MIS 2

2032 Words
(Alaina) - "I now pronounce you legally married partners in heart and mine, in body and soul, in love and life, till death do us part" nakangiting sabi ng pare ng nagkakasal sa amin ni Ethan. " The groom may now kiss the bride." Humarap ako kay Ethan. Excited na ako sa pagharap nya sa akin. Hindi ako makapaniwala na ikinasal na kaming dalawa ngayon. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang unting- unti syang humarap sa akin. Parang syang nag- slow motion. Tinamisan ko ang aking ngiti. This is it! Ito na ang pinakahihintay kong moment namin ni Ethan pero.... Napalis ang aking ngiti. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. No! Bakit sya? No! This can't be! "Hi, babe!" ngumisi sya. No! Hindi ko ito matanggap. Hindi sya ang pinakasalan ko. No! Someone! Please someone wake me up from this nightmare! Isa lang itong bangungot. Hindi ito totoo. "This is real babe! You're my wife, now!" No! Someone please--- NO! Napabalikwas ako ng bango. Habol ko ang aking paghinga. Naninikip ang aking dibdib. Pawis na pawis rin ako. Kinalma ko ang aking sarili. Parang nanunuyo ang aking lalamunan. Agad kong ininom ang bottle water na inihanda ko kanina. Alam ko na madalas akong managinip. Pero hindi panaginip ang nangyari sa akin kanina. Binangungot ako. Isang napakasamang bangungot! Kinalma ko uli ang aking sarili. Dapat hindi ko iisipin ang napakasamang bangungot na 'yon, kasama ang isang masamang elemento. God! Kahit sa bangungot binibisita nya ako. Panira talaga sya ng moment namin ni Ethan. Nahiga ako uli na parang walang nangyaring bangungot sa akin. - - - Ang ganda ng mood ko habang naglalakad sa aming paaralan. Halos napalingon sa aking ang lahat. Alam akong mas lalong tumingkad ang aking ganda sa suot ko ngayon mini-skirt at backless signature dress. Today is the 1st day of the Intramurals celebration in our school. Gone with the school uniforms. Kanyang- kanya pabongga ang mga estudyante sa kanilang mga suot. And since our school is a school of the rich, kaya parang fashion show ang paaralan namin ngayon ng mga signature dresses. Agad na nalihis na parang dinaanan ng hangin ang mga estudyanteng nag- umpukan ng dumaan ang diyosa. At sino ang diyosa na tinutukoy ko? Syempre, ako lang naman. Bumabati sa akin ang iba kong nadaanang estudyante, ang iba naman napaismid. Nakaka- insecure naman talaga kasi ang aking beauty. Maganda ang mood ko ngayon. Ngayon araw na 'to ay ikakasal kami ni Ethan. Magiging Mrs. Alaina Montalban na ako sa araw na 'to. At least in our school marriage booth. Pero, pasasaan ba at doon din kami patungo. Napalis ang ngiti ko nang may isang masamang elemento na humarang sa akin. Nakasuot sya ng CAT uniform. At never kong sasang- ayunan ang sinasabi ng isip ko na bagay sa kanya ang kanyang suot at mas lalo syang naging guapo. Dahil kailanman, hindi sya magiging guapo sa paningin ko. "Hi Babe! Napaginipan mo ba ako kagabi kaya ang saya mo ngayon?" Nakangisi nyang tanong. Pinigilan ko ang mapaismid. Wala ako sa mood na patulan sya. Dapat hindi ako magpahila sa mga negative energy. At hindi ko hahayaan na masira ang maganda kong mood sa may dala nung. God! Sumagi sa isip ko ang napakasama kong bangungot na kasama sya. Ipiniling ko ang aking ulo. Isa lang 'yon bangungot. Sabi ng mga matatanda, kabaliktaran daw ang mangyayari sa panaginip sa katotohanan. Panaginip parin 'yong sa aming kahit isa iyong napakasamang bangungot. Hindi ko dapat isipin iyon. Dapat akong magpokus sa mga pwedeng magandang mangyari sa akin ngayon. "You could say that!" pinilit kong ngumiti sa kanya. After all, baka magiging pinsan ko narin sya. Saka ko sya nilampasan. - Habang medyo napanganga naman si Haven habang nasundan ng tingin si Alaina. Anong nakain nito at hindi sya sinusungitan? Ang weird nito ngayon. Pangiti- pangiti pa na parang baliw. Pati ang paghagod nya ng tingin dito ay hindi pinuna nito. At wala din itong pakialam ng nae- paste nya ang kanyang mga mata sa cleavage nito. Akala nya sandamakmak na naman mura at masasakit na salita ang maririnig nya mula dito, pero nginitian pa sya nito. Si Alaina ba talaga 'yon? - - - (Back to Alaina POV) "Boys, basta ha! Si Ethan Montalban ang hulihin nyo and don't tell him na ako ang nag-utos sa inyo." Ani ko sa dalawang lalaki na membro rin ng CAT. Ang mga ito ang humuhuli sa mga ikakasal sa marriage booth. Agad kong ibinigay sa kanila ang dalawang libo. Mabuti nalang at medyo hindi sila gaanong mayaman, kaya nagawa ko silang bayaran. Agad naman silang umalis. "Bilib na talaga kami sayo girl, ang talino mo talaga pagdating kay Ethan." Ani ng kaibigan kong si Christy. "Ok nga! Ikaw na talaga girl." Ani naman ni Katerina. Sila ang aking mga kaibigan since 1st year high school. Nung nagtransfer ako dito sa EIS, sumunod din sila sa akin dito. Kaya lang, hindi ko sila nagiging kaklasi, kasi hindi sila kasing talino ko. Ang lapad ng ngiti ko. I can't wait na maikasal ako kay Ethan ngayon. Inihanda ko ang aking camera. Inuutusan ko ang aking mga kaibigan na kukunan nila ng video na palihim ang kasal namin ni Ethan. Of course, I will upload it sa page namin ni Ethan, ang Alaina and Ethan Love Team. Karamihan sa mga followers ko at membro ng Alaina and Ethan Love Team Fans Club ay mga binayaran ko. Perks of being a heiress. Money can do almost everything talaga. "Ito na ang camera ko girls...Basta ha, wag kayong magpakita na kinunan nyo kami ng video. Baka masyado ng halata na ako talaga ang may gawa ng page namin ni Ethan." Plano kong e- tag si Ethan sa wedding video namin. "Ok." sabay sambit at tango ang dalawa. I smiled mischievously. - "Bakit nyo ba ako hinuhuli, bitawan nyo nga ako. Ayaw kong makasal." nagpupumiglas ako. Ginalingan ko masyado ang aking akting para hindi masyadong halata na binayaran ko lang itong dalawang lalaki na humuhuli sa akin. Mabuti nalang talaga, hindi lang ako maganda, napakatalented ko din. Isa talaga akong perpektong tao. Nagkunkunwari ako na walang alam at napatulala pa raw ako ng nakita ko si Ethan sa harap ng altar na naghihintay sa akin. Actually hindi lang naman sya ang nakita ko. Kasama din nya ang mga pinsan nya. Puro membro ng CAT ang mga ito. Si Steven ay nakasuot ng kasuutan na parang isang pare, habang parang assistant naman nya sina Tristan at si Caleb. Pero napaismid ako nang nakatingin kay Caleb. May nakakapit kasing mga babae sa magkabilang braso nya. Masyado naman yatang makasalanan ang sacristan na 'to. Habang nasa gilid lang sina Haven at Hayden. At hindi ko alam kung ano ang papel nila sa kasalan ito. Ibinalik ko ang aking pansin sa ngayon nakangiting si Ethan. Napalunok ako habang naglalakad sa ngayon ini- imagine kong aisle. May narinig akong kumanta na hindi ko alam kung sino sa awitin na "Hindi kita malilimutan", habang naglalakad ako palapit kay Ethan. Ang lakas ng t*bok ng aking puso ng kinidhatan pa ako ni Ethan. Hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Nakagat ko ang aking labi at naipikit ko ang aking mga mata, dahil sa sobrang kilig, habang inilahad ko ang aking kamay kay Ethan. Pinigilan ko ang aking sarili na mapalundag sa sobrang kilig na aking nadarama. Nang tuluyan nang hinawakan ni Ethan ang aking kamay ay naramdaman ko agad ang paggapang ng bultahi ng kuryente sa loob ng aking magandang katawan. Ang lambot naman ng kamay ni Ethan. Ang sarap pala sa pakiramdam na hawak- hawak nya ang aking kamay. It so good to be true. "You can open your eyes now, babe!" Agad kong naibuka ang aking mga mata nang narinig ang nakakainis na boses na 'yon. At ang nakangising mukha ni Haven ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa aking kamay na hawak- hawak nya. Para akong napapaso na agad ko 'yon hinila. Nagtatawanan naman ang mga pinsan nya. "What is this all about?" umusbong na ang galit ko. Ang sinabi ko kanina na dapat hindi ako magpadala sa mga negative energy ay binawi ko na. "Ethan, what is this?" Nasa gilid na si Ethan, katabi si Hayden. "Sorry Alaina, pero ikinasal na kasi ako kanina. May asawa na kasi ako." paliwanag ni Ethan na mas lalong nagpa-inis sa akin. "Diba, isang kasalanan kong magpakasal ako uli, gayun may asawa na ako." "Then, bakit mo ako pinaasa at hinintay mo pa talaga ako dito kanina." "Best man kasi ako." Parang gusto kong magsisigaw sa sobrang inis. Parang pinaglalaruan lang nila ako. "Alaina babe, wag ka ng pakipot. Alam ko naman matagal mo na itong pangarap na maikasal sa akin. Kaya nga napaginipan mo ako kagabi." Napabaling ako sa nakangising si Haven. Sobra talaga nakakainis ang kanyang napakaguapong pagmumukha lalo na kung nakangisi sya. Hindi lang sya saksakan ng kapreskuhan, napakamaniac din nya at makapal ang mukha. Hindi ko talaga lubos maisip na nakalikha talaga ng ganitong klasing nilalang ang panginoon. "Manigas ka Haven. Pero, hindi ako magpapakasal sayo." Galit kong sabi. Pero nakangisi lang talaga sya. Manhid ba ang lalaking ito? "Hindi ka pwedeng tumanggi." si Tristan. "At bakit?" napataas ang aking kilay. May itinuro si Haven kaya napabasa ako. At nanlaki ang aking mga mata sa aking nabasa. (Wag nyo nang itanong kung ano ang nabasa ni Alaina. Hindi ko din alam kasi isip lang nya ang ginamit nya sa pagbasa.) Later..... Wala akong nagawa kundi ang magpatianod nalang sa nangyayaring kamalasan ko ngayon. Takot ako sa dark room, kaya mas pinili ko nalang pakasalan ang impaktong si Haven. I chose the less devil. Kahit pa napakasamang elemento ang magiging asawa ko ngayon. Inis pa naman ako sa isipin na kasalukuyang kumukuha ngayon ng video namin si Hayden. "Haven Cristomo, do you take Alaina Velasquez, as your lawfully wife, in sickness and in health, at magha- honeymoon kayo pagkatapos nito." Ani ni Steven. "Perfect ka talagang maging pari, bro." si Haven saka bumulong sa akin. "Sa tingin mo, saan kaya magandang maghoneymoon, babe?" Kinilabutan ako sa tanong nya. Kaya sinamaan ko sya ng tingin. "E- honeymoon mo 'yang mukha mo." bulyaw ko sa kanya. Tumatawa lang sya kasabayan ang mga pinsan nya. "Wag kayong magtawanan, seryoso ako dito. " si Steven na mukhang ngang kinareer ang pagiging pari. "Haven, answer my question." "Yes father, kaya ko ngang unahin ang honeymoon namin." Kumukulo na ang dugo ko. Talagang nakabastos ng bibig ng Haven na 'to. Bumaling si Steven sa akin. "Alaina Velasquez, do you take Haven Cristomo as your lawfully husband, in sickness and in health at mag- eenjoy ka ng sobra sa honeymoon ninyo." Hindi ko alam kung nagpapatawa ba si Steven. Ang seryoso kasi ng mukha nya. "Ikaw na talaga, bro.." si Haven, sabay akbay sa akin. "Don't touch me!" galit kong bulyaw ko sa kanya. "And for Steven question, my answer is big NO. Ayaw kong maikasal kay Haven kahit kunwari lang. Ginalit ko masyado ang aking boses. Ipinakita ko sa magpipinsan na hindi ako nakikipagbiruan sa kanila. "Ok.You may kiss the bride!" "Hoy Steven, anong kiss kiss 'yang sinasabi mo?" pinamaywangan ko si Steven. Inis akong napatingin sa nakangising si Steven. Nang natapos na ako sa kanya ay inis din akong bumaling ng tingin kay Haven. Pero nanlaki ang mga mata ko nang lumapat ang labi nya sa labi ko. "I hate you!" galit kong bulyaw sa kanya pagkatapos ng sandaling paglapat ng mga labi naming dalawa. Gusto kong na yatang umiyak sa sobrang galit ko kay Haven. That was my 1st kiss at hindi ko 'yon nagustuhan. "Hey, that's not my fault. Sa pisngi lang sana kita planong halikan. Ikaw itong biglang humarap sa akin." pilyo syang ngumiti. "Mukhang sinasadya mo para mahalikan kita sa labi." "Dahil sayo kaya nagiging bangungot ang 1st kiss ko. I hate you! I hate you, Haven Cristomo!" galit kong sabi saka padabog na tinalikuran ang salbaheng magpipinsan. "Ah babe....." Galit akong sandali na napalingon Kay Haven. "E- friend accept mo na ako para ma tag kita sa wedding video natin." Mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya. Papatayin kita, Haven Cristomo! I swear, papatayin talaga kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD