyn sa akin bago umayos ng opo. Nagpasalamat naman ulit si Sir Salvador at inulit ang kanyang sinabi na kapag gusto ko na maging body guard niya. Ano man oras ay welcome ako sa bahay niya sa Mindanao. Basta tumawag lamang ako sa kanya. Pagka alis ng sasakyan tinago ko ang calling sa aking bulsa. Tiningnan ko muli ang bracelet at wala sarili na nilapit ko sa aking labi at hinalikan. Naamoy ko pa ang pabango ni Analyn. Dahil may kwentas ako nilagay ko ang bracelet bilang pendant. Maliit kasi kaya hindi kasya sa aking kamay.
Habang nag-aaral ako hindi mawala wala sa aking isipan si Analyn. Kahit anong gawin ko lagi siyang lama ng aking isipan. May naging girlfriend naman ako pero hindi ko maramdaman sa puso ko na mahal ko sila. Pero sa batang si Analyn kapag tingnan ko lamang ang bracelet na binigay niya sa akin. Kumakabog kaagad ang aking dibdib. Hanggang sa nag graduate ako bilang PMA. Isang buwan ako nagpahinga at nagpaalam sa aking mga magulang na magtrabaho bilang personal bodyguard ni Sir Salvador. N'ong una ayaw pumayag ni Mama dahil baka daw bodyguard ng sindikato. N'ong kweninto ko sa kanila. Mabuti at pumayag naman sila kaagad ni Mama at Papa. Ngunit sinabi niya huwag ako mag girlfriend ng trabahador lamang. Kaagad kong tinawagan si Sir Salvador upang nagtanong kung naghahanap pa siya nang body guard. N'ong nagpakilala ako laking tuwa niya na tumawag ako. Matagal niya na daw akong hinihintay na tumawag. Pagkatapos namin mag-usap. Kaagad akong nag empaki ng aking mga gamit. Buksan na bukas din pupunta ako ng Mindanao.
Pagdating ko sa bahay ni Sir Salvador namangha ako sa sobrang laki at ganda. Habang nag-uusap kami ni sir Salvador pumasok ang isang magandang dalaga. Kaagad na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nakangiti siya na lumapit sa kanyang Lolo at nagmano. Pinakilala siya sa akin ni Sir Salvador ngunit parang hindi niya ako natandaan. Nag hello lang siya sa akin at nagpaalam sa kanyang Lolo na umakyat na sa kanyang kwarto. Nakasunod lamang ang aking mata sa kanya. Napalunok ako dahil hindi ko akalain na mas lalo pa siyang gumanda.
"Bka matunaw ang apo ko." Nakangiti na sabi ni Sir Salvador. Naramdaman ko na parang namula bigla ang aking mukha. Inisip ko na baka akalain niya manyak ako. At minamanyak ko ang kanyang apo at mapauwi ako ng di sa oras.
"Sorry po sir Salvador. Nagulat lang ako dahil dalaga na si Analyn at parang hindi niya ako natandaan. Pasensya na po. Hindi na po mauulit na titigan ko siya." Nahihiya kong sabi kay Sir Salvador.
"Gusto mo ang apo ko?" Napaubo ako bigla sa deritsahang tanong Sir Salvador. Hindi ko alam ang isasagot kaya nag -iwas ako ng tingin.
"Bata pa si Analyn. Wala na siyang magulang. Mahal na mahal ko siya. Siya nalang ang mayruon ako. Unang kita ko palang sa'yo nuon. Naramdaman ko na kaagad na magaan ang loob ko sa'yo. Kaya kahit unang beses pa lang tayo nagkita at nagka kilala inalok na kita kaagad na maging body guard. Aaminin ko hindi lang body guard ang gusto ko sana. Alam mo matanda na ako. Kaya kung sakali man na may mangyari sa akin. Sa'yo ko ipagkatiwala si Analyn sa'yo."Sensiro na sabi ni Sir Salvador na ikina gulat ko.
"May gusto ka ba kay Analyn?" Pag-uulit na tanong ni Sir Salvador. Lumunok muna ako bago humarap ng seryuso kay Sir Salvador.
"I'm sorry Sir. Pero ang totoo unang kita ko pa lang nuon kay Analyn kakaiba na ang nararamdaman ko sa kanya. At isa siya sa rason kung bakit gusto kong maging body guard mo. Kahit na pwedi naman ako magtrabaho bilang PMA." Seryuso kong sagot jay Sir Salvador. Malawak ang kanyang pag ngiti at tinapik ako sa balikat.
"Good, good, iho! Pero sa ngayon kailangan muna ni Analyn makapag tapos ng pag-aaral bago mo siya ligawan. Sa ngayon kailangan mo munang maging Kuya sa kanya." Napangewe ako ng lihim dahil sa kuya talaga.
"Usapang lalaki tayo iho. Gusto din kita para kay Analyn. Pero sa ngayon huwag na huwag mo munang sabihin na may gusto ka sa kanya. Hintayin mo siyang makatapos bago ligawan. Kapag nagtagumpay ka sa task ko. Ako mismo ang magsabi kay Analyn na ikaw ang gusto kong maging asawa mo. Kahit pagka graduate ni Analyn ng college ipakasal ko kayo kaagad. Kaya ikaw ang bahala kung paano ka makaiwas sa kagandahan ng apo ko. Kapag malaman ko na niligawan mo siya na hindi pa nakatapos si Analyn dadalhin ko siya sa ibang bansa. Kaya kailangan ipakita mo sa akin kung may respito ka sa akin at handang maghintay sa apo ko. Ano, Deal?" Tanong ni Sir Salvador at nilahad ang kanyang kamay sa akin.
"Deal sir." Seryuso kong sagot.