MIS 8

1218 Words
(Alaina) Galit na galit ako nang umuwi sa bahay namin ngayon. Kailan man hindi ko makakalimutan ang nangyaring kahihiyan sa akin kanina. At dahil iyon kay Haven Cristomo. Gaganti ako sa kanya. Humanda sya sa akin. Sa galit ko ngayon kaya napagalitan ko ang driver na sumundo sa akin kanina. At mas lalong tumindi ang madalas na pagsusungit ko sa aming mga katulong. "Good evening ma'am!" bati ng katulong sa akin. "Bweset! Wag kang humarang- harang sa akin." galit na bulyaw ko sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nyang pag- alis sa aking harapan. 'Yong ibang katulong naman namin ay pasimpleng nagtago. Halata ang takot sa kanilang mga mata. "Bweset ka Haven Cristomo! Pinahiya mo ako. Talagang kampon ka ng kadiliman. You're going to pay this. Sana hindi ka patatahimik ng konsensya mo. Kung meron ka nga nung! Bweset!" Sa galit ko, parang gusto kong magbasag ng gamit. Kinuha ko ang flower vase na nasa center table sa malawak na sala namin. Ibabato ko sana 'to pero naalala ko na ito pala 'yong flower vase na dala ni mommy galing sa Europe at nagkakahalaga daw ito ng ilang milyon. Kaya ibinalik ko ito mula sa kung saan ko ito kinuha. Pinalinga- linga ko ang aking mga mata, kailangan kong magbasag ng gamit. Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang frustration. Shit! Bakit ba ang yaman namin? Wala tuloy akong pwedeng basagin dito sa bahay namin? Wala akong nagawa kundi ang padabog na pumanhik sa itaas na bahagi ng mansyon kung saan nandun ang aking mala- prinsessang kwarto. 'Yon mga mamahalin ko nalang na gamit ang babasagin ko. Tutal sa akin naman ang mga iyon. Napatigil ako sa aking paghakbang nang nakarinig ako nang pagkabasag sa loob ng opisina ni daddy dito sa mansyon namin. Humakbang ako palapit sa pinto. At tama nga ako, nag- away na naman sila ni mommy. Lagi na silang nag- aaway mula pa noon. But these past days, araw- araw na silang nag- aaway. Minsan nahiling ko na sana umalis nalang uli si mommy papunta sa ibang bansa para maging peaceful uli itong bahay namin. Lagi nga syang nandito, pero lagi naman nyang inaaway si daddy. Aalis na sana ako nang--- "Walang hiya ka! At talagang 20 years old pa ang babae mo at binuntis mo pa." What? "Hindi ko nga sinasadyang mabuntis sya." galit din si daddy. "So sasabihin mo na naman sa akin na aksidente ang nangyari, tulad noon. Ano 'yan? Nasagasaan 'yong mga kabit mo sa rumaragasa mong t**i?" "Can you please, shut up! Kaya ako nagkaganito dahil sayo. Dahil dyan sa--" "Ano? Ako pa talaga ang sinisisi mo sa kawalang kwentang asawa mo." parang umiiyak na si mommy kahit galit sya. "You promised to me. Nangako tayo sa harap ng altar na aalagaan at hindi sasaktan ang isa't- isa. Pero, anong ginawa mo? Dalawang taon pa nga tayong kasal pero binuntis mo ang kabit mo. Hindi mo man lang naisip si Alaina." Napahagulhol na si mommy. "Sa tingin mo, ano ang mararamdaman ni Alaina pag malaman nya na meron syang kapatid na babae na dalagita narin at ngayon magkakaroon na naman sya uli. At sa malas, hindi na nga galing sa akin, galing pa sa iba't- ibang kabit mo." What? That's it! Agad kong binuksan ang pinto. Agad naman napatingin ang mommy at daddy ko sa kung sino ang dumating. At namutla sila pareho nang nakita ako. "A-Alaina baby, k- kanina kapa dyan?" tanong ni Mommy. "Long enough to hear almost everything." Pinigilan ko ang pagbagsakan ng aking mga luha. Pinatigas ko ang titig ko sa kanila. "Baby--please tell me---" "It is true dad? Is it true that you cheated on mom not once but many times? It is true that I have a sister? And I'm going to have another sibling? It is true dad?" Pagtatanong ko sa kanya sa mababang tono pero nandun ang pagdaramdam. "Baby, I'm sorry I didn't mean to---" "Which part that you don't mean? You don't mean to cheat mom? Or you don't mean to got your mistress pregnant? Which part dad?" napataas na ang boses ko. Nanubig na ang mga mata ko. "Cause I believe that cheating is always your choice. So don't tell it to my beautiful face that you didn't mean it. Cause you do!You meant it, dad! You mean to hurt mom! You mean to hurt me! How could you do this to us? How could you?!" Sunod- sunod na sumbat ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa sobrang sama ng loob ko sa kanya. Napanganga si dad sa aking sinabi. Siguro hindi nya napaghandaan ang panunumbat ko. "A- Alaina please makinig k---" "I thought I was the one. I thought I am your one and only princess. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may kapatid pala ako? Bakit dad? "I wanted to protect you baby. I don't want you to be hurt. Alam kong masasaktan kalang pag malaman mo na may kapatid ka sa ibang babae. Ayaw kong saktan ka, baby! "But you did, dad. You did! You did! And you did it again this time." Napailing- iling ako. Tinigasan ko ang titig ko sa kanya kahit puno na ng luha ang aking mga mata. Si mommy naman ay patuloy lang sa pag- iyak. "Alaina please---" Humakbang si dad palapit sa akin. "No!" Umatras ako, kaya napahinto sya sa akmang paglapit sa akin. "Don't you come near me dad! Cause I hate you! I hate you damn much!" Parang nanigas si dad sa aking sinabi. "Alaina---" si mom. Humakbang din sya palapit sa akin. "You too mom! I hate you both." Huling sinabi ko saka patakbo ko silang nilayasan. Nang nakarating na ako sa aking kwarto, agad akong nagwala. Pinagbabato ko lahat ng mahawakan ng kamay ko. Habang iyak na iyak ako. Sakit, galit at pagkabigo ang nadarama ko ngayon. Paano ang napakabait at respetado kong mayor na ama nakagawa ng isang bagay na ganito? All my life, I always thought that my mom is the only one who hurt me. Shopping at vacation lang naman ang rason nya kaya lagi syang wala. While dad is busy with his political duty, I understand him, I admired him. God! I felt betrayed! I hated mom and I admired my f*****g cheater father. If he didn't cheated mom, hindi sana ako napabayaan anak ngayon. A kind daughter of who always thirsty of motherly affection and attention. Shit this life! f**k this life! I felt the world is turning their back on me. Napaupo ako sa aking kama. At sandali kong nahilamos ang aking palad sa aking mukha. I felt lost. I felt alone. I felt I have everything and have nothing at the same time. This is crazy. Naibato ko ang cellphone ko sa dingding. At saktong nabasag iyon. Shit! I felt so miserable. Tumayo ako. Napatingin ako sa aking sarili sa aking malaking vanity mirror. Ako ba itong nakita ko? Why I am not worthy to call myself perfect right now? It is because that my life is not perfect or it is because of my looks right now? Messy hair and swollen face. I am..... I'm so messed up. Bweset! Binato ko ng flower vase and vanity mirror, saktong nabasag iyon. At napahagulhol uli ako na napaupo sa gilid ng aking kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD