MIS 1

1359 Words
(Alaina) I am Alaina Velasquez, a beautiful, spoil brat, mean heiress of a rich business man, na mayor din dito sa San Bartolome. I am a only child of my parents. Para sa aking perfect ako kaya dapat lang na kainggitan ako ng nakakarami. Sino naman kasi hindi maiingit sa tulad kong hindi lang biniyayaan ng perpektong kagandahan, anak mayaman pa at....basta, perpect ako. Halos napalingon sa akin ang lahat ng pumasok ako sa malaking main gate ng EIS. Dito na ako nag- aaral ngayon. Isa akong transferee dito. Ang bakit napalingon sila? Sino ang hindi mapalingon kung isang diyosa na bumaba sa lupa ang makikita mo. At sino ang diyosa na tinutukoy ko? Hello! Syempre ako. "Hi Ethan!" Nakangiti kong bati kay Ethan umagang- umaga. Sadyang maaga akong gumigising araw- araw. Plano ko kasing magpa- impress kay Ethan. Membro sya ng CAT, at bawat umaga ang mga ito ang nagbabantay sa gate ng aming school. Though, I have all the time in the day to lure him because we're classmates but I don't want to waste any single opportunity that I have. Baka masalisihan pa ako ng iba. Marami pa naman magnanakaw na nakakapaligid sa kanya. Halos iginugul ko ang akin isang oras sa pagpapaganda bago pumunta dito sa school. Ayaw kong may makita si Ethan na pangit sa aking pagmumukha. Though, alam ko naman na perpekto talaga ako. At age of 17, I already have a perfect body. Perfect boobs and curves in right places. Malaporselana din ang aking balat, at may katangkaran ako kumpara sa mga babaeng kaedaran ko. I also have a smooth and delicate skin. Sasabihin ko uli na maganda ako at hindi lang ako ang nagsasabi 'yan, marami kami. Thanks to my totally gorgeous parents. "Hi, Alaina!" Walang emosyong ang mga mata ni Ethan na nakatingin sa akin. Palinga- linga ang kanyang mga mata sa buong paligid na para bang may hinahanap. But I don't care. Ayaw ko parin umalis sa harapan nya. Alam ko naman na kahit marami kaming nagpapansin kay Ethan, isang babae lang talaga ang tunay kong karibal. Si Alisson Vermudez lang. Well, hindi naman ako natakot sa presensya ni Alisson. Wala naman kaka- insecure sa kanya. Sa hindi naman pagmamayabang, sa tingin ko, mas maganda ako sa kanya ng maraming beses. We're both in Grade 12 and this is just my 1st year here in EIS. I transfered here because of Ethan. Paano ko nga ba nakilala si Ethan Montalban? Nasa isang sikat na private school talaga ako sa Manila nag- aaral. Naligaw lang si Ethan doon nang kinurunahan ang ate nya bilang campus sweetheart. Natapilok ako nung, and he carried me in bridal style para dalhin sa school clinic. Isang superhero ang tingin ko sa kanya ng mga sandaling iyon. At dahil sa pera at impluwensya, napag- alaman ko kung saan sya nag- aaral and I followed him. Kung alam ko lang na nandito pala sa probinsya namin ang lalaking magpapatibok sa aking puso, sana pumayag nalang ako kay daddy nung nang dito nya ako gustong pagpapaaralin. Hindi sana ako naunahan at nasingitan ni Alisson. Pero, marami pang pagkakataon. Destiny brought us together at hindi ko sasayangin ang ginawa ng tadhana para sa aming dalawa ni Ethan. "Hi babe, ayaw mo bang mag- good morning sa akin? Nakangising sabi ng impakto na nasa tabi ni Ethan, membro din ito ng CAT. Ang lalaki talagang ito ang panira ng aking araw at ng aking magandang mood. Pakialamero kasi ito, at sa tingin ko sinisira nya ang pagpapa- cute ko kay Ethan. At madali lang sa kanya na sirain ang aking buong araw dahil, sad to say, kaklasi ko rin sya. Sya pa ang pinakamatalino sa buong klasi namin. At sino ba ang tinutukoy ko? Si Haven Cristomo lang naman. Pinsan buo ni Ethan at bestfriend narin ng huli. He is my most hated human being. 'Yon kung tao nga ba sya at hindi isang impakto. "May tipaklong pala dito. Hindi ko napansin." pairap na parinig ko sa kanya habang nasa kay Ethan parin nakatingin ang aking magagandang mga mata. Inis pa inis pa naman ako sa isipin na ang lakas ng loob nya para tawagin akong 'Babe'. Binabaliwala ko nalang kasi hindi naman nya ako titigilan, kahit maglupasay pa ako sa kakaiyak wag lang nya akong tawagin babe. Which is hindi ko gagawin. "Tipaklong? Where? Don't worry babe, nandito lang ako. Hindi ko hahayaan na may dadapo sayo na kahit ano." Inabot nya ang isang pamaypay mula sa kasama at pinaypayan nya ako. Alam ko naman na ginu- goodtime nya lang ako, kaya mas lalo akong nainis. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisihan lang nya ako. Uminit tuloy ang ulo ko sa kanya. " Pwede ba Haven, wag ka ngang lapit na lapit sa akin. At wag kang manggulo sa amin ni Ethan". Pagalit na sabi ko sa kanya, saka ako bumaling uli kay Ethan "Ah, Ethan, pawisan ang mukha mo. Gusto mo punasan ko 'yang pawis mo." nilambingan ko ang aking boses. "Salamat Alaina. Sige, maiwan na kita." Humakbang si Ethan palayo sa akin. May nakita kasi syang impakta at nilapitan nya ito. Kaya nagngitngit ang loob ko. "Ano ba?" bulyaw ko kay Haven nang hinarangan nya ako sa akmang pagsunod ko kay Ethan. "Babe, pawisan din ang guapo kong mukha, dahil sa pinaypayan nga kita. Ayaw mo bang punasan ang pawis ko?" Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kasama nya. "Kawawa naman ang boss Haven namin, Alaina. Tignan mo pawis na pawis." Ani ng isa sa kasama nya. "C'mon, don't be shy, babe! Minsan ko lang ini- offer ang sarili ko. Grab the chance! Ikaw din, baka magbago pa ang isip ko." Umuusok na yata ako sa galit nang kinidhatan pa nya ako. Nakakagigil sya! Kapal talaga ng mukha! Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis nang napatingin ako sa bungad nina Ethan at Alisson. Masaya pang nagtatawanan ang dalawa. Aaminin ko man o hindi, pero nagseselos talaga ako. Bakit ba napakalambing ni Ethan kay Alisson at napakalamig nya sa akin? Hindi kaya si Haven ang dahilan? Baka may gusto si Haven sa akin at pinagbawalan nya si Ethan na makipaglapit sa akin? Sa isipin na 'yon, isang nakakamatay na tingin ang pinakawalan ko kay Haven, na ngayon matamis na nakangiti sa grupo ng mga babae na kumakaway pa sa kanya. Kung nakakamatay lang sana ang titig, matagal na sanang syang bumulagta. "Hey babe, ang sama naman yata ng titig mo sa akin. Wag ka nang magselos. Sa iyo lang ang alindog ko." What? Selos?! Napakunot- noo ako, hanggang sa na- gets ko ang ipinupunto nya. God! Baliw talaga sya. "Excuse me Haven, hindi ako nagseselos. Mas masaya ako kung doon kana sa kanila. Wala akong pakialam!" Tumaas ang isang sulok ng labi nya na para bang hindi naniniwala sa aking sinabi. Humugot muna ako ng maraming hangin. Kailangan ko nang maitanong sa kanya ang bumabagabag sa isip ko, bago pa nya ako pag- isipan ng masama. "Magkaalaman nga tayong dalawa Haven, may gusto kaba sa akin, kaya ayaw mong mapalapit ako kay Ethan? Pinagbawalan at pinagbantaan mo ba si Ethan?" Diretso kong tanong. Ito lang talaga ang nakita kong rason kung bakit iniiwasan ako ni Ethan. Sa ganda ko na 'to! Napatawa sya ng malakas sa aking sinabi. Maya't maya lang tumigil sya sa katatawa, at mariin na tinititigan ang aking mukha. Saka tumawa na naman sya uli. Sumabay pa ang mga kasama nya. Nag- init ang mukha ko sa pagkapahiya. Para bang iniisulto nya ang aking magandang mukha pati ng mga kasama nya. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya at sa mga kasama nya. "I hate you Haven! I hate you, Haven Cristomo!" galit na bulyaw ko sa kanya. Saka bumaling ako sa tatlo nyang kasama. "Kayong tatlo, ipakukulong ko kayo. " pinagtuturo ko ang mga ito, saka si Haven naman ang hinarap ko. "At ikaw Haven, ipalethal injection kita." Parang bata kong pagkakasabi dahil sa sobrang galit ko sa kanila lalo't lalo na kay Haven Cristomo. "I can't wait, babe!" That's it! I back out. "Ingat babe, baka matapilok ka sa kaiisip sa akin." pahabol nya. Shit! Muntik nga akong natapilok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD