MIS 31

1891 Words
(Alaina) Tama nga ako, kinabukasan laman na kami sa balita ni Caleb. Is he the next to settling down? Caleb del Fuengo spotted with the Velasquez Corporation heiress, Alaina Velasquez. Napailing ako na napangiti habang binabasa ang article. Ang galing talagang gumawa ng kwento ng mga tao. May kuha pa kami ni Caleb doon sa party at para kaming naghahalikan sa picture. Meron din nakahawak si Caleb sa aking kamay, habang papasok kami sa kanyang kotse. Paparazzi nga naman! Nakita lang na magkasama, magpapakasal na? Masyado yata silang advance na mag- isip. Hindi pala advance kasi never naman mangyayari ang bagay na 'yon sa aming dalawa ni Caleb. I texted Caleb: Me: Have you seen the news about us? Ilang minuto pa bago sya nakasagot. Caleb: Yah! Kainis! Ang tipid naman nya makasagot. Kung gaano sya makadaldal sa personal, ganun naman sya ka walang kwentang makasagot ng text. Me: What are we gonna do? Caleb: Don't mind them. Don't mind them? Iyon lang? Ok fine! Bahala ang mga tsismosa sa buhay nila. Nasa loob ako ngayon ng aking condo unit at kasalukuyan nag- aayos sa aking sarili, para pumasok na ng opisina. Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi na ako nag- abalang basahin pa ang pangalan ng caller. Agad ko itong sinagot sa pag- aakalang si Caleb lang ang tumawag sa akin. "Caleb, bakit....?agad kong sabi. "s**t! Really Alaina?"Ani ng kabilang linya. Hindi boses ni Caleb ang aking narinig kundi boses ni Haven. Tinignan ko ang caller ko para masiguro na sya nga ang tumawag. Dinelete ko na 'yon number nya dito sa cellphone ko, pero saulo ko naman 'yon. Sya nga ang tumawag. Wow, naalala pa pala nya akong tawagan. "Sorry! Who is this, please!" Wala kong ganang sabi. Hindi ko ipinahalata sa aking boses na kilala ko talaga kung sino ang tumawag. "Really? So, hindi mo na ako kilala ngayon. Dahil ba may Caleb kana?" Wow! Ang lakas naman ng loob nya para manumbat. Ano na naman kaya itong drama nya ngayon? Gusto nyang magdramahan?! Ok! "Yup, I don't know you, asshole. Kung gusto mo ng callmate, wala akong time para sayo. Hindi din ako maniniwala sayo pag sasabihin mo na nanalo itong number ko ng 75, 000 at ikaw si Atty. H---" "What are you talking about?" "Hindi po ako agent ng funeral plan. Wrong number po ang tinawagan ninyo." "f**k! Alaina, I'm not making fun---" "O sige, bye nah! Wala akong oras sa mga taong walang magawa sa buhay." Walang sabi- sabi tinapos ko ang tawag nya. Ang kapal talaga ng mukha nya na tawag- tawagan ako. Narinig ko message tone ng aking celphone. 0943------: Where are you? Let's talk! Hindi nakasave ang numero ng nagtext sa akin, pero alam kong si Haven ito. Saulo ko nga ang number nya, diba! Hindi ako nag- abalang sagutin ang text message nya sa akin. Agad kong dinelete 'yon message nya sa akin. Sa pagkalipas ng mga araw, ngayon pa nya ako naalalang e.text. Kaya wag syang mag- expect ng reply mula sa akin. Kasalukuyan na ako ngayon na nasa elevator pababa sa ground floor. Napatigil ako ng nakakita ako ng ilang taga media na tila nag- aabang sa akin sa labas nitong condo building ko. Napalihis ako ng daan, at plano kong dumaan sa likuran bahagi nitong building, pero padaan na ako sa frontliner desk nang napatigil na naman ako, at agad akong napatago sa isang sulok. Nakita ko si Haven at kausap nya ang isang receptionist. Kainis naman! Ano na ang gagawin ko ngayon? Kahit saan ako dadaan, may nakaabang sa akin. Sino ba ang haharapin ko sa mga ito? Kinuha ko ang cellphone ko, at tinext ko si Caleb. Me: s**t! Can't believe that I will ask for your help. There is a paparazzi outside of my condo building. Can you do something about it? Buti naman ang nagreply agad si Caleb. Caleb: Don't worry. They will be gone in a minute. Nakahinga ako ng maluwag sa reply ni Caleb. Naging kampante ako, pero agad din akong napasiksik ng sobra dito sa pinagtataguan ko nang natanaw ko si Haven na padaan dito. Nakahinga na naman ako nang maluwag nang tuluyan ng napadaan si Haven. Pero, hindi parin sya lumalayo. Nakatayo lang sya na nakatingin sa mga elevator, tila may hinihintay sya. At alam ko na ako ang hinihintay nya. Shit! Ano ba naman kasi ang kailangan nya sa akin? "Hey lady, what you're doing here?" Tanong sa akin ng isang makulit na batang lalaki na kanina pa patakbo- takbo dito sa pasilyo. "Shhh....."iniharang ko ang aking isang daliri sa kanyang bibig at pumantay ako sa kanya. "You're playing hide and seek." Tumango ako. Ngumiti ang bata saka--- "She's here! She's here!"malakas nyang sabi sabay turo sa akin. Shit! Napatingin si Haven sa bungad namin nitong makulit na bata. Wala sa sarili na nahila ko ito. "Tumahimik ka. Pag hindi ka tatahimik, pupuntahan ka ni boogeyman ngayon gabi."pananakot ko dito. "Really lady? I'm not afraid 'cause I am a superhero." Umaksyon ang bata na parang si Superman. Kainis na bata to! Hindi pa naman ako mahilig sa bata. Napatingin ako sa kung saan nakatayo ang mga paparazzi kanina. Wala na ang mga ito doon. Napatingin din ako kay Haven. Nandun parin sya sa kinatatayuan nya. "Oh, you are hiding from him."Ani ng bata na ang tinutukoy ay si Haven. Gosh! Pahamak talagang bata 'to. "Sshhh....."patahimik ko naman sa kanya. Pero imbes na sumunod sya sa akin ay--- "She's here. Hey man, she's here!" Bweset! Bago pa makuha ni Haven na sya ang tinatawag ng bata, agad na akong umiskapo but--- "Alaina!" Shit! Nakita ako ni Haven. Binilisan ko ang aking paglakad. Nagkunwari ako na hindi sya narinig. Walang lingon- lingon akong humakbang. Napangiti ako nang malapit na ako sa aking kotse. Bweset! Saan na ba 'yon susi ng kotse ko? Naglalakad ako habang kinakapa ang loob ng aking bag. "Alaina!" God! Nakasunod parin sya sa akin. Ayaw ko syang harapin dahil sa galit ko sa kanya at baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Napapitlag ako nang may kotse na biglang huminto sa harapan ko. "Hop in!"sabi ng driver ng kotse. Sabay bukas ng pinto sa unahang bahagi. Lagot sa akin ang Caleb na 'to. Muntikan na akong napasigaw sa pagkagulat. Walang sabi- sabi na sumakay ako sa kotse nya. Narinig ko pa ang pagtawag ni Haven sa aking pero agad na pinaharurot ni Caleb ang kotse. "Walang hiya ka! Muntikan na akong inatake sayo."bulalas ko. Hindi naman talaga ako galit kay Caleb. "Pambihira naman 'to. Imbes pasasalamat ang marinig ko. Aawayin ba naman ako. Iniligtas na nga kita mula sa pinsan ko."may halong panunumbat ang boses nya. Nasa pagmamaneho ang pokus nya. "Salamat. Bakit mo ba ginagawa ito? Baka mag- away pa kayo." Pag- alala kong sabi. "Don't worry about me. At bakit ko ito ginagawa? Dahil kaibigan kita. Alam ko ang namagitan sa inyo ni Haven. Ayaw kong maging talunan ka sa bandang huli. Listen to this, magkasama sina Haven at Celestine doon sa Thailand. At hindi ko alam kung bakit magkasama sila. Stay away from him hangga't hindi ko pa alam ang dahilan." Nasaktan ako sa kanyang sinabi. So, totoo nga. Buong akala ko, gawang- gawa lamang iyon ni Celestine. At ngayon kinumpirma na ni Caleb. "Caleb, bahala sya sa buhay nya. Kaya lang naman ako umiiwas sa kanya ngayon dahil sa galit ko sa kanya at baka masampal ko pa sya. Pero, hindi ko sya kailangan iwasan sa mga susunod na araw. Wala akong kasalanan sa kanya, sya ang nanluko sa akin. Sya ang dapat magtago dahil baka mag hire ako ng hired killers dahil sa galit ko sa kanya." Napatawa sya sa aking sinabi. Tumunog ang aking cellphone at si Haven ang tumawag. Ini- off ko ito. Distorbo! "Seriously, gagawin mo talaga 'yan? "Oo. At uunahin kita."natatawa kong sabi. "Seriously Caleb, bakit kailangan kong pagtaguan ang pinsan mo?" "Dahil marupok ka."diretso nyang sabi na ikinalaki ng aking mga mata. Tama ba ang rinig ko? "What did you say?"paniniguro ko. "I said dahil marupok ka." Nilakasan nya ang kanyang boses para marinig ko talaga. "I heard you loud and clear. You don't have to shout." "Ok."pabulong nya sabi. Nasa pagmamaneho parin ang kanyang pokus. "Anong sabi mo?" Hindi ko sya masyadong narinig. "Talaga naman! I said "Ok". "Hindi mo kailangan lakasan masyado nyang boses mo. Naririnig kita, ok." Sinamaan nya ako ng tingin. Saka nya inihinto ang kotse nya dahil sa traffic. Tumingin sya sa akin. Pero nakahawak parin sya sa steering wheel. "Ganito kasi 'yon Alaina. Haven was so furious of you dahil sa ginawa mo sa kanya noon. Kaya wag ka munang magtiwala sa kanya, especially that Celestine is in the picture. Nung umalis ka, nagiging sila ni Celestine. At kung gusto mong malaman kung ano ang status ng relasyon nila, they are happy together. Nung umalis si Celestine, sobrang nasaktan si Haven."narinig ko ang pagbugtong- hininga nya. "You're my friend at kahit pinsan at kabarkada ko pa si Haven, hindi ko hahayaan na saktan ka nya. Just trust me, aalamin ko ang totoo. Makinig ka muna sa akin." Napatitig ako kay Caleb. Puno ng pagsumamo ang kanyang mga mata. God! Bakit ba napatulo ang aking mga luha. Inabutan ako ni Caleb ng panyo. Kinuha ko nyon saka pinunasan ko ang aking luha. Hindi pa ako nakuntento, napasinghal pa ako. Ibinalik ko sa kanyang ang panyo nya. "Sayo na, marami pa akong panyo."tila nandiri nyang sabi. "Arte nito."tila bulong kong sambit. Pinaandar nya uli ang kotse. "Sa tingin mo, pinaghigantihan kaya ako ni Haven" hindi ko mapigilan tanong. "I don't know Alaina. Don't worry aalamin ko." "You don't have to do that. Salamat! Baka mag- away pa kayo ng dahil sa akin. Don't worry, iiwasan ko na si Haven. At saka pwede makisuyo kung hindi naman kakapalan ng mukha, pakihatid naman ako sa San Bartolome. Doon muna ako mananatili, bago ako babalik sa New York."malungkot kong sabi. "Babalik ka ng New York?"sandali syang napalingon sa akin. "Just for a while lang naman. Babalik din naman ako pag ikinasal na sina Celestine at Haven. Para hindi na ako guguluhin ni Haven, at hindi narin ako madadala sa kanya, dahil ayaw kong maging kabit." "So, hindi mo sya ipaglalaban?" Nalungkot ako sa tanong nya. "What for Caleb? When he's not mine in the first place." Narinig ko ang pagbugtong- hininga nya. "You two are look so good together. Akala ko talaga na kayo parin hanggang sa huli."nanghihinayang talaga ang kanyang boses. "Well, maraming namamatay sa maling akala." Mahina ang aking boses at napatingin ako sa front view nitong kotse. "Kung bakit naman kasi nagawa mong saktan ng ganun ang pinsan ko. Para syang nabaliw sa ginawa mo noon."aniya na may halong panunumbat. Nabuhay tuloy sa ala-ala ko ang nangyari. At hindi ko lubos akalain na nasasaktan parin ako. "Really Caleb? Nasaktan ba talaga sya sa ginawa ko. Bakit? Sa aming dalawa, sya naman ang unang nanakit sa akin. He cheated on me, Caleb. He cheated on me with Celestine. At huling- huli ko sila sa akto." Hindi ko napigilan ang pagbugso ng aking damdamin. 'Yong hinanakit ko kay Haven, kay Caleb ko ibinuhos. Inihinto nya ang kotse at maang syang napatingin sa akin. "What for you mean?" Kunot- noo sya. "He hurt me first."naluluha kong sabi. Mariin syang tumitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD