MIS 45 His side 1

2174 Words
(Haven) "Hi, Haven!"masayang bati sa akin ng grupo ng mga babae na dumaan. Isa naman matamis na ngiti ang pinakawalan ko sa kanila. Sabay naman napatili ang apat. "Bilib na talaga kami sa karisma mo."Ani sa akin ng isa kong kasamahan sa CAT. Napailing akong napangiti. Suot ang aking CAT uniform, ang grupo namin ang nagbabantay sa main gate ng EIS. This is the first day of another school year. At nasa grade 12 na ako. Sa totoo lang, sa edad ko na 17, isang beses palang akong nagkaroon ng girlfriend. Hindi talaga ako playboy nang tulad sa mga pinsan ko na kabarkada ko narin. Mas marami pa ngang experience pagdating sa babae ang kakambal ko na si Hayden, kahit ubod pa nito ng tahimik at tila kay hirap lapitan. Madalas lang talaga akong mapagkamalan na playboy at pa fall dahil masyado akong friendly. Wala naman akong ipinangako pero yong mga babae na naging malapit sa akin, ini- expect nila na may gusto din ako sa kanila. At somehow, liligawan ko din sila. But after my break- up with my 1st girlfriend, ipinangako ko sa sarili ko na yong liligawan kong babae ay yong naramdaman ko talaga ang sinasabi nilang pag- ibig. Oo. Naniniwala ako sa ganun kahit wala sa hitsura ko. Medyo malandi kasi ako tignan. Para akong laging nag- aakit. Asset ko talaga ang dalawa kong dimple sa magkabilang pisngi ko. Nakita ko si Celestine mula sa malayo. Kumaway sya sa akin. Ngumiti lang ako. Si Celestine ay ang natatanging naging girlfriend ko. Grade 7 palang ako nung niligawan ko sya, at umabot din naman sa isang taon ang relasyon namin. Sa loob ng isang taon, maliban sa halik, wala na akong ibang ginawa sa kanya kahit pa ilang beses nyang ini- offer sa akin ang kanyang sarili. Maliban na para sa akin, masyado pa kaming bata na dalawa para sa ganun bagay, nirespeto ko rin sya. Nirespeto ko ang mga babae tulad ng pagrespeto ko sa mommy at ate ko. Mabait si Celestine kaya ko sya nagustuhan. Membro nga sya ng campus ministry ng school namin. Hindi talaga ako tumitingi sa hitsura ang isang babae, mas na-aatract ako sa mga babaeng may magandang ugali. Hindi ko sinabi na pangit si Celestine, pero kung ikukumpara sya sa ibang babae na nagpahayag ng pagkagusto sa akin, simple lamang sya. Siguro, yong ang nagustuhan ko sa kanya. Akala ko okay ang relasyon naming dalawa. Hindi ko lubos akalain na ang isang babae na katulad ni Celestine ay makagawa ng bagay na ni sa panaginip hindi ko naisip. I caught her making out with someone. Agad ko syang hinihiwalayan, kahit halos lumuhod na sya sa harapan ko. Buong akala ko na matagal pa bago ako maka- move on, but the next day, parang wala lang sa akin ang nangyari sa relasyon namin ni Celestine. Then I realize that I don't really love her. Nabura na parang bula iyon magandang imahe nya sa isip ko, dahil sa nakita ko. Kaya wala na akong nadarama sa kanya. Mula nung, hindi na ako nagka-girlfriend. Dahil, gusto ko na ang susunod kong maging girlfriend ay mahal ko talaga. May mga nagiging crush naman ako, pero hanggang paghanga lang ang nadarama ko sa kanila, hindi iyon isang malalim na damdamin para maging dahilan na liligawan ko sila. Ayaw kong manakit ng damdamin ng isang babae, kaya ayaw kong magpadalus- dalus sa panliligaw. Napatigil ako sa aking ginagawa nang nakita ko ang pagpasok ng isang napakagandang babae sa gate ng school. Napatulala yata ako sa kanyang kagandahan. Sa lahat ng babae na nakikita, sya na yata ang pinakamaganda sa paningin ko. Siguro transferee sya, kasi kung old student sya, impossible naman na ngayon ko lang sya napansin. Para akong naglaway na napatingin sa kanyang milky long legs. Nakasuot lang kasi sya ng mini-skirt. Nag- iinit yata ang aking pakiramdam at ngayon lang ito nangyari sa akin. Kinalma ko ang aking sarili, baka sabihin pa ng mga kasama ko na napaka- maniac ko. Napalingon ako sa dalawa kong kasama, at nabatukan ko sila ng wala sa oras nang napansin ko kung saan sila nakatingin. Sa legs pa naman sila ng magandang babae nakatingin. "Umayos kayo." Ani ko sa mga ito. Nakadama ako ng pagkairita. Bakit ba idinidisplay ng babae ito ang kanyang legs? Napalapit ako sa babae na ngayon ipinalinga- linga ang mga mata, na tila may hinahanap. "Excuse me, Ms." Napatingin sya sa akin. Mas lalo syang gumanda sa malapitan. Kunot- noo sya. "Do you know that you wear something that doesn't pass the dress code of our school?" Fuck! Bakit ba ito ang nasabi ko? Wala naman talagang dress code ang school namin. We wear our school uniforms if not wash day. And since, first day of school, kaya okay lang muna ang hindi magsuot ng school uniform. "I don't care!"taas kilay na sabi nya. "Umalis ka nga sa daraanan ka. Nasisira ang araw ko sayo. s**t!" What the----? First time kong naranasan na murahin ng babae at pagsasalitaan ng tulad ng sinabi nya. Nainis ako. "Hoy miss, hindi naman kita sisitahin kung na---" "Umalis ka nga sa daraanan ko. Hindi mo yata ako kilala. For your information, anak ako ng mayor ng San Bartolome. I can do everything that I want. Kaya wag kang humarang- harang sa akin, bago pa kita kasuhan ng s****l harrashment."pasungit na sabi nya. Padabog syang nagmartsa para lampasan ako. Nakatunganga akong nasundan sya ng tingin. Hindi lang ang kagandahan nya ang nagpatulala sa akin, pati na ang kanyang ugali. Kaya failed na agad sa standard ko ang babaeng 'yon dahil sa sama ng ugali. That's the first time that I saw Alaina. The girl who stole my heart from that moment that I first laid my eyes on her. Oo! Gustong- gusto ko talaga sya. Sa kabila ng katotohanan na ang pangit ng ugali nya, at lagi nya akong iniinsulto. Lahat ng kamalasan na nangyayari sa kanya, ay ako ang lagi nyang sinisisi. Ako daw ang kanyang most hated human being at disaster sa kanyang buhay. Gustong- gusto ko sya kahit patay na patay pa sya sa pinsan ko na si Ethan. Ginawa ko ang lahat para hindi lang sya mapalapit kay Ethan. Mabuti nalang at nakisabay sa akin ang tadhana, at pinagseselusan sya ni Alisson, kaya iniiwasan sya ng pinsan ko. Dinala ko lang sa biro ang lahat pero nasasaktan din naman ako pag sasabihin nya sa akin na si Ethan lang ang gugustuhin nya. Lihim akong umaasa na sana makita din nya ako bilang espesyal na lalaki sa buhay nya, at hindi malas sa buhay nya. Baliw na nga ako at sa kanya pa ako nagkagusto. Pero, hindi ko sya kayang burain sa puso't isip ko. Hindi nya alam kung gaano ako napatulala sa kanya sa tuwing hindi sya nakatingin sa akin. Kung gaano ko pinangarap na mayakap at mahadkan sya. Nung hindi sinasadyang nahalikan ko sya sa labi sa wedding booth, iyon na yata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon para mapalapit sa kanya. Ipinapakita ko sa kanya na lagi lang akong nandito para sa kanya, hindi para inisin sya o sirain ang kanyang araw, kundi para iparamdam sa kanya na mahalaga sya sa akin. We become friends, nabuhayan ako ng loob, dahil pwede ko nang iparamdam sa kanya kung gaano sya kahalaga sa akin na hindi nya ako pinag- iisipan ng masama. But, he betrayed me. Ginamit nya ang friendship namin para masagawa nya ang plano nya kay Ethan. Galit na galit ako at hindi ko matanggap yon. Kaya pala nyang ibigay ang lahat sa pinsan ko. I am so devastated at sobra akong nasaktan. Iyon ang pagkakataon na napalapit uli sa akin si Celestine. Nasasabihan ko sya sa dinaramdam ko. Dahil mabait sya at maalahanin. Pero, wala na talaga akong nadarama sa kanya na higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko matiis si Alaina, kaya nung sinabi nya na mahal nya ako. Agad kong sinunggaban ang pagkakataon. And we are so happy together. Mas lalo kung napatunayan kung gaano ko sya kamahal. Hindi ako nagiging ganito na sobra kasaya, tulad ng nadarama ko sa piling ni Alaina. Lagi ko syang ipinagmalaki sa mga magulang ko at sa kahit sino na kapamilya ko. Vocal na vocal ako sa nadarama ko sa kanya. "Oohhhh...." sabay kaming napaungol. Masyado nang mainit ang katawan naming dalawa. Halos hubad narin kaming dalawa. Sobra kong pinagnanasaan si Alaina, kaya dito talaga umabot ang halikan naming dalawa. Pero, hanggang make out lang kami at dry hump, dahil ayaw kong dungisan sya ng sobra. Mahal na mahal ko sya. Kakambal ng pagmamahal ko sa kanya ay ang malaking respeto ko sa kanyang p********e. Bata pa kami pareho at natatakot akong masira ang kanyang kinabukasan kung magpapadala ako sa bugso ng damdamin at init ng katawan. Alam kong magkakalayo din kaming dalawa, dahil dadalhin sya ng mommy nya sa New York. Okay lang sa akin! Gusto nyang makasama ang mommy nya at ayaw kong maging sagabal sa kasiyahan nya. Plano ko naman syang bisitahin doon sa New York lagi. At ipinangako ko sa kanya na pakakasalan ko sya balang araw dahil sigurado naman ako na sya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay. "Haven please." naiiyak na sabi ni Celestine. "Please, say that you still love me too, at pinagseselos mo lang ako." "It's been years Celestine. Mahal ko si Alaina." Hindi ko napaghandaan ang gagawin ni Celestine. He suddenly kissed me on my lips. To prove myself na wala talaga akong feelings sa kanya, kaya hindi ko sya itinulak agad. But I didn't kiss her back. Tulong luha syang nakatingin sa akin. "I'm sorry Celestine, mahal na mahal ko si Alaina. Sya lang at wala ng iba." But Alaina broke up with me. Galit ako sa kanya at nasaktan ako ng sobra. Lalo pa at sinabi nya sa akin na ginamit lang nya ako, at si Ethan talaga ang gusto nya. Sa frustration na nadarama ko, nagalit ako pati na sa pinsan ko. Nasuntok ko ang pinsan kong si Ethan. Hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat na ginawa ko para kay Alaina, si Ethan parin ang gusto nya. Frustrated and broken, hindi muna ako nagparamdam sa kanilang lahat. Nang nalaman ko na umalis na sina Alaina at ang mommy nya papunta sa New York, para parin akong baliw na sinundan pa talaga sila sa airport. Wala na akong pakialam na ginamit lang nya ako para mapalapit kay Ethan. Mahal ko sya at handa akong maghintay kung kailan nya ako matutunan mahalin. Pero, hindi ko na sila naabutan. Then, may natanggap akong sulat na mula kay Alaina. That letter broke my heart more. Buong araw at gabi akong naglasing. Sa kalasingan ko, hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Kinabukasan, nagising ako sa isang kama na nakahubad na katabi si Celestine. Celestine claimed that were having s*x at ako ang nakakuha ng virginity nya. Hindi ko halos matanggap iyon. I don't have a plan to have s*x with anyone whom I didn't love. For me, s*x is a union of two person who is very much inlove with each other. Wala akong maalala sa nangyari, kaya paniwalang- paniwala ako sa kanya. Masyadong mahina ang katawan ko sa alak, at medyo makalimot talaga ako pag lasing. Kaya nga, hindi ako masyadong sumasali sa inuman ng mga pinsan ko. Ipinagkalat ni Celestine na nagkabalikan na kaming dalawa. Hindi ko nalang syang kinontra dahil sa guilt na nadama. I corrupted her virginity. Ilang beses nyang sinubukan na may mangyari uli sa amin, pero ni halik ay hindi ko magawa sa kanya. "Kayo na pala uli ni Celestine? Ang galing nyang gumiling, diba. Halos wala kaming pahinga na dalawa." Ani sa akin ng ex ni Celestine na dating schoolmate namin. Ayaw ko sanang maniwala sa kanya dahil baka sinisiraan lang nya si Celestine pero may ipinapakita sya sa akin na isang video. Sa totoo lang, mas nandiri ako kay Celestine dahil sa video na nakita ko. I confronted Celestine dahil nagsinunggaling sya sa akin. Sabi nya ako ang una, yong pala, ang dami na pala nyang experience kasama ang ex nya. Hindi ako nakipaghiwalay sa kanya dahil hindi naman kami totoong nagkabalikan. Pero, pinatitigil ko na sya sa pagkakalat nya na nagkabalikan kami. Pagkatapos ng dalawang buwan na pagtitiis ko kay Celestine, sa wakas, umalis narin sya. Nagmigrate ang buong pamilya nya sa ibang bansa. Hindi mawala- wala si Alaina sa sistema ko kaya I stalk her again. I stalk her through social media. Pero, nasasaktan ako uli nang nakita ko na may kasama syang isang lalaki sa mga post nya. Lagi nyang kasama ang lalaki na yon at mukhang sweet na sweet silang dalawa. Broken hearted na naman ako at ang akala ng nakakarami na si Celestine ang dahilan kaya nasaktan ako ng sobra. Hinayaan ko nalang sila dahil baka pagtawanan lang nila ako pag malaman nila na baliw na baliw parin ako kay Alaina. At si Alaina parin ang dahilan kaya naglalasing na naman ako at nasaktan ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD