MIS 10

1860 Words
"Ano ba Steven, tigilan mo nga ako! Ayaw ko ngang sumama sayo. Umuwi kana, wag mo nga akong guluhin." Ani ng isang babae habang inaayos ang kanyang mga paninda na isda. "Louisse naman! Ngayon lang naman!" reklamo ng lalaki na gumugulo dito. "Busy nga ako! Hindi mo ba nakikita? Marami akong ginagawa." "Tutulungan na kita, then, after this, sasamahan mo na ako." "Hindi nga pwede diba! Umalis kana. Wag mo nga akong gu-----" Napatigil ang babae sa pag- aayos ng paninda at sa pagsita sa lalaking gumugulo dito, nang napatingin ito sa bungad kung saan kami nakatayo ni Haven. Pumunta kami ngayon dito ni Haven sa San Bartolome public market. Gusto ko kasing makausap ang sinasabi kong kapatid na si Louisse. Nagkatinginan kaming dalawa ng babae. I saw a recognition from her eyes. I know that she knew that were half sister. Looking at her, there's no doubt that he is my father's daughter. Masyado syang kamukha ni daddy. Mas mukha pa syang anak kaysa sa akin. But meron din naman kaming pagkakatulad, magkasing balat kami at pareho din kaming matangkad, and I think pareho ang mga mata naming dalawa. Despite with her messy hair and namamawis na mukha, she is so beautiful. Kaya pala para itong aso ulol itong isang pinsan ni Haven na umaapi din sa akin, na sunod- sunod sa kanya. Were in same school and same circle of.....friends? No. Not friends! Basta taong nakakasalamuha and yet I didn't have any idea that she's my sister. Kaya pala parang may kamukha sya. Si daddy pala ang kamukha nya. "Bro, anong ginagawa nyo dito? Bibili ba kayo ng isda?" si Steven na ang bumasag sa katahimikan. "Can we talk?" tanong ko kay Louisse Ramdam ko ang tensyon sa kanya. "Ok." matipid nyang sagot. "Kami na ang bahala ni Steven dito. Mag- usap kayo nang masinsinan." si Haven. Pumasok si Haven sa maliit na stall kung saan doon nagtitinda si Louisse. Habang lumabas naman si Louisse. "Thank you." narinig pa nya sabi ni Louisse kay Haven. "M-may magpapaliwanag ba sa akin kung ano ang nangyayari dito." si Steven na halatang naguguluhan sa nangyari. "Wag kang sumabat Bro. At hindi kami obligado na magpaliwanag sayo." si Haven. "f**k!" si Steven na hinarap ang pinsan. "Yang bibig mo!" saway ni Louisse kay Steven. "Bantayan mo 'yan paninda ko." "Sorry! Pag maubos ba to, sasamahan mo na ako?" "Ewan!" "Louisse naman!"Makdol ni Steven. "Fine." Napansin ko ang lihim na pangiti ni Louisse. "Sinabi mo yan ha! Don't worry pagbalik mo dito, ubos na itong fishy- fishy mo." Napailing akong napangiti. Hindi ko lubos akalain na ganito si Steven. Gagamitin ko kaya itong kapatid ko na si Louisse para makaganti man lang ako sa Steven na 'to. - - Magkaharap kaming nakaupo ni Louisse dito sa isang bakery na nasa bungad lang ng merkado. Softdrinks lang ang inorder namin dito. Sa totoo lang, ito ang unang beses na nakapunta ako sa lugar na ganito. Kaya nga nakapagtataka nang hindi man lamang ako nangdiri. "You know me?" simula ko. Napaangat ang mukha ni Louisse sa akin. Saka sya tumango. "Kailan pa?" "Mula pa noon. Alam kong si Mayor ang ama ko. Sya nga ang nagpapaaral sa akin sa EIS." Natahimik ako. Hindi ko rin naman mahagilap ang aking salita. Samu't saring emosyon ang namayani sa aking ngayon. "I'm sorry! Hindi k-ko naman kasalanan kung bakit anak nya ako. Wala akong plano na guluhin kayo." nakayuko nyang sabi na parang hiyang- hiya. "I know. I'm not here para awayin ka. I am just want to----I don't know." I paused for a while habang tinititigan sya. Our situation is so awkward. I admit, nung nalaman ko na may iba pang prinsessa si dad, nagalit ako. Cause I thought I was the only one. And I hated her for being my father's daughter. But seeing her now at her situation, para akong nanliit sa sarili ko. I almost have everything except happy family and she had nothing that I have. Kahit pa sabihin illegitimate child lang sya. Anak parin sya ni dad. And like me, may karapatan din sya sa kung anong meron si dad. My God! Did I start to have a heart? Maybe I'm not that bad after all. Maldita lang naman ako at hindi masama, diba! "I just want you to know that I'm not mad at you. And I'm sorry if I can't still see you as my sister, now. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at hanggang ngayon pinuprosesso parin ito ng aking utak. You heard naman siguro sa nangyari sa pamilya ko, sa ginawa ni dad. The wound that dad's inflicted in my heart is still too deep and fresh". Matamang lang syang nakatitig sa akin. At hindi nakatakas sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata. "B- But I hope someday, we--- we could bond as sister." Nakangiti kong sabi sa kanya. "I'm looking forward in that, Alaina." ngumiti din sya sa akin. Bahagya gumaan ang aking pakiramdam ngayon. Para bang nawalan ng kahit kunting tinik ang matinik kong daan ngayon. "So....Steven!" iba ko sa paksa. "We're just friends..." Aniya sa kaswal na boses pero namumula naman ang pisngi. At hindi namin namalayan na nagkawentuhan na pala kami. We did a talk a little saka kami nagpasya na balikan na sina Haven at Steven. Ubos na nga ang panindang isda ni Louisse pagbalik namin. Pangiti- ngiti si Steven habang nakatingin kay Louisse. "Paano?" si Louisse hindi makapaniwala. "I can do everything, baby!" Mahinang napatawa si Haven. Napailing ako. Magpinsan nga ito at si Haven. Parehong hambog! But I'm curious too. I will just ask Haven later. - - - "Hi!" Napaangat ako ng mukha sa kung sino ang pumasok sa aking kwarto. Kasalukuyang akong naglalagay ng lotion sa aking legs. Isa ito sa gawain ko bago matulog. Si mom ang nakita ko. Umupo sya sa gilid ng aking kama. Napahinto ako sa aking ginagawa at hinarap sya. "Baby, I'm just want to say that I'm so so sorry for everything." simula nya sa pakay, nakatitig lang ako sa kanya. "I know I never been a good mother to you. Instead of alagaan ka, itinuon ko ang sarili ko sa shopping at vacation para makalimutan lahat ng ginawa ng daddy mo sa akin. Pero maniwala ka.....mahal na mahal kita anak. You're the only reason why I stay married to your dad until now." "Then why not choose to stay married to him forever? If you already done it for years?" Pinigilan ko ang aking mga luha. I'm going to have a broken family soon. Truth! Its still hurt! "I don't want to give up but I did. The damage has been made at hindi na 'yon maaayos ng ama mo. Kahit lumuhod pa sya sa harapan ko kahihingi ng sorry, hindi na mababalik ang dating ako. Sirang- sira na ako anak. And I want to start again, away from your dad's shadow. Please understand that I have to do this! That I have to divorce your father. That I did this for us."tumulo na ang luha ni mom. "For us? How could you say it's for us?.It's only for you? and for dad? Didn't you two get it, I don't want a broken family." Napalakas na ang boses ko, at hindi ko narin napigilan ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang aking kamay. "Were sorry anak. We really do. Hindi na kami pwede ng daddy mo. Hindi lang pag-ibig ang nawala sa amin. Pati na ang respeto at tiwala. Our relationship will never be healthy anymore. I hope you understand us, baby! "I wanted to understand mom! I wanted too." naiiyak kong sabi. Napakasakit ng nadarama ko ngayon. "But what about me? Ayaw kong mamili sa inyong dalawa. I love you both. I didn't say it before and I never try to show it because of selfishness. But I love you both. And I really do." mas lalong tumindi ang aking pag-iyak at napahagulhol na nga ako. Napahawak ako kung saan natapat ang puso ko. "Despite of everything that I been through now. Kahit galit ako pareho sa inyo ni daddy. Kahit dumadaan ako ngayon ng mga pambubully at panlalait. But it doesn't hide the fact that..... mahal na mahal ko parin kayo ni dad." Tumayo sya at lumapit sa akin. Niyakap nya ako. Hindi ko mapigilan mapahagulhol sa kanyang balikat. Hinaplos nya ang aking buhok. Napayakap na din ako sa kanya. So this is mother's hug! I didn't experience this before. I never thought na ngayon ko pa ito maranasan. Kung kailan malapit nang masira ang pamilya ko. Tama nga ang sabi nila. Nakakagaan ang yakap ng isang ina. "I know baby...I know...At alam ko na wala akong karapatan para hilingin sayo na sa akin ka sumama, dahil kailanman, hindi ako naging ina sayo." aniya. Nakatingin sya sa mga mata ko habang hinaplos ang aking mahabang medyo kulot na buhok. "But I just want to ask.... na sana bigyan mo ako ng chance na ipadama sayo na mahal na mahal kita. Kahit kunting panahon lang. Hayaan mong punan ko lahat ng pagkukulang ko sayo. Please! Kunting panahon lang anak! Sumama ka sa akin, anak." Napatitig lang ako sa mga nagsusumamong napakalungkot nyang mga mata. - - - "I going with my mom in New York. Aalis kami agad after this school year." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ito kay Haven. Magkasama kami ngayon papunta sa school canteen. Gragradwet na ako sa grade 12 at doon na ako magpapatuloy sa aking pag-aaral sa New York. Sa bandang huli, napagpasyahan ko na pagbigyan si mom. I barely know her and I want to know her more. Do you believe that in my 17 years living, ngayon ko lang nalaman na masarap pala magluto si mom. Funny? But it is true. I just found out na marami kaming pagkakapareho.....hindi sa pagluluto ha, dahil wala akong talent dun. And I can't waste this chance to be in touched with her. "Masaya ako na ok na kayo ng mommy mo. Are you planning of going back here? Or you planned to stay there in New York?" Huminto sya sa paglakad kaya huminto din ako. Napatingin ako sa kanya. Titig na titig sya sa akin. Hindi ko pinansin ang emosyon nasa kanyang mga mata dahil hindi ko naman din 'yon maintindihan. "I don't know! As of now, hindi ko pa 'yan iniisip." ngumiti ako sa kanya. "At dahil tatlong buwan nalang at graduation na natin, I realize that I want to spend that three months to my new found friend." "What do you mean?" "Haven Cristomo, can you be my friend?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Pwede din boyfriend!" nakangiti nyang sabi, sabay abot sa kamay ko. Lihim akong napaigtad dahil sa pagdaloy ng tila kuryente sa loob ng katawan ko nang nagpasing-abot ang mga kamay namin. Pinilit kong baliwalain ang nadarama ko na iyon. "Wag mo nang pangarapin ang ganyan level." natatawa kong sabi, saka bumitaw ako sa kanya. Hindi talaga ako komportable. Napatawa rin sya. "At oo nga pala! Titigilan ko na si Ethan." Nagningning ang kanyang mga mata. "Really?" Nakangiti akong tumango. But I smiled........secretly smiled mischievously!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD