(Alaina)
-
Nakaupo ako habang nakasandal sa backrest ng sun lounger dito sa gilid ng malaking pool namin. Nakasuot lang ako ng two piece swimsuit.
Wala naman sa plano ko ang maligo. Sadya ko lang ibinabad ang aking maputi at makinis na balat sa araw. Plano ko kasi na magpa- tan ng kunti. Naisip ko kasi na baka type ni Ethan 'yon mga medyo tan. Medyo tan kasi ang balat ni Alisson.
At habang nakababad ako sa araw, busy din ako sa pagtsi- tsik ng aking f*******: at i********:. Napakunot- noo ako nang may naka- tag sa akin na isang video mula sa kung sino.
Hindi ko na sana ito papansinin pero na- curious ako sa caption ng video.
Congratulation to the newly wed couple!
Halos naibato ko ang aking cellphone sa gilid sa aking nakita. Video ito nung kasal- kasalan namin ni Haven. At edited pa ito na may background music na "Ikaw ni Yeng". Wala 'yon mga part na nagmamatigas ako. Kaya para tuloy ang saya- saya ko dito sa video. At ang hindi ko matanggap ay kuhang- kuha pa dito ang sandaling paglapat ng mga labi ni Haven.
Naka slow motion pa ang halikan namin sa video, at naka- zoom ang saktong paglapat ng mga labi namin ni...ayaw ko nang sabihin ang kanyang pangalan dahil nakakairita.
Ngitngit na ngitngit ang loob ko. Kung sino man ang may gawa nito, magdasal- dasal na sya dahil ipakukulam ko sya.
Kainis!
Para na naman akong masuka sa isipin na minsan sa buhay ko nahalikan ako ni....ayaw ko talagang sabihin ang kanyang pangalan.
Isang linggo na ang nakakalipas ay lagi parin akong binabagabag ng bangungot na 'yon sa aking buhay. 'Yon masama ko pala bangungot ay sign pala 'yon na may masamang mangyari sa akin.
Kung alam ko lang na sign 'yon. Hindi ko na sana pinagplanuhan na ikasal kay Ethan sa school marriage booth ng school. Kami din naman ang ikakasal balang araw.
Naalala ko pa na halos inubos ko ang laman ng toothpaste ng araw na 'yon, wala lang matira ng kung ano sa labi ko na mula sa labi ni....did I mention that I don't want to mention his name?
Tapos 'yong mga boba kong bestie, kinunan pa ng video ang kasal daw namin ni.....Basta! Sa inis ko agad kong dinilet 'yon video at sa malas ang delete all ang napindot ko. Kaya pati 'yong mga video namin ni Ethan na palihim kong kinuha ay na- erase din. Ang malas ko talaga sa araw na 'yon! Kaya gusto ko na 'yong mawala sa aking alaala.
Kung pwede palang bayaran ang aking isip para burahin nya ang alaalang na 'yon sa aking memory bank, ginawa ko na sana.
Patuloy lang ako sa pag- scroll nang may nadaanan ako na nagpagalit sa akin ng sobra. Kaya agad kong naibato ng malakas ang aking mamahalin na latest na phone sa gilid, sakto at nabasag iyon.... Wag nyo nang itanong kung ano ang brand at unit ng aking phone. Basta latest ito at ubod ng mahal. Mayaman kaya ako!
Ano ba ang nakita ko na nagpagalit sa akin ng sobra at tuluyang sumira nang aking mood? Picture lang naman ni Ethan habang naka- piggyback sa kanya si Alisson. Kaya, humanda si Ethan sa akin. How could he do this to me?
Padabog akong tumayo. Kailangan kong magpabili ng bagong phone sa mommy at daddy ko. Speaking of them, did I mention earlier na minsan ko lang silang nakikita.
And the truth is I don't know where they are right now. Hindi ko alam kong saan lupalop ng mundo nagshopping si mommy. Habang si daddy naman, hindi ko alam saan "constituents" daw sya tumutulong. Kasi kung hindi nyo naitanong, Mayor din kasi si daddy dito sa San Bartolome.
But, I don't care. Nasanay na ako na wala sila. Tapos na 'yon mga panahon na lagi akong umiiyak dahil naiinggit ako sa iba. Kasama nila ang parents nila lagi. Narealize ko na hindi ko sila dapat kainggitan, dapat sila ang mainggit sa akin.
-
-
-
(Haven)
-
"f**k Bro,.what happen to you?" tanong ko agad kay Steven nang basang- basa ito na lumapit sa amin. Kasalukuyang kaming nasa school gym, kasama ang iba ko pang pinsan at kambal.
"f**k Bro, may baliw na babae kanina na bigla nalang akong binuhusan ng orange juice na dala dala nya." naiiritang sabi nito. "Sino bang may extra shirt sa inyo? Nakalimutan ko kasing magdala kanina."
" I have." si Ethan na medyo malayo ng kunti sa amin, inaayos kasi nito ang suot na sapatos.
"Good. Pahiram muna." Ani ni Steven habang pinunasan ang sarili.
"Hindi ako nagpapahiram ng akin, Bro. Pero pwede ko 'yong ibenta sayo. Brandnew 'yon at hindi ko pa nagagamit."
"Fine. How much?"
"Mura lang. 20 thousand."
"f**k! Ano bang meron sa T- shirt mo na 'yan na sobra naman mahal?"
Napailing akong napangiti sa dalawa. Hindi lang kasi nuno sa kakuriputan itong si Ethan, bisyo din nito ang mangutong sa amin.
"Take it or leave it, bro."
"Fine. Saan na?"
"Bayad muna." si Ethan na naman.
"Sa yaman nito, mukha talaga itong pera." si Steven at kinuha ang cellphone. Mukhang nagsesend ito ng pera sa account ni Ethan.
Napatawa sila sa sinabi ni Steven.
"By the way Bro Ethan..." si Tristan. "May utang ka nga palang 20 thousand sa restaurant namin."
"What? Bakit?" kunot- noo si Ethan.
"Kumain kasi doon si Alisson at sinabi ko na libre na ang kinain nya. Kaya may utang kang 20 thousand sa akin."
Nagtigasan ng tingin ang dalawang mukhang pera. Ang kaibahan lang sa kanila, itong si Tristan, hilig manlibre, habang itong si Ethan, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya sa kanyang pera.
"Ano bang meron sa kinain ng sweetheart ko at ganyan kamahal ang babayaran ko sayo?"
"Tulad sa kung anong meron sa T- shirt mo."
Magtawanan kami sa sinabi ni Tristan. Napa-thumbs up kay Tristan si Steven. Magbestfriend ang dalawang ito.
"Basta kasi magseryoso kayo sa babae, mabubutas talaga 'yong pitaka ninyo." si Caleb. Sandali muna itong tumigil sa pakikipaglandian sa babaeng kasama nito. Ibang babae na naman kasama nito.
Gusto ko lang sabihin na kasama din namin ang kambal kong si Hayden. Sadyang tahimik lang syang tao at mahal ang kanyang salita.
Napatigil ako nang nakita ko ang isang babae na kapapasok lang sa loob ng gym. Pinalinga- linga nito ang mga mata na tila ba may hinahanap.
Napangisi ako!
May iinisin na naman kasi ako.