MIS 7

1472 Words
(Alaina) Maganda ang mood ko. Ngayon araw na 'to ay malalaman na ng lahat kung sino talaga ang tunay na nagmamay- ari kay Ethan Montalban. At sino ba ang tunay na nagmamay- ari ng "Honey" ko? Syempre ako lang naman. Honey ko nga, diba! Ang lapad ng ngiti ko habang papasok sa loob ng school gym. Pero napalis ang ngiti ko sa bumungad sa akin. - - - "What is this?" halos hysterical kong tanong sa mga kaibigan ko na sina Katerina at Christy. Bukas na ang interschool competition at ngayon araw na 'to ang huling practice ng basketball team ng aming school. At sa araw na 'to ang plano ko na ipaalam sa lahat na akin lang si Ethan. Gumasto pa talaga ako ng malaki para sa araw na 'to. Nagpagawa ako ng isang napakalaking tarpaulin at maraming fliers. Nagbayad din ako ng maraming estudyante. At plastik ko din kinakaibigan 'yong hindi ko kayang bayaran. Napili ko kasi na ipaalam na sa lahat na akin talaga si Ethan. This past days kasi ay nahalata ko na mas lalo nya akong iniiwasan. At nasaktan ako sa ginawa nya. Pero dahil sadyang may pagka- "b***h" ako minsan kaya heto na nga, diba. Sa kabila ng sakit na aking nadarama, ay hindi ko rin mapigilan ang makadama ng sobrang inis. At iyon ay dahil kay Haven Cristomo. Kung gaano kasi ako iniiwasan ni Ethan, ganun din ka feeling close sa akin si Haven. Akala ko pa naman titigilan na nya ako pagkatapos kong gumawa ng nakakahiyang kwento tungkol sa family history ko. I can't believe that I am dragging my family's name para tigilan lang ako ng bastos na si Haven, pero wala parin epekto iyon sa kanya. Saka ko lang napatunayan, hindi nga matino ang Haven na 'yon. Back to why I am so furiously mad right now. Iba kasi ang bumungad sa akin pagpasok ko dito sa gym. Imbes kasi loveteam namin ni Ethan ang nakasulat sa mga fliers, ay loveteam namin ni Haven ang nakapalood dun. At 'yon tarpaulin na pinagawa ko, hindi mukha namin dalawa ni Ethan ang nandoon, kundi mukha namin ni Haven. At may nakasulat pa na "Alaina Love Haven." At sadyang inuna pag isulat ang aking pangalan na parang ako ay malaking pagkakagusto sa impaktong si Haven. At 'yong mga binabayaran ko at mga kinaibigan ko raw, sila pa ang may hawak ng tarpaulin na 'yon. Kumukulo na ang dugo ko at tila umuusok na ang ilong ko sa sobrang galit. I silently wish to transform into a dragon for a while, para mabugahan ko sila ng apoy. "I'm sorry friend----" si Katerina. "Mas marami kasing pera si Haven kaysa sayo." "At saka tinulungan din sya ng mga pinsan nya--" si Christy. "Alam mo naman irresistible silang lahat lalo na ang mahal kong si Steven." At nagawa pa talagang kiligin ng impakta. "Oo nga! That's why were sorry kung sumakabilang panig muna kami." "What? Baka gusto nyong sumakabilang buhay nalang. Gusto nyo?" Pananakot ko sa mga gaga. Na mukhang natakot naman. "Makinig ka muna sa explanation namin." si Christy. "Nung isang araw kasi, niyaya ako ni Steven ng lunch, isinama nya 'yon crush ni Katerina na si Caleb. At hindi namin sila kayang e-resist kaya nasabi namin ang plano mo." "Tapos lumapit sa amin sina Tristan at Hayden. Nilibre kami ni Tristan.Tapos si Hayden nginitian kami. Ang swerte namin talaga, isa kami sa mga maswerteng babae na nginitian ni Hayden. At makalaglag panty nga naman talaga ang mamahaling nyang ngiti, kaya 'yon na, tuluyan ng nawala ang aming depensa. Nakapangako kami sa kanila ng suporta ngayon." si Katerina. What? Pinagtaksilan ako ng mga pangit kong kaibigan dahil lang sa mga guapo. Oo. Medyo pangit pa sila noon. Pero ngayon, dahil sa ginawa nila sa akin, kaya ubod na sila ng pangit. Hindi ako mapanglait na tao, sadyang honest lang ako. At mataas talaga ang pamantasan ko sa kagandahan. Ang ganda ko kaya! "Don't be furious my friend. Kasi sabi sa amin ni Haven, kung makalaglag panty ang kaguapuhan ni Ethan. Sya naman daw, marami nang nahubad na panty. 'Yon iba pa nga kusa ng hinubad ang panty sa harapan nya." si Katerina. Nakakadiri talaga kahit kailan si Haven. Bakit kaya hindi nalang magsuot ng panty ang Haven na 'yon? Bigyan ko pa sya! "Ang swerte mo girl! Lagi mong isuot 'yon branded mong panties, huh. Hindi kasi natin alam kung kailan kayo maghubaran ni Haven. At gumamit karin ng feminine wash lagi kasi sabi nya ang favorite daw nyang ulam ay tahong." Nagbungisngisan muna ang dalawa bago sila pumanhik papunta sa fans daw namin ni Haven. Nag- init ang pisngi ko sa green jokes ng mga Ex- beshy ko na. Bweset! "Girls!" sigaw ko sa kanila. Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa dalawang taksil na kaibigan. I can't believe it na nagawa nila akong pagtaksilan dahil lang sa makalaglag panty na ngiti ni Hayden. Kung huhubaran ko kaya sila ng panty sa harapan ng lahat, tapos tutusukin ko 'yon tahong nila, para magtanda. Halos maghiyawan ang lahat ng pumasok ang anim na magpipinsan. At aaminin ko, walang itulak kabigin ang kaguapuhan ng mga ito. Pero para sa akin, si Ethan ang pinakaguapo sa anim, dahil sya ang gusto ko. Pero ngayon, hindi kay Ethan nakapokus ang paningin ko kundi sa masamang elemento na nakangiti palapit sa akin at may dala na bouquet of white roses. "1, 2, 3.... Go!" Narinig ko na malakas na sambit ni Christy. Saka umalingawngaw ang malakas na hiyawan ng fans club na binuo ko pero nagtaksil sa akin. At hindi ko nagustuhan ang aking narinig. "Alaina and Haven! Alaina and Haven!" Para akong masusuka sa aking narinig. Ang bantot talaga ng pangalan ko pag itapat sa pangalan ni Haven. Kasing bantot ng nadarama ko ngayon. "Flowers for you, babe!" Agad na ibinigay sa akin ni Haven ang bulaklak nyang dala nang nakalapit na sya sa akin. "I ha---" "Wag mo akong ipahiya kung ayaw mong halikan kita sa labi sa harapan nila." bulong na pananakot nya sa akin. At natakot naman ako. Yucks! Ayaw ko nang maranasan na mahalikan nya uli. Napatingin ako sa mga pinsan nya. Nababasa ko sa mga mata nila na trouble ang susuuing ko pag ipahiya ko itong pinsan nila na kampon ng kadiliman. Trouble talaga silang anim sa buhay ko. Correction! Lima lang pala. Minus pala si Ethan. Sya lang ang mabait sa kanila at gentleman. Labag sa loob na tinanggap ko ang bulaklak na ibinigay ni Haven sa akin. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang nakita ko ang malapad nyang ngiti. Bakit naging guapo bigla ang hudas na 'to sa aking paningin. At bakit ngayon ko lang napansin ang biloy nya sa magkabilang pisngi? Mas dagdag yata ito sa karisma nya. Mariin kong ipiniling ang aking ulo. No! Hindi guapo ang Haven na 'to. Hindi sya guapo. Dapat iyon ang itanim ko sa aking isip. "Alaina Cristomo!" may sumigaw nung na mas lalong ikinagalit ko. Ang bantot na nga ng Alaina at Haven. Alaina Cristomo pa kaya?! "I hate you Haven!" bulong ko sa kanya. "Patigilin mo ang mga kampon mo." "FYI, hindi ko sila kampon, mga kampon mo sila. Diba, membro sila ng fans club na binuo mo para sa ating dalawa." Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Kaya lang hindi ako makapagreact dahil natatakot ako na baka halikan nga nya ako. Masama pa naman syang damo. "Alaina at Haven." sigawan parin ng mga mukhang pera. Binayaran ko na nga, tapos tumanggap din ng pera mula sa Haven na 'to. "Magkano ba ang ibinayad mo at bumalimbing sa akin ang mga iyan?" "Anong ibinayad? Ni isang sentimo, wala akong inilabas. Kinidhatan ko lang ang mga iyan na naka topless." Bulong- bulungan namin. Ang landi talaga ng impakto. "Pwede ko din gawin 'yan sayo. Libre lang!" Umakbay sa akin ang masamang damo habang pakaway- kaway sa fans daw namin. Bakit ba naman kasi ako ipinanganak na hindi 100% na salbahi? Matagal na sana itong nakipagmeet and greet si Haven kay San Pedro. God! Gusto ko na yata syang patayin. "Bitawan mo---" "Be good to me, babe! Gusto mo yatang halikan kita." Wala na naman akong nagawa kundi ang lihim na mag ngitngit. "Magbabayad ka Haven. Hintayin ko ang ganti ko sayo." Pananakot ko sa kanya. Pero ngumisi lang sya. "Palakpakan naman natin sina Alaina at Haven. Mula ngayon mag-on na silang dalawa." si Steven na umakyat pa talaga sa stage na bahagi, naka mic pa. Mag-on? Parang gusto din yata ni Steven na makaharap si San Pedro. Nagpalakpakan naman ang mga u***g- uto na mukhang pera. Kaya umuusok na ako sa sobrang galit ngayon. "Kiss! Kiss!" hiyaw ng mga balimbing na nilalang. Wag lang magkamali ang Haven na 'to at tuluyan ko na talaga syang patayin sa harapan ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD