MIS 16- Back to the PRESENT

1435 Words
Present time) - (Alaina) Masamang tingin ang iniukol ko sa lalaking nagmamaneho sa kotse. Pasipol- sipol sya na para bang sobrang ganda ng kanyang mood, habang ako dito ay hindi mapakali sa kung ano ang gagawin nya sa akin at sa kung saan nya ako dadalhin. Kanina- kanina lang, may kausap sya sa cellphone. Marami syang iniutos sa kausap nya, at kung makautos, akala mo, robot 'yong inuutusan nya. May ipinabili sya sa kausap nya sa phone. Kaya mas lalo akong nainis sa kanya ngayon. Paano kaya nya nalaman 'yon sizes ng mga undies ko sa isang pasada lang na tingin sa akin? Sa tingin ko binabastos nya ako habang palihim nyang sinusukat sa isip ang sukat ng mga bahagi ng katawan ko. "Saan mo ba ako dadalhin?" Hindi ko na mapigilan tanong. "Sa langit." Matipid nyang sagot na hindi man lamang ako tinapunan ng tingin. Nasa pagmamaneho ang pokus nya. At pasipol- sipol parin sya. Kainis! "Hindi ako nakipagbiruan sayo. Saan mo nga ako dadalhin?" ginalit ko ang aking boses. "Sa langit nga!" Kinilabutan ako nang sandali nyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tainga at tila bumulong lang sa akin. Saka pangiti- ngiti sya na ibinalik ang pokus sa pagmamaneho. Umaapoy na yata ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. God! Ano bang naging kasalanan ko sa kanya at ginagawa nya ito sa akin? Ok fine! May kasalanan ako sa kanya noon but that was 9 years ago. Dapat nag- move na kami pareho dun. "Don't worry babe, sigurado akong mag- eenjoy ka sa langit na pupuntahan natin." Nakangisi nyang sabi na hindi man lamang ako tinapunan ng tingin. "Pervert! padabog kong sabi. "Pervert?" kunot- noo sya. "Bakit ano ba ang nasa isip mo. Ang dumi naman ng isip mo!" "Wag mo nga akong baliktarin Haven. Alam ko kung anong langit ang tinutukoy mo." Napatawa sya sa aking sinabi. Ang sarap talaga nyang tadyakan. Pero hindi ko ginawa baka madisgrasya pa kami. "Hanggang ngayon, napakabastos mo parin Haven. Wala parin nagbago sayo!" "You wrong at there!" namilyo ang mga mata nya na tumingin sa akin. "Mas bastos na kasi ako ngayon, babe." Tawang- tawa lang talaga sya na para bang tuwang- tuwa sya sa galit ko sa kanya ngayon. Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. " Don't call me babe!" bulyaw ko sa kanya. "I will call you babe as long as I want." buo ang boses nya. "I hate you!" "It's ok. I hate you, too!" kaswal lang nyang sabi. Ang sama na ng tingin ko sa kanya. Na para bang papatayin na sya ng mga titig ko. Huminga ako ng malalim at mariin kong kinalma ang aking sarili. Ang pikon... talo. At hindi ako dapat magpatalo sa kanya. "Wala ka bang balak na pumunta sa reception ng kasal nina Ethan at Alisson? Ang sama mo talagang pinsan at bestfriend narin, hindi ka na nga nakapunta sa simbahan, pati ba naman sa reception." Paalala ko sa kanya na may kasamang nangungutya. "At saka kailangan ko din pumunta. Ethan and Alisson invited me personally. Nakakahiya naman sa kanila!" "Don't worry about that babe! Alam na nila na hindi ako makapunta, at saka nasa kay Alisson lang ang atensyon ng pinsan ko ngayon, hindi na nya mapapansin na wala ako." Inihinto nya ang kotse at tumingin sya sa akin. Napakaseryoso ng kanyang mukha. "At hindi ko hahayaan makapunta ka doon. Ethan and Alisson had through a lot. Mahaba din ang panahon na pareho silang nagtiis sa paghihiwalay nila, kaya hindi ko hahayaan na sisirain ng isang katulad mo ang napakahalagang araw na to sa kanila." Galit na galit na talaga ako sa kanya. Kanina ko pa sya pinaliwanagan sa totoong nangyari. Pero hindi talaga sya nakikinig at naniniwala sa akin. Sarado talaga ang kanyang pag- iisip. "Talagang hibang kana Haven. I don't care kung hindi ka naniniwala sa akin. Ihatid mo nalang ako sa bahay namin. Marami pa akong gagawin." "Don't worry babe, ibabalik din kita. Hindi pa nga lang ngayon, mamaya na kung nagsawa na ako sayo." Bweset! Naglevel- up na talaga ang kabastusan nya. "At ano ang plano mo, huh? Are you going to rape me and then dispose me to the sea." "That's absurd, babe! Mukha ba akong rapist at criminal?" Masama ang tingin ko sa kanya. "Hindi natin alam, Haven. I barely know you! Hindi naman makikita sa hitsura ng tao kung meron syang psychotic disorder diba?" Baka nga meron sya. Baliw kasi sya! Tumawa sya. Hindi man lamang nainsulto sa aking sinabi. "Don't worry after this, you will know me more. And----" pinasadahan nya ako ng tingin. "--- don't worry I will think about it! Magandang suggestion kasi 'yon sinabi mo na dapat kong gawin sayo." Nakangisi sya. Saka nya ibinalik ang pokus sa steering wheel ng kotse, at pinaandar nya uli ito. Shit talaga sya kahit kailan! BweShit! I silently count from 1 to 10, to calm myself. "I repeat Haven, where the hell are you going to take me?" Tanong ko sa mahinahong na paraan. "Hell? We're not going there. Were going to heaven, babe!" Ang sarap talaga nyang tadyakan na ginawa ko naman.... "f**k!" - - - "Ano ba bitawan mo nga ako!" Pinapadyak- padyak ko ang aking mga paa. Kinarga pa talaga nya ako na parang sako ng bigas. Kasalukuyang syang umaakyat sa hagdan ng yate. "Shut up!" bulyaw nya sa akin. " This is what you got for almost killing me earlier." "Killing you? You provoked me!" Nagpupumiglas ako. Pinagsusuntok ko ang likod nya. "Ibaba mo ako! Put me down! You filthy animal! Putangina!" "Your mouth..." he slap my butt. Fuck! "You shut up or I will ravish that dirty lips of yours." "Put me down! "Wag kang masyadong excited. Ibababa din kita mamaya sa maging kwarto natin." "Anong kwarto natin? In your dreams." Pumasok sya sa isang kwarto habang kargang- karga nya parin ako. "Aray!" Reklamo ko nang padabog nya akong inilapag sa kama. Bastos talaga! Walang modo! "Wag kang magkamali na lumabas dito. Baka magdilim ang paningin ko at sisimulan ko na ang honeymoon nating dalawa." Sinamaan ko sya ng tingin. Halos patayin ko na sya sa aking titig sa kanya. "Goodbye babe!" Nag "flying kiss" pa sya sa akin bago tuluyan lumabas sa pinto. Shit! Walang hiya ka talaga Haven Cristomo. Panggulo ko talaga sa buhay ko. I hate you! Pinagsusuntok ko ang unan na nandito sa kama. Iniimagine ko ang guapong pagmumukha ni Haven sa unan. You going to pay this. I swear to you! Ipapakulong kita, after this. Gusto ko na yatang maiyak sa sobrang galit ko sa kanya. God! Bakit ba nya ginagawa ito sa akin? - - - "What?" Halos lumabas ang aking mga mata mula sa socket nito sa sobrang pagkagulat. "Anong sabi mo?" "I said kailangan mo akong pagsilbihan sa loob ng isang linggo. Ikaw ang magluluto at maglilinis dito sa yate. Lahat ng iniutos ko sayo, gagawin mo. Got it?!" Kasalukuyang kaming nasa main deck ng yacth. Nasa gitnang dagat na kami. At nakahinto lang itong yate nya. "Are you insane? I can't do that! Never in my 26 years of existing that I did that. Alam mo naman siguro na prinsessa ako." Ako na nga itong kinidnap nya. Ako pa itong planong gawin nyang alipin. Hindi ko naman sinabi sa kanya na kidnapin ako. "Well, not in my yacth!" nakangisi nyang sabi. "Here...you are my slave!" Humawak sya sa reilings at tumunghay sya sa dagat. Kiming- kimi na ako na itulak sya. "Well, kung ayaw mo naman gawin ang mga sinasabi ko. I don't have a choice but to drown you." "What did you say?" Tama ba ang rinig ko? Plano nya akong ilunod sa dagat? "Walang hiya ka Haven! Talagang plano mo akong patayin. At talagang lulunurin mo ako." Umuusok na yata ang ilong ko na nakatingin sa kanya. "Yes, I am going to drown you!" nakangisi syang humarap sa akin. " Not in the sea water but in my arms while I kissed your lustful lips endlessly." Napapitlag ako nang inihaplos nya ang kanyang hintuturo sa aking labi. Pumapasok tuloy sa isip ko ang halikan namin noon. Ipiniling ko ang aking ulo. I should forgot that. "Don't touch me!" Tinampal ko ang braso nya para matigil sya sa ginagawa. Buti nalang nagpasaway sya. Padabog ko syang tinalikuran at plano ko na syang layasan. "Ah---babe!" untag nya sa akin. Wala sana sa plano ko na lingunin pa sya pero iwan ko kung bakit napalingon ako sa kanya. "Nasa left side sa bahagi na 'to ang dining. Magluto ka ng hapunan natin, ok?" Irap ang isinagot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD