Lumipas ang mga taon. Sinubukan kong makipagdate sa ibang babae, pero hanggang 1st base lang ako. Hindi ko na kasi pinapatagal kung wala naman akong malalim na pagkagusto sa isang babae. Wala akong ginalaw ni isa man sa mga babaeng nakadate ko.
Then, Alaina is back. Saka ko narealize na kaya pala hindi ko magawang umibig sa iba dahil sya parin.
Lagi akong nakasunod at nakabantay sa kanya. Alam ko naman na wala syang gagawin kay Ethan, dahil ang pinsan ko na mismo ang nagsabi na hanggang magkaibigan lang sila ni Alaina, at negosyo lang ang dahilan kaya sila magkasama. Pero, mas mabuti nang makasiguro. Hangga't hindi nagkakabalikan sina Ethan at Alisson, malaki ang chance na baka magkadevelopan ang dalawa.
Alam ko naman na mahal ng pinsan ko ang kanyang asawa, pero iba ang kamandag ni Alaina. Lalo na't mas lalo syang gumanda at sumeksi sa paglipas ng mga taon.
Ang pagkidnap ko sa kanya at pagdala sa yate ko ay hindi ko plinano. Pati narin ang mga nangyayari sa amin sa loob ng isang linggo sa aking yate.
Masaya ako sa isipin na ako lang ang lalaki sa buhay nya. And I will make sure that I am her first, her last and her one and only.
I thought na sasaya na kami ni Alaina, pero biglang bumalik si Celestine, at may sinabi sya sa akin na halos nagpagunaw sa mundo ko.
"My anak tayo Haven. Nagbunga yong nangyari sa atin. He is now 8 years old. Hindi ko na kayang itago sya sayo dahil kailangan ka namin. May leukemia sya at gusto ka nyang makita."
Sinamahan ko si Celestine sa Thailand para makita ang anak ko. Naawa ako sa bata dahil mahinang- mahina sya.
Pero, hindi ko naramdaman ang sinasabi nilang lukso ng dugo. Kaya medyo frustrated ako. Dugo't laman ko ang batang ito, pero awa lang sa kalagayan nya ang nadarama ko. Nasa angkan pa naman namin ang masyadong mapagmahal sa dugo't laman namin. Pero iba ang nangyari sa akin.
"Gusto ko syang ipa- DNA test." Ani ko kay Celestine.
"Have you heard your self Haven, may sakit na nga sya, gusto mo pang ipa- DNA. Alam ko naman na hindi mo ako mahal, pero kahit para lang sa anak natin."
Naguilty ako sa sinabi ni Celestine.
Gusto kong tawagan si Alaina para kumustahin pero lagi ipinamukha ni Celestine sa akin na para naman sa pamilya namin ang mga panahon na 'yon.
Hiniling ng anak ko na sana makakasama nya kami ng mommy nya lagi, kaya hindi sinasadya na nasabi ko sa kanya na mabubuo ang pamilya namin. At binigyan iyon ng ibang kahulugan ni Celestine.
Umuwi ako sa Pilipinas, hindi kami magkasama ni Celestine.
Napag-isipan ko na pumunta nalang sa party ng Montalban Hotels. Yayain ko sana si Alaina pero hindi ko nalang itinuloy dahil baka nasa San Bartolome na sya, dahil birthday nga ng kapatid nya.
Hindi kami magkasama na pumunta ni Celestine sa party, nagkataon lang at nagkita kami sa labas ng venue.
Masaya ako ng nakita ko si Alaina pero halos gusto ko ng manuntok nang nakita ko na kasama nya si Caleb. Selos na selos ako. Lalo pa't pinag- iisipan pa talaga ng mga taga media na may relasyon sila ni Caleb at magpapakasal na.
Sa kabila ng katotohanan na may anak kami ni Celestine, pero hindi ko parin kayang kalimutan si Alaina.
I can't let go Alaina. Kaya patuloy parin ang panunuyo ko sa kanya. Hanggang sa nagkabalikan kami uli. I even proposed to her. At masayang masaya na naman ako.
"Alam kong ginagantihan mo lang sya, tulad ng sinabi mo noon. Kaya okay lang sa akin. Hahayaan muna kita na masagawa ng plano mong paghiganti. Basta ba, sa amin ka parin ng anak mo sa bandang huli." si Celestine.
Hindi ko sya pinansin. Wala akong time para sa kanya. Katatapos ko lang ibigay sa kanya ang malaking pera na hiningi nya sa akin para sa anak namin. Buo na ang desisyon ko. Susuportahan ko ang anak namin pero si Alaina ang pipiliin ko. Magpapakaama naman ako sa anak namin ni Celestine.
Dinala ko si Alaina sa Pearl Island para makapagrelax kami pareho, habang lihim kong inasikaso ang surprise ko sa kanya. Isang engagement party na hindi nya inaasahan.
Pero, sinira na naman ni Celestine ang plano ko. Bigla syang dumating at ginulo kami.
Oo! I gave her an invitation dahil pangarap daw nya na makapunta sa Isla. At wala iyon malalim na dahilan sa akin.
Nasira ang mood ko nang pahawak- hawak si Caleb kay Alaina, kahit si Celestine pa 'yong tinutukso- tukso nya. Pero, iba ang pagkakaintindi ni Alaina dun.
Hindi ko naman intensyon na papanigan si Celestine nung nag- away sila ni Alaina. Ang anak ko ang pumapasok sa isip ko nang nakita ko na medyo nadehado na si Celestine. Kung may mangyaring masama sa kanya, paano na ang anak namin?
Naguilty ako dahil hinuhusgahan ko si Alaina. Galit na galit sya sa akin at ibinalik nya sa akin ang singsing na ibinigay ko sa kanya. Takot na takot ako na baka maagaw sya ni Caleb mula sa akin, lalo pa at tahasan inamin sa akin ng pinsan ko na may gusto sya kay Alaina.
Fuck! Gusto kong sirain ang mukha ni Caleb. Ang lakas ng loob nya na agawin si Alaina mula sa akin.
"Mahal ko si Alaina, Celestine. Layuan mo na kami. Magpapakasal kaming dalawa." Ani ko kay Celestine.
"At paano kami ng anak ko, Haven?"
"Tulad ng sinabi ko, hindi ko tatakasan ang obligasyon ko bilang ama."
"Mag- isip ka Haven. Alam ko naman na hindi mo sinasadyang sabihin 'yan. At saka sa tingin mo, tatanggapin kapa kaya ni Alaina pag malaman nya na may anak tayo."
Natakot ako sa sinabi ni Celestine, kaya kailangan maikasal na kami ni Alaina bago pa nya malaman ang tungkol sa anak namin ni Celestine.
Ginawa ko na naman ang halos lahat para bumalik si Alaina sa akin. Dinala ko pa ang pamilya ko sa bahay nila para mamanhikan. Gusto kong ipakita sa kanya na desidido ako sa pakikipagbalikan ko sa kanya. Mahal na mahal ko sya.
At nagkabalikan nga kami uli. This time, hindi ko na hahayaan na magkahiwalay uli kami.
Lihim kong plinano ang kasal naming dalawa. Kausap ko ang wedding organizer namin sa kasal namin ni Alaina. Narinig ni Celestine ang plano namin sa wedding surprise ko kay Alaina at iba ang kanyang pagkaintindi.
"Sabi ko na nga, plano mo lang gantihan si Alaina. Na kami ng anak mo ang mas matimbang sayo. Na mahal mo parin ako." si Celestine.
"Ano ba nya pinagsasabi mo, Celestine?"
"Prove to me that you don't love me anymore, Haven. Hahayaan mo ako na halikan ka. At hindi ka maaapektuhan sa halik ko."
Kung alam ko lang kung ano ang mangyayari, hindi ko nalang sana sinakyan ang sinasabi ni Celestine.
"Masaya kana? Layuan mo na ako, bago ko pa makalimutan na ina ka ng anak ko. Mahal ko si Alaina. Tandaan mo 'yan." galit na sabi ko kay Celestine.
Galit na galit ako kay Celestine, lalo pa't puro naman kasinunggalingan ang mga pinagsasabi nya.
Seeing Alaina leaving me is the most painful that happen to me.
Bakit ba kay dali lang nya akong iwan at talikuran?