(Alaina)
Kung nasa kamay ko lang sana ang cellphone ko baka matagal ko nang isinuplong si Haven sa mga pulis.
Kanina, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatulog. Sabay kong hiniling na sana panaginip lang ang lahat. Pero, paggising ko, nasa gitnang dagat parin ako. At alam kong may guapong shokoy akong kasama.
Halos 20 minutes na akong nakatingin sa mga lulutuin na nasa loob ng refrigerator. Wala talagang pumapasok sa isip ko na pwede kong lutuin. Hindi talaga ako marunong magluto.
Kainis naman 'to! Bahala ang Haven na nyon sa buhay nya. Bahala na kung magutom ako.
Maya't- maya lang, napagpasyahan ko na puntahan ang shokoy kong kasama. Kailangan ko ang tulong nya, kahit labag na labag pa sa loob ko.
Natagpuan ko si Haven na nasa upper deck nitong yate. Nakahawak sya sa railings habang nakatingin sa papalubong na araw, at----
Napatago ako sa isang sulok. My God! Mukhang masyadong loose ang panty na suot ko ngayon. Kinapa ko ang garter ng suot kong panty. Para kasing gusto na nitong malaglag.
Makalaglag panty pala ang kakisigan ni Haven. Wala kasi syang suot na kahit ano sa katawan, maliban lamang sa isang swimming trunks na pormang- porma ang magandang hugis ng kanyang puwit.
Mabuti nalang nakatalikod sya. Ano nalang kaya kung nakaharap sya sa akin? Ayaw kong isipin na baka humugis din ang kanyang talong sa suot nya ngayon. Pero, hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na mamilya.
Bweset ka self! Hindi mo dapat pagnanasaan ang shokoy na 'yan! No, dapat kang magpakatatag. Hindi ka dapat----
Pinagalitan ko ang aking sarili, pero natigil din ako agad nang biglang humarap si Haven. Bumagsak na yata ang panga ko.
Mala- captain America kasi ang kakisigan ni Haven. Wala sa loob na napako ang paningin ko sa ibabang bahagi ng kanyang katawan na tanging swimming trunks lang ang nakatakip.
Napalunok ako at namula din sa isipin na mukhang may malaki syang talong. Bago pa tuluyan malaglag itong panty na suot ko ngayon, kailangan ko nang mag- evaporate.
Pinaypayan ko ang nag- iinit kong pakiramdam nang nakabalik na ako dito sa dining. Bahala na, kahit ano na ang lutuin ko.
"Are you done?" napapitlag ako sa tanong na 'yon.
Kasalukuyan akong nagluluto ng ano na hindi ko mabigyan ng pangalan nang may pumasok sa dining.
"Malapit na."
Ayaw kong lumingon sa kanya, baka naka- swimming trunks parin sya.
"Ano ba 'yang niluto mo? Ang sama naman ng amoy." pagrereklamo nya.
Hindi nga masyadong mabango itong niluto ko. Hindi ko nga din alam kung ano ang lasa nito.
"Amoy lang nito ang masama pero masarap ito."
Pagmamalaki ko. Lihim kong hiniling na sana tama ang sinabi ko.
"Ok. Sinabi mo, eh!" sandali syang tumahimik. "By the way, kumakati kasi ang likod ko. Pakikamot naman!" pag- uutos nya.
"What?" laking mata akong napaharap sa kanya.
Hindi na sya naka-swimming trunks dahil isang malaking tuwalya na ang kanyang suot na nakatakip lang sa ibabang bahagi ng kanyang machong katawan.
Wala sa sarili na napahagod ako ng tingin sa kanya. Kainis talaga itong panty ko. Mukhang malaglag na talaga.
Sa tingin ko pulang- pula ang mukha ko na napaangat ng tingin sa kanyang guapong pagmumukha.
"Are you eye- raping me babe?"
Namilyo ang kanyang ngiti.
Pinigilan ko ang mapalunok. Kinalma ko ang nag- iinit na pakiramdam.
"Of course not!" tanggi ko sa inakusa nya.
"Ok. Liars go to hell pa naman."
Nakangisi nyang sabi. Tinaasan ko sya ng kilay para maitago ko ang totoo
"Kamutin mo na ang likod ko."
"How dare you! Pati pagkamot dyan sa likod mo, sa akin mo parin inaasa. Mahiya ka naman sa maitim mong balat!"
"Maitim? Ang hot kaya tignan nitong tan kong balat. Pinagnanasaan mo nga ako!"
Nakatawa nyang sabi.
Bweset sya!
"Kamutin mo na kasi. Gusto mo yatang buklasin ko itong suot kong tuwalya. Wala pa naman akong suot na kahit ano sa ilalim nito."nakangisi nyang sabi.
Nag- init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi nya.
Buklasin mo na! I can't wait!
Kinalma ko ang nag- eeskandalo kong pag- iisip at nag-iinit kong pakiramdam.
"Tumalikod kah!" padabog kong sabi na sinunud naman nya.
Napatingin ako sa kutsilyong ginamit ko kanina. Ang sarap naman gamitin nito pangkalmot sa likod ni Haven.
Kung hindi lang ako natakot sa batas, baka kinamot ko na talaga ang likod nya gamit ang kutsilyo.
Wala sa loob na kinuha ko ang kutsilyo. Plano ko itong ibalik mula sa pinaglalagyan nito. Tutal, malapit lang naman kay Haven ang lagayan nito.
Pangiti- ngiti ako. Sayang naman ang makinis na balat ni Haven kung dudungisan ko ito.
-
-
( Sa kabilang banda.....)
Dahil sa sobrang tagal na lumapit sa kanya si Alaina, kaya napagpasyahan nalang ni Haven na lingunin ito.
At nanlaki ang mga mata nya nang may dala itong kutsilyo habang palapit sa kanya. Nakangisi pa ito.
Baka naman sa sobrang galit nito sa kanya. Tuluyan na syang patayin nito.
"A- Anong gagawin mo?" hindi nya mapigilan tanong.
"Sabi mo kakamutin ko ang likod mo."anito.
Nakabasa sya ng galit sa mga titig nito sa kanya. Mukhang sinasabi sa mga titig nito:
Hindi ko na kaya ang galit ko sayo. It's now or never. Papatayin na talaga kita! Walang hiya ka Haven! Isa lang ang dapat na matira sa atin sa mundong ito. At hindi ikaw 'yon!
Kinakabahan sya sa kanyang naisip. Kinalma nya ang medyo nakaramdam na takot na sarili. Hindi naman sya natakot na baka papatayin na nga sya nito. Kayang- kaya naman nya ang lakas nito. Ang ikinatakot nya, baka baliw na nga ito.
"I just forget. May nakalimutan pala ako sa deck. Babalik muna ako doon sandali." aniya at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagtakas sa dalaga.
-
-
Napailing ako ng ulo na nasundan ng tingin ang papalayong si Haven.
"Ano kayang nangyari sa lalaking nyon? Well, baliw naman nyon, kaya natural lang na medyo weird nyon kung mag- isip."
Agad kong inilagay ang hawak kong kutsilyo sa lagayan nang nakaamoy ako na tila may nasusunog.
Oh my God! Nasusunog na yata ang iniluto ko.
-
-
-
"What is this?"
Kunot- noo na tanong ni Haven nang tuluyang ko nang nailapag sa mesa ang niluto ko.
"Wag ka nang magreklamo. Hindi ko sinad'yang masunog 'yan."
Umupo ako paharap sa kanya.
"At plano mo talaga akong pakainin nito.
Rumihistro ang inis sa kanyang mukha.
"Pwede ba Haven, pinaghirapan ko 'yan! Ipinagluluto kita kahit wala akong alam sa pagluluto."
Nagdaramdam kong sabi.
Walang modo! Hindi man lamang nagpasalamat sa akin.
"Ok! Pagtitiisan ko nalang itong luto mo. Grabeh! Anong klasing babae ka at hindi ka marunong magluto. Mabuti nalang maganda ka kahit papaano. Hindi parin malas ang magiging asawa mo."
Sinamaan ko sya ng tingin. At nagawa pa talaga nya akong insultuhin kahit na ipinagluluto ko sya. Walang utang na loob!
Sumubo sya pero napaubo din sya agad.
"Yuck!" agad nyang sabi. " Pagkain ba ito ng tao o pagkain ng ano? Pati yata baboy at aso, hindi ito kayang kainin."
Hindi ko pinansin ang pangingisulto nya. Sumubo din ako, pero pati ako ay napaubo rin.
Shit! Parang gusto ko narin insultuhin ang aking sarili.
-
-
"Wow!"
Piping bulong ng isip ko. Mukhang ang sarap naman kasi ng iniluto ni Haven, at ang bango pa nito.
Pero, parang nabubusog na yata ako habang malayang pinagmamasdan ang kanyang six packs abs. Ang hot naman nya tignan habang nagluluto. Kasing hot yata ng apoy.
Ipiniling ko ang aking ulo. Mukhang naaakit na ako sa Haven na 'to. No! This couldn't be!
"Ito ang tinatawag na pagkain. Hindi 'yon niluto mo kanina." aniya, pagkatapos ilapag sa mesa ang niluto nya.
Hindi ko pinansin ang pangingisulto nya. Hindi ko kasi alam kung nasa pagkain ang pokus ko o nasa abs nya.
Wala sa pag- iisip na sumubo ako sa pagkain na iniluto nya.
"Diba, masarap?" tanong nya.
"Oo. Ang sarap!" bulalas ko habang lihim na nakatingin sa abs nya.
Hindi ako mahilig sa pandesal. Pero, bakit parang ang sarap naman ng pandesal mo Haven.
Napalunok ako. Hindi ko dapat pagnanasaan ang bastos na si Haven Cristomo.
Tahimik lang kami habang kumakain. Pinilit kong wag ma- distract sa kakisigan nya. Baka mahalata na nya ako. Kung bakit naman kasi ang hilig maghubad ng lalaking ito sa harapan ko.
Ang sarap naman magluto ni Haven. Mukhang kasing sarap nya.
"By the way, may utang ka sa akin."
Aniya na nagpakunot sa noo ko.
"Utang?Anong utang na sinasa----"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang pabigla nyang sandaling hinalikan ang labi ko.
Napatanga ako kahit natapos na ang halik nya. Bakit ba ako tila nakukuryente sa sandaling paglapat ng mga labi namin?
"Bayad kana sa kinain mo ngayon." nakangisi nyang sabi.
Shit! Hindi ko mahagilap ang aking salita.
"Goodnight babe! Sweet dreams!" bulong nya sa akin at mas lalo akong nakadama ng kakaibang kilabot.
Bakit ba ang sarap pakinggan ang boses nya ngayon? Tila ito musika sa aking pandinig.
Nasundan ko ng tingin ang papalayong si Haven. Sa totoo lang, mas masarap 'yon sandaling halik nya sa akin kaysa napakasarap na pagkain na niluto nya.
No! This couldn't be! Kailangan hindi ako magpa- apekto sa presensya ni Haven. Dapat hindi ako magpadala sa mga pag- aakit nya sa akin.
I should ignore my seductive abdutor.