(Alaina)
May taingang nakatago kahit sa pinakasulok ng dingding.
Walang sekreto na habang buhay maitatago.
Mabilis kumalat ang tsismis na kahit itanggi man ni dad, nandun parin ang ebidensya sa malaking kasalanan na kanyang nagawa.
Sa isa nga naman tulad nya na nasa pulitika, madaming kaibigan pati na kaaway, pati siguro paghinga nya binabantayan ng mga taong gusto syang pabagsakin.
And my dad is the one who made his way to his greatest downfall. Sya ang kusang gumawa ng kanyang hukay sa pagbagsak.
Kung sana nga lang isang tsismis ang lahat, isang panira lang sa reputasyon ni dad pero hindi! Hindi eh!
Totoong nakabuntis si dad ng isang 20 years old na estudyante. Matagal na pala silang may secret affair ng babae. Buti nalang hindi na lumalabas ang isa sa pinakakatagong sekreto nya. Ang pagkaroon nya ng anak na ilang taon lang na mas bata sa akin.
LIES and SECRETS, they are like cancers in the souls. They eat away what is good and leave only destruction behind.
Si mom, she is now filing a divorce. Madali lang naman tapusin ang kasal nila dahil sa ibang bansa naman sila ikinasal.
Masakit! Napakasakit!
Ang isang masayang kompletong pamilya na pinangarap ko mula pa noon, ay ngayon parang inilipad nalang ng hangin sa ulap, at kailan man, hindi ko na maaabot sapagkat napakalayo na nito.
Yes, they are together for 17 years in my life but I didn't remember any single moment that we are together as family. See, I realized that I don't have a complete family ever since.
I only have mom.
I only have dad.
And I can't call them my parents. Because they are practically strangers with each other.
My family scandal has become a gossip in the whole town. And it affected me so much especially at school. I become the punching bag of the harsh words that mean for dad.
Saka ko na realize na lahat ng mga magagandang bagay na nagawa nang isang tao ay matatabunan din ng isang pagkakamali sinadya man o hindi.
My dad is a good Mayor, marami syang nagawang proyekto na nakakabuti sa lugar namin.He is a businessman and a billionaire even before he entered politics. Kaya hindi questionable ang yaman meron kami. I even secretly heard him before that he is using his own money para sa mga nasalanta ng bagyo. Ganyan sya kapursiging tumulong. But lahat ng 'yon ay parang bula na agad nakalimutan ng lahat.
Many students had tried to bully me but hindi sila nagtagumpay. Palaban kaya ako. My family scandal doesn't give them the right to hurt me emotionally and physically. It doesn't give them the right to judge me as a student, a daughter, a woman and as a person. My parents mistakes doesn't justify of who the real "ME".
Pero hindi madaling lumaban lalo na't mag- isa lang ako at giyera ang sinuung ko. Pero hindi ko naman lubos akalain na may isang tao na sasamahan ako sa laban.
Ipinagtanggol ako kung hindi ko na kayang ipagtanggol ang aking sarili. Kahit ilang beses ko syang itinaboy, wala parin syang kadaladala nang tulad ngayon.....
"Hey cheer up!" napaangat ako ng mukha sa nagsasalita na si Haven.
Kanina pa sya nakaupo sa aking tabi, pero hindi ko sya pinapansin. Ngayon lang din naman sya nagsasalita. Nasa school park kami ngayon, magkatabi sa isang bench.
Lagi na syang nakasunod sa akin mula nang lumabas ang issue sa pamilya ko. Ipinagtanggol nya ako at sinusubukan patawanin.
"Can you leave me alone, Haven!" bulyaw ko sa kanyang sa mahinang boses. Baka marinig pa kami ng ibang estudyante na nandito.
"C'mon Alaina, I'm not here para makipag- away sayo. I am here as being your boyfriend!"
Nasasabi ko na ba kanina na sagad parin sya sa kapreskuhan at makapal parin ang kanyang mukha?
Pwes, sasabihin ko na ngayon. Ganun parin sya. At naiinis parin ako sa kanya.
"You're not my boyfriend! Itatak mo 'yan sa utak mo."
At nagawa pa talaga nyang ngumiti sa aking sinabi. Napakamanhid talaga nya! Kahit anong gawin ko hindi talaga nya ako titigilan.
Kaysa mas lalo pa akong mainis, ibinalik ko nalang ang aking pokus sa aking binabasa.
"Ok, I am here as your pretend boyfriend." giit na naman nya.
"You're not my pretend boyfriend, either!"
"How about your friend?!" pangungulit na naman nya. "Wait, anong libro 'yan binabasa mo? Mukhang interesting!"
"It's about witches and curses. I study this one, plano kasi kitang kulamin." diretso kong sabi na nagpatawa sa kanya. "And anyway, you're not even my friend so can you leave!"
"I am not your boyfriend, your pretend boyfriend and even your friend. How about the man that you want to ipakulam?"
Ang dali lang talaga para sa kanya na pakuluin ang dugo ko.
"Ano bang kailangan mo sa akin, huh?"
"Relax baka magka- wrinkles kapa. Nakakatanda ng maaga ang pagiging pikon."
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Hindi naman ako nandito para sirain ang araw mo. Gusto lang naman kitang patawanin kahit papaano. This past days, ang lungkot- lungkot ng mukha mo."
Tinaasan ko sya ng kilay.
"And so? Ano naman ang pakialam mo?"
"I don't know. Hindi lang siguro ako sanay. Kahit kasi nagmaldita ka lagi, I always see you fascinating."
Napaawang ang bibig ko sa narinig saka ako napailing. Hindi ako dapat magpadala sa kanyang matatamis na mga salita.
"Haven Cristomo, can you please get out of my sight!" hinaluan ko ng pakiusap ang galit kong boses. "Don't bother me anymore."
"You can share your pro----"
" At sino ka sa akala mo, Haven? Ayaw ko ngang pakipag- usap sayo ng kung ano't ano, 'yon problema ko pa kaya. You're not my friend at inis na inis ako sayo. At saka hindi mo naman maiintindihan ang lahat. Aside that you came from a perfect family, you don't even have a heart to have a symphaty on me. I don't want your symphaty either." I paused. I calmed my self.
"Hindi mo maintindihan ang lahat 'cause your parents are not filing a divorce like my parents do. Aside from that, you have siblings that you can talk with when you have problems. And me, I'm just me. Lost and alone. I wanted to shout to tell the whole world how f**k up my life is. God! Why do my perfect life is so unperfect? Everything is just....just scattered and I messed up. And I---" natutup ko ang aking bibig.
What the hell am I doing? I opened up to him?!
"Sometimes, you don't need someone to understand you. You need someone to listen your sentiments and respect your emotions. There is no perfect life. All of us fight different obstacle to this battlefield of life. Yes, I'm so blessed and thankful that I have a family that I can turn to all the time. But that....doesn't save me from the burden of life. May dinadala- dala din akong pasanin, hindi man kasing laki sayo, but it's enough for me to understand you, not your problem but your pain."
Nakatitig ako sa kanya habang nagsasalita sya. He's different! I saw a different him! And he's words really...touch my heart?
Napalunok ako nang hinaplos nya ang aking pisngi, habang nagkatitigan kami.
"Tama ka, hindi ako naaawa sayo. Dahil hindi mo 'yon kailangan. You're Alaina Velasquez, matatag at matapang, hindi kaawa- awa."
Tumigil na sya sa ginagawa nya pero nakatanga parin ako sa kanya. Hindi ko mahagilap ang aking salita. Sapol ang puso ko sa kanyang sinabi. I never thought I could hear those words from him.
"Come here! May pupuntahan tayo."
Tumayo sya at inilahad nya ang kamay sa akin.
"Where?"
"To the place where you can shout out loud. Walang makakarinig. Walang manghuhusga."
At iwan ko kung bakit hindi ko mapigilan ang hindi magpatianod sa kanya ngayon.
-
-
-
"I hate you mom and dad! What do you think your doing? Paano na ako?" malakas kong sigaw.
Dinala nya ako sa liblib na bahagi ng San Bartolome dito sa may bangin.Sabi nya pwede daw akong magsisigaw dito na ginawa ko naman.
"I hate and love you both the same time. Please settle this thing for me. Ayaw kong mamili sa inyo. Please! Please!"
Pinunasan ko ang aking mga luha saka ako humarap sa kanya uli na nakatayo sa 'di kalayuan.
"Are you ok now?"
"Pwede ko ba talagang isigaw lahat dito?" paniniguro ko.
"Oo naman. Anything. Promise, it's a secret between us. Walang makakaalam."
"Ok."
Humarap uli ako sa bangin saka sumigaw uli.
"Haven Cristomo, I hate you. Ikaw talaga ang kinaiinisan ko sa lahat ng lalaki sa mundo. Kung hindi lang kasalanan, matagal na kitang ipinakulam."
Walang preno kong sigaw. Tutal sabi nya, pwede kong isigaw lahat dito. Saka ako humarap uli sa kanya.
"Kailangan mo ba talagang iparinig sa akin 'yan?" nakangiti naman sya.
"Akala ko ba pwede kong isigaw dito lahat?"
"Fine. Sigaw kapa?"
Humarap ako uli sa bangin. Saka sumigaw na naman....
"Ethan Montalban, gustong- gusto talaga kita. Sana mapansin mo rin ako."
Humarap uli ako kay Haven. Titig na titig sya sa akin.
"Hindi mo naman kailangan saktan ng ganyan ang puso ko." malungkot nyang sabi.
Napanganga ako. Tama ba ang rinig ko?
Makokonsensya na sana ako nang bigla syang tumawa ng malakas.
"Got you!" natatawa nyang sabi.
Bweset! But I smile silently.
And that's the first time that I smiled because of him.
Lihim ko syang pinagmamasdan. I always knew that he is damn handsome. But he become more handsome now.
I can't believe that he's with me right now. Haven Cristomo, the last man on earth that I thought will be with me in my darkest hour.
He stayed when I thought everyone turn their back on me. He didn't left me kahit ilang beses ko syang pinatulakan paalis. He's with me.
My most hated man on earth is with me. I have my enemy at my side and he gave light to my dark way.
I maybe still lost right now, but I felt that I am not alone.
"Haven, pwede mo ba akong samahan?"
Napatigil sya sa pagtawa.
"Where?"
"To someone...."
"Someone who?"
Ang hilig talaga nyang mag-usisa.
"To my sister!"
"You have a sister? How come?" laking mata nya tanong.
"Sasamahan mo ba ako o hindi? Tsismoso talaga!"
"Fine. Hindi talaga ito marunong makiusap." parang makdol nyang sabi.
Napangiti ako and that's the second time I smiled because of him.
"You smiled!" puna nya.
"Ewan ko sayo." tinalikuran ko sya at nagpasiuna na ako sa paglakad sa kanya.
At gusto ko lang sabihin na habang naglalakad kami pabalik sa kotse nya, hindi nya ako tinitigilan hangga't sa hindi ako umaamin na ngumiti ako dahil sa kanya.
Ang kulit!