(Alaina)
Flashback
Kasalukuyan akong nag- aayos ng mga ilang sa mga mahahalaga kong gamit. 3 days from now ay aalis na kami ni mommy patungo sa New York. Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ko ngayon.
Saya, dahil hindi na kami magkakahiwalay ni mommy at magkakaroon na ako ng pagkakataon para mas makilala ko sya ng maige.
I'm just found out na may negosyo pala sya doon sa New York kaya lagi syang nandoon.
At lungkot narin, dahil maiiwan ko ang mga taong naging mahalaga sa akin dito.
My dad, I will surely missed him. He's my dad, and I love him despite all the things that he did to my mom.
My bestie, sure, I will missed them too. They are with me ever since our freshman years.
At baka, mamimiss ko din si Louisse. I slowly accepted her as my half sister. Now, kaibigan palang ang turingan namin sa isa't- isa, pero alam kong balang araw, pag tuluyan nang maghilom ang sugat ng nakaraan, we can be bond and treat each other as sister.
Baka mamiss ko din si Ethan. He is the first man whom I admired very much. My first love and my first heartbreak. He is a part of my painful and sweetest past. And maybe, he always have a part of my heart.
Alam ko din na mamiss ko sina Tristan, Caleb, Hayden at Steven. Who am I of not missing them, when they become a part of my unforgettable high school year? Baka nga mamiss ko din si Alisson at Zaylee. Who knows?
At higit sa lahat, si Haven. My true love. And I believe he is.
The man who gave me nothing but his time, love and affection. But we had to bid our farewell for now.
Nangako naman kami pareho sa isa't- isa na walang magbabago at hindi mapuputol ang komunikasyon naming dalawa. And I believed in him. I trusted his promise.
Distance means so little when someone means so much to you.
The thought of being with Haven tomorrow gives me the strength to go on today.
No distance is too long when two hearts are made for each other.
And I love Haven and he loves me too. And I believed that we made for each other.
Napatingin ako sa pinto nang aking kwarto nang may bumukas doon. At si mommy ang nakita ko.
"Can I come inside? If you're not busy."
"It's ok mom. Nag- aayos lang ako ng mga gamit ko."nakangiti kong sabi.
Pumasok si mom sa loob ng kwarto ko.
Isinilid ko sa aking bag ang picture naming dalawa ni Haven nung graduation day namin.
Naramdaman ko ang pag- upo ni mom sa aking tabi. Nakita ko na may dala syang photo album na nakapatung ngayon sa kanyang kandungan.
Maraming photo album dito sa mansyon namin na nasa study room lahat, pero ngayon ko lang nakita ang dala- dala nya.
Napatingin ako sa kanya. Nagtatanong ang aking mga mata sa kanya, na naunawaan naman nya agad.
"Ito ang pinakatago- tago kong photo album. Para narin itong diary sa akin."
Ibinigay nya sa akin ito. Tinanggap ko naman. Binuklat ko ito at isang highschool student na babae at lalaki ang nakita ko.
"I met your father when we were in high school. He is my childhood sweetheart."simula sa kwento nya.
Nagpatuloy lang ako sa pagbuklat, at mga picture nga nina mommy and dad ang nakapaloob dito. Hanggang sa grumadwet din sila.
"When were in college, we separated. Nagkaroon sya ng ibang girlfriend at nagkaboyfriend din ako. But when we meet each other again, right after we graduated, nagkabalikan kami. Hanggang sa ikinasal kami. We were so happy, we are a dreamers. We wanted to have a happy family with our children. But things doesn't come out of what we expected. Nadala sya sa tukso. And things change."namumula ang mga mata ni mommy na nakatingin sa akin.
"I'm sorry if ikaw ang nagdusa sa nangyari. And I'm sorry if we can't go back the same way as before."
Isinara ko ang photo album at napatitig ako sa kanya. May ibinigay sya sa akin na isang brown envelop. Tinanggap ko ito, at kinuha ko ang nasa loob.
Awtomatikong napatulo ang aking mga luha nang nabasa kung ano ang nakasulat sa papel na nasa loob nito. It's a prove document na granted na ang divorce nina mommy at daddy.
Naninikip ang aking dibdib. Naitapat ko ang aking palad sa dibdib kong naninikip. Hindi ko mapigilan ang mahina kong paghikbi.
Alam ko naman na mangyayari ito. Alam ko naman na hindi na sila magkabalikan pa ni dad. Pero, napakasakit pala ngayon nakita ko ang ebidensya na kailanman hindi na mabuo uli ang aming pamilya.
"I'm sorry baby. Humihingi kami ng tawad ng daddy mo sayo. Pero, kahit nagkahiwalay na kami ng tuluyan. You can always depend on us. We are your parents and we still love you the same."
Tanggap ko na ito. Pero, bakit ang sakit parin? Iba pala kung nagkatotoo na.
Walang kahit anong salita ang lumalabas sa aking labi. Patuloy lang ako sa paghikbi.
Ang sakit! Napakasakit!
Niyakap ako ni mommy at napahagulhol ako sa balikat nya. Hinagod nya ng haplos ang aking likod.
"I'm sorry! We were sorry, my baby!"malumanay ang boses nya.
Mas lalo akong napaiyak sa "sorry" nya.
==============
-
Understanding is the first step to acceptance, and only with acceptance can there be recovery.
After my heart to heart talk with my parents, I decided to accept fully the things that happened to my family. Accepting their separation is never easy, but, wala naman akong magagawa.
They are both agreed with their decision. Pati ang korte ay sumang- ayon din sa kanila. It is painful until now, but I know someday, I will get over with my parents separation.
Buo ko din matatanggap ang paghihiwalay ng parents ko. They are still my mom and my dad...so sad were not family anymore!
Somehow, nakita ko din naman sa kanilang mga mata na nasaktan din naman sila sa desisyon nila.
Pero ganun naman talaga minsan.
Not all best decision is what can make us happy, and what can make us happy is not always a best decision or a good choice. Sometimes, we have to stay away from the people or relationship that is already unhealthy to us.
After my conversation with my parents, I called Haven. I told him everything.
He understand my parents. He also understand my pain. He made me realized the beauty beneath this painful situation that my family been through.
I am so lucky to have a boyfriend like him. A man who has a positive outlook of everything.
A man who brought good vibes in every negative situation.
A boyfriend who has a shoulder that I can lean on all the time.
------
Kasalukuyan kong tinahak ngayon ang daan papunta sa pad ni Haven. He said that he's not feeling well. Kaya, dinalhan ko sya ngayon ng meryenda.
Hindi ko sinabi sa kanya na pupuntahan ko sya ngayon. I wanted to surprise him.
Pero natigil ako sa paghakbang at tila naninigas ako sa aking nakita. Si Haven....he is now kissing an another woman outside his pad. At kilala ko ang babaeng kahalikan nya ngayon. Si Celestine. Ang babaeng lumalandi parin sa kanya kahit boyfriend ko na sya.
Halos nabitawan ko ang aking dala. Gusto ko silang sugurin, ipamukha kay Haven na nahuli ko sya sa akto sa ginawa nyang kataksilan sa akin. But natatakot ako sa maging resulta. Baka mas lalo lang akong masaktan. Kaya, napatakbo ako.
Nang sa tingin ko na ay nakalayo na ako sa mula kanila. Napasandal ako sa dingding. Nanginig ang aking tuhod at parang gusto kong matumba. Habol ko ang aking paghinga dahil sa sobrang paninikip ng aking dibdib. Napaiyak ako habang mahina pinagsusuntok ang aking dibdib.
Bakit ganito? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? I have a cheater father and now....I also have a cheater boyfriend. Ang dalawang lalaki na mahalaga sa akin ay puro manluluko at sinasaktan lang ako.
Ang sakit- sakit!
Ang unfair- unfair!
Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala.
Bakit?
Ano ba ang malaki kong kasalanan na lahat ng lalaking mamahalin ko ng totoo ay puro manluluko.
Napahagulhol ako sa pag- iyak. Naitakip ko ang aking palad sa aking mukha, at napaupo ako sa gilid.
Wala akong pakialam sa mga nakakita sa akin, ang sakit- sakit ng puso ko ngayon para pansinin pa sila.
Sariwa pa nga ang sugat na nilikha ng parents ko kanina sa puso ko, pero ngayon para binudburan ng asin 'yon sugatan kong puso dahil sa ginawa ni Haven.